RHU Concepcion Romblon
Medical Services
๐ฅ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐)๐โค๏ธ
Isinagawa ng ๐๐จ๐ง๐๐๐ฉ๐๐ข๐จ๐ง ๐๐ฎ๐ซ๐๐ฅ ๐๐๐๐ฅ๐ญ๐ก ๐๐ง๐ข๐ญ ang ๐๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ ๐๐ข๐ ๐๐๐ฌ: ๐๐๐๐๐ mula ๐๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ 10โ14, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa measles at rubella.
๐ด ๐จ๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ (๐ป๐๐๐
๐๐)?
Ang measles ay isang lubhang nakakahawang sakit na dulot ng virus. Kabilang sa mga sintomas nito ang mataas na lagnat, ubo, sipon, pamumula ng mata, at pantal sa katawan. Maaari itong magdulot ng malulubhang komplikasyon, lalo na sa mga bata.
๐ฃ ๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐?
Ang rubella ay isang viral infection na karaniwang nagdudulot ng banayad na lagnat at pantal. Ngunit maaari itong maging mapanganib sa mga buntis, dahil maaaring makaapekto sa dinadala nilang sanggol at magdulot ng ๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐
๐๐๐๐ (๐ช๐น๐บ).
๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐?
Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang makaiwas sa measles at rubella. Sa pagpapabakuna, napoprotektahan natin hindi lamang ang ating sarili kundi pati ang ating pamilya at buong komunidad.
Maraming salamat sa ating mga health workers, barangay partners, parents/guardians, at lahat ng nakiisa sa matagumpay na MRSIA 2026! ๐ซถ
Bakuna para sa proteksyon. Bakuna para sa kinabukasan.
Sama-sama nating gawing Ligtas sa Tigdas ang ating komunidad! ๐ช๐
30/07/2026
Isang karangalan para sa Concepcion Rural Health Unit na ipabatid ang matagumpay na pagsasagawa ng PhilHealth YAKAP Inspection na pinangunahan ni Mr. Reymond G. Macatangay.
Ikinagagalak naming ibahagi na ang isinagawang inspeksyon ay nagtapos na walang anumang findings, na nagpapatunay sa aming pagsunod sa mga pamantayan ng PhilHealth at sa aming patuloy na dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad, ligtas, at maaasahang serbisyong pangkalusugan.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at propesyonalismo ng buong RHU personnel, Barangay Health Workers (BHWs), at ng lahat ng katuwang sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan ng serbisyong pangkalusugan. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Mr. Reymond G. Macatangay sa maayos na pagsasagawa ng inspeksyon at sa kanyang mahalagang gabay sa buong proseso.
Maraming salamat sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay na ito. Patuloy kaming magsisilbi nang may integridad, kahusayan, at malasakit para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
โSerbisyong hungor, imaw paโt nahator!โ
16/07/2026
๐ข NEW LABORATORY SCHEDULE | Effective July 1, 2026
Para mas mapabilis at mas mapaganda ang ating laboratory services, magkakaroon na ng bagong laboratory schedule ang RHU Concepcion Laboratory simula July 1, 2026.
Ang schedule na ito ay ginawa upang:
โ
Maibigay ang accurate at quality laboratory results.
โ
Mabawasan ang waiting time ng mga pasyente.
โ
Mas maging efficient ang paggamit ng laboratory reagents at supplies.
โ
Mapanatili ang maayos na workflow at laboratory operations.
๐ฉธ Blood Chemistry
๐
MondayโThursday | โฐ 8:00 AMโ11:00 AM
๐ฌ Clinical Microscopy (Urinalysis, Fecalysis & Pregnancy Test)
๐
MondayโFriday | โฐ 8:00 AMโ5:00 PM
๐งช Serology & Other Tests (HIV Screening, HBsAg, Syphilis Screening, Dengue NS1 Ag & Blood Typing)
๐
MondayโFriday | โฐ 8:00 AMโ5:00 PM
๐ซ TB DOTS (DSSM)
๐
MondayโWednesday | โฐ 8:00 AMโ12:00 NN
๐ฉธ CBC (Complete Blood Count)
๐
Every Monday & Thursday | โฐ 8:00 AMโ12:00 NN
๐ Releasing of Results
๐ฉธ Blood Chemistry โ Within the afternoon or the next working day
๐ฌ Clinical Microscopy โ Same day
๐งช Serology โ Same day
๐ฉธ CBC (Hematology) โ Same day
๐ซ DSSM โ 2โ3 working days
โ ๏ธ Note: Emergency cases at physician-priority requests ay maaari pa ring ma-accommodate outside the regular schedule, subject to reagent availability at laboratory workload.
Maraming salamat sa inyong pang unawa at kooperasyon habang patuloy naming pinapabuti ang ating laboratory services para sa mas mabilis, maayos, at dekalidad na serbisyo.
03/06/2026
๐ข PhilHealth Barangayan 2026
Mula Mayo 5โ8, 2026, matagumpay na naisagawa ang PhilHealth Barangayan sa 9 na barangay bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mailapit ang mga serbisyo ng PhilHealth sa bawat mamamayan.
Sa loob ng apat na araw, daan-daang residente ang natulungan sa pagpaparehistro bilang miyembro ng PhilHealth, pag-update ng kanilang mga rekord, at pagpaparehistro sa PhilHealth YAKAP Provider upang mas mapadali ang kanilang pag-access sa mga benepisyo at serbisyong pangkalusugan.
Lubos kaming nagpapasalamat sa mga barangay officials, Barangay Health Workers, at sa lahat ng residenteng nakiisa sa programang ito. Ang inyong pakikilahok ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas malusog at mas protektadong komunidad.
03/06/2026
๐๐ PAGKILALA SA MGA NAGWAGI ๐๐
Taos-pusong pagbati sa ating mga nanalo sa Hataw Galaw: Run for Health 2026 na ginanap noong Abril 9, 2026!
๐ฅ 1st Place โ Clyde Caunceran
๐ Cash Prize na โฑ1,000 at isang pares ng Brand New Shoes
๐ฅ 2nd Place โ Richard Briones
๐ Cash Prize na โฑ1,000
๐ฅ 3rd Place โ Ralph Lauren Mejico
๐ Cash Prize na โฑ500
Ang inyong sipag, determinasyon, at pagpapahalaga sa kalusugan ay tunay na kahanga-hanga. Nawaโy maging inspirasyon kayo sa ating komunidad upang patuloy na mamuhay nang aktibo at malusog.
Muli, congratulations sa ating mga winners at maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa Hataw Galaw: Run for Health 2026! ๐โโ๏ธ๐
03/06/2026
๐ข Dengue, Rabies, and Leprosy Awareness Campaign
Noong Marso 23, 2026, matagumpay na isinagawa ang Dengue, Rabies, at Leprosy Awareness Campaign sa mga paaralang elementarya at sekondarya sa ating bayan. Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pag-iwas at tamang pag-iingat laban sa mga sakit na ito.
Pinili ang mga paaralan bilang pangunahing lugar ng kampanya sapagkat ang mga kabataan ay kabilang sa mga unang naapektuhan ng mga kaso ng dengue at animal bites noong nakaraang taon. Sa pamamagitan ng mga talakayan at pagbibigay ng wastong impormasyon, naipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng maagang pag-iwas at tamang pagkilos upang maprotektahan ang kanilang sarili at pamilya.
Bilang bahagi rin ng kampanya, namahagi ng mga flyers sa Barangay Poblacion na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa rabies, dengue, at leprosy upang higit pang mapalawak ang kamalayan ng komunidad tungkol sa mga sakit na ito at mga paraan ng pag-iwas.
Maraming salamat sa mga paaralan, g**o, mag-aaral, at mga residente ng Barangay Poblacion sa kanilang pakikiisa at suporta. Sama-sama nating isulong ang isang ligtas, malusog, at may sapat na kaalamang komunidad.
30/05/2026
30/05/2026
25/05/2026
๐ข ANNOUNCEMENT
Walang regular na check-up sa mga sumusunod na petsa at oras upang bigyang-daan ang gaganaping BHW Training:
๐ May 25, 2026
โฐ 1:00 PM โ 6:00 PM
๐ May 26โ27, 2026
โฐ 7:00 AM โ 6:00 PM
โ
Patuloy pa ring aasikasuhin ang mga emergency cases.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa. ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the practice
Website
Address
Poblacion, Romblon
Concepcion
5516
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |