Ang Bunsol
Ang Bunsol - The Official Publication of Infanta National High School (INHS)
01/04/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐-๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ฆ๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐ข๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐
Sa ilalim ng temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ matagumpay na isinagawa ang Rito ng Pagtuklas noong Marso 31, 2026, kung saan iginawad ang katibayan ng pagtatapos sa kabuuang 808 mag-aaral na matagumpay na nakatugon sa mga kinakailangan ng Senior High School (SHS) kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa pangunguna ni Gng. Luzviminda T. Buerano, Tagamasid Pampurok ng Infanta, ipinakilala at isinulit ang 424 magsisipagtapos mula sa A.M. shift, na pinagtibay ni Dr. Walter F. Galarosa, OIC-CID Chief ng Sangay ng Quezon. Samantala, isinulit naman ni Dr. Eurose Coronacion ang 384 magsisipagtapos mula sa P.M. shift na kinumpirma ni Dr. Reynaldo V. Nanong.
Bilang panimula ng programa, mainit na pagbati ang ipinaabot ni Yrish Zhmay L. Nolledo, May Pinakamataas na Karangalan mula sa G12-ABM-B, sa mga panauhin, kaguruan, magulang, at kapwa magsisipagtapos. Ayon sa kanya, ang okasyong ito ay sumasalamin sa tagumpay, sakripisyo, at mga pangarap na buong pusong ipinaglaban ng bawat isa.
Samantala, nagbigay inspirasyon ang panauhing tagapagsalita na si Dr. Raquel T. Nones, National Sales Manager ng San Miguel Corporation. Ipinaalala niya sa mga magsisipagtapos ang kaakibat na responsibilidad ng kanilang tagumpay. Aniya, โPosible ang tagumpay kahit saan ka man nagmula, saan ka man nagsimula, anuman ang estado ng iyong buhay bastaโt may sipag, tamang asal at malinaw na prinsipyo.โ Dagdag pa niya, โHindi sukatan ang tagumpay kung gaano kataas ang narating mo. Ang tunay na tagumpay ay kung gaano karaming buhay ang napabuti mo.โ
Binigyang-diin din niya ang tatlong mahahalagang aral: โNever stop learning. Graduation is not the end, itโs the beginning. Ikalawa, protect your characterโฆ Ikatlo, never forget where you came from.โ Ayon pa sa kanya, โWe bend, we adjust and then we rise,โ bilang patunay sa katatagan ng mga Pilipino.
Matapos ang kumpirmasyon, agad na sinundan ang programa ng paggawad ng mga sertipiko at medalya ng karangalan. Nanguna si Eron Josef M. America mula sa STEM-C bilang May Pinakamataas na Karangalan.
Sa kanyang talumpati, taos-pusong nagpasalamat si Eron Josef M. America sa kanyang mga g**o, kaibigan, at lalo na sa kanyang ina na nagsilbing inspirasyon niya sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Aniya, โIkaw ang aking bato, ang aking kanlungan at ang aking inspirasyon. Lahat ng aking ginagawa ay para ipagmalaki ka.โ Dagdag pa niya, โSa bawat tagumpay at pagkabigo, ikaw ang nagtuturo sa aking magpatuloy. Dahil saโyo natutuhan kong walang hanggan ang kayang abutin ng pusong di sumusuko.โ
Kinilala rin niya ang mahalagang papel ng mga g**o sa paghubog ng kanyang pagkatao at kaniyang idinagdag na, โAt the end of the days, you're more than your grades, diplomas or titleโฆ Our life is on our hands. We have the power to shape our lives, our future.โ
Dagdag pa rito, nagbigay rin ng mensahe si G. Jojit Dhindo E. Purpura, Pangulo ng Parents-Teacher Association, kung saan binigyang-diin niya na ang mga pangarap ay maisasakatuparan kung marunong mamuno ang isang tao sa kanyang sarili.
Kasunod nito, pinangunahan nina Melvin G. Basco at Merry-lyn E. Doroin, kapwa may Mataas na Karangalan, ang panunumpa ng katapatan sa paaralan bilang pangakong pangalagaan ang dangal ng Infanta National High School.
Sa puntong ito, pormal nang tinanggap ang mga nagsipagtapos bilang bagong kasapi ng INHS Alumni Association sa pangunguna ng pangulo nito na si Engr. Delsy J. Revellame, na nagpaalala na gamitin ang kanilang mga natutuhan sa tama at makabuluhang paraan.
Sa huling bahagi ng programa, ginawaran din ng parangal ang mga g**ong tagapayo at limang subject group head ng SHS bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa paghubog ng mga mag-aaral.
Sa kabuuan, ang Rito ng Pagtuklas 2026 ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos kundi pagbubukas ng panibagong yugto ng pag-asa at pangarap. Tulad ng saranggola sa kalangitan, ang mga magsisipagtapos ay inaasahang lilipad tungo sa mas mataas na mithiin, dala ang kakayahan, mabuting pagkatao, at matatag na prinsipyo para sa mas maliwanag na kinabukasan.
โ๏ธNora M. Francia
๐ท Emmanuel T. Morada
01/04/2026
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ญ๐๐ซ๐ฌ, ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐
Iginawad nitong ika-30 ng Marso 2026 ang Katibayan ng Paghakbang ng 694 na mga mag-aaral mula sa Baitang 10 na matagumpay na nakatupad sa mga kahingian ng JHS kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang paggawad ay pinangunahan ni Gng. Luzviminda T. Buerano, Tagamasid Pampurok ng Infanta, katuwang si Dr. Reynaldo V. Nanong, Punongg**o IV ng paaralan.
Isinagawa ang seremonya sa ilalim ng temang โPilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,โ na naglalayong ihanda ang mga mag-aaral sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral sa Senior High School.
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng bating pagtanggap si Neiah Marthea C. Villanueva, May Pinakamataas na Karangalan. Binigyang-diin niya sa kanyang mensahe na, โAng pagtatapos ay hindi lamang pagtatapos ng isang yugto, kundi pagsilang ng panibagong pananagutan.โ Dagdag pa niya, โSa pagtapak natin sa senior high school, nawaโy baon natin ang disiplina, katatagan, at paniniwala sa sarili. Higit sa lahat, maging handa tayong isabuhay ang diwa ng ating temaโang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao.โ
Samantala, ibinahagi ni Maja Gabrielle P. Lopez, na nagtamo ng pinakamataas na karangalan, ang kanyang mensahe ng pasasalamat sa mga g**o, kaklase, pamilya, at paaralan. Ayon sa kanya, โHindi tyamba o coincidence ang daloy o pangyayari sa buhay. Lahat ng pagod, puyat, at cramming ay may patutunguhan,โ na aniyaโy magsisilbing puhunan sa susunod na kabanata ng buhay.
Nagbigay naman ng inspirasyon ang panauhing tagapagsalita na si Architect John Paul M. De Guzman. Ipinaunawa niya sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagiging mabuti, may nakakakita man o wala. Aniya, โAng tunay na tapang ay hindi laging nananalo kundi kayang tumayo kahit natalo. Ang tunay na panalo ay taong natututo saka nagbabago.โ Dagdag pa niya, may mga pagkakataong hindi naibibigay ang mga bagay kahit pinaghirapan, sapagkat hindi ito nakalaan para sa isang tao. Bilang pangwakas, iniwan niya ang mensaheng, โAng tunay na lider ay hindi namumuno para sa kung ano ang mailalagay niya sa kanyang kamay bagkus ay kung ano ang maibibigay niya mula sa kanyang kamay.โ
Sa mensahe naman ni Gng. Julieta R. Leynes, Parent-Head ng Baitang 10, kanyang binigyang-diin na, โAng tunay na lider ay hindi lamang matalino kundi may malasakit, may paninindigan at kakayahang magbigay ng inspirasyon sa kanyang kapwa.โ Dagdag pa niya, โSa huli ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi lamang kung ano ang karangalang iyong natamo bagkus ay kung sino ka bilang isang tao.โ
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa paghubog ng mga mag-aaral, ginawaran din ng parangal ang mga g**ong tagapayo ng bawat pangkat sa Baitang 10 bago ang resesyonal na bahagi ng programa.
Sinalamin ng rito ng paghakbang ang isang makabuluhang pagdiriwang ng tagumpay at panibagong pag-asa, hudyat ng paghahanda ng mga mag-aaral sa mas mataas na antas ng kanilang edukasyon at sa hamon ng pagiging responsableng mamamayan.
โ๏ธEmmanuel T. Morada
๐ธ Algenius A. Leynes
31/03/2026
Buong galak na tinanggap ng mga mag-aaral mula sa PM Shift ang kanilang katibayan ng pagtatapos ng SHS, kalakip ang ibaโt ibang karangalan, sa ginanap na Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso 2026, kasama ang kanilang mga magulang bilang saksi sa kanilang tagumpay.
๐ท G. Emmanuel T. Morada
31/03/2026
Sa isinagawang Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso, buong dangal na nagmartsa sa isang makabuluhang prosesyonal ang mga nagsipagtapos ng SHS (PM Shift) kasama ang kanilang mga magulang, kaguruan, kawani ng paaralan, at mga panauhin bilang pagdiriwang ng kanilang tagumpay at paghakbang tungo sa bagong yugto ng kanilang paglalakbay.
๐ท G. Emmanuel T. Morada
31/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
"Ang pagtatapos ay hindi lamang pagtatapos ng isang yugto, kundi pagsilang ng panibagong pananagutan. "
"Sa pagtapak natin sa senior high school, nawaโy baon natin ang disiplina, katatagan, at paniniwala sa sarili. Higit sa lahat, maging handa tayong isabuhay ang diwa ng ating temaโang mamuno nang may kakayahan at mabuting pagkatao."
๐ต๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐ช. ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Grade 10 Rito ng Paghakbang 2026
May Pinakamataas na Karangalan
G10 SPA Virtuosity | Ang Bunsol EIC
31/03/2026
Isinagawa ang pagtatalaga ng mga bagong kasapi ng INHS Alumni Association para sa mga nagsipagtapos ng SHS sa pangunguna ni Engr. Delsy J. Revellame, Alumni President, sa ginanap na Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso 2026 bilang simbolo ng kanilang patuloy na ugnayan sa paaralan.
๐ท G. Emmanuel T. Morada
31/03/2026
Buong galak na tinanggap ng mga mag-aaral mula sa AM Shift ang kanilang katibayan ng pagtatapos ng SHS, kalakip ang ibaโt ibang karangalan, sa ginanap na Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso 2026, kasama ang kanilang mga magulang bilang saksi sa kanilang tagumpay.
๐ท G. Emmanuel T. Morada
31/03/2026
Sa isinagawang Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso, buong dangal na nagmartsa sa isang makabuluhang prosesyonal ang mga nagsipagtapos ng SHS (AM Shift) kasama ang kanilang mga magulang, kaguruan, kawani ng paaralan, at mga panauhin bilang pagdiriwang ng kanilang tagumpay at paghakbang tungo sa bagong yugto ng kanilang paglalakbay.
๐ท G. Emmanuel T. Morada
31/03/2026
Maligayang kaarawan sa ating Photojournalist na si Aidan na nagdiwang nitong buwan ng Marso ng kaniyang kaarawan! ๐ฐ๐ฅณ Sa bawat larawang iyong nailathala, patuloy mong naipamalas ang husay, tapang, at dedikasyon sa paghahatid ng katotohanan.
Kasabay ng pagtatapos ng taong panuruan, bitbit mo ang mga aral at kwentong magsisilbing gabay sa susunod na yugto ng iyong paglalakbay.
Patuloy mong ilarawan ang tagumpay. Mahal ka ng Ang Bunsol Fam! โจ
31/03/2026
Sa isinagawang Rito ng Pagtuklas 2026 nitong ika-31 ng Marso, buong dangal na nagmartsa sa isang makabuluhang prosesyonal ang mga nagsipagtapos ng SHS (AM Shift) kasama ang kanilang mga magulang, kaguruan, kawani ng paaralan, at mga panauhin bilang pagdiriwang ng kanilang tagumpay at pagtuklas tungo sa bagong yugto ng kanilang paglalakbay.
๐ท G. Emmanuel T. Morada
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
V. Ruanto Street, Brgy. Miswa
Infanta
4336