Dairy Diary
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dairy Diary, Digital creator, Legazpi.
Buhay at karanasan bilang Dairy Farmer sa New Zealand: tips, kwento, at inspirasyon para sa mga Pilipino na nangangarap mag-abroad. π±πΌ
β οΈ Disclaimer: Hindi kami agency at hindi nag-aalok ng trabaho; info at inspiration lamang.
Maraming gustong mag-abroad, pero alam mo ba kung ano ang tamang paraan ng pag-a-apply? π€
Dito ko ipapakita ang legit na proseso, mga tips para iwas scam, at kung paano magsimula nang tama para sa pangarap mong trabaho abroad. πͺβοΈ
Para sa mga kababayan nating nangangarap ng mas magandang bukas, ito ang guide mo! π΅ππΌ
π’ Paalala po sa lahat:
Sa mga nagtatanong tungkol sa mga legit agencies para sa pag-apply abroad, maaari po kayong dumiretso sa Department of Migrant Workers (DMW).
May batas po kasi ngayon na nagbabawal sa pag-share o pag-post ng listahan ng mga recruitment agencies, kahit pa ito ay mga legit. Gustuhin ko man pong mag-post at huwag burahin ang mga dati kong ibinahagi tungkol dito, ang page ko po mismo ang naapektuhan.
Dahil dito, nagkaroon ng 1-month restriction ang Dairy Diary kaya hindi po ito nakikita ng mga followers sa Pilipinas, at pansamantala rin akong hindi nakapag-upload.
Wala po akong nilabag sa Meta Community Standards, ngunit ayon po sa impormasyon, ang DMW mismo ang nag-request kay Meta na i-restrict ang page.
Sana po ay inyong maunawaan. Kung may katanungan kayo tungkol sa pag-apply abroad, mas mainam po na dumiretso sa DMW para sa tamang impormasyon. ππ΅ππ
Hello Dairy friends! Sino po sainyo ang nasa Pinas ngayon at nakita 'tong post na ito? Pacomment po please.π Salamat poπ€
27/09/2025
π βPrayer is Powerfulβ π
Kapag naniniwala kang makapangyarihan ang panalangin, alam mong hindi lang ito basta mga salita, ito ay isang pakikipag-usap sa Diyos na nagbibigay-lakas ng loob, kapayapaan, at pag-asa.
Sa gitna ng mga pagsubok, ang panalangin ang nagiging sandalan mo.
Kapag hindi mo na alam ang susunod na hakbang, dito ka nakakahanap ng gabay at direksyon.
Sa oras ng pangungulila o pangamba, ito ang nagbibigay ng kapanatagan at kumpiyansa na hindi ka nag-iisa.
Ang panalangin ay hindi laging agad nasasagot ayon sa gusto natin, pero naniniwala tayo na laging may sagot: oo, hindi pa ngayon, o may mas mabuti pang nakalaan.
Ito ang nagpapalakas ng pananampalataya na may Diyos na nakikinig at kumikilos kahit sa mga bagay na hindi natin nakikita.
ππ« Kung naniniwala kang βPrayer is Powerful,β pinipili mong kumapit sa pag-asa at manalig na may higit na plano at kabutihan na naghihintay.
27/09/2025
Hi Sis,
Sinubukan kitang kausapin nang maayos pero hindi mo ako pinakinggan, tinurn-off mo pa ang comment section at binlock ako. Sayang, gusto ko lang sanang ayusin nang maayos ang issue natin.
Kung magkaroon ka man ng problema sa page o monetization, you deserved it. Hindi lang ako ang ninakawan mo ng audio-script, alam mo βyan sa sarili mo.
Sana huwag mong ugaliin ang ganitong gawain. Nasa NZ ka na, sana ihinto mo na ang ugaling buwayang magnanakaw na nakasanayan ng mga nasa gobyerno sa Pinas.
Palaging merong dalawang uri ng kwento.
Una, ang ganda palang magwork dito sa New Zealand kasi dito ko naranasan mga bagay na di ko naranasan noong nasa Pinas pa ako.
Pangalawa, ang lungkot pala magwork dito sa New Zealand kasi dito ko naranasan mga bagay na diko naranasan noong nasa Pinas pa ako.
Now decide, anong klase ng kwento ang gusto mong ikwento? Nasa mga kamay mo kung paano mo gustong isulat ang kwento mo.π€
Good news: Walang buwaya at ahas sa New Zealand.
Bad news: Nasa gobyerno ng Pilipinas sila at ninanakaw ang kaban ng bayan. πππΈ
26/09/2025
Maraming-maraming salamat po sa lahat ng nagtitiwala at sumusuporta. May God bless you po.π€
Life update
Wala nang boses kakarecord para sa good for 2 weeks na videos(topic) dahil 12 days-on & 2 days-off sa workπ€
Sana po maappreciate nyoπ
Click here to claim your Sponsored Listing.