Dinalupihan Rural Health Unit V
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dinalupihan Rural Health Unit V, Medical and health, JC Payumo Jr, Dinalupihan.
25/03/2026
Maraming salamat po Kap. Oliver Tan sa pagbibigay ng dalawang wall fan para sa RHU 5! 🫶🏼
Malaking tulong po ito para mas maging komportable ang aming mga pasyente at staff. Salamat po sa inyong suporta at malasakit! 💙
25/03/2026
18/09/2025
👶🦠 Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD)
Ang HFMD ay isang karaniwang sakit na dulot ng virus na madalas nakikita sa mga bata, pero maaari ring tamaan ang matatanda.
🔸Sanhi: Enterovirus (karaniwan Coxsackievirus)
🔸Paano nahahawa: Droplets mula ubo/pagbahing, contact sa laway, dumi, o likido mula sa pantal (rashes).
Mga Palatandaan at Sintomas:
✔️ Lagnat
✔️ Sakit ng lalamunan
✔️ Singaw o sugat sa loob ng bibig
✔️ Pantal o paltos sa kamay, paa, at minsan sa pwet
✔️ Walang ganang kumain / iritable ang bata
Paano Maiiwasan:
▫️Madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
▫️Linisin at idisinfect ang mga laruan at gamit na madalas hinahawakan
▫️Iwasan muna ang close contact (yakap, halik, gamit ng parehong kubyertos) sa may sakit
▫️Huwag munang papasukin sa eskwela o daycare ang batang may sintomas para hindi makahawa
Paggamot:
•Walang partikular na gamot — kusang gumagaling sa loob ng 7–10 araw
•Bigyan ng maraming tubig para iwas dehydration
•Paracetamol para sa lagnat o sakit (iwasan ang aspirin sa mga bata)
•Kumonsulta agad sa doktor kung malubha o ayaw uminom ang bata
🧼 Kalinisang pangkalusugan at maagap na pagkilala sa sintomas ang susi para maprotektahan ang pamilya at komunidad.
27/08/2025
📢 UPDATED PRICE LIST 📢
🗓 Effective: March 2025
25/08/2025
‼️ ANO ANG TOTOO AT FAKE NEWS TUNGKOL SA TB? ‼️
Ang Tuberculosis o TB ay isang sakit na naipapasa sa pamamagitan ng ubo, bahing, at dura. Hindi ito naipapasa sa simpleng paghawak ng kamay, o pagkatuyo ng pawis sa likod.
Ito ay naaagapan at nagagamot kung malaman nang maaga! Isang x-ray lang ang kailangan!
💬 Kumonsulta agad sa pinakamalapit na TB-DOTS para malaman kung may TB at magamot agad: bit.ly/TBDOTSFacilities
Source: World Health Organization
25/08/2025
🫁
❗️TINGNAN: MGA PARAAN TO ❗️
Ang Tuberculosis o TB ay kayang mapigilan sa pamamagitan ng:
infection control
BCG vaccination sa mga sanggol
Tuberculosis Preventive Treatment o TPT para sa mga close-contacts at high-risk population!
Ang mga ito ay madaling gawin, epektibo at ligtas! Kumonsulta sa pinakamalapit na TB-DOTS para sa libreng testing, gamot, at TPT: bit.ly/TBDOTSFacilities
23/08/2025
🐶🐱 Animal Bite Treatment sa RHU 5
👉 Step 1: Pumunta muna sa Health Center ng inyong barangay. Kumuha ng referral mula sa midwife
👉 Step 2: Kumuha ng Certificate of Indigency sa Barangay Hall.
👉 Step 3: Dalhin ang mga requirements sa RHU 5:
✔️ Valid ID (address: Dinalupihan, Bataan)
✔️ Certificate of Indigency (same address sa ID)
✔️ Birth Certificate kung 18 yrs old pababa
🕐 Oras ng serbisyo:
📅 Lunes–Biyernes, 1:00–5:00 PM
❌ Walang pasok tuwing Sabado, Linggo at Holiday
💡 Paalala sa lahat:
* Hugasan agad ang sugat gamit ang dumadaloy na tubig at sabon sa loob ng 10 minuto.
* Huwag lagyan ng s**a, bawang, toothpaste, o anumang kemikal.
* Obserbahan ang hayop sa loob ng 14 araw at i-report agad kung ito’y nawala o namatay.
* Kumpletuhin ang lahat ng bakuna sa tamang schedule. Hindi sapat ang isang dose lang!
06/05/2025
🤰🏻
🤰Mommy, kumpletuhin ang iyong antenatal check-ups upang matiyak na ligtas ang iyong pagbubuntis. 🩺
🗓️ Sundin ang iyong 1-2-5 schedule:
✅1 check up sa unang trimester;
✅ 2 check up sa pangalawang trimester; at
✅ 5 check up sa ikatlong trimester
🏥👨⚕️ Kumonsulta sa health centers upang matiyak na ligtas ang iyong pagbubuntis.
Sa Bagong Pilipinas, Bawat Buntis Mahalaga.
11/04/2025
Paalala: Ang Heat Stroke ay Delikado! ☀️
Dala ng pagtaas ng Heat Index ay ang banta ng heat related illnesses. Maging alert sa mga sintomas ng heat stroke tulad ng:
⚠️ Pagkahilo
⚠️ Lagnat
⚠️ Pangangalay
⚠️ Pag-init at Pamumula ng Balat
⚠️ Pagkawalang Malay
Kung ang kasama ay nakakaranas ng anumang sintomas nito, agad na lumipat sa malamig na lugar at humingi ng tulong.
Ang banta ng heat stroke ay maiiwasan basta’t laging handa sa init ng panahon. 🌡️
28/03/2025
Health Awareness Symposium for Grade 6 Students of JCPES
24/03/2025
World TB Day
For a Nation, YOUth Can ! 👨👩👧👦
TANDAAN!
🩻 Magpa X-ray para masiguro ang lagay ng LUNGS
🩺 Magpakonsulta agad kung 2 linggo na ang ubo. May gamot diyan!
🏥Para sa libreng gamutan, bisitahin: https://ntp.doh.gov.ph/resources/facilities/
o i-scan ang QR code para mahanap ang pinakamalapit na TB-DOTS sa inyong lugar!
Ngayong World Tuberculosis Day sama-sama nating wakasan ang TB dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!! 💪
24/03/2025
END TB NOW
ALAM NIYO BA?
Kung ikaw ay nakararanas ng mga sumusunod na sintomas sa loob ng dalawang linggo o mahigit, malaki ang tyansa na ikaw ay mayroong tuberculosis:
-Madalas na pag-ubo (na minsan ay may kasamang dugo)
-Pananakit ng dibdib
-Lagnat o panginginig
-Lagnat o panginginig
-Pagpapawis sa gabi
-Walang ganang kumain
-Pagkapagod
-Pagpayat nang walang rason
Ang Tuberculosis ay isang sakit na dulot ng bacteria na Mycobacterium tuberculosis na naipapasa sa pamamagitan ng paglanghap ng bacteria na mula sa ubo, bahing, o dura ng taong mayroon nito.
Ito ay nagagamot sa loob ng 6 na buwan o higit. Kung ikaw ay nakararanas ng mga nabanggit na sintomas sa loob ng mahigit dalawang linggo, ipinapayo ng Provincial Health Office na magtungo na sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Ngayong World Tuberculosis Day, sama-sama nating ikalat ang tamang impormasyon para wakasan ang pagkalat ng TB.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the practice
Website
Address
JC Payumo Jr
Dinalupihan
2110
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |