Mayor Marjo Reyes

Mayor Marjo Reyes

Share

KAIBIGAN KAHIT KAILAN πŸ’›πŸ’™

22/06/2026

π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’, π“π„π€πŒ π‚πŽπ‘πŽπ – πŸ‘π‘πƒ 𝐑𝐔𝐍𝐍𝐄𝐑-𝐔𝐏! πŸ’™πŸ’›

Isang karangalang muli para sa Bayan ng Coron ang inyong ipinakita sa Baragatan Festival 2026 Basketball Tournament, kung saan matagumpay ninyong nasungkit ang 3rd Runner-Up.

Hindi man ito ang pinakamataas na puwesto, ipinakita ninyo ang tunay na puso sa paglalaro ng Basketball, hindi sumusuko hanggang sa huling buzzer.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Sir Richard Rimando, Committee-in-Charge at sa ating mga coaches na sina Coach Mark Anthony Abayan, Coach Jim Ablig, at Coach Andrei Echague.

Sa buong Team Coron, maraming salamat sa pagdadala ng dangal at pagmamalaki sa ating bayan. Ang tagumpay ninyo ay tagumpay ng buong Coron.

Proud na proud ang Coron sa inyo! πŸ€πŸ’™πŸ’›

PLAYERS:
β€’ JHOLO BOY B. DELOS SANTOS
β€’ RUGIE ANGELO A. ARAOJO
β€’ CHANDLER G. CHAVEZ
β€’ SANTIAGO R. APUEN II
β€’ ALMER R. DAUD
β€’ ANDREW BILLY M. CASTRO
β€’ JERIC B. ABANGAN
β€’ BRICCIO I. B. DUMAGTOY
β€’ NIELSEN ALBERT D. ENRIQUEZ
β€’ BEANCH S. LABRADOR
β€’ JEFFORD RECOMONO
β€’ MARIO JOSE ALFONSO R. REYES
β€’ ARJAY F. ABLIG
β€’ JOSHUA E. ESPINOLA
β€’ WARREN P. SORIA

Photos from Mayor Marjo Reyes's post 22/06/2026

πŸ“’ 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ | 𝐉𝐔𝐍𝐄 πŸπŸ‘ | 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍

Alinsunod sa Republic Act No. 9748, ang Hunyo 23, 2026 ay idineklara bilang Special Non-Working Public Holiday sa buong Lalawigan ng Palawan at Lungsod ng Puerto Princesa bilang paggunita sa 124th Foundation Anniversary of the Civil Government of Palawan.

Ang makasaysayang araw na ito ay nagsisilbing pagpupugay sa pagkakatatag ng unang pamahalaang sibil sa Palawan at pagkilala sa mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng bawat PalaweΓ±o.

Kaugnay nito, suspendido ang regular na operasyon ng mga tanggapan ng Municipal Government of Coron sa nasabing araw, maliban sa mga opisinang nagbibigay ng mahahalagang at pang-emergency na serbisyo.

Nawa’y magsilbing pagkakataon ang pagdiriwang na ito upang lalo nating pahalagahan ang ating pamana, pagkakaisa, at sama-samang adhikain para sa patuloy na pag-unlad ng Palawan.

Isang makabuluhan at mapagpalang Araw ng Palawan sa ating lahat!

Photos from Mayor Marjo Reyes's post 22/06/2026

πŒπ€ππ”π‡π€π˜ 𝐀𝐍𝐆 ππ€π†πŽππ† πŠπ€π’π€π‹! πŸ€πŸ’›πŸ’™

Pinangasiwaan ng ating butihing Mayor, si Mario T. Reyes Jr., ang seremonya ng kasal ng mga bagong mag-asawa nitong ika-18 ng Hunyo 2026.

Pinaalalahanan ni Mayor Reyes ang mga bagong kasal na laging isapuso ang 3Ps: Pagmamahalan, Pang-unawa, at Pangmatagalan, bilang gabay tungo sa isang matatag at masayang pagsasama.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong pagmamahalan at dalangin namin ang isang maayos, masagana, at masayang pamilya para sa inyo. Maging sentro nawa ang Panginoon sa inyong pagsasama.

Congratulations and best wishes po sa inyong lahat! 🀍✨

22/06/2026

MARAMING SALAMAT AT CONGRATULATIONS! πŸ’™πŸ’›

Taos-pusong pagbati kay Pastor Timothy Romasanta sa pagkamit ng 2nd Runner-Up sa Timeless Voice: Tanghalan sa Baragatan 2026!

Maraming salamat sa pagdadala ng karangalan at inspirasyon sa Bayan ng Coron. Ipinagmamalaki ka namin!

Congratulations, Pastor Timothy! Coron is proud of you! βœ¨πŸ‘

Buong-pusong pagbati at pagpupugay po kay Ptr. Timothy John Romasanta sa pagkamit ng 2nd Runner-Up sa Category B β€” Timeless Voice sa Tanghalan sa Baragatan 2026! πŸ†πŸŽ€

Sa bawat nota at awiting iyong inialay, ipinakita mo ang husay, puso, at galing ng isang tunay na Coronian. Ang iyong tagumpay ay bunga ng sipag, dedikasyon, at pambihirang talento na nagbigay ng karangalan hindi lamang sa iyong sarili kundi maging sa buong komunidad. 🎢✨

Patuloy kang mangarap, umawit, at maging inspirasyon sa marami pang nangangarap na maiparinig ang kanilang tinig at maabot ang kanilang mga mithiin. πŸ‘πŸ’–

Tunay kang ipinagmamalaki ng Bayan ng Coron! Congratulations po sa iyong pagkamit ng 2nd Runner-Up at maraming salamat po sa pagdadala ng karangalan sa ating bayan! πŸ™πŸ»πŸ©·πŸ™‡πŸ»β€β™‚οΈπŸ†

22/06/2026

CONGRATULATIONS, ICONOMICON! πŸ’™πŸ†

Maraming maraming salamat sa pagdadala ng karangalan at pagmamalaki sa Bayan ng Coron matapos ninyong masungkit ang 3rd Place sa UDO Baragatan 2026! πŸ₯‰βœ¨

Buong Bayan ng Coron ay nagdiriwang kasama ninyo sa tagumpay na ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong abutin ang inyong mga pangarap. Muli, congratulations ICONOMICON! UDO Baragatan 2026 - 3rd Placer! Maraming maraming salamat, ICONOMICON!

Members:
Captains
β€’ JOHN KYLE DERLA (C)
β€’ MECCA SABRIYA BUNAG (C)

Members
β€’ ISAAC JUKE MANGALINO
β€’ DIANE CRIS DUMPA
β€’ JHANELIE RULETE
β€’ ADRIAN SALAZAR
β€’ IRISH MAHUMOT
β€’ ZHADRICK RIVERA
β€’ HANNAH MARTINES
β€’ KYLE DOMINIC GERON
β€’ MARENNELLE SALVACION
β€’ RHOLLIE ROCO
β€’ ISAAC GOMEZ
β€’ JUSTINE PAUL DECIERTO
β€’ RAIN ARNIE TALADRO
β€’ SOPHIA ELACAN
β€’ JOHN MARK BALES

Ipinagmamalaki kayo ng buong Coron! πŸ’™πŸ’›

20/06/2026

Ang unang bayani ng bawat anak ay madalas isang ama.

Ngayong Father's Day, saludo tayo sa lahat ng mga tatay, ama, at maging sa mga single mom na buong tapang na itinataguyod ang kanilang pamilya mag-isa.

Happy Father's Day po sa lahat! πŸ’™πŸ’›

19/06/2026

CONGRATULATIONS AND MATAMANG SALAMAT, ELLE SEPTEMBER PE! πŸ’›πŸ’™

I extend my sincerest congratulations and deepest appreciation to Ms. Elle β€œIshi” September Pe for her remarkable representation of our municipality in Mutya ng Palawan 2026.

Her journey throughout the competition was undoubtedly very challenging, yet from day one, she faced every obstacle with courage and determination. She gave her all, not only for herself but for the people of Coron, carrying the name of our municipality with pride, dignity and honor.We likewise celebrate your recognition as the Astoria Palawan Choice AwardeeπŸ‘‘.

We also extend our heartfelt gratitude to the dedicated individuals who supported Ishi throughout her journey. Special thanks to the Committee In-Charge: Mr. Richard Rimando and the entire organizing and support team for their hard work.

To Ishi’s loving and supportive family, friends and to everyone who believed in and stood by her from day one, thank you.

Again, congratulations and matamang salamat, Ishi. We are all proud of you and WE LOB U!πŸ’›πŸ’™

19/06/2026

πŸ† π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’ π“π„π€πŒ π‚πŽπ‘πŽπ πŒπ‹ππ π‚π‡π€πŒππˆπŽπ!! πŸ’™πŸ’›

Players:
- CHRISTIAN JOSEPH NAVARRA
- JOHN RIVERT ORMIDO
- VINZ LORENZ BUENAFLOR
- TOBEY BRENT ESTORES
- MARK JARED BACONES
- REY R-G R. GALLARDO

Coach:
- Carl O. Layug

Hindi ninyo kami binigo!

Sa loob ng tatlong araw ng kompetisyon sa Baragatan Festival 2026 Mobile Legends Tournament, ipinakita ninyo ang inyong husay. Sa bawat laban, dala ninyo ang pangalan at dangal ng Bayan ng Coron hanggang sa maabot ninyo ang Grand Finals at masungkit ang pagiging CHAMPION! πŸ†πŸ”₯

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa inyong koponan kundi para sa buong Bayan ng Coron na buong pusong sumusuporta at naniniwala sa inyo.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Committee-in-Charge na pinangungunahan ni HON. Christian "TORNOY" A. Palanca. Bilang isa ring may kaalaman at pagmamahal sa Mobile Legends, buong suporta niyang itinaguyod at binigyang-pansin ang ating mga kabataang manlalaro. Maraming salamat din sa lahat ng bumubuo ng committee sa patuloy na pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa ating esports community.

Sa ating coach at mga manlalaro, maraming salamat sa inyong dedikasyon, sipag, at sakripisyo. Hindi naging madali ang landas patungo sa tagumpay, ngunit ipinakita ninyo na kayang makipagsabayan at magtagumpay ng mga Coronian.

At sa mga pamilya ng ating mga manlalaro, maraming salamat sa walang sawang paggabay, pag-unawa at pagsuporta. Kayo ang isa sa mga naging lakas ng ating koponan upang maipagmalaki nila ang ating bayan sa mas malaking entablado.

Muli, congratulations TEAM CORON MLBB!
πŸ† BARAGATAN FESTIVAL 2026 MOBILE LEGENDS CHAMPION
πŸ’™πŸ’› Proud ang buong Bayan ng Coron sa inyo!

19/06/2026

ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 π‚πŽπ‘πŽπ, πˆππ€πŠπˆπ“π€ ππ€π“πˆπ 𝐀𝐍𝐆 π€π“πˆππ† π’π”ππŽπ‘π“π€! πŸ’™πŸ’›
Ngayong gabi ay magaganap ang Grand Coronation ng Mutya ng Palawan 2026 sa Baragatan Festival, at buong pagmamalaki nating suportahan ang ating Mutya ng Coron, Elle September Pe! πŸ‘‘βœ¨

Sa mga kababayan nating nasa Puerto Princesa, samahan natin at suportahan ang ating kandidata mamayang gabi, 8:00 PM sa RVM Sports Complex, Puerto Princesa City.

Para naman sa mga hindi makakadalo, maaari nating panoorin ang live stream sa official page ng Baragatan sa palawan Festival.

Sama-sama nating ipakita ang lakas ng suporta ng Bayan ng Coron para kay **Elle September Pe**. Dalhin natin ang sigaw ng bawat Coronian at iparamdam na buong bayan ang nasa likod niya!

❀️ Ipakita rin natin ang ating suporta online! Mag-heart react at i-share ang official photo ni Ishi sa link na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1513742343528874&set=a.386926272877159






πŸ’™πŸ‘‘

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Coron?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Municipality Of Coron
Coron
5316

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm