Sublime Torch Publication
๐๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ซ๐ฒ ๐๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ-๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐ ๐๐๐๐ข๐ง๐ข ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐๐ฌ, ๐๐ง๐.
11/06/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ ๐ ๐จ๐ ๐๐ข๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐๐ซ๐ญ๐ฌ ๐๐๐๐จ๐ ๐ง๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ข๐ญ๐๐ฌ ๐๐๐๐
โ
โStudents of the College of Liberal Arts were recognized for their academic achievements, leadership, and contributions during the department's Recognition Rites, with the theme: Class of 2026: Values-Driven Workforce, Digitally Inclined Lifelong Learners, held at the Mabini Colleges, Inc. Old High School Building, on June 10, 2026.
โ
โThe ceremony honored students who demonstrated excellence in Bachelor of Arts in Communication program and celebrated their dedication throughout their academic journey.
โ
โFaculty members, administrators, parents, and guests joined the event to commend the awardees from first to third year, and the graduating class as they prepare for the 86th Commencement Exercises this month.
โ
โ๐ท | ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐๐ฎ๐ฅ ๐๐๐ ๐จ, ๐๐ซ๐ญ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ
10/06/2026
๐๐ข๐ญ๐๐ซ๐๐ซ๐ฒ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
โNi: Teresa Lindo
โBawat daang tinatahak,
โnais ay makamit ang minimithing pangarap.
โBawat yapak na may kasamang luhaโt pawis na pumapatak,
โโdi alintana sa taong kaginhawaan ang hanap.
โ
โSubalit mundoโy hindi perpekto.
โKayang ipagkaloob sa mga taoโy hindi pare-pareho.
โ
โKagaya na lamang ng mga estudyanteng "irregular" kung tawagin.
โMga kalimitang nahuhusgahan at pinagtatawanan.
โ
โSubalit, mali bang sila ay may ibang daan kumpara sa karamihan?
โBawal bang magpatuloy sa pag-aaral nang hindi pareho sa oras na nakasanayan?
โ
โSa mundong sanay magbilang ng taon,
โtila kasalanan ang hindi pagsabay sa agos.
โ
โHabang isa-isang umaalis sa silid ang mga pamilyar na mukha,
โsila ay nananatili, bitbit pa rin ang parehong pangarap ngunit ibang kabanata na ang hinaharap.
โ
โKapag ang iba'y abala sa paghahanda para sa pagtatapos,
โsila nama'y muling nakikipagsapalaran sa panibagong semestreโ
โnasa pagkuha pa lamang ng mga naiwang asignatura
โat nag-aabang ng mabubuksang klase.
โ
โMinsan, hindi ang mga requirements ang pinakamabigat dalhin.
โKundi ang tanong na paulit-ulit mong naririnig:
โ"Hindi ka pa ba ga-graduate?"
โIsang simpleng tanong,
โngunit kayang ipaalala ang lahat ng pagkakataong naramdaman mong nahuhuli ka na.
โSa panahon ng social media,
โisang pindot lamang ang pagitan mo sa mga tagumpay ng iba.
โ
โMay bagong graduate.
โMay bagong empleyado.
โMay bagong nakapasa sa board exam.
โAt habang binabati mo sila sa comment section,
โtahimik mong itinatanong sa sarili:
โ"Kailan kaya ang pagkakataon ko?"
โ
โNgunit sino ba ang nagsabing pare-pareho ang oras na inilaan sa bawat tao?
โHindi lahat ay may parehong laban.
โMay mga estudyanteng kasabay ng pag-aaral ang pagtatrabaho.
โMay mga umuuwi sa bahay na puno ng bigat at problema.
โMay mga minsang piniling unahin ang pamilya bago ang sarili.
โAt mayroon ding mga pagkakataong ang buhay mismo ang nagdikta ng paghinto,
โhindi dahil gusto nila, kundi dahil kinakailangan.
โ
โKaya marahil ang pagiging irregular ay hindi tanda ng pagkukulang.
โMarahil isa itong patunay ng katatagan.
โPatunay na kahit ilang ulit kang nagpaliban,
โpinili mo pa rin ang bumalik.
โKahit ilang beses kang nakaramdam ng hiya,
โpinili mo pa rin ang mangarap.
โAt kahit ilang beses kang napag-iwanan,
โpinili mo pa rin ang magpatuloy.
โ
โSapagkat ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa bilis ng pagdating o pagtatapos.
โKundi sa tapang ng pagpapatuloy.
โKaya ito ay para sa mga estudyanteng tila naligaw ng paroroonan ngunit hindi nawalan ng direksiyon.
โ
โPara sa mga naiwan ng batch ngunit hindi iniwan ang kanilang mga pangarap.
โAt para sa lahat ng patuloy na lumalaban kahit pakiramdam nila'y nauuna na ang mundo.
โHindi ka nahuhuli.
โHindi ka kulang.
โAt hindi kailanman magiging kahihiyan ang pag-abot sa pangarap sa sarili mong oras.
โ
๐จ | ๐๐๐๐ค๐ฒ ๐๐๐ฆ๐จ๐ฌ, ๐๐ซ๐ญ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ
09/06/2026
Congratulations to our Layout Artist, ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฎ๐, for completing the required hours of Clinical Related Learning Experiences (RLE)!
We are proud of you not only for giving your best to the publication but also for your dedication in preparing yourself as a future public servant.
09/06/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | College of Nursing 13th Recognition Rites
โ
โMabini Colleges, Inc. College of Nursing celebrated its 13th Recognition Rites, with the theme: "Celebrating Excellence, Honoring Achievement, and Inspiring Service, held at the Multi-purpose Covered Court, on June 8, 2026.
โ
โJoined by faculty members, parents, and loved ones, the awardees were celebrated for their accomplishments and commitment to the nursing profession.
โ
โThe recognition highlighted not only academic excellence but also leadership in student organizations, active participation in extracurricular activities, and outstanding representation of the College of Nursing in competitions such as the Private Schools Athletic Association (PRISAA) and other non-academic endeavors.
โ๏ธ๐ท | ๐
๐ซ๐๐ญ๐ณ๐ข๐ ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ข๐๐๐ฌ, ๐๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ฃ๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ
09/06/2026
๐๐ ๐ฐ๐ซ๐๐ฉ๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐ซ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฉ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ
After completing 2,703 hours of Clinical Related Learning Experiences (RLE), fourth-year students of the College of Nursing held its Clinical Graduation and Ring Hop Ceremony on June 7, 2026 at the MC Quadrangle.
The program started with the processional of students along with their parents and guardians, followed by their clinical instructors and faculty heads.
The Ring Hop Ceremony was done by the students and their parents, marking their completion of clinical exposure and their readiness to embrace the responsibilities of the healthcare profession.
Bea Jeanne Fajardo, this yearโs Most Outstanding Student, was invited to give a message to her fellow graduates to close the award-giving.
Students also offered flowers to their parents, guardians, and partners as they sang their graduation songs.
The ceremony signifies the end of their academic journey and the start of their professional path as future nurses.
โ๏ธ | ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ง๐ญ๐ก๐จ๐ง๐ฒ ๐๐ฌ๐๐๐, ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐๐ง๐ญ๐ข๐๐
๐ธ | ๐
๐ซ๐๐ญ๐ณ๐ข๐ ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ข๐๐๐ฌ, ๐๐ก๐จ๐ญ๐จ๐ฃ๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐๐ฅ๐ข๐ฌ๐ญ; ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐๐ฎ๐ฅ ๐๐๐ ๐จ, ๐๐ซ๐ญ ๐๐ข๐ซ๐๐๐ญ๐จ๐ซ; ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ง๐ญ๐ก๐จ๐ง๐ฒ ๐๐ฌ๐๐๐, ๐๐ฉ๐ฉ๐ซ๐๐ง๐ญ๐ข๐๐
07/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐
โNi: Jude Apolinario ยท ๐๐ข๐ญ๐ฆ๐ฏ ๐๐ณ๐ฆ๐ฎ
โ
โSabi nila,
โang bahaghari ay lumalabas lang pagkatapos ng ulan.
โKaya matagal kong inisip
โkung kailangan ko bang mabasa muna ng lungkot
โbago maging makulay.
โ
โNoong bata pa ako,
โpinagpa-praktisan ko ang paglalakad sa pagitan ng mga salitang
โ"bawal" at "nakakahiya."
โParang may guhit sa sahig ng bahay
โna ako lang ang nakakakita.
โ
โKapag tumawid ako, may mawawala.
โKapag bumalik ako, ako naman ang mawawala.
โ
โMay mga gabi na pinapatulog ko ang sarili ko gamit ang parehong tanong:
โPaano kung ang bakla ay hindi pagkakamali,
โkundi isa lamang pangungusap na mali ang pagkakabasa ng mundo?
โ
โHindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong magpaliwanag.
โHindi naman pinapagalitan ang dagat sa pagpili nitong maging maalat.
โ
โMinsan naiisip ko, paano kung napapagod din ang salitang "bakla"?
โPaano kung gusto rin nitong umuwi at humiga sa tabi ng iba pang salita nang hindi tinatawag na insulto?
โPaano kung sawa na rin itong gamitin bilang bato gayong ginawa naman ito bilang isang bulaklak?
โ
โAt kung may natutunan ako sa mahabang pakikipagtalo sa sarili, ito iyon:
โHindi pala kailangang humingi ng pahintulot ang liwanag upang sumikat.
โHindi kailangang patunayan ng bahaghari kung bakit pito ang kulay nito.
โAt hindi kailangang maging malungkot muna ang isang tao para maging karapat-dapat sa pag-ibig.
โ
โKaya ito ay para sa mga pusong natutong manahimik bago pa man turuang magsalita;
โpara sa mga halik na kailangang itago sa pagitan ng mga anino,
โpara sa mga pangalang hindi mabigkas nang malaya sa sariling tahanan o sa lansangan,
โpara sa mga pag-ibig na laging sinusukat kung "tama ba," "pwede ba," o "hanggang saan lang"โparang laging nauuna ang mundo bago pa man sila makapili ng sarili nilang katotohanan.
โ
โPara sa mga bakla.
โPara sa mga tomboy.
โPara sa mga baklang nanay.
โPara sa mga baklang nagdarasal gabi-gabi na sana ay mahalin sila ng mundo nang hindi kalahati.
โPara sa batang bakla na hindi pa kilala ng mundo.
โ
โMalaya kang magmamahal, hindi ka kailanman masusukat sa kung paano mo tinitignan ang iyong siko at mga kuko.
โHindi ka kasalanan, hindi ka iba, may lugar ka rito, may araw na sisikat para sa'yo.
โAt mula sa musika ng bandang Wolf Parade, naniniwala akong "we all deserve sunshine."
โ
โDAHIL MABUHAY ANG MGA BAKLA, MASAYA PAG MAY BAKLA, DAPAT MAY BAKLA!
๐จ | ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ซ๐ข๐จ, ๐๐ญ๐๐๐ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ
07/06/2026
๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐๐ง๐ญ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐, ๐๐ข๐ฌ๐ฆ๐๐ฒ๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐ ๐ซ๐๐ ๐ฌ๐จ๐ง๐ ; ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง, ๐ง๐๐ -๐๐๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ก๐๐ฒ๐๐
โUmani ng ilang negatibong saloobin sa social media ang mga napiling graduation songs para sa darating na 86th Commencement Rites ng Mabini Colleges.
โ
โIto ay matapos mapansin ng mga estudyanteng magsisipagtapos na ang opisyal na dalawang awiting napili na may mga pamagat na "We made it through" at "Tagumpay na aming hinintay", ay 'di umano'y nilikha gamit ang Artificial Intelligence (AI).
โ
โPaliwanag ni Mr. Nestor Alagbate, pinuno ng komite na nakatalagang pumili ng graduation songs, ang pagpili sa dalawang kanta ay nakabatay sa tatlong salik: lyrics, singability, at recency.
โ
โAyon sa criteria, ang mga nabanggit na kanta ang pinakaangkop sa tema ng okasyon.
โ
โKabilang din aniya ang mga Dekano sa pagpili ng mga awiting isinumite ng bawat departamento, at ang mga pinagpilian ay nanggaling mismo sa mga magsisipagtapos.
โ
โGiit pa niya, bagamaโt nababasa nila ang hinaing ng mga estudyante sa social media, walang nagpasa ng pormal na reklamo sa opisina ng Vice President for Academic Affairs (VPAA) kung kaya't naging pinal ang naging desisyon patungkol sa graduation songs.
โ
โAyon naman sa pribadong mensaheng natanggap ng pahayagan mula sa isang graduating student ng College of Education na tumangging mapangalanan, hindi nila agad nalaman ang desisyon tungkol sa pagpili ng graduation songs.
โ
โWala rin aniyang naglakas ng loob sa kanilang klase na magsumite ng complaint sa tanggapan ng VPAA dahil iniiwasan nila ang anumang komplikasyon laban sa administrasyon.
โ
โ"Nung ibinigay ang final song for graduation, walang nakakaalam kung paano at saan kami pwedeng mag-file ng complaint kaya ang pinaka-accessible na outlet ay through online. Kaya din sya anonymous kasi ayaw namin ng ano pang uri ng repercussions."
โ
โSa ngayon, may iilan pa ring kumukuwestiyon sa nasabing pinal na desisyon sa pagbabakasakaling mapakinggan ng administrasyon ang kanilang hinaing na mapalitan ang mga nabanggit na awitin.
โ
โMagaganap ang graduation ceremony sa ika-17 hanggang ika-19 ng Hunyo na dadaluhan ng mga magsisipagtapos mula sa Graduate School, College of Education, College of Criminal Justice Education, College of Nursing, College of Business Administration and Accountancy, College of Computer Studies, at College of Liberal Arts.
โ๏ธ | ๐๐. ๐๐๐ญ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ, ๐๐๐ง๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ
๐จ | ๐๐ซ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐๐ซ๐๐ฐ ๐. ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ
06/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ to our ๐๐๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ, ๐๐จ๐ก๐ง ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฎ๐!
Among the many responsibilities, and commitments you have chosen to pursue, being part of the publication was one of them, and it is a choice we are truly grateful for. In the year that you have been with us, you have proven yourself to be more than just a layout artist. When opportunities came your way, you rose to the challenge and served with excellence.
More importantly, it reflects the trust that others placed in your potential, a trust that you continuously honor through your accomplishments.
As you celebrate your birthday and prepare to graduate, may you carry forward the same passion, purpose, and commitment that have guided you throughout your college years. Continue using your talents to create, inform, and inspire wherever life takes you.
Warm wishes, and a future filled with success and fulfillment โ.
04/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ to our ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ ๐๐๐ข๐ญ๐จ๐ซ, ๐๐๐ซ๐ฅ ๐๐ฏ๐๐ง ๐๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฉ๐ซ๐!
Your creativity and dedication have greatly contributed to the publication and beyond your skills as an editor, your talent as an artist continues to inspire those around you, bringing ideas to life with passion and imagination.
As you celebrate another year and prepare to embark on a new chapter as a graduating student, we wish you success in all your future endeavors.
Keep sharing your creativity, laughter, and positivity wherever life takes you. Warm wishes for a joyful birthday, a memorable graduation journey, and a bright future ahead! โก
03/06/2026
๐๐ ๐ซ๐๐๐จ๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐๐ฐ ๐๐๐๐ฌ
Mabini Colleges, Inc. gained four new Certified Public Accountants (CPAs) after passing the Certified Public Accountants Licensure Examination (CPALE) held last May 24-26, 2026 at different testing sites across the country.
The institution recorded a rate of 5.41% for first-timers, while retakers achieved a rate of 40%. Overall, the institution obtained a combined passing rate of 9.52%.
The Professional Regulation Commission announced that 3,004 out of 9,745 passed the May 2026 CPALE that covered six core subjects for three examination days.
Congratulations to the new Mabinian CPAs!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Gov. Panotes Avenue, Brgy. VII
Daet
4600