La Columna - LSDI

La Columna - LSDI

Share

๐“๐ก๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ฉ๐ž๐ซ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐ฒ๐œ๐ž๐ฎ๐ฆ ๐จ๐Ÿ ๐’๐ญ ๐ƒ๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐œ ๐ˆ๐ง๐œ.

Photos from La Columna - LSDI's post 15/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐€๐Š ๐๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐: ๐๐€๐”๐‹๐€ ๐‰๐„๐€๐, ๐‹๐”๐Œ๐”๐’๐Ž๐“ ๐‡๐€๐๐†๐†๐€๐๐† ๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐’
ni: Shayeda Alpuerto

NAGTALA ng matatag na kampanya si Paula Jean Barnedo ng Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI) matapos masungkit ang silver medal sa Badminton Girls Single A ng CANAPS.

Sa unang laban kontra MCE Academy, agad nagpakita ng dominasyon si Paula Jean matapos manalo sa dalawang set, 15โ€“5 at 15โ€“3.

Sa quarterfinals, muling nagwagi ang LSDI kontra San Vicente Parochial School (SVPS) sa iskor na 15โ€“5 at 15โ€“12, para umusad sa semifinals.

Sa isang matinding three-setter kontra North Hills College of Asia (NCA), hindi nagpadaig si Paula Jean matapos makabawi mula sa unang set na 7โ€“15. Bumawi ang LSDI sa ikalawang set, 15โ€“7, bago tuluyang selyuhan ang panalo sa deciding set, 15โ€“12, para makapasok sa finals.

Sa championship round, hinarap ng LSDI ang Mabini Colleges, Inc. (MCI). Bagamaโ€™t nagtapos sa silver matapos mabigo sa dalawang set, 3โ€“15 at 4โ€“15, ipinakita ni Paula Jean ang determinasyon sa buong kompetisyon.

Disenyo at kuhang larawan ni: Allysa Callejo


โ€Ž
โ€Ž

Photos from La Columna - LSDI's post 15/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐’๐ˆ๐‹๐•๐„๐‘ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹๐ˆ๐’๐“: ๐…๐‘๐„๐–๐ˆ๐, ๐Œ๐€๐“๐€๐“๐€๐† ๐’๐€ ๐๐€๐ƒ๐Œ๐ˆ๐๐“๐Ž๐ ๐๐Ž๐˜๐’ ๐’๐ˆ๐๐†๐‹๐„ ๐
ni: Shayeda Alpuerto

NAGPAKITA ng tibay at husay si Frewin An ng Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI) matapos makuha ang silver medal sa Badminton Boys Singles B ng CANAPS matapos umabot sa finals.

Sa unang laban kontra San Vicente Parochial School (SVPS), winalis ni Frewin ang dalawang set, parehong 15โ€“5.

Sa quarterfinals, muling nagpakitang-gilas ang LSDI matapos talunin ang Maria Aurora Academy, Inc. (MAA), 15โ€“9 at 15โ€“2, upang umusad sa semifinals.

Sa semifinals kontra SFPS, pinatunayan ni Frewin ang kanyang husay sa dikit na laban matapos makuha ang dalawang set, 16โ€“14 at 15โ€“12, para makapasok sa finals.

Sa championship round, hinarap ng LSDI ang Our Lady of Lourdes College Foundation, Inc. (OLLCF). Bagamaโ€™t hindi nakuha ang kampeonato matapos matalo sa dalawang set, 5โ€“15 at 5โ€“15, naiuwi ni Frewin ang silver medal matapos ang matatag na kampanya hanggang sa finals.

Disenyo at kuhang larawan ni: Allysa Callejo


โ€Ž
โ€Ž

Photos from La Columna - LSDI's post 14/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐‹๐ข๐ฆ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐-๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ง๐š ๐ฐ๐š๐ ๐ข, ๐๐ข๐ฅ๐š๐ค ๐ง๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง: ๐‹๐’๐ƒ๐ˆ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐†๐ข๐ซ๐ฅ๐ฌ, ๐€๐ง๐ ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง
Ni: Grace Perez

NAKIPAGTAGISAN ng lakas at galing ang Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI) Volleyball Girls kontra Mabini Colleges, Inc. sa CANAPS finals na idinaos noong ika-13 ng Setyembre 2026, kung saan nasungkit ng koponan ang pilak na karangalan.

Dikit ang naging labanan ng dalawang koponan sa huling yugto ng kompetisyon. Unang nakalamang ang Mabini, ngunit hindi nagpatinag ang LSDI at nakabawi sa ikalawang set upang muling maging dikit ang laban.

Sa huling bahagi ng laro, nagtapos ang puntos sa 20โ€“25, pabor sa Mabini. Bagamaโ€™t hindi naiuwi ng LSDI ang kampeonato, ipinakita ng koponan ang determinasyon at sportsmanship hanggang sa huling punto.

MULA SA MGA PANALO, TUNGO SA HULING LABAN

Bago makarating sa finals, matatag na ipinakita ng LSDI Volleyball Girls ang kanilang husay matapos harapin ang anim na koponan sa CANAPS, kung saan nakamit nila ang mahahalagang panalo at patuloy na ipinamalas ang kanilang pagtutulungan at sportsmanship sa loob ng court habang naghahangad patungo sa huling pagtutuos.

Unang hinarap ng LSDI ang Northills College of Asia (NCA) sa isang dikit na labanan na puno ng habulan sa puntos. Sa unang set, agad na nakalamang ang NCA na umabot sa siyam na puntos. Gayunpaman, hindi nagpatinag ang LSDI at unti-unting hinabol ang puntos ng katunggali hanggang sa muling maging dikit ang laban.

Pagsapit ng ikalawang set, mas naging agresibo ang LSDI at nakakuha ng mahahalagang puntos upang maungusan ang NCA. Sa kabila ng matinding pressure at pagtatangkang makahabol ng kalaban, nanatiling determinado ang LSDI Volleyball Girls hanggang sa tuluyang makuha ang panalo.

Ipinagpatuloy naman ng LSDI ang kanilang magandang laro laban sa ACLC College of Daet. Sa unang set pa lamang, agad na nakapagtala ang LSDI ng malaking kalamangan sa puntos. Patuloy nilang pinanatili ang distansya sa iskor sa pamamagitan ng matitinding palo, maaayos na depensa, at matatag na serbisyo.

Hindi rin nagpahuli ang koponan sa ikalawang set at patuloy na kinontrol ang takbo ng laro hanggang sa tuluyang makuha ang panalo sa loob lamang ng dalawang set.

Sinundan ito ng panibagong matatag na laro kontra Montessori Childrenโ€™s House of Learning (MCHL). Pinangunahan agad ni Ladislao ang pagseserbisyo para sa LSDI at sinundan ito ng sunod-sunod na puntos ng koponan. Unang set pa lamang, malinaw na ang kalamangan ng LSDI matapos itong tapusin sa iskor na 25โ€“9.

Sa ikalawang set, lalo pang lumaki ang lamang ng LSDI nang matapos ito sa iskor na 25โ€“4, sa pangunguna ni Bola at ng iba pa niyang mga kasama. Mula sa unang set hanggang ikalawa, nanatiling kontrolado ng LSDI ang laro upang makuha ang panibagong panalo.

Nagpatuloy ang magandang takbo ng koponan sa kanilang laro laban sa La Consolation. Agad na nakalamang ang LSDI sa unang set na umabot sa limang puntos bago pa nakapagtala ng puntos ang kalaban. Nagpatuloy ang kanilang kalamangan hanggang sa matapos ang set sa iskor na 25โ€“10, pabor sa LSDI.

Sa ikalawang set, nakalamang man ang La Consolation, agad itong nabawi ng LSDI. Sa huli, nagtapos ang set sa iskor na 25โ€“12 na nagbigay sa koponan ng panibagong panalo.

Hindi naman nagpahuli ang LSDI sa kanilang laban kontra Saint Francis Parokyan School. Mula sa unang set, sunod-sunod ang naging kalamangan ng LSDI at nagtapos ito sa iskor na 25โ€“10.

Nagkaroon man ng ikatlong set matapos makuha ng Saint Francis ang panalo sa ikalawang set, agad na bumawi ang LSDI at muling kinuha ang kalamangan. Sa huli, nanaig pa rin ang LSDI Volleyball Girls matapos ipakita ang kanilang determinasyon na maibalik ang momentum ng laro.

Sa anim na sunod-sunod na sagupaan, patuloy na ipinamalas ng LSDI Volleyball Girls ang kanilang kagitingan, pagkakaisa, at puso ng isang tunay na atleta. Sa bawat puntos at set, dala ng koponan ang labanang may tiyaga at pagtutulungan, patunay na higit pa sa panalo ang kanilang ipinaglalaban sa loob ng korte.

๐Ÿ“ธ: Allysa Jane Callejo/Grace Ann Perez

Photos from La Columna - LSDI's post 14/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐๐€๐๐€๐‹๐Ž ๐Œ๐€๐ ๐Ž ๐Œ๐€๐“๐€๐‹๐Ž, ๐€๐๐†๐Š๐ˆ๐๐† ๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐€๐˜ ๐–๐€๐‹๐€๐๐† ๐Š๐”๐๐€๐’: ๐๐š๐๐ฆ๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ง ๐๐จ๐ฒ๐ฌ' ๐ƒ๐จ๐ฎ๐›๐ฅ๐ž๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐š๐ฅ๐จ ๐‡๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ๐Ÿ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐ฌ
Ni: Allysa Jane Callejo

KAMBAL-ATAKENG smash ang naging sandata ng Lyceum of St Dominic, Inc. (LSDI) upang makamit ang unang panalo kontra ACLC College of Daet sa larangan ng Badminton Boys' Doubles.

Ipinamalas nina Jimuel Flores at Dan Joseph Villanueva ang kanilang galing sa pagpalo at depensa sa bawat shuttlecock na ibinato ng kalaban. Sa palitan ng iskor ng dalawang panig, hindi pumayag ang LSDI Boys' Doubles na makalamang ang kalaban at naipanalo ang unang set sa kabuuang iskor na 15โ€“12.

Tuluyang nakalamang ang LSDI Boys' Doubles sa pangalawang set, hindi na nahabol ng kalaban ang iskor pagdating sa match point at tinapos nila ang laban na may iskor na 15โ€“10 at umabante sa quarterfinals.

NAG-ALAB ang Lyceum of St Dominic, Inc. (LSDI) at Mabini Colleges, Inc. (MCI) sa pagsungkit ng panalo sa quarterfinals ng Badminton Boys' Doubles upang makapasok sa semifinals.

Nagliyab ang bawat palo ng shuttlecock ng dalawang panig sa unang set dahil sa dumadagsang shuttle na pinalo ng MCI kaya matinding depensa ang inilunsad ng LSDI at malakas na ibinalik sa kalaban. Ngunit sa mainit na laban ay nakalamang ang MCI at nakuha ang panalo sa unang set, 15โ€“06.

Mas uminit ang laban sa pangalawang set dahil lamang pa rin ang kabilang panig at buong lakas na hinabol ito ng LSDI. Sa bawat puntos ng LSDI ay siya ring pagdagdag ng puntos ng kalaban at pagdating sa match point ay tuluyan nang tinapos ang laban, patungo sa semifinals ang MCI kontra LSDI, 15โ€“07.

Sa kabila ng pagkabigo ay buong tapang na ibinida ng LSDI Badminton Boys' Doubles ang tunay na sportsmanship at determinasyon. Ibinigay nila ang kanilang buong lakas at tapang hanggang sa huling palo ng quarterfinals. Ang kanilang matatag na pagsisikap ay nagsilbing patunay na ang tunay na tagumpay ay nasusukat hindi lamang sa panalo, kundi sa bawat laban.

๐Ÿ“ท: Allysa Jane Callejo

14/09/2026

๐Š๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹๐€๐ ๐€๐“ ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜: ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐€๐ญ๐ฅ๐ž๐ญ๐š๐ง๐  ๐‹๐ฒ๐œ๐ž๐š๐ง๐ฌ
Ni: Zedjay Meneses

Taos-pusong pagpupugay at pasasalamat ang handog ng LSDI Community sa lahat ng mga atletang Lyceans at tagapagsanay na lumahok sa CANAPS Sportsmeet 2026, na ginanap mula ika-10 hanggang ika-13 ng Setyembre 2026, sa bayan ng Daet.

Buong husay at tapang na kinatawan ng Green Pillars ang Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI). Sa bawat laban, ipinamalas nila ang disiplina, dedikasyon, at matatag na paninindigang kinakailangan upang harapin ang bawat hamon.

๐„๐ƒ๐”๐Š๐€๐ƒ๐Ž ๐€๐“ ๐ƒ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐‹๐ˆ๐๐€๐ƒ๐Ž ang taglay na diwa ng isang Lycean. Hindi lamang mahusay na lumaban ang mga Lyceans, kundi marunong ding tumayo nang may dangal.

Isang mainit na pagbati sa mga atletang Lycean na tumindig at nanindigan para sa karangalan ng ating mahal na paaralan! ๐๐€๐ƒ๐€๐˜๐Ž๐!





๐˜—๐˜๐˜–๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜™๐˜Œ๐˜‹๐˜๐˜› ๐˜‹๐˜๐˜š๐˜Š๐˜“๐˜ˆ๐˜๐˜”๐˜Œ๐˜™
๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด. ๐˜œ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜บ.

Photos from La Columna - LSDI's post 14/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐๐€๐๐€๐‹๐Ž, ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Œ๐€๐“๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐’๐€๐†๐”๐๐€๐€๐: ๐‹๐’๐ƒ๐ˆ, ๐๐€๐†-๐ˆ๐–๐€๐ ๐๐† ๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐๐€๐
Ni: Shayeda Alpuerto

HINDI NAGPAHULI ANG GREEN PILLARS! Dalawang sunod na panalo ang sinikwat ng Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI) Basketball Boys upang masungkit ang tiket patungong semifinals ng 5v5 basketball sa CANAPS Sportsmeet 2026.

Sa unang laro kontra St. John the Apostle Academy (SJAA), naging dikit ang bakbakan sa unang bahagi ng laro, ngunit nanatiling kapit ng Green Pillars ang kalamangan hanggang sa final buzzer, 65โ€“59.

Nanguna sa opensiba si Dequina na kumamada ng 22 puntos, habang sumunod si Lerum na may 20 puntos, kabilang ang apat na tres. Hindi rin nagpahuli ang kanilang mga kasamahan sa koponan upang mapanatili ang bentahe hanggang sa huling segundo.

Hindi naman nagpatinag ang Green Pillars sa ikalawang laban kontra Capalonga Institute, Inc., kung saan mas naging dominante ang kanilang laro at tuluyang inilayo ang laban, 48โ€“34.

Pinangunahan ni Lerum ang opensa sa 12 puntos, habang nagdagdag sina Dequina ng 11 at Villanueva ng 10 puntos upang selyuhan ang ikalawang panalo ng koponan.

Sa dalawang sunod na panalo, tuluyang nakakuha ang LSDI ng puwesto sa semifinals.

MAINIT NA SAGUPAAN KONTRA MABINI

Bitbit ang momentum patungong semifinals, muling sumabak ang Green Pillars laban sa Mabini Colleges, Inc.

Maagap na umarangkada ang LSDI at kontrolado ang unang dalawang quarter, 26โ€“23. Subalit sa ikatlong yugto, bumawi ang Mabini at tuluyang nabaligtad ang takbo ng laban, 41โ€“37.

Sa huling bahagi ng laro, lalo pang uminit ang palitan sa loob ng court. Nauwi ang laban sa 45โ€“37 pabor sa Mabini.

Bukod sa dikit na laban, naging sentro rin ng tensiyon ang ilang pisikal na aksiyon sa court, kabilang ang isang insidenteng kinasangkutan ng manlalaro ng LSDI at Mabini. Ayon sa panig ng Green Pillars, hindi naging sapat para sa kanila ang naging parusa sa naturang insidente.

Dahil dito, ipinahayag ng LSDI ang kanilang pagtutol sa naging takbo at mga desisyon sa laban. Sa natitirang humigit-kumulang limang minuto ng fourth quarter, pinili ng koponan na umalis sa court bilang pagpapakita ng kanilang paninindigan.

Sa kabila ng tensiyon, nanaig pa rin ang sportsmanship matapos ang laro.

Dalawang panalo ang naghatid sa Green Pillars patungong semifinals. Isang matinding sagupaan naman ang sumubok sa kanilang tibay at paninindigan.

Maaaring hindi nila nakuha ang tiket sa finals, ngunit sa bawat hataw, depensa, at puntos, ipinamalas ng Green Pillars na hindi basta-basta sumusuko ang isang Lycean.

Dalawang panalo. Isang laban. Isang paninindigan.

Puso Lyceans!
๏ฟผ
Mga Kuha Ni: Shayeda Alpuerto
Layout Artist: Maria Santina A. Murillo


โ€Ž
โ€Ž

Photos from Lyceum of St. Dominic, Inc.'s post 31/08/2026
Photos from La Columna - LSDI's post 30/08/2026

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ || ๐˜๐ž๐ž๐ก๐š๐ฐ! ๐‹๐’๐ƒ๐ˆ, ๐๐š๐ ๐ง๐ข๐ง๐ ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐€๐œ๐ช๐ฎ๐š๐ข๐ง๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž ๐๐š๐ซ๐ญ๐ฒ
Nina: Clark Jesper Nisola at Crisnel Mariscotes

YEEHAW! Sa gitna ng makukulay na kasuotan, masiglang tawanan, at mga bagong ugnayang nabuo, muling ipinamalas ng mga Lycean ang kanilang enerhiya at pagkakaisa sa ginanap na Acquaintance Party ng Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI) noong Agosto 28, 2026, sa Sta. Elena Municipal Gymnasium.

Bitbit ang temang โ€œOne Trail, One Purpose: Building Unity, Leadership, and Lasting Friendship,โ€ naging sentro ng pagdiriwang ang pagkakakilanlan, pakikipagkaibigan, pamumuno, at pagkakaisa ng buong pamayanang Lycean.

Sa iisang trail, sari-saring estilo

Hindi nagpahuli ang mga estudyante at miyembro ng LSDI Faculty sa pagpapakitang-gilas sa kanilang kasuotan na may temang โ€œCowboy at Cowgirl.โ€ Mula sa sombrero hanggang sa boots at iba pang detalyeng bumuo sa kanilang western-inspired na porma, naging makulay na tanawin ang gymnasium sa dami ng malikhaing karakter na nasilayan sa gabi.

Higit pa sa kasuotan, naging pagkakataon din ang selebrasyon upang maipamalas ng mga Lycean ang kanilang kumpiyansa at pagkamalikhainโ€”patunay na sa LSDI, ang kakayahan ng bawat isa ay hindi lamang kinikilala, kundi patuloy na pinayayabong.

Pamumunong nakikinig

Sa gitna ng kasiyahan, binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga bagong halal na lider ng paaralan.

Sa harap ng kanilang mga kapwa mag-aaral, g**o, at mga panauhin, taimtim na nanumpa ang mga estudyanteng nahalal sa iba't ibang katungkulan, tangan ang pangakong gampanan ang kanilang mga responsibilidad nang may puso, integridad, at paninindigan.

Kasabay nito, ipinabatid ang isang mahalagang aral tungkol sa pamumuno: ang tunay na lider ay marunong makinig. Ang pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa kakayahang manguna o magbigay ng direksiyon, kundi sa kahandaang pakinggan at bigyang-halaga ang tinig, opinyon, at pangangailangan ng iba.

Isang gabi, isang pamilya

Habang unti-unting nagtatapos ang gabi, hindi lamang mga larawan at alaala ang naiwan sa bawat Lycean. Mas tumatak ang mga bagong pagkakaibigan, tawanan, at sandaling nagsilbing tulay upang higit na makilala ang isa't isa.

Sa huli, ang Acquaintance Party ay naging higit pa sa isang simpleng pagtitipon. Naging salamin ito ng isang pamayanang pinagbubuklod ng saya, pagkakaisa, pamumuno, at pagkakaibiganโ€”mga pagpapahalagang patuloy na nagbibigay-kulay sa pagkakakilanlang Lycean.

Sapagkat sa iisang trail, hindi lamang magkakasamang naglalakbay ang mga Lyceanโ€”magkakasama rin silang humaharap sa panibagong yugto, may iisang layunin at pusong handang bumuo ng isang mas matatag na pamilya.





๐˜—๐˜๐˜–๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜™๐˜Œ๐˜‹๐˜๐˜› ๐˜‹๐˜๐˜š๐˜Š๐˜“๐˜ˆ๐˜๐˜”๐˜Œ๐˜™
๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด. ๐˜œ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜บ.

Photos from La Columna - LSDI's post 23/08/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐‹๐’๐ƒ๐ˆ ๐•๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ฒ๐›๐š๐ฅ๐ฅ ๐†๐ข๐ซ๐ฅ๐ฌ, ๐๐š๐ฌ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ข๐ญ ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฆ๐ฉ๐ž๐จ๐ง๐š๐ญ๐จ ๐ฌ๐š ๐‚๐€๐๐€๐๐’ ๐‹๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ
Ni: Xyrel Alcantara

NASUNGKIT ng volleyball girls ng Lyceum of St. Dominic, Inc. (LSDI) ang kampeonato sa CANAPS Lower Meet matapos talunin ang mga manlalaro ng Maria Aurora Academy (MAA) sa isang mainit na tagisan ng husay sa loob ng court sa Sta. Elena Municipal Gymnasium.

Pinasinayaan ng kalmadong laro ang unang set bago ito napalitan ng malakas na hiyawan at suporta mula sa mga tagasuporta ng LSDI. Humataw si Francine Bola, na naging susi sa panalo ng unang set na nagtapos sa iskor na 25โ€“14 pabor sa LSDI.

Sa ikalawang set, agad na nakapagtala si Jandee Ladislao ng tatlong puntos sa pamamagitan ng mga service aces, habang nanatiling buhay at punong-puno ng enerhiya ang mga tagasuporta ng LSDI. Muling humataw si Bola nang pumalo siya ng bola laban sa MAA, na tuluyang nagtapos sa iskor na 25โ€“16 para sa LSDI.

Sa simula ng ikatlong set, agad na lumamang ang MAA ng anim na puntos sa iskor na 3โ€“9. Subalit, hindi rito natapos ang lakas at tatag ng mga manlalaro ng LSDI. Bagkus, unti-unti silang bumawi hanggang sa muling malampasan ang MAA, sa pangunguna ng mga service ace ni Bola.

Nagpaulan ng mga puntos ang LSDI habang hindi natinag si Bola sa kaniyang mga serve. Sa gitna ng mainit na laban, nagpakawala naman ng malalakas na palo si Ladislao na nagbigay ng mahahalagang puntos sa koponan.

Sa huling pagtutuos, tuluyang tinapos ni Jhyznne Rhynne Lucina ang laro sa pamamagitan ng isang service ace, na nagsilbing hudyat ng pagkapanalo ng LSDI.

Isang mas malakas na sigawan ang yumanig sa buong gym nang tuluyang makamit ng LSDI ang kampeonato sa volleyball girls sa CANAPS Lower Meet. Sa likod ng bawat palo at serve, ipinamalas ng mga manlalaro ang kanilang husay, determinasyon, at sportsmanship.

Matapos ang kompetisyon, magpapatuloy at aabante ang Green Pillars Volleyball Girls upang muling magpakitang-gilas at dalhin ang kanilang husay sa CANAPS Provincial Meet 2026.





๐˜—๐˜๐˜–๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜™๐˜Œ๐˜‹๐˜๐˜› ๐˜‹๐˜๐˜š๐˜Š๐˜“๐˜ˆ๐˜๐˜”๐˜Œ๐˜™
๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด. ๐˜œ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜บ.

Photos from La Columna - LSDI's post 23/08/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ || ๐†๐ซ๐ž๐ž๐ง ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐š๐ซ๐ฌ, ๐ฐ๐š๐ ๐ข ๐ค๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š ๐’๐ญ๐š๐ฅ๐ฅ๐ข๐จ๐ง๐ฌ, ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ•โ€“๐Ÿ“๐Ÿ—, ๐ฌ๐š ๐‚๐€๐๐€๐๐’ ๐‹๐จ๐ฐ๐ž๐ซ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
Ni: Jay Ann Liezle Almiraรฑez

UMARANGKADA ang Green Pillars ng Lyceum of St. Dominic Inc. (LSDI) matapos tambakan ang Maria Aurora Academy Stallions, 127โ€“59, sa basketball 5v5 ng CANAPS Lower Meet 2026.

Agad na kinuha ng Green Pillars ang kontrol sa laro mula sa unang quarter, kung saan nagtala sila ng 27โ€“16 na kalamangan. Pinangunahan ni Paul Jake Dequina ang opensiba ng koponan matapos kumamada ng 12 puntos, habang nag-ambag naman si Arkin Lerum ng 9 puntos.

Hindi nagpahuli ang Green Pillars sa ikalawang yugto at lalo pang pinalawak ang kanilang kalamangan sa 58โ€“30. Patuloy na naging sandigan ng koponan si Dequina na muling nanguna sa puntos na may 10, habang si Jes Gabriel Paderagao ay kumolekta ng 7 puntos.

Patuloy na nag-init, animoโ€™y galit na galit ang Green Pillars hanggang sa magpatuloy sa ikatlong quarter nang hindi na pinayagang makalapit ang kanilang katunggali matapos itaas ang kalamangan sa 87โ€“48. Naging susi sa kanilang dominasyon ang mabilis na ball movement, matatag na depensa, at tuloy-tuloy na pag-atake sa opensa.

Sa huling yugto, nanatiling agresibo ang Green Pillars hanggang sa final buzzer. Hindi na nakahabol ang Maria Aurora Academy habang tuluyang isinara ng LSDI ang laro sa iskor na 127โ€“59 upang tuluyang bitbitin hindi lang ang pangalan ng paaralan kundi irepresenta ang bayan ng Sta. Elena sa CANAPS Provincial Meet 2026.

Sa likod ng malaking panalo, ipinamalas ng Green Pillars ang disiplina, determinasyon, at pagkakaisa bilang koponan.
Ang kanilang dominanteng pagpapasiklab ay nagsilbing patunay ng kanilang kahandaan at hangaring mangibabaw sa kompetisyon.

Best of Luck, basketball team para sa pararating na CANAPS Provincial Meet 2026!





๐˜—๐˜๐˜–๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜™๐˜Œ๐˜‹๐˜๐˜› ๐˜‹๐˜๐˜š๐˜Š๐˜“๐˜ˆ๐˜๐˜”๐˜Œ๐˜™
๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ด ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ช๐˜ณ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด. ๐˜œ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜บ.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Labo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Purok 7 Sta. Elena Camarines Norte
Labo
4611

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm