Team Jeda

Team Jeda

Share

Kabataang may Tinig at Tindig, Serbisyong Kapitbisig ๏ฟฝ

26/10/2023

Aming mahal na mga Kabataan ng Alulod halina't alamin ang aming Plataporma.

๐„๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง:
๐Ÿ“โ€œPERA NG MAMAMAYAN, ITUTULONG PARA SA KABATAAN: SCHOLARSHIP O EDUCATIONAL ASSISTANCEโ€
- Scholarship o Educational Assistance para sa mga kabataang may natatangging angking husay at talino.
- Ito rin ay para sa mga kabataang nangangailangan ng tulong pinansyal o kapos sa pera para makapasok.
๐Ÿ“ โ€œBARANGAY DOCUMENTS HINDI DAPAT IPINAGDADAMOTโ€
- Libreng barangay documents kagaya ng Barangay Clearance, Certificate of Indigency, Sedula, o iba pang dokumento na kailangan ng mga kabataan tuwing sila ay nag-aapply ng scholarships o tulong pinansyal.
- Ito ay isang programa na makakatulong upang mabawasan ang kailangan bayaran ng mga kabataan tuwing kailangan nila ng barangay documents. Kung dati na kailangan magbayad ng 30-50 pesos para sa isang dokumento.
- Paano makaka-avail: Ipapakita lamang nila ang proof na sila ay nag-aapply ng scholarship upang makatanggap ng libreng dokumento.
๐Ÿ“ โ€œTESDA TRAINING FOR ALLโ€
- Libreng tesda training para sa buong mamamayan ng Alulod.
- Ito ay isa sa mga programa na makakatulong upang ma-enhance at ma-develop ang talento at kasanayan ng ating ka barangay sa mga piling tesda courses.
- Bakit pili lamang ang tesda courses? Sapagkat magkakaroon muna ng poll o survey kada barangay kung saan hihingiin natin ang mga ninanais nilang programa ng tesda. Sa gayon, hindi masasayang ang free training na gagawin sa ating barangay.
๐€๐ค๐ญ๐ข๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐จ๐:
๐Ÿ“ โ€œPAGDIRIWANG NG LINGGO NG KABATAANโ€
- Ito ay isang programa na makakatulong upang magkaisa at magkakila kilala ang mga kabataan sa Barangay Alulod.
- Isang buong Linggo na mapupuno ng mga makabuluhang aral, masasayang aktibidad, at hindi makakalimutang karanasan.
- Ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ay bubuuin ng mga aktibidad kagaya ng sumusunod:
1. Leadership Training
2. Libreng Gupit (New Haircut, New Look)
3. Tree Planting
4. Sportfest (Basketball, Volleyball, Badminton, Table tennis, etc.
5. Diverse E-games Tournament For All Gender (ML, Valorant, Call of Duty)
6. Color Fun Run / Marathon
7. Movie or Music Video
8. Mr. & Ms. Linggo ng Kabataan
- Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito masusulong ng Sanguniang Kabataan ang UNITY, LEADERSHIP, at HARMONY sa bawat kabataan ng Alulod.

๐„๐ค๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ข๐ฒ๐š:

๐Ÿ“ โ€œANNUAL JOB PAIR PARA SA ATING KANAYONโ€
- Ito ay isang programa upang mas mapadaling makahanap ng trabaho ang ating mga mamamayan. Kung dati ay kailangan pang pumunta sa Munisipyo upang umattend ng ganitong aktibidad, ngayon uumpisahan natin isulong ang ganitong aktibidad / programa sa ating barangay.

๐“๐š๐ฉ๐š๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐, ๐ข๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ! :

๐Ÿ“โ€ISULONG ANG BUDGET FUNDS TRANSPARENCYโ€
- Sa pamamagitan ng pagiging transparent, mapapatunayan nating mga Sangguniang Kabataan na hindi tayo mga pinapalaking buwaya para mangurakot.
- Sa simpleng layuin na ito matatanggal natin sa kaisipan ng nakakarami ang mga salitang โ€œay nag SK lang naman yan para mangurakotโ€ , โ€œwala naman yang ibang gagawin kundi mag paligaโ€
- Kaya naman, malaking tulong ang pagiging transparent nating mga Sangguniang Kabataan sa budget na ating gagamitin upang malaman ng mamamayan ng Alulod kung saan napupunta ang buwis na kanilang binabayad.
๐“๐ž๐ค๐ง๐จ๐ฅ๐จ๐ก๐ข๐ฒ๐š:
๐Ÿ“โ€BARANGAY LED WALLโ€
- LED WALL para sa mga mahahalagang anunsyo kagaya ng mga parangal na natatanggap ng mamamayan ng Alulod, bagong aktibidad at proyekto, mga scholarships program, job pair, at marami pang iba.
- Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ating magiging punong barangay. Isasakatuparan namin ang LED WALL sa ating barangay upang mas madaling makita o malaman ng ating kanayon ang mga ganitong anunsyo.
- Sapagkat may ilan sa ating kanayon na wala namang cellphone o walang facebook. Mainam na merong LED WALL ang ating barangay para maging isa sa batayan ng mga anunsyo.

๐Ÿ“Kapaligiran:
- Clean up Operation, Isasagawa po namin ito dalawang beses sa isang buwan. Isa ito sa makatutulong upang mapanatili ang kalinisan sa ating brgy.
- Trash Bin every Purok, BASURA MO ISHOOT MO! Ang proyektong ito ay makatutulong upang mabawasan ang basura sa ating brgy, maaari din natin ibenta ang mga bote at papel para sa karagdagang pondo sa ating mga proyekto.
- Earth Day Celebration
- Animal welfare program, Anti Rabies and Animal Kapon Drive. ๐Ÿฉต

Send a message to learn more

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Indang?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Alulod
Indang
4122