Kath Jueran

Kath Jueran

Share

Hukom Numero Kwarenta'y Sinko🧑‍⚖️

20/05/2026
07/05/2026

Oh ayan, may nagrireklamo;
Pag humingi ka dw ng tulong sa PNP dahil nadidgrasya ng guest ang rented Motorcycle, kinakampihan pa umano ang tourist kesa don sa na agrabyadong local business owner.

King-inang PNP talaga to, Dina naka tulong perwisyo pa sa mga nagninegosyo.
Kaya nga humihingi ng tulong sainyo dahil umaasa ang kababayan nyo na makakatulong kayo, Tapos kayo idadown nyo ang mga business owner sa harap ng mga guest na yan.

Natural na pabayaran sa kanila ang nadisgrasya nila, may quotation naman Galing sa local supplier bakit parang gahaman pa ang labas ng business owner?

Wal talaga kayong kwenta, dapat sa mga to palitan na Palawan Police Provincial Office.
Ano na tong ginagawa ng PNP Coron oh.
Kawawa mga negosyante kapag ganyan ang systems nyo.
Bago ang unit, original ang nasira nila tapos okay lang kaya dw pinturahan! Ano yan lokohan?
Kaya nga pinababayaran dahil genuine parts ang nasira nila, tapos kayo naman gusto nyo pinturahan nalng? Gawan ng paraan? E kulak pala Yong PNP Coron, hindi maaasahan sa oras ng kagipitan lalo na kung makaka chamba ka ng ganito ka kupal na mga clients.

30/04/2026

Ganito sana oh, umaaksyong PNP!
Hindi yong lantaran na di pa mahuli.
Mga protector. Ganda ng slogan nyo, “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas; Serbisyong mabilis, tapat at Nararamdaman”.
Gampanan nyo yong “NARARAMDAMAN”.

Photos from Rica Reyes's post 30/04/2026
28/04/2026

Mga small time lang yata kaya hulihin ng Coron Mps Pcr ah?
Asan na mga drug lord?
Ganun na ba kahina ang intel ng PNP?
Maliliit lang kayang tugisin?

22/04/2026

MAYOR RAYMOND CRUZ, TINIYAK NA MAY MANANAGOT SA UMANO’Y PALPAK NA ROAD BARRIER SA BUSUANGA, PALAWAN

“Sisiguraduhin ko po sa inyo at sa ating mga kababayan na mayroong mananagot sa pangyayaring ito”

Dismayado ang alkalde ng Bayan ng Busuanga, Palawn sa natuklasang umano’y substandard na road barrier sa Brgy. Sto. Niño.

Sa panayam sa Kuskos Batikos kay Mayor Raymond Cruz, tinawag nitong makapal ang mukha ng kontraktor.

Aniya, personal nitong nakita ang palpak na proyekto nang puntahan niya ito noong mismong araw na nangyari ang pagkakahulog ng isang jeep sa bangin, kung saan nakumpirma nya na naglalaman nga ng isang sakong graba ang loob ng barrier na dapat sana ay kongkreto.

Ngayong umaga ay kakausapin nya umano ang mga representatnte ng DPWH upang makuha ang mga detalye ng proyekto, kabilang na ang mga sangkot na contractor, kung kailan ito sinimulan at natapos pati na ang project cost.

Nais din umanong alamin ng punong bayan kung may iba pang proyektong ginawa sa kanilang bayan ang sinasabing contractor ng umano’y palpak na road barrier.

Sa huli tiniyak ng alkalde na may mananagot dito at hindi umano nya papayagan ang ganitong sistema sa ilalim ng kanyang pamumuno.

DISCLAIMER: Radyo Bandera Philippines is an independent media organization. All content posted is for news reporting, public information, and educational purposes only. We do not promote, endorse, or are affiliated with any political party, gambling platform, health product, or individual unless explicitly stated. Viewer discretion is advised, especially for sensitive content.

22/04/2026

Viral ngayon ang Concrete Barriers na may laman na sako ng buhangin.

Tama, dapat may managot.
Pero ang tanong: sino?

• Sub-contractor ba?
• Contractor ba?
• O ang DPWH?

Given ang mga involved:
• ABC Company (Contractor)
• XYZ (Concrete Barrier Sub-Contractor)
• OMG (Concrete Road & Line Canal Sub-Contractor)

Isa-isahin natin para malinaw:

Ang mga sub-contractor ay naka-depende sa materials na nire-release ng contractor.
Kung ano ang ibigay ni ABC kay XYZ, iyon ang dapat gamitin.

Ngayon, kung sa paggawa ng concrete road at line canal ay hindi naglagay ng abang na bakal si OMG para sa concrete barriers—ano ang magiging choice ni XYZ?
Kung hindi nila gagawin ang project, malamang ipapasa lang din ito sa iba. Ibig sabihin, pareho pa rin ang magiging resulta.

Pero bakit may sako ng buhangin sa loob ng concrete barriers?

Malinaw na may nangyaring manipulasyon.
Mukhang sinabutahe ng XYZ ang materials na na-release para sa kanila.
Hindi dahilan ang mababang bayad (hal. ₱35 bawat unit), dahil hindi naman sila ang gumagastos sa materials—nakabase ang bayad nila sa dami ng nagawang barriers.

Conclusion:

• XYZ – posibleng nag-manipulate ng materials
• OMG – hindi naglagay ng abang na bakal sa line canal
• ABC – kulang o walang maayos na project monitoring
• DPWH – kulang sa general inspection ng natapos na proyekto

Sa kabuuan, lahat ay may bahagi—mula sub-contractor hanggang sa ahensya.

Buti na lang at masigasig ang Mayor ng Busuanga.
Sana mapanagot ang mga responsable para hindi na ito maulit.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Coron?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Sitio Dichelem Brgy. Kaminawit
Coron
5316