Admin DokSam

Admin DokSam

Share

Admin Casimiro E. Galapon Jr. Ang inyo pong katanungan ay malugod naming sasagutin sa abot ng aming makakaya.

12/10/2025

October 10, 2025

Ang inyo pong lingkod ay lubos na natutuwa at nagagalak sapagkat ang ating pinaghirapan nung ako ay konsehal pa na kung saan ay tayo ang naging author sa pagtatag ng ating Guimba Community Hospital o mas kilala sa pangalang lying-in ay isineselebra ngayong araw ang kanyang ika 13 taon sa pagbibigay ng serbisyo sa mga may sakit at karamdaman sa bayan ng Guimba.

Ang ating administrasyon ay lubos na nagpapasalamat sa mga kawani na bumubuo ng ating ospital sa pangunguna ng ating butihing Mayor DokLito Galapon at Chief of Hospital Dok Manny Ng Gch.

MABUHAY KAYO AT MALIGAYANG IKA 13 TAON GUIMBA COMMUNITY HOSPITAL!!!

Photos from Admin DokSam's post 09/10/2025

October 9, 2025

EYE CARE MEDICAL OUTREACH PROGRAM

Tuloy tuloy na nagsasagawa ng medical outreach program ang ating lokal na pamahalaang Guimba sa pamumuno ni Mayor DokLito Galapon na dinaluhan ng ating municipal admin Casimiro Galaponjr katuwang ang Guimba Eye Care Clinic at SBM Konsehal Julius Gregfort Lumang
sa kanyang nasasakupan na Cluster 2 na mga barangay na sumusunod na ginanap sa Macatcatuit Gym

- BACAYAO
- MACATCATUIT
- SUBOL
- PARTIDA 1
- PARTIDA 2
- CALEM
- MACAMIAS

Diretsong programa para sa mamamayan ng Guimba ang layunin ng ating ama ng bayan upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

03/10/2025

Happy Teacher’s day😇

Photos from Admin DokSam's post 30/09/2025

September 30, 2025

EYE CARE MEDICAL OUTREACH PROGRAM PARA SA BAYAN NG GUIMBA

Muling isinagaawa ang medical outreach program ang ating bayan ng Guimba na pinangunahan ni Mayor DokLito Galapon kasama ang kanyang administrator Casimiro Galaponjr at Sangguniang Bayan Member Konsehal Kent Chua Natividad sa nasasakupan ng Cluster 3 na mga barangay (San Rafael, Pasong Intsik, Manggang Marikit, Casongsong, Narvan I and II, Lennec at Pacac)

Tuloy tuloy ang pamamahagi ng ating ama ng bayan ng libreng konsulta, operasyon at salamin sa nasabing nasasakupan na bayan ng Guimba na dinaos sa Natividad Farm House Barangay Casongsong.

Ang layunin ng programang ito ay matulungan ang ating mga kababayan sa bayan ng Guimba.
Na walang kakayahang makapag patingin sa espesyalista at matugunan ang pangangailan ng ating mga kababayan na mabigyan ng libreng salamin.

Photos from Admin DokSam's post 26/09/2025

September 26, 2025

Pet ay Alagaan Rabies Ayawan
(PARA CAMPAIGN)

Isinelebra ang WORLD RABIES MONTH sa Guimba Community Hospital sa pangunguna ng Chief of Hospital na si Dok Manny Ng Gch kasama ang kanyang magigiting na kawani na dinaluhan ng ating Municipal admin Dr. Casimiro Galaponjr upang kumatawan sa ating minamahal na ama ng bayan Mayor DokLito Galapon.

Kasama sa umattend ang mga BNS ng 64 barangays ng bayan ng Guimba upang mapalawig ang kaalaman kontra rabies. Nangako din ng tuloy tuloy na supporta ang LGU sa pagbigay ng libreng anti-rabies vaccine para sa mamayan ng Guimba.

Photos from Admin DokSam's post 25/09/2025

Kita ang Suporta ng ating Admin Dok Casimiro Galapon Sa ating Civil Service Month😇
Suporta para sa mga kawani ng gobyerno.
Good Luck and Congratulations.

Mayors Office vs Sanguniang Bayan

Photos from Admin DokSam's post 24/09/2025

Tulong Pinansyal para sa Medical and Burial Assistance para sa mamamayan ng bayan ng Guimba.

Handog ni Mayor DokLito Galapon para sa kanyang nasasakupan, na dinaluhan ng ating Admin Dok Casimiro “Saming” Galapon bilag kinatawan ng ating Punong Bayan.

Sana po ay makatulong ito para sa inyong pang gamot para sa inyong pang araw araw.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Guimba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Municipality Of Guimba
Guimba
3115