105.3 Radyo Natin-Infanta,Quezon
The OFFICIAL Fan Page of Radyo Natin-Infanta 105.3 Your Friendly Neighborhood Station! RNIAN's - Typ
Mag-text sa ating mga TEXT LINE: Type RN space Your Message and send to 0946-7315313/ 0930-6252921
Magandang araw kasama ang inyong mga ang mga maiinit na balitang hatid ng DZRH Live simula alas 5 singko ng umaga hanggang alas 8:30 ng umaga, at pagsapit ng 8:30am- 11am ng umaga samahan si Ate Clover sa Morning Express tuwing araw ng Lunes-Miyerkules-Biyernes. At tuwing araw ng Martes-Huwebes-Sab
105.3fm Radyo Natin Infanta
Credit: Kalusugan P.H
Halamang Gamot:Uraro
Kaalaman tungkol sa Uraro bilang halamang gamot
Scientific name: Maranta arundinacea Linn.; Maranta indica Tussac.; Maranta protracta Miq.; Maranta ramosissima Wall.
Common name: Araro, Uraro (Tagalog); Arrow root, Maranta (Ingles)
Uraro- Ang uraro ay isang kilalang bungang ugat na karaniwang ginagawang biskwet at tinapay sa maraming lugar. Ang halaman ay may malambot lamang na sanga, malalapad na dahon at maputing bulaklak. Ang bungang ugat na kahalintulad ng gabi o kamoteng kahoy ang siyang inaani upang magamit sa lutuin. Orhinal na nagmula sa sa Amerika.
Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Uraro?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang uraro ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang inaaning bungang ugat ay mayaman sa starch, albumin, sugar, gum, at fiber.
Ang buong halaman ay maaaring makuhanan ng mga kemikal na flavonoids, alkaloids, tannins, glycosides, steroids, phenols, cardiac glycosides, saponins, carbohydrates, at proteins
Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Bungang ugat. Ang bungang ugat na karaniwang inaani ay maaaring gamitin sa panggagamot. Karaniwan itong dinudurog o kaya ay nilalaga upang maipampahid sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari din naman itong kainin lamang. Ang pinaglagaan ng bungang ugat ay maaari ding inumin dahil sa taglay nitong starch.
Ano ang mga sakit at kondisyon na maaaring matulungan ng Uraro?
1. Sugat. Maaaring lagyan ng hiniwang uraro ang sugat upang maiwasan ang impeksyon at mapabilis ang pag-hilom.
2. Kagat at tusok ng insekto. Ang masakit na kagat ng insekto tulad ng bubuyog at o alakdan ay maaaring lagyan ng dinurog na bungang ugat.
3. Sunburn. Ang starch na makukuha sa katas ng bungang ugat ay maaaring ilagay sa balat na apektado ng sundburm. Ginagamit ito na parang karaniwang pulbos.
4. Bungang araw. Mabisa din sa kondisyon ng bungang araw ang paglalagay ng pulbos na starch ng bungang ugat ng uraro. Makatutulong ito upang mabawasan ang paghapdi ng balat.
5. Pagtatae. Maaaring inumin ang pinaglagaan ng bungang ugat upang matulungan ang kondisyon ng pagtatae.
6. Dermatitis. Mabisa rin para sa kondisyon ng dermatitis ang paglalagay ng starch ng bungang ugat sa apektadong balat.
Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Kalusugan.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.
Re-post from Reymart Velasquez:
Panawagan:
Magandang umaga po sa lahat.
Kung sino man po ang nakapulot ng short brown envelope na naglalaman ng mga importanting papeles ni Rica Astoveza Bernaldez, tulad ng diploma, card, good moral at original copy ng NSO. Ito po ay hinalang nalaglag sa tricycle sa Brgy. Pesa, Brgy. Batangan, Brgy. Maigang at Brgy. Minahan Sur at Norte kahapon ng umaga, June 16, 2015.
Kung may nakapulot po ay mangyari po na i-contact ang number na ito 09306551215.
Ang panawagan po na ito ay nagmula kay Reymark Velasquez ng Brgy. Comon, Infanta, Quezon.
Maraming salamat po.
Rn: Tips and Thoughts-Feb 17, 2015
Credit: Wikipilipino
Chinese New Year ay ang tradisyonal na pagdiriwang ng mga Tsino sa pagpasok ng bagong taon batay sa sinusundan nilang lunar calendar. Ang pagdiriwang ng nasabing bagong taon ay nagbubukas sa paglitaw ng bagong buwan (new moon) at nagtatapos labinlimang araw makalipas, sa paglabas ng full moon. Nagaganap ito sa kahit anong araw sa pagitan ng Enero 21 hanggang Pebrero 21. Ang ika-15 araw ng pagdiriwang ng bagong taon ay tinatawag na Lantern Festival – isang magarbo at makulay na selebrasyon na ginaganap sa gabi. Ang Chinese New Year ang itinuturing na pinakamahalagang pista sa mga Tsino, sa loob at labas ng Tsina, maging sa Pilipinas na may malaking pop**asyon ng Tsino at Tsinoy (Tsino-Pinoy).
Mga nilalaman
1 Kasaysayan
2 Pagdiriwang
2.1 Petsa ng Bagong Taon
2.2 Tradisyon
2.3 Sagisag
3 Sanggunian
4 Pagkilala
Kasaysayan
Ang pagdiriwang ng bagong taon ng mga Tsino ay nagbuhat sa kanilang matinding takot at pangamba. Batay sa alamat, nung sinaunang panahon ay may isang malaking halimaw na nagngangalang Nien o Nian (nangangahulugang “taon”) ang lumilitaw sa gabi ng pagtatapos ng taon, at sinasalakay ang mga mamamayan. Isang matandang lalaki ang naglakas-loob na harapin ang halimaw at kausapin ito. Sinabi ng matanda sa halimaw na sa halip na lusubin nito ang mga mamamayan ay ang mga naglalakihan at mapanganib na hayop na lamang ang kanyang salakayin at kainin. Ginawa nga ito ng halimaw, at ito'y lumisan kasama ang matanda na nang lumaon ay naging isang walang-kamatayang diyos.
Bago umalis ang matanda ay sinabihan niya ang mga mamamayan na sa tuwing magtatapos ang taon ay magsabit sila ng mga papel na kulay p**a sa kanilang mga tahanan upang sakaling magbalik ang halimaw ay matakot ito sapagkat ito ang pinakakinakatakutan nitong kulay. Kasabay nito, ang mga tao ay nagsimula na ring gumawa ng ingay gaya ng pagpapatugtog ng kanilang mga kagamitan at paggamit ng paputok upang tanglawan ang madilim na gabi sa takot na ang halimaw ay biglang magbalik. Dahil napatunayan nilang mabisa ang ginawa nilang paraan ng pagpapaalis kay Nian ay naging taunang ritwal na sa kanila ang salubungin ang bagong taon ng maingay at maliwanag.
Pagdiriwang
Sa Pilipinas, ang Chinese New Year ay itinuturing din na isa sa mga pangunahing pista sa bansa, dala na rin ng matinding impluwensiya sa mga Filipino ng kulturang Tsino. Kung magbabalik-tanaw, bago pa man sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas ay may maigiting na kalakalan na nagaganap sa pagitan ng mga Tsino at katutubong Filipino. Kasama na din sa kalakalan ang pagdadala ng kanilang tradisyon at kultura sa bansa na maluwat namang tinanggap ng mga katutubo. Marami sa mga ito ay nanatiling buhay hanggang sa kasalukuyan, kabilang na dito ang pagdiriwang ng kanilang bagong taon.
Petsa ng Bagong Taon
Ayon sa alamat, inanyayahan ni Buddha ang lahat ng mga hayop na dumalo sa kanyang pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga Tsino. Sa lahat ng kaniyang inanyayahan, labindalawa lamang ang nagpaunlak. Dahil dito, ipinangalan niya sa 12 hayop ang 12 taon at ipinahayag na ang sinumang isilang sa taon ng partikular na hayop ay magtataglay ng ugali ng naturang na hayop.
2008 - Pebrero 7 (Rat)
2009 - Enero 26 (Ox)
2010 - Pebrero 14 (Tiger)
2011 - Pebrero 3 (Rabbit)
2012 - Enero 23 (Dragon)
2013 - Pebrero 10 (Snake)
2014 - Enero 31 (Horse)
2015 - Pebrero 19 (Sheep)
2016 - Pebrero 8 (Monkey)
2017 – Enero 28 (Rooster)
2018 - Pebrero 16 (Dog)
2019 - Pebrero 5 (Pig)
Tradisyon
Sa pagsalubong ng bagong taon, maraming paniniwala ang pinpairal at ritwal ang ginagawa ang mga Tsino. Marami din sa mga ito ang kinandili ng mga Filipino at ginawang bahagi rin ng kanilang tradisyon sa pagsalubong sa bagong taon. Nandito ang ilan sa mga kaugalian Tsino sa pagdiriwang:
Pagwawalis ng kapaligiran. Upang paghandaan ang nalalapit na bagong taon, tradisyon na sa mga Tsino ang maglinis ng kanilang tahanan. Ang bawat sulok at labas ng bahay ay matiyagang winawalis at nililinis. Isinasabit din sa kanilang mga pintuan at tarangkahan ang mga Spring Couplet – mga maiigsing tula ng pagbati sa sinaunang wikang Tsino – na nakasulat sa itim na tinta sa p**a at pahabang papel.
Pag-aalay sa panginoon ng kusina. Kinikilala ng mga Tsino si Zaowang bilang Panginoon ng Kusina – ang siyang nakatuklas ng apoy. Ayon sa alamat, ang bawat tahanan ay may kani-kaniyang panginoon ng kusina na siyang nagsisilbing bantay ng pamilya. Tuwing sasapit ang ika-23 araw ng huling buwan, nililisan ni Zaowang ang tahanan ng pamilya upang tumungo sa langit at dito ay ibalita ang naging pag-uugali ng pamilyang kaniyang binabantayan sa Panginoon ng mga panginoon. Sa pagnanais ng pamilya na higit na mabiyayaan, bago lisanin ni Zaowang ang kanilang tahanan ay inaalayan nila ito ng matatamis na pagkain upang maging maganda rin ang ibalita ng nasabing panginoon sa langit. Upang paghandaan naman ang muling pagbabalik ni Zaowang ay nag-iimbak ng maraming pagkain sa kanilang tahanan ang mga Tsino.
Maagang paghahanda. Ang lahat kakailanganin para sa pagsalubong ng bagong taon ay isinasagawa na ng mga Tsino sa araw bago ang nasabing pista. Umaga pa lamang bago ang pagsalubong ay nagpapagupit na ng buhok at nagluluto na ng kanilang ihahanda ang mga Tsino. Iniiwasan kasi nila ang paggamit ng mga matutulis na kasangkapan sa mismong unang araw ng taon sa paniniwalang ito ay makakaputol sa suwerteng hatid ng bagong taon.
Sama-sama sa salu-salo. Kagaya ng mga Filipino, ugali rin ng mga pamilyang Tsino ang magsama-sama sa pagsalubong ng bagong taon. Sa gabi bago ang pista ay nagsasalu-salo sa isang kainan ang buong pamilya. Nagpapalitan din sila ng mga regalo na kadalasan ay mga pagkain. Sa hapag kainan ay nakahain ang matatamis at malalagkit na pagkain. Ang mga di nakadalo ay may mga nakalaan pa ring upuan sa hapag bilang pagpapakita na sila ay animo'y kasama din nila.
Paggamit ng kulay p**a at paputok. Para sa mga Tsino, ang kulay p**a ay nagbibigay ng suwerte. Kaya naman sa pagsalubong ng taon, nababalutan ng kulay p**a ang kapaligiran. Ang kulay p**a ay kulay ng apoy na siyang itinuturing nilang sandata laban sa masasamang elemento, gaya na lamang ng maalamat na si Nian. Ang paggamit ng mga paputok o firecrackers ay isa sa mga impluwensiya ng Tsino sa buong daigdig. Sinisindihan nila ang paputok upang itaboy ang malas sa papasok na taon
Sagisag
Maraming mahahalagang simbolo ang ginagamit ng mga Tsino lalo na sa pagsalubong ng taon. Nandito ang ilan sa pinakapangkaraniwang makikita.
Hong bao. Kilala sa tawag na hong bao sa Mandarin o lai-see, ang mga p**ang sobre puno ng salapi ay pinamamahagi sa mga kabataan at mga taong wala pang hanapbuhay. Ang kulay p**a ay nangangahulugan
Dragon. Isa sa pinakamahalagang simbolo para sa mga Tsino ay ang dragon. Kaiba ang dragon na ito na kinakatakutan sa Kanluraning mga alamat at kuwento. Para sa mga Tsino, ito ay mahiwaga at nagtataglay ng mga di pangkaraniwang kakayahan gaya ng paglipad sa himpapawid, paglangoy sa karagatan at paglakad sa kalupaan. Ang anyo nito ay may kahalintulad sa ibang mga hayop, gaya ng sungay nito na animo sa usa, kaliskis na parang sa isda, at mga paa na tila sa tigre. Sa tuwing sasapit ang bagong taon, isang dragon dance ang ginagawa sa mga kalsada. Isang replika ng nasabing dragon ang ginagawa at nilalagyan ng maninipis na poste na siyang hinahawakan ng mga taong magsasayaw nito.
Chinese Lunar Calendar. Ito ay ang sinusundang kalendaryo ng mga Tsino sa pagbibilang ng taon. Di katulad ng Gregorian calendar na ginagamit ng mga kanluraning bansa na batay sa pagsikat ng araw, ang Chinese calendar ay sa buwan naman nagbabase. Makikita sa kalendaryong ito ang mga araw na ginagamit sa isang Gregorian calendar (na nasa numerong Arabic) at ang petsa sa Tsino.
F**k. Itinuturing na pinakamasuwerteng salita, ang f**k ay salitang Tsino na nangangahulugang "suwerte" at "kasaganaan." Isinusulat ito gamit ang pinsel at itim na tinta sa hugis brilyante na p**ang papel, at isinsabit sa mga tahanan at tindahan sa paniniwalang inaanyayahan nito ang suwerte.
RN: Tips and Thoughts
CREDIT To KALUSUGAN P.H
Hepatitis B at pagbubuntis: Anong dapat gawin?
Q: Ano ang maaaring mangyari pag nabuntis ang isang may hepatitis?
A: Huwag mag-alala. Kung ikaw ay babae na ‘carrier’ ng Hepatitis B, o positive ang iyong eksaminasyon para dito, hindi naman ito nangangahulugan ng hindi ka na pwedeng mabuntis, o kung buntis ka ay ito ay mauuwi sa disgrasya. Ngunit, may mga hakbang na mahalagang gawin, at mga ito ay dapat gawin kaugnay ang iyong OB-GYN o iba pang doktor. Ang mga babanggitin ko ay gabay lamang at dapat i-sangguni sa iyong doktor:
Hepatitis B habang buntis
Habang buntis, mahalaga na ingatan mo ang iyong atay upang hindi lumala o sumpungin ang Hepatitis. Kabilang na dito ang pag-iwas sa mga gamot gaya ng Paracetamol na kung napadalas o naparami ang paggamit ay pwedeng maka-apekto sa atay. Huwag na huwag iinom ng alak.
Hepatitis B sa panganganak
Pagkatapos na pagkatapos ng pagkapanganak, huwag na huwag kakaligtaan ang pagpapabakuna ng iyong baby sa Hepatitis B (Hepatitis B vaccine) at ang pagturok sa kanya ng Hepatitis B Immunoglobulin (HBIG). May follow-up ang bakunang ito at dapat ito’y ituloy ng walang palya. Tingnan ang mga mahalagang bakuna para sa mga baby sa Kalusugan.PH.
Hepatitis B at pagpapasuso
Ayon sa mga pag-aaral, wala namang dagdag na panganib o risk ang pagpapasuso sa kanilang mga sanggol ng mga babae na may Hepatitis B, basta siguradong mayroon at patuloy ang mga bakuna sa sanggol.
Rn: Tips and Thoughts
CREDIT: KALUSUGAN P.H
Almoranas: Kaalaman
Ano ang Almoranas o Hemorrhoids?
Ang almoranas o 'hemorrhoids' ay mga ugat sa puwet na namaga at lumago ng higit sa normal. Ito ay isang pangkaraniwang kundisyon na kadalasa'y hindi naman seryoso, ngunit nakakasagabal sa nakararami. Dalawa ang uri ng almoranas, may almoranas na nasa loob (internal hemorrhoids) at mayroon ding almoranas na nasa labas (external hemorrhoids). Maaaring magkasabay ang dalawang uri na ito. Magkaiba ang sintomas at paggagamot sa internal at external hemorrhoids. Bagamat maaaring maapektuhan ng almoranas ang anumang edad, ito'y pinaka-karaniwan sa edad 40-60.
Ano ang sanhi ng almoranas o ‘hemorrhoids’?
Parehas sa varicose veins ang mekanismo ng pagkakaroon ng almoranas. Ang mga veins ang daluyan ng dugo pabalik sa ating puso. Kapag may “pressure” o pwersa na humaharang sa pagdaloy ng dugo pabalik sa puso, lumalaki ang mga veins. Sa ating puwit, ang pag-iri kapag nagtitibi o nagtatae ay maaaring sanhi nitong pagtaas ng “pressure” o pwersa na nagdudulot sa pagkakaroon ng “hemorrhoids”. Pagbubuntis, o pagkakaroon ng bukol sa bahaging ibaba (gaya ng pagkakaroon ng myoma sa babae o paglaki ng prostate sa lalaki) ay maaari ring magpataas ng “pressure” o pwersa, nagdudulot sa almoranas.
Totoo bang nagdudulot sa almoranas ang pagkain ng maanghang?
Hindi totoo na nakakapagdulot sa almoranas ang pagkain ng maaanghang. Subalit may ilang mga bagay na maaring magdulot (risk factors) ng almoranas:
• Madalas na pagtitibi o pagtatae
• Madalas na pag-ubo, pagsusuka
• Pagbubuntis
• Pagkain ng mga pagkain na mababa sa fiber
• Pagbubuhat ng mabibigat
• Pagpasok ng tite sa puwit o a**l in*******se
Merry Christmas Everyone..
Hello RNIAN's good morning! KINIG na sa 105.3Fm, Radyo Natin Infanta..
Paninigarilyo
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.
Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.
Ang paninigarilyo ay ang pangunahing sanhi ng sakit sa puso, baga, kanser, dyabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.
Ang paglanghap ng usok ng sigarilyo (secondary smoke) ay nakakaapekto din sa kalusugan.
Ang Sigarilyo
• Ang sigarilyo ay naglalaman ng mahigit 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.
• Napatunayang 43 sa mga kemikal na ito ay nagiging sanhi ng kanser.
• Ang ni****ne na laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-addict dito.
• Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mga tambutso ng sasakyan.
• Ang tar sa sigarilyo ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.
Epekto ng Paninigarilyo sa Kalusugan
Ang paninigarilyo ay nakakapangit, nakakakulubot ng balat, nakakabaho ng hininga, at nakakabaog.
Ito rin ay pinakamadalas na sanhi ng atake sa puso at stroke; pagtaas ng blood pressure; paglapot ng dugo; kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog; low birth weight at birth defects ng sanggol sa sinapupunan; at katarata at pagkabulag.
Ang lahat ng ito ay makikita rin sa mga palagiang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo.
Mga Dapat Gawin!
• Huwag magsimula.
• Kung naninigarilyo na, huminto agad.
• Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon mong huminto.
• Huwag pumasok sa kwartong may naninigarilyo.
• Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, kumunsulta sa smoking cessation clinics.
24/11/2012
24/11/2012
Keep using vaseline product, another promo will come to your way!
Hello RNIAN's, whats up, always keep your smile...listen to your friendly neighborhood station, 105.3fm Radyo Natin Infanta.KINIG NA!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Oliva Building, Rizal Street
Infanta
4336