Daddy Alley

Daddy Alley

Share

A father. A husband. A friend. A brother. Youtube: Daddy Alley

07/06/2026

Tag-ulan na, nagcacamping pa rin kayo? πŸ€”

03/06/2026

Tara, kape. β˜•οΈ

02/06/2026

Hindi ko man alam kung paano ito ikukuwento nang buo, pero isang bagay ang siguradoβ€”napakabuti ng Diyos. πŸ–€

Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagpa-motowash pa ako sa labas ng subdivision kahit mukhang uulan na. Pagkatapos magpalinis ng motor, umambon nga. Wala akong magawa kundi maghintay muna. Nang tumila nang bahagya, nagpasya na akong umuwi.

Pero pagpasok ko pa lang sa subdivision, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napasiglong ulit ako sa clubhouse. Doon ko nakasabay si tropaβ€”isa sa mga madalas kong makabatian sa kalsada pero hindi ko pa pala kilala sa pangalan. Matagal ko na rin siyang hindi nakakasalubong.

Nagkwentuhan kami, at doon ko nalamang si Jefie pala ang pangalan niya. Ibinahagi niya ang matinding pagsubok na pinagdaanan niya sa kalusuganβ€”isang karanasang muntik nang kumitil sa kanya. Hindi ko na idedetalye, pero habang nakikinig ako, lalo kong nakita kung gaano kabuti at katapat ang Diyos sa buhay niya. Nakakamangha ang kanyang testimony at kung paano kumilos ang Panginoon sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

Sa pagkakataong iyon, ipinanalangin ko siya para sa tuluyan at ganap na paggaling.

Nagpatuloy pa kami sa kwentuhan hanggang sa tumila ang ulan at kanya-kanya na kaming umuwi.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit parang may nagtutulak sa akin na lumabas ng bahay kahit wala naman iyon sa plano. May gustong ipakita ang Diyos. May gusto Siyang ipaunawa at iparinig sa akin. Hindi ito aksidente. Ang lahat ng ito ay pinahintulutan Niyang mangyari sa tamang oras at tamang pagkakataon.

Tunay ngang kumikilos ang Diyos sa mga paraang hindi natin inaasahan.

31/05/2026

+1

Salamat sa nagregalo ng solid na mug.
Sarap magkape nito. β˜•οΈπŸ–€

30/05/2026

Kanina nangangarap ako nang gising. Sabi ko sa sarili ko, gusto ko magkaroon ng lupa sa probinsya. Lalagyan ko ng kubo para pahingahan tpos camping ground. Gawin kong campsite na mura para tangkilikin. Tapos ito si ate nag-inquire agad sa akin. πŸ–€

Pag nangyari ito, free ka na ate 3D2N for whole family!

30/05/2026

AHAS SA CAMPSITE!!!!

Grabe, hindi namin expected ito. Bigla na lang sumulpot ung ahas sa tent. Buti hindi natuklaw ung mga bata habang naglalaro. Buti na lang rin at laruan lang pala at na-prank lang kami. Sumikip dibdib ko 'dun mga 58 seconds.

πŸ“ The Balite Hideout

Photos from Daddy Alley's post 28/05/2026

Sharing my improvised car side awning using awning tarp. πŸ‘Œ

⛺️ 𝘈𝘭𝘡π˜ͺ𝘡𝘢π˜₯𝘦 𝘰𝘢𝘡π˜₯𝘰𝘰𝘳 𝘨𝘦𝘒𝘳𝘴 𝘴𝘩𝘰𝘱 - π˜”π˜’π˜―π˜ͺ𝘭𝘒
πŸ“ The Balite Hideout

Photos from Daddy Alley's post 27/05/2026

Advance Birthday Camp Photos

πŸ“ The Balite Hideout

Want your business to be the top-listed Media Company in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Imus