LGU - Infanta, Pangasinan - Opisyal
This is the official page of the Municipality of Infanta.
WATCH: Video Highlights ng Paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan sa ating Bayan ng Infanta!
"๐๐๐ค๐
๐๐ค๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐, ๐๐ค๐๐๐๐ฉ ๐๐๐ซ๐๐ง๐๐๐๐๐ ๐๐จ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐๐๐ฉ ๐ค๐ ๐ฐ๐ฃ๐
๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐." ๐ต๐ญ
Nagsama-sama ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno nina Mayor Virgilio F. Vallarta, M.D. at Vice Mayor Erdolfa A. Soriano, kasama ang iba't ibang sektor, upang ipagdiwang ang kasarinlan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod.
Bilang pagpupugay sa kabayanihan ng ating mga lahi, isinagawa rin ang isang solemneng pag-aalay ng wreath at bulaklak sa Bantayog ni Dr. Jose Rizal. Ang tunay na kalayaan ay buhay sa bawat tapat na serbisyo araw-araw!
Mabuhay ang malayang Pilipino!
Mabuhay ang Bayan ng Infanta!
Mabuhay ang Pilipinas !
12/06/2026
128 TAON NG KASARINLAN: Ang Tunay na Paglilingkod ang Katuparan ng Ating Kalayaan!
Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nagsama-sama ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta, mga kawani ng pamahalaan, Barangay Officials, School Heads , uniformed personnel, at iba pang sektor ng komunidad upang magbigay-pugay sa kabayanihan at sakripisyong nagkamit ng ating kasarinlan.
Pinangunahan ni Municipal Mayor Virgilio F. Vallarta, M.D. ang programa sa pamamagitan ng kanyang mensahe ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
Nagbahagi naman ng makabuluhang pagtalakay hinggil sa kahalagahan ng Araw ng Kalayaan si Municipal Planning and Development Coordinator Ma'am Cherrie Dianne Mila-Salvoro, EnP. Kasunod nito, nagbigay rin ng mensaheng nagbibigay-inspirasyon si Vice Mayor Erdolfa A. Soriano, habang pinangunahan ni Municipal Tourism Infanta Head Ma'am Baby Ruth Meulio Mores ang pagtatapos ng programa sa pamamagitan ng kanyang closing remarks.
Hindi lamang ito simpleng pag-alala sa kasaysayan, kundi isang matinding hamon sa ating panunungkulan at pagka-Pilipino. Sa gitna ng ating pagdiriwang, iniwan sa atin ni ang makapangyarihang paalala :
"Being in government, being in power is not a privilege - it is a duty inherited from those who bled for this republic. Every wise decision of every Filipino, every peso of public funds spent with integrity, every service delivered to our people - these are the acts of patriotism. Good governance, honest governance is the fulfillment of Independence."
Sa pagtatapos ng programa, isinagawa ang isang solemneng pagmamartsa at pag-aalay ng mga bulaklak at wreath sa Bantayog ni Dr. Jose Rizal, na pinangunahan ng PNP Infanta sa pamumuno ni PCPT Philip S. Belly (OIC), kasama sina Municipal Mayor Hon. Virgilio F. Vallarta, Municipal Administrator Dr. Ma Filipina G. Vallarta, mga empleyado ng ating Lokal na Pamahalaan. Ang bawat bulaklak na inialay ay simbolo ng ating walang-maliw na pagpupugay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.
Ang laban para sa mas maunlad at malayang lipunan ay hindi natatapos sa mga pahina ng kasaysayan. Ito ay patuloy na isinusulat sa bawat tamang desisyon at tapat na serbisyong ibinibigay natin araw-araw.
Mabuhay ang malayang Pilipino!
Mabuhay ang Bayan ng Infanta!
Mabuhay ang Pilipinas !
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
12/06/2026
"Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay."
Isang makabuluhan at maligayang ika-128 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas!
Ngayong ika-12 ng Hunyo, higit pa sa isang makasaysayang petsa ang ating ipinagdiriwangโipinagkakapuri natin ang ating sariling pagkakakilanlan, ang ating mayamang kultura, at ang kalayaang ipinaglaban para sa atin. Nawa'y ating bigyang-pugay ang sakripisyo ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at marangal na pagtayo bilang isang bansang malaya.
Mabuhay, ang Pilipinas!
Mabuhay, tayong mga Pilipino!
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
11/06/2026
Sa patuloy na nararanasang mas mainit na panahon at pabago-bagong kondisyon ng klima sa bansa, lalong mahalaga ang pagtatanim ng mga puno upang makatulong sa pagpapalamig ng kapaligiran, pagpapabuti ng kalidad ng hangin, pag-iwas sa pagguho ng lupa, at pagbibigay ng tirahan sa iba't ibang uri ng hayop. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ ๐๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก, nagsagawa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), sa pangunguna ni Sir Marvin M. Mascariรฑa, ng ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐๐๐๐ na naglalayong hikayatin ang mga mamamayan na magtanim at mag-alaga ng mga punla sa kanilang mga tahanan at komunidad. Sa kabuuan, 800 assorted seedlings ang ipinamahagi, kabilang ang bayabas, mulberry, santol, sampalok, umbrella tree, kasoy, atis, at iba pang uri ng punong angkop para sa pagtatanim at pangangalaga sa kalikasan.
Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kamalayan ng komunidad sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at hikayatin ang sama-samang pagkilos tungo sa mas luntian at mas napapanatiling kinabukasan. Isinagawa ang programang ito sa suporta at patnubay nina Mayor Virgilio F. Vallarta, M.D., at Vice Mayor Erdolfa A. Soriano na patuloy na nagtataguyod ng mga programang naglalayong maprotektahan at mapangalagaan ang ating kalikasan. Sama-sama nating itanim ang pag-asa para sa susunod na henerasyonโsapagkat ang bawat punong itinatanim ngayon ay isang hakbang tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas matatag na bukas.
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
Sangguniang Bayan Committee En Banc June 11, 2026
11/06/2026
HONORING OUR FREEDOM: The 128th Philippine Independence Day Commemoration
Through the initiative of Mayor Virgilio F. Vallarta, M.D. and Vice Mayor Erdolfa A. Soriano, alongside the Municipal Tourism Culture and the Arts Office, the Municipality of Infanta cordially invites all Infantanians to join the nation in celebrating our freedom.
Let us come together as one community to honor the sacrifices of our heroes and reaffirm our commitment to a progressive and united Infanta.
Date: June 12, 2026 (Friday)
Time: 7:30 AM
Venue: In front of the Legislative Building
See you there, Kailyan! Maligayang Araw ng Kalayaan!
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
10/06/2026
Patuloy na pinagtitibay ng Rural Health Unit of Infanta ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng isinagawang Regional Monitoring and Technical Assistance ng Department of Health โ Center for Health Development Region I para sa mga pangunahing programang pangkalusugan kabilang ang Lifestyle-Related Diseases Prevention and Control Program, Prevention of Blindness Program, Cancer Control Program, at Mental Health Program.
Pinangunahan ang monitoring team ni Sir Francisco S. De Vera Jr., Nurse V ng DOH-CHD I, kasama ang suporta ni Sir David A. Aviles, DMO IV. Ang aktibidad ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang masuri ang implementasyon ng mga programa, matukoy ang mga mabubuting gawi, at magbigay ng teknikal na gabay para sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng masusing monitoring, pakikipagtulungan, at pagbabahagi ng mga rekomendasyon, mas lalo nating napapalakas ang mga hakbang tungo sa pag-iwas at pagkontrol ng mga sakit na may kaugnayan sa pamumuhay, maagang pagtuklas at pag-iwas sa kanser at pagkabulag, at pagtataguyod ng kalusugang pangkaisipan para sa bawat mamamayan.
Ang RHU Infanta ay taos-pusong nagpapasalamat sa DOH-CHD I sa kanilang patuloy na suporta at paggabay sa pagsusulong ng isang mas malusog, mas matatag, at mas responsableng komunidad para sa lahat.
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ต๐ญ
The Local Government Unit of Infanta warmly invites all concerned officials and employees to participate in the 128th Philippine Independence Day Commemoration to be held on:
๐
June 12, 2026
๐ข 7:30 AM
๐ In Front of the Legislative Building
Dress Code:
โข Filipiniana
โข Barong Tagalog
The following are requested to attend:
โข National Officials
โข Municipal Officials
โข Municipal Department Heads and Section Heads
โข Rank-and-File Employees
โข School Heads
โข Barangay Officials
Let us come together in honoring the bravery, patriotism, and sacrifices of our national heroes who fought for the freedom and independence of our nation.
Mabuhay ang Kalayaan!
Mabuhay ang Bagong Infanta!
Mabuhay ang Bagong Pilipinas! ๐ต๐ญ
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
๐พ๐๐ฅ๐๐๐๐ฉ๐ฎ-๐ฝ๐ช๐๐ก๐๐๐ฃ๐ ๐๐ค๐ง๐ ๐จ๐๐ค๐ฅ ๐จ๐ ๐๐๐๐พ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ฉ๐๐ข
Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Infanta, sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), ng Capacity-Building Workshop on the Formulation of the Local Energy Efficiency and Conservation Plan (LEECP) at Hands-on Demonstration on the Government Energy Management Program (GEMP) Online System.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga lokal na tanggapan sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng energy efficiency, pagtitipid sa gastusin, at pangangalaga sa kalikasan. Nagbahagi ng kanilang kaalaman at teknikal na gabay ang mga resource persons mula sa Department of Energy at Lungsod ng Alaminos.
Sa suporta nina Mayor Virgilio F. Vallarta at Vice Mayor Erdolfa A. Soriano, patuloy na isinusulong ng Bagong Infanta ang mga makabago at napapanatiling polisiya para sa mas episyenteng paggamit ng enerhiya at mas mahusay na serbisyo publiko.
Mabuhay ang Bagong Infanta!
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
10/06/2026
LGU Infanta Nagsagawa ng Capacity-Building Workshop sa LEECP at GEMP Online System
Bilang bahagi ng commitment ng Lokal na Pamahalaan ng Infanta sa responsableng pamamahala ng enerhiya at pagtataguyod ng sustainable development, matagumpay na naisagawa ang dalawang araw na Capacity-Building Workshop on the Formulation of the Local Energy Efficiency and Conservation Plan (LEECP) at ang Hands-on Demonstration on the Government Energy Management Program (GEMP) Online System.
Ang mahalagang aktibidad na ito, na pinangunahan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa ilalim ni Municipal Planning and Development Coordinator Cherrie Dianne M. Salvoro, ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga lokal na tanggapan sa pagbuo ng mga programang nakatuon sa energy efficiency, pagtitipid sa gastusin ng pamahalaan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Nagbahagi ng kanilang teknikal na gabay at mahahalagang kaalaman ang mga resource persons na sina:
โข Ms. Julieta G. Locquiao, Science Research Specialist II, LFO-EUMD
โข Ms. Daphne F. Del Mundo, Senior Science Research Specialist, LFO-EUMD
Sa ikalawang araw ng workshop, tinalakay ang presentasyon ng mga output ng ating LGU, na sinundan ng mahahalagang feedback at rekomendasyon mula sa Department of Energy (DOE). Sa pagtatapos ng aktibidad, mas naging malinaw ang landas na tatahakin ng ating pamahalaan para sa mas episyenteng paggamit ng enerhiya.
Ang pagsasanay na ito ay naging matagumpay sa ilalim ng buong suporta nina Doctor Mayor Virgilio F. Vallarta, M.D. at Vice Mayor Erdolfa A. Soriano, na prayoridad ang pagbibigay ng sapat na kasanayan sa mga kawani upang mapabuti ang serbisyo publiko at maisulong ang isang responsable at maka-kalikasang pamamahala.
Sa pamamagitan ng kanilang inisyatibo, patuloy na naghahanda ang Lokal na Pamahalaan sa implementasyon ng mga makabago at napapanatiling polisiya na magpapataas ng episyensya sa paggamit ng enerhiya sa mga pasilidad ng bayan.
Sama-sama nating isulong ang isang mas episyente, mas luntian, at mas maunlad na Bagong Infanta!
Mabuhay ang Bagong Infanta!
-
-
-
Please LIKE, FOLLOW & SUBSCRIBE
FACEBOOK:
https://www.facebook.com/lguinfantapangasinan
INSTAGRAM:
https://www.instagram.com/lguinfantapangasinan/
YOUTUBE:
https://www.youtube.com/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Address
Poblacion
Infanta
2412
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |