The Postscriptum

The Postscriptum

Share

β€’ πš–πšπšŠ π™ΏπšŠπš‘πšŠπš‹πš˜πš• πš—πšŠ πš‚πšžπš•πšŠπš β€’

11/06/2026

laging may bΓΊhay
sa lahat ng dakoβ€”
laging may pag-asa
~

Melvin Waje
***

10/06/2026

kung minsan may
pagmamahal na
hindi sumasapat,
kaya ang hiling ay
dagdag na puso
at pang-unawa,
na ang minsang
isinumpang
mamahalin
nang lubos
ay mananatiling
mamahalin
hanggang maubos.

~

Melvin Waje
***

08/06/2026

Laging may pagsubok, laging may hamon,
susubukin ang katatagan at paniniwala mo,
dahil ang daan patungo sa pangarap ay hindi
palaging patag, hindi palaging isang diretso,
maraming lubak at liko, pero magkagayon man
piliin at pilitin mo pa ring daanan at lampasan.

Ang matamis na tagumpay ay laging pagkatapos
ng mapait na mga hamon at pagsubok.

Huwag susuko.
~

Melvin Waje
***

05/06/2026

Hindi tayo
palaging malakas,
at ayos lang β€˜yon.
~

Melvin Waje
***

04/06/2026

β€œKaya ko pala”

Minsan bitbit ng salitang ito ang lahat ng ikinubli nating takot at duda bago pa magsimula, bago sumugal. Patunay din ang salitang ito sa lahat ng agam-agam.

Masasabi mong kaya mo kung susubukan mo.
Mahahanap mo ang sagot sa tanong kung gagawin mo.
~

Melvin Waje
***

Photos from The Postscriptum's post 30/05/2026

The Postscriptum’s Project Libreng Tula Sa Kalye sa Bulakta Theatre’s The Back: Stage Reads Vol. I

KITAKITS MAMAYA! 🫢🏻✨

Tingnan ang poster para sa ibang detalye.

Photos from Bulakta Theatre's post 24/05/2026

First event para sa ℙ𝕣𝕠𝕛𝕖𝕔π•₯ π•ƒπ•šπ•“π•£π•–π•Ÿπ•˜ 𝕋𝕦𝕝𝕒 𝕀𝕒 𝕂𝕒𝕝π•ͺ𝕖. Manood, makinig, maki teyatro at mag-uwi ng libreng tula. Kitakits! πŸ™‚β€β†•οΈβœπŸ»

Follow Bulakta Theatre for more info.

14/05/2026

lagi’t laging may
tamang panahon
~

Melvin Waje
***

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Hagonoy?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Hagonoy
3002