DXCM AM RADYO UKAY

DXCM AM RADYO UKAY

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DXCM AM RADYO UKAY, Media, ELA BUILDING QUEZON Boulevard, Kidapawan.

08/08/2026

Mga bata sa Tampakan, pagpapabuti ng kalusugan inaalalayan

Nagpasalamat nitong Sabado, August 8, ang mga municipal at barangay officials sa bayan ng Tampakan sa South Cotabato sa ayudang ipinagkaloob ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) para sa ikakabuti ng kalusugan ng mga bata sa kanilang komunidad.

Ayon sa mga community leaders sa Barangay Kipalbig, hinatid nito lang nakalipas na linggo ng mga kawani ng SMI sa Kipalbig barangay government office ang mga essential food supplies para sa kanilang feeding activities para sa mga bata sa mga lugar na sakop nila.

Ang pagpapaabot ng SMI ng naturang suporta sa feeding program ng mga barangay officials sa Kipalbig ay kaugnay ng Social Development and Management Program ng kumpanya na may malawak din na mga humanitarian, health, education and community-empowerment activities sa mga bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur.

Sa kanyang pahayag nitong Sabado, ipinaliwanag ni Kipalbig Barangay Chairman Rolando Malabuyoc ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa SMI sa pagtulong nito sa kanilang feeding programs para sa mga bata sa kanilang lugar, karamihan mula sa mga pamilyang etnikong Blaan na ang mga magulang ay kumikita lang ng sapat para sa kanilang araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay Barangay Chairman Malabuyoc, malaking bagay ang tulong ng SMI sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga bata sa mga sitio na sakop ng kanilang barangay government.

Kabilang sa nagpasalamat sa SMI para sa naturang ayuda ang mga Blaan tribal leaders sa Tampakan, ang ang rescuer-nurse na si Rolly Aquino na siyang chief ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr. [AUGUST 8, 2026, TAMPAKAN, SOUTH COTABATO]

07/08/2026

Basilan officials support Comelec's BARMM election security thrusts

Local executives in Basilan belonging to the Bangsamoro Federalist Party and their vice governor have pledged support to police and military efforts to ensure orderly September 14 Bangsamoro regional polls to disprove notions that their province is an election hotspot.

Basilan is one of provinces in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, whose territory also encompasses Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte, Lanao del Sur and Tawi-Tawi and the cities of Lamitan, Marawi and Cotabato, where its regional capitol is located.

Radio reports on Thursday, August 6, stated the local officials, the mayors Roderick Furigay of Lamitan City, Kaiser Hataman of Maluso, Jaydeefar Lajid of Al-Barka, Moner Manisan of Tabuan Lasa, Arsina Kahing Nano of Hadji Muhtamad, Arcam Istarul of Tipo-Tipo, Talib Pawaki of Mohammad Ajul, Jomar Maturan of Ungkaya Pukan, Nasser Abubakar of Lantawan, Vice Mayor Super Kalang of Tuburan and Vice Gov. Hadjiman Salliman, agreed, during a meeting in Isabela City, Basilan on Tuesday, to cooperate in ensuring safe and clean elections in their province on September 14.

The vice president of the Basilan chapter of the Philippine Councilors League, Alfarouck Alfad, a town councilor in Tabuan Lasa, and Suraija Reina Hataman, a candidate of the Bangsamoro Federalist Party for one of the parliamentary seats in the province, were also present in the peace dialogue.

They reportedly agreed then to fuse ranks and help push forward the election security missions in their province of the Army’s 101st Infantry Brigade, the Basilan Provincial Police Office and the Commission on Elections.

Bangsamoro Federalist Party wants peaceful, clean polls

Bangsamoro Parliament Member Naguib Sinarimbo, regional spokesperson of the Bangsamoro Federalist Party, told reporters on Thursday that their party mates in other BARMM provinces and in its three cities shall also assure, via public statements, of their commitment to abide with election laws during the September 14 first ever regional polls in the autonomous region.

The Bangsamoro Federalist Party, which has chapters in all of the provinces and cities in BARMM, is one of the political parties that the Comelec had allowed to pit candidates for the 80-seat Bangsamoro parliament.

"We in our party want the September 14 regional elections to be peaceful and clean," the lawyer Sinarimbo, Cotabato City chapter president of the Bangsamoro Federalist Party, said.

MNLF’s “Bapa Party” is for clean, safe elections too

Officials of two other equally well-organized parties, the Bangsamoro Party of the Moro National Liberation Front, most known as the Bapa Party, and the Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo, separately told reporters on Thursday that their candidates for the region's lawmaking body are ready to sign peace covenants, along with rivals in other partisan blocs, manifesting their desire for safe and credible September 14 elections in BARMM.

“All of our members and supporters across the autonomous region want the first ever parliamentary elections in the Bangsamoro region to be written in history as one held peacefully and cleanly,” said the president of the Bapa Party, Regional Labor and Employment Minister Muslimin Sema, chairman of the MNLF.

The MNLF forged a final peace pact with the government on September 2, 1996, brokered by the influential Organization of Islamic Cooperation, a bloc of more than 50 Muslim countries, including wealthy petroleum-exporting states in the Middle East and North Africa.

Presently, the MNLF has appointed representatives to the 80-member BARMM parliament and is also helping oversee the public service thrusts of several ministries and support agencies under the autonomous regional government, whose operations center is in Cotabato City.

Photo shows the local executives in Basilan and their vice governor, Salliman, after their election-related peace and security dialogue in Isabela City last Tuesday, August 4. (AUGUST 6, 2026)

07/08/2026

Timpupo update
Ni Mayor Pao Evangelista ...

05/08/2026

Dalawang magkapatid ang naaresto at nakunan ng P3.4 million na shabu ng mga anti-narcotics agents sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion 6 sa Cotabato City nitong umaga ng Lunes, August 3.

Iniulat nitong Martes ng mga city at barangay officials sa Cotabato City na tumulong sa pag-plano ng naturang entrapment operation na ang mga magkapatid na sina Kaharudin Taya, 27-anyos, kilala sa alyas na “Lalang,” at ang 26-anyos na si Yasser Taya, mas kilala sa lungsod bilang si “Tamtax,” ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region, lilitisin sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Edgar Jubay, regional director ng PDEA-BARMM, agad na inaresto ng kanilang mga agents at mga pulis ang magkapatid na nakabili sa kanila ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Poblacion 6.

Ayon kay Jubay, naisagawa ng PDEA-BARMM ang naturang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng mga barangay officials at ng tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, ng mga units na pinamumunuan ni Col. Jibin Bongcayao na director ng Cotabato City Police Office, at ng mga impormanteng alam ang mga illegal gawain ng magkapatid, at ng nga kasapi ng Regional Highway Patrol Unit-Bangsamoro Autonomous Region.

Nakumpiska din ng mga PDEA-BARMM agents mula sa magkapatid na mga Taya ang kanilang kulay green na multicab na kanilang gamit sa paghahatid ng shabu at ma*****na sa kanilang mga contacts sa mga liblib na lugar sa lungsod at sa mga bayan sa Maguindanao del Norte na sakop ng BARMM at sa Cotabato na nasa teritoryo ng Region 12.

Pinasalamatan ni Jubay ang administrasyon ni Matabalao na, bilang mayor, ay siya ring chairperson ng multi-sector Cotabato City Peace and Order Council na ang mga miyembro ay aktibong supporters ng anti-narcotics campaign ng PDEA-BARMM at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region. (AUGUST 4, 2026, COTABATO CITY)

05/08/2026

BAGONG PRANGKISA NG COTELCO, PASADO SA KOMITE NG KONGRESO

PANALO para sa mga ordinaryong Cotabateño ang pag-apruba ng House Committee on Legislative Franchises sa panukalang bagong prangkisa ng COTELCO.

Ito ang ipinahayag ni COTELCO General Manager Joel V. De Guzman, Jr. matapos aprubahan ng komite ang pinagsamang House Bill No. 2917, na inakda nina Reps. Sergio C. Dagooc, Presley C. De Jesus, at Rudy S. Caoagdan, at House Bill No. 2918, na inakda nina Reps. Ma. Alana Samantha Taliño Santos, Edwin L. Cruzado, at Raymond Democrito C. Mendoza.

Ayon kay GM De Guzman, ang pag-apruba ng komite ay patunay na kinikilala ng mga mambabatas ang mahalagang papel ng rural electrification sa pagpapasigla ng ekonomiya, pagpapaunlad ng mga komunidad, at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa pagdinig, binigyang-diin ni GM De Guzman ang malaking ambag ng COTELCO sa pag-unlad ng lalawigan ng Cotabato sa loob ng higit limang dekada, kabilang ang pagpapalawak ng akses sa kuryente na nagsilbing pundasyon ng paglago ng ekonomiya, imprastraktura, at kabuhayan sa mga lugar na sakop ng kooperatiba.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng COTELCO sa mga kongresistang nag-akda at nagsulong ng panukala, gayundin sa iba pang mambabatas na nagpahayag ng suporta sa bagong prangkisa.

Kasabay ring inaprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang mga panukalang bagong prangkisa ng TARELCO II, SORELCO II, at NORECO II. Inaasahang isusunod na tatalakayin ang mga panukala sa plenaryo ng Kamara para sa susunod na yugto ng proseso ng lehislasyon.

03/08/2026

Salpukan ng bus at motorsiklo: motorista patay

Patay ang isa 30-anyos na motorista, si Alejandro Saavedra, sa salpukan ng kanyang motorsiklo at isang unit ng Rural Bus sa isang bahagi ng highway sa Sangali, Zamboanga City nitong hapon ng Sabado, August 1.

Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials at ng mga imbestigador ng pulisya na nagresponde sa insidenta, nag-counterflow ang motoristang sa Saavedra, lumampas sa linyang dapat niyang tinatahak kaya nasapol siya ng kasalubong na bus na minamaneho ni Henry Broa Boloron, 37-anyos, na nagsanhi sa kanyang agarang pagkamatay.

Ang nasawing si Saavedra ay residente ng Barangay Tetuan, Zamboanga City. Ang driver ng bus na si Boloron at taga Tiguma sa Pagadian City.

Ayon sa mga saksi, sa lakas ng banggaan ng motorsiklo ni Saavedra at ng bus, tumilapon sia sa malayo.

Kusang loob na nagpakustodiya na si bus driver Boloron sa mga barangay officials at mga pulis na dumating sa pinangyarihan ng insidente upang mag-imbestiga sa naturang highway accident. (August 1, 2026)

03/08/2026

Barangay chairman patay sa ambush

Agad na namatay sa mga tama ng bala ang isang barangay chairman na biktima ng ambush sa bayan ng Carmen sa probinsya ng Cotabato nitong umaga ng Linggo, August 2.

Kinumpirma nito ring Linggo ng mga local executives at ni Lt. Col. Rolly Oranza, hepe ng Carmen Municipal Police Station ang pagkasawi sa insidente ni Arnel Aliudin sa naturang pananambang, naganap sa Barangay Kibudtungan sa Carmen.

Si Aliudin, mas kilala sa Carmen bilang “Boyet,” ang barangay chairman ng Cadiis sa naturang bayan. Ang Carmen ay isa sa 17 na mga bayan na sakop ng Cotabato province na ang kabisera ay Kidapawan City.

Sa inisyal na ulat ni Oranza at ng mga municipal officials, sakay si Aliudin ng kanilang Mitsubishi L300 barangay service vehicle ng ma-ambush sa Barangay Cadiis ng mga salarin na mabilis na nakatakas, iniwan siyang duguan, nakabulagta sa loob ng naturang sasakyan.

Ayon sa mga officials ng Cotabato Provincial Police Office, nagtutulungan ang mga local executives sa Carmen at sina Oranza at ang kanyang mga tauhan sa pagkilala sa mga pumatay kay Aliudin upang masampahan ng kaukulang mga kaso. (August 2, 2026)

03/08/2026

Masaya ang mga estudyanteng nakaka-benepisyo sa libreng hatid at sundo sa kanilang mga paaralan na libre, dulot ng kanilang barangay government sa Pulabato sa Tampakan sa South Cotabato at ng isang pribadong kumpanya, programang para sa kanila at kanilang mga magulang ay serbisyong tunay, sa pagpapalaganap ng edukasyon malaking agapay.

Ang libreng school bus ride para sa mga mag-aaral sa Pulabato ay isinasagawa tuwing school days sa pakikipagtulungan ng Pulabato barangay government at ng Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI. Ang pribadong kumpanyang SMI ang siyang gumagastos para sa diesel fuel at maintenance ng bus at nagpapasweldo sa apat na taon ng driver nito na si Arjay Leop.

Marami sa mga mag-aaral na nakikinabang sa araw-araw na libreng bus ride ay mula sa mga pamilyang etnikong Blaan. Marami sa mga magulang ng benepisyaryo ng libreng school bus ride ay kumikita lang ng sapat, mula sa pagsasaka at iba pang mga hanap-buhay, para sa araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Nagpahayag nitong Lunes, August 3, ng kanilang hiwa-hiwalay na pasasalamat ang mga magulang ng mga elementary pupils at high school students na nakikinabang sa naturang programa ng barangay government ng Pulabato at ng SMI.

Ang SMI ay may ibat-ibang walang patid na mga public service at humanitarian programs sa Tampakan at sa mga bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur mula pa noong nakalipas na halos dalawang dekada na.

Ayon kay bus driver Leop, na may tatlong mga anak na nag-aaral din, isang malaking karangalan para sa kanya ang makapagsilbi sa mga mag-aaral sa Barangay Pulabato tuwing school days.

Sa pahayag nitong Lunes ni Leop, hindi bababa sa P60 ang kailangan ng bawat mag-aaral na pamasahe sa papunta sa kanilang mga paaralan araw-araw at pauwi, mula Lunes hanggang Biyernes.

Kung tatlong magkapatid ang sabay na papasok sa kanilang mga paaralan, kailangang gumastos ng kanilang mga magulang ng abot sa P180 bawat araw para lang sa kanilang pamasahe bawat araw sa pagpunta sa kanilang mga paaralan at pauwi sa kanilang bahay, paliwanag ni Leop.

Sa ulat ng mga ibat-ibang media outfits sa Central Mindanao, kabilang sa mga nagpasalamat sa barangay government ng Pulabato at sa SMI, kaugnay ng naturang free bus ride para sa mga mag-aaral, ay ang mga Blaan tribal leaders sa Tampakan at sa mga karatig na bayan sa South Cotabato at sa kabisera nito, ang Koronadal City.

Ang governor ng South Cotabato, si Reynaldo Tamayo, Jr. at ang chief ng kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang rescuer-nurse na si Rolly Aquino, ay nagpahayag din na kabilang sa mga humanitarian activities ng SMI ay ang pagsuporta sa calamity at disaster relief response operations ng provincial at mga local government units sa South Cotabato at ang pamimigay ng mga kagamitang kailangan ng mga barangay emergency responders para sa kanilang mga emergency response operations. (AUGUST 3, 2026)

03/08/2026

Libo-libo lumahok sa people’s caravan ng `doctor to the barrio’

Libo-libong mga residente ng apat na bayan sa Bangsamoro Special Geographic Area (SGA) --- ang Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan --- ang lumahok sa Muslim-Christian-indigenous non-Moro people’s peace caravan ngayong Lunes, August 3, bilang show of massive support sa kandidatura ng kanilang kinikilalang “doctor to the barrio” para sa pagka-representative ng kanilang mga bayan sa 80-member parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang kanilang kandidato? Ang multi-awarded na si physician-ophthalmologist Kadil Sinolinding, Jr. Siya ang minister ng Ministry of Health-BARMM at miyembro din ng 80-member Bangsamoro parliament.

Si Doctor Sinolinding ay tinatawag na “Doc Jojo” ng kanyang mga kakilala, marami sa kanila kabilang sa 4,873 katao na naka-benepisyo sa mga serye ng mga magkatuwang na health missions, mula 2022, sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan, ng kanyang tanggapan sa BARMM parliament, ng Ministry of Health-BARMM at ng ibat-ibang private volunteer public service organizations.

Si Health Minister Sinolinding ay kilala sa Bangsamoro SGA bilang “doctor to the barrio,” nagsimula ng kanyang public service career bilang municipal health officer, dalawang dekada na ang nakalipas, ng magkatabing mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal sa Maguindanao del Sur na parehong malapit sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan.

Ayon sa mga barangay at municipal officials sa Ligawasan, Malidegao, Kapalawan at Old Kaabacan, si Doctor Sinolinding ay hindi isang political warlord, walang ginawang paninira sa social media kaninuman at, higit sa lahat, hindi pinagmamalaki, bilang campaign strategy, ang kanyang ginawang panggagamot ng libre, pag-opera ng mga mata ng mga residente ng Bangsamoro SGA na may cataract at pterygium, at paggawa ng ibat-ibang medical procedures para sa mga residente ng kanilang mga bayan. (AUGUST 3, 2026)

01/08/2026

4 shabu dealers busted in Cotabato City

Four shabu traffickers, all reportedly linked to remnants of the now defunct Dawlah Islamiya, were arrested in separate police entrapment operations in three areas in this city on Tuesday, July 28.

Local executives had told reporters on Wednesday that all four suspects, Johair Dumagay Manabilang, Saddam Minalang Ali and the cohorts Haider Manibpel Unos and King Manibpel Bago, are now detained in different police detention facilities in Cotabato City.

Officials of intelligence units under the 601st and 602nd Infantry Brigades of the Army’s 6th Infantry Division informed reporters on Wednesday morning that all four suspects are in their lists of traffickers of shabu and ma*****na sharing fractions of their earnings to a few remaining members of the now inactive Dawlah Islamiya to enable them to freely sell their illegal merchandise in far-flung areas in Cotabato, Maguindanao del Sur and Maguindanao del Norte provinces.

Captain Steffie Salanguit, spokesperson of the Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, and Col Jibin Bongcayao, director of the Cotabato City Police Office, separately told reporters that the four suspects were entrapped in operations laid with the help of Mayor Bruce Matabalao and his constituent-barangay leaders.

The first to fall in the three operations is Manabilang, who was immediately frisked and cuffed by personnel of the City Police Drug Enforcement Unit, led by Lt. Patricia Bueno, after selling shabu to them in Purok Matigkel in Barangay Rosary Heights 7.

Ali was entrapped by a police team, under Major Eduardo Malicdem, in Purok 6 in Barangay Poblacion 6 at about dusk Tuesday.

The accomplices Unos and Bago were both arrested in an entrapment operation about four hours later in Purok Talainged in Barangay Tamontaka 1, together carried out by Capt. Nurar-Rahman Abdulla, chief of the Cotabato City Police Precinct 3, and his subordinate- operatives.

The now second term Matabalao, chairperson of the multi-sector Cotabato City Peace and Order Council, and Bongcayao separately said they are thankful to the confidential informants who reported the illegal activities of the four shabu peddlers, enabling police units in the city to embark on the separate operations that resulted in their arrest and confiscation from them of shabu.

Bongcayao said Matabalao and barangay officials in Rosary Heights 7, in Poblacion 6 and in Tamontaka 1 had assured to help prosecute Manabilang, Ali, Unos and Bago for violation of the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 using the shabu confiscated from them in separate entrapment operations as evidence.

Photo shows police personnel visibly positioned along vital thoroughfares in Cotabato City, meant to preclude the movement of traffickers of narcotics in barangays around. (July 31, 2026)

Want your business to be the top-listed Media Company in Kidapawan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


ELA BUILDING QUEZON Boulevard
Kidapawan
9400