Project LAPIS

Project LAPIS

Share

Lighting A Path toward Intellectual Success✏️

Photos from Project LAPIS's post 30/05/2026

“𝗦𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗴𝗼𝗹𝗮’𝘆 𝗹𝗶𝗹𝗶𝗽𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗵𝗲𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻
𝗡𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝘀𝗮’𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗵𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗵𝗮𝗻
‘𝗗𝗶 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻”🪁🌅🍂

Sa ikasampung araw at huling yugto ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, ang buong sesyon ay inilaan para sa recognition at pagbibigay-halaga sa ating mga munting mag-aaral sa elementarya. 🏅📜

Sa nagdaang sampung araw, hindi lamang nila ipinakita ang kanilang natatanging talento at determinasyon sa pag-aaral, kundi binigyan din nila tayo ng isang napakahalagang regalo. Kahit na tayo ang tumayong mga g**o, ang mga bata ang nagturo sa atin ng mga totoong aral sa buhay—ang pag-asa, ang sigla sa kabila ng pagod, at ang purong kaligayahan sa bawat simpleng tagumpay. 🥹✨

Ang bawat sulok ng silid-aralan ay naging saksi sa mga hindi malilimutang alaala, tawanan, at kuwentong magkasama nating binuo na hinding-hindi na mabubura ng panahon. 📸❤️

Sa pamamagitan ng bawat hawak sa lapis, bawat tinalakay na aralin, at bawat sandali ng asaran at yakap, unti-unting nabuo ang isang tapat at malalim na koneksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng kanilang mga Ate at Kuya. Naging higit pa sa isang simpleng proyekto ang naganap; ito ay naging isang pamilya na binuo ng pagmamahal at pagtitiwala sa loob ng maikling panahon.

Kaya naman, alinsunod sa mga linya ng kanta sa itaas, sana ay huwag na huwag nilang malimutan ang mga aral at masasayang alaalang magkakasama nating binuo sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon. 🏫❤️

Mabigat man sa puso ang magpaalam, alam natin na ang pagtatapos ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒 ay simula lamang ng mas mataas nilang paglipad patungo sa kanilang mga pangarap. 🚀🎈

𝗠𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗯𝗿𝗮, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝘂𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻. 🌍🧒🌟

𝘗𝘢𝘳𝘵 2

Photos from Project LAPIS's post 30/05/2026

“𝗦𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗴𝗼𝗹𝗮’𝘆 𝗹𝗶𝗹𝗶𝗽𝗮𝗱 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗵𝗲𝗹 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻
𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻
𝗡𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝘀𝗮’𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗵𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗵𝗮𝗻
‘𝗗𝗶 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻”🪁🌅🍂

Sa ikasampung araw at huling yugto ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, ang buong sesyon ay inilaan para sa recognition at pagbibigay-halaga sa ating mga munting mag-aaral sa elementarya. 🏅📜

Sa nagdaang sampung araw, hindi lamang nila ipinakita ang kanilang natatanging talento at determinasyon sa pag-aaral, kundi binigyan din nila tayo ng isang napakahalagang regalo. Kahit na tayo ang tumayong mga g**o, ang mga bata ang nagturo sa atin ng mga totoong aral sa buhay—ang pag-asa, ang sigla sa kabila ng pagod, at ang purong kaligayahan sa bawat simpleng tagumpay. 🥹✨

Ang bawat sulok ng silid-aralan ay naging saksi sa mga hindi malilimutang alaala, tawanan, at kuwentong magkasama nating binuo na hinding-hindi na mabubura ng panahon. 📸❤️

Sa pamamagitan ng bawat hawak sa lapis, bawat tinalakay na aralin, at bawat sandali ng asaran at yakap, unti-unting nabuo ang isang tapat at malalim na koneksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng kanilang mga Ate at Kuya. Naging higit pa sa isang simpleng proyekto ang naganap; ito ay naging isang pamilya na binuo ng pagmamahal at pagtitiwala sa loob ng maikling panahon.

Kaya naman, alinsunod sa mga linya ng kanta sa itaas, sana ay huwag na huwag nilang malimutan ang mga aral at masasayang alaalang magkakasama nating binuo sa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon. 🏫❤️

Mabigat man sa puso ang magpaalam, alam natin na ang pagtatapos ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒 ay simula lamang ng mas mataas nilang paglipad patungo sa kanilang mga pangarap. 🚀🎈

𝗠𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗯𝗿𝗮, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝘂𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻. 🌍🧒🌟

𝘗𝘢𝘳𝘵 1🙈🙉

Photos from Project LAPIS's post 30/05/2026

𝗥𝗲𝗮𝗱𝘆, 𝗦𝗲𝘁, 𝗚𝗼, 𝗚𝗼, 𝗚𝗼! 𝗦𝗮 𝗠𝗶𝗻𝗶-𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼, 𝗹𝗼𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀 𝗮 𝗡𝗼, 𝗡𝗼, 𝗡𝗼! 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗶-𝘀𝗵𝗼𝘄! 🎯🏅

Sa ika-siyam na araw ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋.𝐀.𝐏.𝐈.𝐒., muling sinubok ang galing ng mga bata sa pagbasa, pagsulat, pagbaybay, at sa pagkuwenta. Ang mga estasyon na ito ay ilan sa mga itinuro ng mga Ate at Kuya sa kanila sa mga nakalipas na sesyon. Ito ang bawat estasyon na kanilang dapat malampasan upang makarating patungo sa finish line. 🏁💛

Bakit kailangan pang mamili kung pag-aaral o kasiyahan kung p'wede namang mag-aral nang nasisiyahan, ‘di ba? Wika nga nila, “The best way to learn is to have fun.” Siyang tunay, sapagkat kitang-kita sa mga ngiti ng mga batang ito ang saya habang isa-isang matagumpay na nalalampasan ang apat na estasyon na inihanda ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋.𝐀.𝐏.𝐈.𝐒.—ang “Ready, Set, Read”, “Write it Right”, “MATHalino”, at “FUNctional Literacy.” 📚🌟

Nakamamanghang pagmasdan ang mga kabataan na ipinamamalas ang kanilang kahusayan sa iba’t ibang larangan. Sa pamamagitan ng Mini-Olympics na ito, naipakita nila sa mga Ate at Kuya ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋.𝐀.𝐏.𝐈.𝐒. na natuto sila, na kahit sa maikling panahon na tinuruan at ginabayan sila ay marami ang nadagdag sa kanilang kaalaman, na tiyak nilang madadala hanggang sa kanilang pagtanda. 💡🧠

𝘽𝙖𝙜𝙖𝙢𝙖’𝙩 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙞𝙨𝙩𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙥𝙚𝙩𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣, 𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙮𝙪𝙣𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙈𝙞𝙣𝙞-𝙊𝙡𝙮𝙢𝙥𝙞𝙘𝙨 𝙣𝙖 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙞𝙥𝙖𝙜𝙠𝙪𝙢𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣—𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙪𝙠𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙣𝙖𝙣, 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙤 𝙥𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙥𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙠𝙖𝙣. 𝘽𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙗𝙖𝙩𝙖 𝙖𝙮 𝙞𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖, 𝙢𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙢𝙞𝙣𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙖, 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙜𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙖 𝙣𝙞𝙡𝙖 𝙣𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙩𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙞𝙩𝙤’𝙮 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙩𝙪𝙩𝙪𝙠𝙡𝙖𝙨𝙖𝙣. 💛❤️✨

Photos from Project LAPIS's post 30/05/2026

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮… 𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻, 𝗸𝗿𝗮𝘆𝗼𝗹𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗴𝘂𝗵𝗶𝘁 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗱𝗮𝗿𝗮𝗺𝗮. 🎨🖍️

Dumako naman tayo sa ikawalong araw ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋.𝐀.𝐏.𝐈.𝐒., sa araw na ito ay nasilayan namin ang malikhaing isipan ng bawat bata sa pamamagitan ng kanilang nilikhang mga sining. Sa simpleng bilog na pinagmulan ng kanilang mga likha, halo-halong kulay, at ang malikot na imahinasyon, unti-unti nilang ipinakita ang kanilang kwento, damdamin, at malawak na pagtingin sa mundong pinagmulan. 🌈✨

Masayang pagmasdan kung paano nabubuo hindi lang ang kanilang mga obra, kundi pati ang kanilang kumpiyansa pagdating sa kanilang mga sarili. Dito ay natututo silang maging malaya, malikhain, at matapang na ipakita kung sino sila at ano ang kanilang mga kakayahan, isang kulay sa bawat pagkakataon. 🖌️🫶🫟

𝗦𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮 𝗼 𝗺𝗮𝗹𝗶. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗸𝗶𝗿𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗴𝘂𝗵𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗹𝗮𝘆, 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝘂𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗯𝘂𝗯𝘂𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗺𝗶𝗸𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴. 🎨✨

Photos from Project LAPIS's post 30/05/2026

𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗕𝗲𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗣.𝗘.?
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆, 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝗮𝗻𝘀𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗿𝗼.⛹🏻‍♀️🏀

Sa ikapitong araw ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, ang naging bida naman sa ating lesson ay ang Physical Education o P.E. Ginamit ng mga elementary students ang kanilang energy sa mga fun exercises at laro na talagang nagpabilis ng tibok ng kanilang puso. Ang buong hapon ay napuno ng tawanan at takbuhan, kaya ramdam na ramdam ang saya ng mga bata habang natututo sa labas ng classroom.🤸🏻‍♀️🏋🏻‍♀️

Sobrang importante ng P.E. dahil hindi lang ito basta pagpapawis o break sa schoolwork. Dito kasi natututunan ng mga bata ang disiplina, teamwork, at kung paano alagaan ang kanilang kalusugan habang sila ay lumalaki. Pinapakita nito na ang active lifestyle ay malaking tulong para maging mas sharp at alert ang kanilang isipan sa pang-araw-araw.🥗💪🏻

Dito rin natin makikita kung gaano kahalaga na i-balance ang play time at learning time ng ating mga munting mag-aaral. Ang paglalaro ay nagbibigay sa kanila ng space para maging creative at mag-enjoy, habang ang pag-aaral naman ang nagbibigay ng tamang direction para sa kanilang mga pangarap.🏆🎖️

𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝘂𝗵𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗳𝗲𝗰𝘁 𝗯𝗮𝗹𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗺𝗮 𝗶𝘁𝗼, 𝗺𝗮𝘀 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗲𝘅𝗰𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝘁𝘂𝗸𝗹𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼.🤾🏻‍♀️🤽🏻‍♀️

Photos from Project LAPIS's post 30/05/2026

𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼’𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮, 𝗻𝗴𝘂𝗻𝗶𝘁 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄, 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗲𝘀𝘀𝗼𝗻 𝗹𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗱: 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔! 🫂🏡

Sa ika-anim na araw ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, hindi lamang pagbabasa at pakikinig ng kuwento ang pinagkaabalahan ng mga bata, kaugnay rin ang pagtuklas nila sa aral na hatid nito. Bagamat iba’t ibang istorya ang ibinahagi sa kanila, sa gintong aral naman ito nagkatugma. Natutunan nila ang pagpapahalaga at kahalagahan ng mga bagay-bagay, tulad ng pagpapahalaga sa kalikasan, kahalagahan ng pagiging mabuti sa kapwa, at kahalagahan ng pagtulong sa nangangailangan.🌼🧑‍🧒‍🧒

Sabi nila, ang mabuting asal ay natututunan sa tahanan o kaya naman sa paaralan; subalit, p’wede natin itong dagdagan, sapagkat pinatunayan ng mga Ate at Kuya ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒 na pwede itong matutunan sa kanila at sa mga kuwentong ibinabahagi nila.💞💛

Ngunit, hindi ito natatapos sa pagbabasa, pakikinig, at pagbabahagi lamang ng mga natutunan nila. Binigyang-diin ng mga Ate at Kuya na dapat gamitin at isabuhay din nila ang mga ito. Base naman sa tugon at reaksiyon ng mga bata, makikita kung gaano nila isinasapuso ang bawat pangaral na sinasambit sa kanila.🌟❤️

Hindi lamang ngiti sa labi ang bitbit ng mga bata sa kanilang pag-uwi, kundi ang ginto na kailanma’y hindi sa kanila mananakaw—ang kanilang ginintuang puso. 𝗦𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗴𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗸𝗮𝗶𝗻: “𝘼𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙗𝙪𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙨𝙖𝙡 𝙖𝙮 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙮𝙖𝙢𝙖𝙣.” 𝗡𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗯𝗶𝗴𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼, 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗮𝗹, 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆𝗮𝗺𝗮𝗻—𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶, 𝗸𝘂𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶𝗵𝗮𝗻.❤️‍🩹💫

Photos from Project LAPIS's post 17/05/2026

𝗠𝗮𝘀 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗽𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮’𝘁 𝗶𝘀𝗮, 𝗔𝗡𝗢, 𝗧𝗔𝗥𝗔?!👫

Sa ika-lima na araw na ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, matutuklasan natin ang kanilang kaalaman na tumutukoy sa kanilang sarili. Malalaman natin kung sino sila, kanilang pangalan, kaarawan, edad at ibang pang impormayson na kanila lamang.✏️🗞️

Masigla nilang ibinabahagi ang kanilang pagkakakilanlan, malalim na pagiisip sa bawat impormayson na kanilang hinahayag at itinatala, na kung saan ay ang patunay kung gaano nila kilala ang kanilang sarili.🗣️🗺️

Sa bawat pag pag tala,
Malalim na pag iisip,
Naibabahagi nila ang kanilang kaibahan, na patunay kung gaano kahalaga na malaman kung sino sila.🧩🧸

Sa pag alam at pagbahagi nila ay unti unti nilang hinuhubog at binibigayang importansya ang kanilang sarili.📝📒

Na nagpapatunay na nakabase sa kung gaano mo kakilala ang iyong sarili, ay kung paano ka rin kikilalanin ng iba.📜❤️

𝗦𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, 𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗱𝗲𝗱𝗶𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗶𝘀𝗮! 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮, 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗹𝗮𝗻𝗴! 💛❤️

Photos from Project LAPIS's post 06/05/2026

𝗦𝗨𝗟𝗔𝗧, 𝗔𝗡𝗢, 𝗧𝗔𝗥𝗔?!

Tara, sulat! Tara, baybay!✍🏻✨

Sa ika-apat na araw na ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, todo-hasa ang bawat kabataan sa pagsusulat ng mga salita, na atin namang sinamahan ng mga spelling drills, dahil bawat tamang titik, may kasamang dedikasyon at saya.📒🎒

May mga salitang paulit-ulit na binabaybay…
May mga pagkakamaling idinadaan sa tawanan na siya namang agad inaayos…
At may mga “Kaya ko pala!” moments na sobrang saya makita. 📖📚

𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘪𝘮𝘱𝘭𝘦𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵, 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘶𝘣𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘪𝘱𝘢𝘩𝘢y𝘢𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪.

𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘵𝘪𝘬. 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢. 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱.💼✨

𝗦𝗮 𝗶𝗸𝗮-𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, 𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗻𝗮 𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗽𝗮𝗴 𝗮𝘁 𝘁𝘆𝗮𝗴𝗮! 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮, 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗹𝗮𝗻𝗴! 💫

Photos from Project LAPIS's post 01/05/2026

𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗿𝗲𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻?

𝘌𝘥𝘪 𝗦𝘂𝗺-𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢! 😊

Panibagong araw, panibagong aralin! Ano naman kaya ang tatalakayin ng mga mag-aaral sa kanilang ikatlong araw ng pagtitipon?!🤔🧮

Sa ikatlong araw ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, ating inalam kung gaano na kalalim ang kanilang kaalaman patungkol sa 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗺𝗮𝘁𝗶𝗸𝗮. Sa bawat pagsasanay sa pagdaragdag at pagbabawas, nakita namin ang determinasyon sa mga mata ng bawat bata—mula sa pagbibilang gamit ang mga daliri hanggang sa pagguhit ng mga sticks sa kanilang papel para mahanap ang tamang sagot. 📝🔢

Hindi lang ito tungkol sa mga numero. Ang bawat equation na aming sinasagutan ay pagsasanay para sa kanilang lohika at diskarte sa totoong buhay. Tinuturuan natin silang maging mapanuri, matiyaga, at higit sa lahat, matapang na harapin ang anumang "𝘱𝘳𝘰𝘣𝘭𝘦𝘮" dahil alam nilang laging may paraan para mahanap ang "𝘴𝘰𝘭𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯." 🧠💡

Nakakatuwang pagmasdan ang kanilang mga ngiti tuwing nakukuha ang tamang sagot. Ang mga munting tagumpay na ito ang magsisilbing pundasyon nila sa pag-abot ng mas malalaking pangarap. 🌟🚀

𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗻𝘆𝗼 𝗮𝗴𝗮𝗱, 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘀𝗲𝘀𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝘂𝘁𝗼. 𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝘀𝗼𝗹𝘃𝗲𝗱 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗹𝗲𝗺 𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗸𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻.🎒✨

Photos from Project LAPIS's post 25/04/2026

Muling nagtipon ang bawat isa na may panibagong sigla upang simulan ang araw ng pagkatuto sa pagbasa. 📖✨

Sa ikalawang araw ng 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐋𝐀𝐏𝐈𝐒, sama-sama nating tinahak ang mas malalim na mundo ng pagbabasa—kung saan ang bawat pahina, na puno ng mga salita at kuwento, ay hindi lamang binibigkas kundi inuunawa at binibigyan ng tunay na kahulugan.

Hindi sapat ang kaalaman sa tamang pagbigkas ng bawat salita—ang higit na mahalaga ay ang kakayahang umunawa nang mas malalim. Sa bawat sandaling iyon, nasaksihan namin ang unti-unting pag-usbong ng kumpiyansa at kaalaman sa bawat bata. 🌱

Maaaring para sa iba ay isang simpleng aralin lamang ito, ngunit para sa kanila, isa itong mahalagang hakbang tungo sa mas malawak at makabuluhang mundo ng pagkatuto.

𝗜𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗶𝗸𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗽𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴… 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗮𝘁. 💫

Want your school to be the top-listed School/college in Daet?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Purok 2, Camambugan, Camarines Norte
Daet