Dong Padilla
Matapat na serbisyo, hindi posisyong pangnegosyoโito ang aking pangako bilang Gobernador.
07/10/2026
06/10/2026
Malugod at buong puso po nating tinatanggap si Hon. Mercy S. Jugueta ng Tanawan, Capalonga bilang bagong Indigenous Peoples Mandatory Representative ng Camarines Norte. Malaki po ang responsibilidad na kaakibat ng tungkuling ito. Bilang kinatawan ng ating mga kapatid na katutubo sa loob ng Sangguniang Panlalawigan, dala po ni IPMR Mercy ang kanilang mga boses, pananaw, at mga pangangailangan sa mga usapin ng lokal na pamamahala.
Umaasa po tayo na magiging maayos ang ating pagtutulungan sa pagsusulong ng mga programang makabubuti sa ating mga katutubong pamayanan at sa buong Camarines Norte. Nais din po nating matiyak na ang kanilang mga saloobin ay maayos na naipararating at nabibigyan ng kaukulang pansin sa mga usaping may epekto sa kanilang kapakanan.
Kasabay ng pagsisimula ng bagong tungkuling ito, nagpapasalamat din po tayo kay Hon. Rick Noblesala sa kanyang naging serbisyo at ambag bilang kinatawan ng ating mga kapatid na katutubo.
Maligayang pagdating sa bagong yugto ng inyo pong paglilingkod, Ma'am Mercy. Nandito po tayo at ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte upang makipagtulungan sa iyo. Sama-sama po nating tiyakin na ang boses ng ating mga katutubo ay hindi lamang maririnig, kundi tunay na mapapakinggan at maisasalin sa konkretong pagkilos para sa ating mahal na lalawigan.
04/10/2026
๐๐๐ฉ๐ฉ๐ฒ 58๐ญ๐ก ๐
๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ฎ ๐๐๐ฆ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ข ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ค๐๐ฅ๐ข๐จ๐งโ๐ฌ ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐
๐ซ๐๐ญ๐๐ซ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฆ๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ
Isang taos-pusong pagbati po sa lahat ng mga kasapi ng Tau Gamma Phi โ Triskelionโs Grand Fraternity, sa pagdiriwang ng inyong 58th Founding Anniversary!
Maraming salamat po sa inyong hindi matatawarang serbisyo, pagkakaisa, at patuloy na pagtulong sa ating lalawigan. Patuloy nawa kayong maging gabay sa paglilingkod sa ating mga kababayan.
Salute at Mabuhay po ang Tau Gamma Phi! ๐ต๐ญ
03/10/2026
USSAP - UGNAYAN SA SIGURADONG SERBISYONG ALAY PANGBARANGAY.
Masaya ko pong ibinabahagi ang naging
matagumpay nating pagbisita sa Barangay Malaguit at Barangay Poblacion Sur sa Paracale, kasama ang mga Kawani ng pamahalaan katuwang si Vice Governor Engr. Joseph Ascutia at ang Sangguniang Panlalawigan upang idaos ang USSAP - UGNAYAN SA SIGURADONG SERBISYONG ALAY PANGBARANGAY!
Sa bawat pagkakataon po nakakaugnay ko ang ating mga lokal na pinuno at mga namamarangay, lalo kong nakikita ang inyong pagnanais na mapaganda ang buhay ng ating mga kababayan. Lagi pong bukas ang ating tanggapan para sa inyong mga pangangailangan at layunin.
"Naniniwala po ako na ang lakas ng ating
lalawigan ay nagmumula sa pagkakaisa ng
ating mga barangay."
Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta!
โ๏ธ
๐๐๐
๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ 2026. ๐โโ๏ธ๐ต๐ญ
Kung may angking ganda ang Siargao, Baler, La Union, at iba pang kilalang surfing destinations sa bansa, siguradong hindi rin papahuli ang Bagasbas Beach dito sa Daet, Camarines Norte! ๐โโ๏ธ๐
Ang tagumpay po ng ating Surfing Competition ay hindi simula at wakas, ito ay pambungad pa lamang sa mas marami at mas malalaking kaganapan sa ating probinsya. Asahan po ninyo na sa pagtutulungan namin ni Vice Governor at ng buong Pamahalaang Panlalawigan, ay pagsisikapan naming gawing taunang tradisyon ang ganitong malalaking kaganapan upang mas lalo pang dumami ang ating mga turista.
Maraming salamat po sa ating mga naging bisita at lokal na mamamayan, huwag po kayong magsasawang bumalik sa ating mahal na lalawigan ng Camarines Norte! ๐ค๐๐โโ๏ธ
โ๏ธ
02/10/2026
Kaisa po ako sa pagdadalamhati ng Pajarillo Family at ng buong Bayan ng Mercedes sa pagpanaw ni Former Mayor PEPITO PAJARILLO LO, SR. (Municipal Mayor, 2001โ2010).
Thank you for your years of leadership and genuine service to the people of Mercedes. Ang iyong magandang legacy ay mananatili sa ating mga puso.
Our prayers and thoughts are with you all. Rest in peace, Mayor Pepito.๐๏ธ๐๐ฏ๏ธ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Alerts
Be the first to know and let us send you an email when Dong Padilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.