Matarit
The Official Student Publication of Nabuclod Integrated School
17/04/2026
Congratulations Ma'am Jam Gonowon Porras ๐๐ซถ
11/03/2026
Bawat hakbang sa kabundukan, ang mga kababaihang g**o ng Nabuclod Integrated School ay patuloy na nagsisilbing ilaw ng kaalaman at pag-asa para sa kinabukasan ng mga kabataan.
Ang Matarit ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan bilang pagpupugay sa kanilang tapang, sipag, at walang sawang paglilingkod.
02/03/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต! ๐
๐๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐ ๐ผ๐ป๐๐ต! ๐
Ang Nabuclod Integrated School ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang na itoโpagkilala sa lakas, talino, at ambag ng kababaihan sa paaralan, komunidad, at sa buong bansa.
Sa pagdiriwang natin ng buwan na ito, hindi lang natin aalalahanin ang kagalingan at katapangan ng bawat babaeng Pilipino. Isasabuhay rin natin ang makabagong Babaylan โ nangunguna, lumalaban, pinakikinggan, at may paninindigang kasingtatag ng ating pinagmulan.
๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ ๐ฎ๐น๐น ๐๐๐๐ ๐๐ถ๐๐ต ๐ฑ๐ถ๐ด๐ป๐ถ๐๐, ๐ต๐ผ๐ป๐ผ๐ฟ ๐ผ๐๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐๐๐ฟ๐, ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ ๐ถ๐ป ๐ต๐ฎ๐ฟ๐บ๐ผ๐ป๐, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฐ๐น๐ฎ๐ถ๐บ ๐ผ๐๐ฟ ๐ฑ๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ โ ๐๐๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฒ๐พ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐.
Mabuhay ang diwa ng Babaylan, mabuhay ang kababaihang Pilipino!
School Head: Ma'am Jam Gonowon Porras
PSDS: Bernabeth B. Manio,PhD.
18/02/2026
NABUCLOD, NAKIKIISA SA PAGGUNITA NG ASH WEDNESDAY
Mataimtim na idinaos ngayong araw ng Miyerkules ang banal na misa sa Nabuclod Integrated School bilang paggunita sa Ash Wednesday, ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral at g**o bilang pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Jason B. Canlas ang banal na misa kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsisisi, pananalangin, at paggawa ng mabuti.
Nakiisa ang mga mag-aaral at g**o sa paglalagay ng abo sa noo bilang tanda ng pagpapakumbaba at paalala ng panawagan sa pagbabago ng puso. Naging makabuluhan ang pagtitipon sapagkat nagbigay ito ng pagkakataon sa komunidad ng paaralan na sama-samang magnilay at magdasal.
Nagpapasalamat naman ang paaralan kay Father Canlas at sa lahat ng nakiisa sa matagumpay at mapayapang pagdaraos ng nasabing misa.
14/02/2026
MALUGOD NA PAGBATI!
Isang taos-pusong pagbati sa ating dalawang masisipag at dedikadong g**o, Ma'am Girlie E. Bacani at Ma'am Aiza C. David, sa kanilang promosyon!
Ang tagumpay na ito ay patunay sa kanilang sipag, tiyaga, at walang sawang paglilingkod sa edukasyon at sa mga batang Ayta.
Ipinagmamalaki namin kayo!
13/02/2026
Ikatlong Pangkalahatang Pagtitipon, Idinaos ng Nabuclod IS
Matagumpay na idinaos ang ikatlong pangkalahatang pagtitipon sa Nabuclod Integrated School ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 13, 2026, sa pangunguna ng punong-g**o na si Joli Ann Mari G. Porras, na dinaluhan ng mga magulang, g**o, at iba pang stakeholder ng paaralan.
Layunin ng nasabing pagpupulong na talakayin ang mahahalagang usapin hinggil sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ikatlong markahan, mga nakatakdang programa at proyekto ng paaralan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gng. Porras ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak. Aniya, ang matibay na ugnayan ng paaralan at tahanan ang susi sa mas epektibong pagkatuto at paghubog ng magandang asal ng mga mag-aaral.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang mga darating na gawain para sa ikaapat na markahan, kabilang ang mga academic activities, school programs, at iba pang inisyatiba na naglalayong mapataas ang antas ng pagkatuto at partisipasyon ng mga mag-aaral.
Ang matagumpay na pagsasagawa sa ikatlong pangkalahatang pagtitipon ay patunay ng matibay na samahan at iisang layunin ng buong komunidad ng Nabuclod Integrated School para sa kapakanan ng mga batang Ayta.
12/02/2026
Nabuclod IS, Wagi sa District Math Shoutout Competition
Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Nabuclod Integrated School ang kanilang husay at galing sa larangan ng Matematika matapos nilang iuwi ang unang karangalan sa ginanap na District Math Fair, partikular sa Math Shoutout Competition. Ang nasabing kompetisyon ay bunga ng masusing paghahanda at preparasyon na pinangunahan ng kanilang tagapagsanay na si Gng. Danica M. Paule. Isa itong malaking tagumpay para sa paaralan ng Nabuclod at mga mag-aaaral nito.
07/02/2026
โ Campfire ceremony
06/02/2026
JOINT BSP & GSP INVESTITURE AND BACKYARD CAMPING
โ
Hiking
06/02/2026
JOINT BSP & GSP INVESTITURE AND BACKYARD CAMPING
โ
Primitive cooking
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Sitio Centro, Barangay Nabuclod
Floridablanca
2006
Opening Hours
| Monday | 7:30am - 5pm |
| Tuesday | 7:30am - 5pm |
| Wednesday | 7:30am - 5pm |
| Thursday | 7:30am - 5pm |
| Friday | 7:30am - 5pm |