Ang Banog
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Banog, Newspaper, Tampalan Barangay, Malamawi Island, Isabela.
29/07/2026
MAGING ISANG CAMPUS JOURNALIST!
May talento ka ba sa pagsulat, potograpiya, broadcasting, layout, o graphic design? Sumali sa Ang Banog, ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Badjao Floating Integrated School, at maging bahagi ng aming campus journalism team para sa S.Y. 2026–2027.
📅 July 29, 2026
🕞 3:30 PM
📍 Grade IV – Dagatan
Isulat ang kuwento. Ikuwento ang katotohanan. Maging boses ng paaralan!
16/04/2026
National Schools Press Conference 2026
BEST SCHOOL PAPER EXHIBIT
08/03/2026
LAKBAY PATUNGONG ORMOC CITY
Mula sa Rehiyon IX hanggang NSPC 2026!
Isang karangalang tagumpay ang nakamit ng pahayagang “Ang Banog” matapos itong magwagi sa ginanap na Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026 sa Sindangan, Zamboanga del Norte.
Itinanghal ang pahayagan bilang:
🥇 Unang Pinakamahusay sa Pahinang Editoryal
🥉 Pangatlong Pinakamahusay sa Pag-aanyo at Pagdidisenyo
🏅 Pang-apat na Pinakamahusay sa Pahinang Lathalain
Dahil sa mga tagumpay na ito, aabante ang “Ang Banog” sa National Schools Press Conference (NSPC) 2026 upang muling ipakita ang husay ng pahayagang pampaaralan sa kategoryang Elementary – Filipino mula sa buong Rehiyon IX.
Taos-pusong pagbati at pagpupugay sa lahat ng bumubuo ng pahayagang ANG BANOG—sa mga manunulat, patnugot, tagapayo, at sa buong koponan na nagsikap upang maabot ang tagumpay na ito.
LUHUY PATUY MOGSAY YA BANOG!
https://online.fliphtml5.com/oafer/ANG-BANOG-R9-SPREADS/ =1
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Tampalan Barangay, Malamawi Island
Isabela
7300