Maybubon Integrated School

Maybubon Integrated School

Share

Maybubon Integrated School offers primary and secondary education

01/03/2026

Now at Maybubon Integrated School: Strengthened Senior High School Curriculum for SY 2026–2027.

16/02/2026

The list of qualified applicants for Teacher I hiring for School Year 2026–2027 is hereby posted for information and guidance. Please be advised accordingly.

27/01/2026

Happy Birthday, Sir Reniel S. Ulog! πŸŽ‰πŸŽ‚

From all of us at Maybubon Integrated School, especially your Grade 6 pupils, we would like to wish you good health, happiness, and continued success. Thank you for your patience, guidance, and dedication to teaching us not only lessons from books but also lessons for life.

May you be blessed with many more years of inspiring young minds. Have a wonderful and meaningful birthday, Sir! 🎈✨

Photos from Maybubon Integrated School's post 26/01/2026

Making Maybubon Integrated School Safer for Our Learners!

We requested our engineering office to measure and estimate the school ground so that our plan to concrete it can move forward. This project, funded by the Special Education Fund (SEF), aims to make the ground even, safe, and free from stagnant waterβ€”para sa kaligtasan at health ng ating mga mag-aaral.

With this improvement, our students can enjoy a safer and more comfortable environment while learning. πŸ’š Together, we are building not just a school, but a safe space for the bright future of our children!

25/01/2026

Magandang araw po sa ating mga magulang at kabarangay,

Bilang Punong-g**o ng Maybubon Integrated School, nais ko pong ipabatid na tumatanggap na po tayo ng Grade 11 para sa SY 2026–2027 sa ilalim ng DepEd Early Registration (Jan 31–Feb 27, 2026).

Alam po natin na marami nang paaralan ang nag-aanyaya sa ating mga mag-aaral. Ngunit nais ko pong ipaalala na sa public school, tulad ng Maybubon Integrated School, libre po ang edukasyon sa Senior High School (Grade 11–12) at awtomatiko ang DepEd voucher. Mas madali po para sa ating mga magulang, at walang dagdag na babayaran.

Ang pagkakaroon ng Grade 11 sa Mabubon ay pangarap na matagal na nating ninanaisβ€”hindi lang ng paaralan, kundi pati ng mga magulang, buong barangay, at komunidad. Napaka-supportive po ng ating barangay officials, at ang ating Mayor ay nakikipagtulungan sa paaralan upang maibigay ang municipal assistance para sa mga mag-aaral mula Grade 8 hanggang 12.

Sa Maybubon Integrated School, sisikapin po naming maibigay ang:
β€’ 🏫 Bagong silid-aralan para sa Grade 11 at 12
β€’ πŸ‘©β€πŸ« Mga kwalipikadong bagong g**o mula sa DepEd
β€’ πŸ“š Maayos, ligtas, at de-kalidad na kapaligiran sa pagkatuto

Higit sa lahat, mas malapit ang paaralan sa inyong tahanan. Hindi na kailangang gumising nang maaga, mapagod sa biyahe, o magdala ng dagdag gastusin araw-araw. Mas nasusubaybayan po ng mga magulang ang kanilang mga anak, mas nagagabayan, at mas naiwasan ang mga panganib tulad ng maling barkada at bisyo.

At para po sa ating buong komunidadβ€”kahit wala kayong anak sa Grade 11 o 12, maaari po ninyong tulungan ang ating paaralan. Mangyari po lamang na i-promote sa inyong pinsan, kamag-anak, kapitbahay, at kakilala sa Barangay Maybubon at mga karatig barangay ang ating Senior High School. Gawin po natin ito bilang pagmamahal at malasakit sa ating paaralan, at sa kinabukasan ng ating kabataan.

Inaanyayahan ko po ang ating Grade 10 completers na ipagpatuloy ang kanilang Senior High dito mismo sa Maybubon Integrated Schoolβ€”kung saan ang edukasyon ay libre, de-kalidad, at suportado ng buong komunidad.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, tulong, at malasakit!

25/01/2026

EARLY REGISTRATION
January 31 – February 27, 2026
School Year 2026–2027
(Department of Education)

Tumatanggap na ng Kinder, Grade 1, Grade 7 β€” at ngayon, pati GRADE 11 na!

πŸ“’ Sa wakas, may Senior High School na sa Brgy. Maybubon!
Ang matagal nang pangarap ng bawat taga-Mabubon ay narito na.
Hindi na kailangang lumayo, gumastos, o mapagod sa biyahe para makapag-Grade 11.

Inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral mula sa Brgy. Maybubon at mga kalapit na barangay na mag-enroll sa Maybubon Integrated School.

πŸ‘‰ Mag-enroll na sa Early Registration!
πŸ‘‰ Ilapit ang edukasyon sa ating mga anak.

25/01/2026

Happy Birthday, Mam Marilou Sapad Marilou Cesario Sapad! πŸŽ‰

On behalf of Maybubon Integrated School, I would like to extend our warmest birthday greetings to you. Thank you for your dedication, commitment, and passion as a Grade 5 teacher. Your hard work and positive influence greatly contribute to the growth and learning of our pupils.

May this special day bring you joy, good health, and continued success in both your personal and professional life. We truly appreciate your service and dedication to education.

Happy Birthday and God bless you always.

Photos from Maybubon Integrated School's post 07/01/2026

πŸŽ‰ MAY SENIOR HIGH SCHOOL NA SA MAYBUBON INTEGRATED SCHOOL!

Isang malaking balita at tagumpay para sa buong komunidad ng Barangay Maybubon! Ang kahilingan para sa pagtatatag ng Senior High School sa Maybubon Integrated School ay opisyal nang naaprubahan.

Simula susunod na taong panuruan, magbubukas na ang Grade 11 at Grade 12 (Senior High School) sa aming paaralan. Ibig sabihin, ang ating mga magulang ay hindi na kailangang mag-alala sa malalayong biyahe at dagdag na gastusin sa pamasahe ng kanilang mga anak. Mas ligtas, mas praktikal, at mas malapit na sa tahanan ang pag-aaral.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagtutulungan at suporta ng aming mga katuwang sa edukasyon. Lubos ang aming pasasalamat sa Schools Division Superintendent, Sir Ronaldo Pozon, sa masipag na Division Office Planning Officer, Sir Donelo, na nanguna sa pag-abot ng mga aprubadong dokumento, kasama ang iginagalang na School Head ng Guimba East Central School Sir Erwin Millado na nakiisa sa handover. Maraming salamat sa ating supportive na PESPA President Ma'am Marivic J. Burgos!

Maraming salamat din po sa patuloy na suporta ng ating Municipal Mayor Doklito Galapon, pati na rin sa Barangay Captain Jaime Pioquinto, mga Barangay Kagawad Corazon, at sa buong Barangay Officials ng Barangay Maybubon.

Ang pagkakaroon ng Senior High School sa Maybubon Integrated School ay isang patunay ng ating pagmamalasakit sa edukasyon at sa kinabukasan ng ating mga anak. Sama-sama nating ipagdiwang ang bagong yugto na ito para sa ating paaralan at komunidad.

πŸ“šπŸ’™ Maybubon Integrated School β€” edukasyon, mas malapit na sa tahanan.

07/01/2026

Happy Birthday, Sir Joel Dullas! πŸŽ‰ Thank you for your dedication, patience, and guidance as our Grade 10 Adviser. Your commitment to shaping and inspiring our learners truly makes a difference. Wishing you good health, happiness, and continued success!

28/10/2024

πŸŽ‚πŸŽ‰ Happy Birthday, Ma’am Jeanlyn Taduan! πŸŽ‰πŸŽ‚

Your kindness, dedication, and love for teaching inspire everyone at Maybubon Integrated School! May your special day be filled with joy, laughter, and the same warmth you bring to your pupils every day. πŸ’–βœ¨

Wishing you all the best in the year ahead! πŸ₯³πŸŽ

Want your school to be the top-listed School/college in Guimba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Guimba
3115

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm