Ate Rems

Ate Rems

Share

Showbiz noon at ngayon/Celebrity/Entertainment/ Random content

10/06/2026

Bye Ma, I LOVE YOU 😭

10/06/2026

Yes I second the motion!!!

10/06/2026
10/06/2026

Ito yung mga mukha na Hindi na talaga kailangan dagdagan o ayusin pa para gumanda dahil sobrang perpekto na sa ganda.
Pareho nga sila nag pa blonde Ng buhok kaya naman lalong gumanda at tumingkad Ang kanilang lahi sa kagandahan.
Para sayo sino Ang mas bagay sa blonde hair?
Si Andrea Brillantes ba o si Jillian Ward?

10/06/2026

BREAKING: SC, IBINASURA ANG PETISYON NA NAGPAPAWALANG-BISA SA ISYU NG 12-SENADOR NA QUORUM

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ni g**o at political commentator John Barry Tayam na humihiling na ideklarang valid quorum ang presensya ng 12 senador sa kontrobersyal na sesyon ng Senado noong Hunyo 3, 2026.

Sa press briefer na inilabas ng Office of the Spokesperson ng Korte Suprema noong Hunyo 10, sinabi ng SC En Banc na ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng legal standing ng petitioner.

Ayon sa Korte Suprema:

“The SC dismissed the petition filed by John Barry T. Tayam (Tayam) for lack of legal standing.”

Ipinaliwanag pa ng Mataas na Hukuman:

“The SC ruled that Tayam failed to show that he suffered, or was at imminent risk of suffering, any direct injury from the actions he challenged.”

Ang petisyon ni Tayam ay may kaugnayan sa kontrobersyal na sesyon ng Senado noong Hunyo 3 kung saan idineklara ng kampo nina Gatchalian na may quorum at nagpatuloy sa reorganisasyon ng liderato ng Senado.

Sa petisyon, hiniling ni Tayam sa Korte Suprema na ideklarang valid quorum ang presensya ng 12 senador sa naturang sesyon.

Ayon sa press briefer:

“Tayam had asked the SC to declare the presence of 12 senators during the June 3, 2026 session of the 20th Congress as a valid quorum.”

Gayunman, mahalagang tandaan na hindi tinalakay ng Korte Suprema ang mismong merito ng argumento kung valid o hindi ang 12 senador bilang quorum. Ang naging batayan lamang ng pagbasura ay ang kakulangan umano ng legal standing ng petitioner.

Dahil dito, hindi naglabas ang Korte Suprema ng pinal na pasya kung tama o mali ang interpretasyon hinggil sa quorum noong Hunyo 3. Sa halip, ang naging desisyon ng Hukuman ay nakatuon lamang sa usaping procedural kung may karapatan bang magsampa ng naturang kaso si Tayam.

Patuloy na sentro ng debate sa Senado ang usapin ng quorum matapos kuwestiyunin ng kampo ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng sesyon kung saan isinagawa ang reorganisasyon ng liderato at ilang komite ng Mataas na Kapulungan.

Sa ngayon, nananatiling buhay ang diskusyon sa legalidad ng naturang sesyon, ngunit malinaw sa inilabas na press briefer na ang petisyon ni Tayam ay ibinasura hindi dahil pinaboran o pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang 12-senador na quorum, kundi dahil sa kakulangan ng legal standing ng naghain ng kaso.

10/06/2026

Pormal na nagsampa si Sen. Erwin Tulfo sa Pasay Regional Trial Court ng kasong grave oral defamation laban kina Bernard A. Gumban, Rosebert M. Waupan, at Benny Bulontate—tatlo sa 18 ex-Marines na nag-akusa sa kanya ng pagkakasangkot sa umano’y kickback scheme kaugnay ng mga flood control project at human trafficking.

Ok naman Yan karapatan Niya Yan na magsampa, pero symepre ipaglalaban naman Ng 18 ex marines Ang kanilang nalalaman na katotohanan.

Lalabas din Ang katotohanan, dahil walang lihin na di mabubunyag.

10/06/2026

Dahil sa gulo Ng ating Senado ngayon, Ang taumbayan ay patuloy na umaasa na katotohanan na ito ay mabigyan Ng linaw Ang mga anumalyang at pagnanakaw sa kaban Ng bayan .

10/06/2026

Naku deadly training Pala tlga 🥲

10/06/2026

Kahit hiwalay na sila dito masaya pa din sila
゚viralシ

Want your business to be the top-listed Media Company in Davao City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Davao City
4026