Clubhouse is an after school learning environment where young people can explore their knowledge in computer and technology aspects. Luis A. Joman G. Kerby J.
It's a free and safe-after school learning environment where young people explore their knowledge and skills through the use of technology with their peers and adult mentors. It is a project of the Intel Computer Clubhouse Network in Museum of Science, Boston, Massachusetts, USA. Philippines is very lucky of having this kind of institution. It is the only one active and opperating Computer Clubhou
se in the whole country. GENERAL TRIAS COMPUTER CLUBHOUSE
(Dating Ayala – Intel Computer Clubhouse at Gen. Trias)
MAIKLING TALANG KASAYSAYAN
Ang Computer Clubhouse sa bawat bansa ay isa sa pangunahing mithiin ng Intel Computer Clubhouse Network sa Boston, Massachusetts, USA. Mapalad ang bansang Pilipinas dahil sa kasalukuyan, ang General Trias Computer Clubhouse na lamang ang siyang nagiisang Computer Clubhouse sa buong kapuluan. Taong 2001 ng makipag – ugnayan ang Intel Computer Clubhouse Network sa Intel Technology Philippines na noon ay nakalagak sa Gateway Business Park sa Barangay Javalera General Trias, Cavite sa planong pagkakaroon ng ikalawang Computer Clubhouse sa Pilipinas, sa General Trias. Nagkaroon ng kauna – unahang Computer Clubhouse sa Pilipinas sa Ayala, Makati. Agad na nakipag – ugnayan ang Intel Technology Philippines sa pangunguna ni Bb. Cecil Ubarra sa Punong Bayan ng General Trias, Kgg. Ferrer, IV at sa Lokal na Pamahalaan ng General Trias, Cavite ukol sa nabanggit na usapin. Agad na pinagplanuhan ng Lokal na Pamahalaan at ng Intel Technology Philippines ang pagtatayo ng Computer Clubhouse sa nabanggit na bayan. Setyembre 2002, ng unang pasinayanan ang bagong Computer Clubhouse sa General Trias na unang tinawag bilang AYALA – INTEL COMPUTER CLUBHOUSE AT GENERAL TRIAS. Binibigyang suporta at tulong ito sa mga gastusin ng Ayala Foundation at ng Intel Technology Philippines. Unang itinalaga bilang kauna – unahang Coordinator si G. Jose Feliciano Josef o mas kilala bilang si “Kuya Jofel” at Assistant Coordinator si G. Toledo o mas kilala bilang si “Kuya Joman”. Tinangkilik ng maraming kabataan sa General Trias ang bagong bukas na Computer Clubhouse sa kanilang bayan. Napabilang rin ang Gen. Trias Computer Clubhouse sa mga organisasyong binigyan ng pondo ng Intel Technology Philippines taun – taon. Nagkaroon din sila ng pagkakataon na bisitahin ang Makati Computer Clubhouse noong nagdiwang ito ng kanilang unang anibersaryo. Taong 2004, nang mag – bitiw bilang Coordinator si Kuya Jofel dahil sa kanyang trabaho. Itinalaga si G. Toledo bilang Coordinator ng mga panahong iyon. Lalong sumigla ang mga miyembro ng Computer Clubhouse na mula sa 75 na kabuuang bilang ng mga miyembro nito ay umakyat ito sa 150. Taon ding iyon ng unang lumahok sa Worldwide Teen Summit sa Boston, Massachusetts ang Gen. Trias Computer Clubhouse. Unang naipadala sina Ajiver Asahan, Abigail Montoya at Luisa Mabilog bilang kinatawan ng Pilipinas kasama ang mga delegado mula sa Makati. Naipadala rin ng taong 2006 sina Raymark Dulce, Ofie Loyola at Jeremiah Macaraeg. Taong 2008 naman si Allain Fortuno at taong 2010 sina Charmaine Angcao, Aljevin Comiso at Arnel Avila. Taong 2007 ng lisanin ni Kuya Joman ang Pilipinas at manirahan sa Bahrain. Ilang buwan nagsara ang Computer Clubhouse. Ngunit, itinalaga ng Lokal na Pamahalaan si Gng. Lorie Labuguen bilang Acting Coordinator ng Computer Clubhouse. Hindi naman nagtagal, taong 2008 itinalaga si Kgg. Salazar bilang opisyal na Coordinator at si Bb. Baby Lyn M. Kempiz bilang Assistant Coordinator at ilang mga masisigasig na Mentors. Lalong sumigla ang Computer Clubhouse at mula sa dati nitong pangalan na Ayala – Intel Computer Clubhouse ay pinalitan ito ng Lokal na Pamahalaan bilang GENERAL TRIAS – INTEL COMPUTER CLUBHOUSE sa ilalim ng General Trias Youth and Sports Development Office. Tumaas rin ang bilang ng mga miyembro nito sa humigit - kumulang 250 kabataan. Taong 2010 naman ng mapalad na maluklok bilang Kagawad ng Sangguniang Bayan ng General Trias si G. Kerby Salazar kung kaya’t kaakibat ng mga tungkuling sa kanya ay iniatang ay kanyang itinalaga si Bb. Baby Lyn Kempiz bilang Coordinator I ng Computer Clubhouse upang humalili sa mga tungkuling dapat niyang gampanan sa Computer Clubhouse at siya naman ang tumayong Coordinator II o pinakamataas na Tagapamahala ng organisasyong ito. Ilang buwan lamang ang lumipas ay nahirang bilang Executive Assistant ng Tanggapan ng Pagpapaunlad ng Kabataan at Isports (OYASD) si Bb. Baby Lyn Kempiz kung kaya’t kanyang hinirang si G. Ralph Edron Dangue bilang Coordinator I ng Computer Clubhouse. Sa kasalukuyan, si Kon. Kerby Salazar ang tumatayong Coordinator III o ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Computer Clubhouse, si Bb. Baby Lyn Kempiz ang Coordinator II at si G. Ralph Dangue ang Coordinator I. Katunayan lamang na hanggang sa kasalukuyan sa loob ng humigit kumulang 9 na taon, ang General Trias Computer Clubhouse ay nananatiling masigla ang suhay na itinanim ng mga unang namahala rito na magpasa-hanggang ngayon ay patuloy na iniingatan ng mga tagapamahala. Katunayan rin na sa kabila ng iba’t – ibang pagsubok na dumaan sa siyam na taong pagbabahagi nito ng edukasyong teknolohikal sa mga kabataang Gentriseño ay patuloy parin ito sa adhikaing mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga kabataan larangan ng makabagong teknolohiya. Pinagkunan: Pinagtipon-tipong salaysay mula sa mga unang miyembro
30/05/2024
Congratulations!
17/08/2023
Congratulations!
SANTIAGUEL, SHERNAN I.
MAGNA CUM LAUDE
Bachelor of Physical Education
College of Sports, Physical Education and Recreation
Cavite State University-Main Campus
16/08/2023
20/07/2023
Congratulation Ian🎉🎉
16/06/2023
Congratulation Wilfred !🥳
14/06/2023
Congratulation Jayzel !🥳
17/04/2023
Congratulations Atty. Therese Pauline Marie Alcantara Ferrer! 🇵🇭💚🎉
CONGRATULATIONS to our new Gentriseño lawyer, Atty. Therese Pauline Marie A. Ferrer for passing the Philippine Bar Examination!
04/09/2021
Clubhouse Kids, let’s go!!!
Kabataang Gentriseño!!!
Alam kong inaantay mo na ito, kaya ano pa nga ba, tara na at magparehistro sa ating 9th GENERAL TRIAS YOUTH LEADERS SUMMIT, via Zoom App! Setyembre 9-10, 2021 (1PM Onwards)
Muli tayong matuto mula sa ating mga mahuhusay na tagapagsalita.
Ang bawat Kabataang Gentriseñong kabahagi nito ay makakatanggap ng Limited Edition YLS Shirt. Kaya magparehistro na gamit ang link na ito: 👇👇👇
Ang programang ito ay handog sa atin ng Local na Pahalaan ng General Trias sa pangunguna nina Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice Mayor Morit Sison at Sangguniang Panlungsod Members sa pakikipag tulungan sa ating Sangguniang Kabataan City Federation at Local Youth Development Council.