The Cavite Rising
Fair and reliable journalism for every Caviteño.
16/06/2026
Itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga alegasyong nakialam siya sa pag-aayos ng ruta ng LRT-1 Extension Project upang mapaboran umano ang mga real estate interest ng kanilang pamilya.
Ito ay matapos ihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na iniimbestigahan ng kanyang tanggapan ang mga reklamong inihain laban kina Villar at Senadora Camille Villar kaugnay ng naantalang pagkumpleto ng Niog Station sa Bacoor, Cavite.
16/06/2026
Lumulutang ang pangalan ni Jennifer Austria-Barzaga bilang posibleng kandidato sa special election para sa kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Cavite na nakatakdang idaos sa Agosto 29, 2026.
Nabakante ang puwesto matapos ma-expel sa Kamara si dating kongresista Kiko Barzaga. Si Mayor Jenny ay dating nagsilbing kongresista ng distrito mula 2016 hanggang 2019 bago mahalal bilang alkalde ng Dasmariñas.
Sakaling tumakbo at magwagi siya sa halalan, hahalili bilang alkalde ang kasalukuyang bise alkalde na si Third Barzaga alinsunod sa umiiral na mga patakaran sa succession. Wala pa namang opisyal na pahayag ang alkalde kaugnay sa usapin.
16/06/2026
Iniimbestigahan ng Ombudsman ang mga alegasyon na sina Senador Mark Villar at Senadora Camille Villar ay posibleng nakialam sa implementasyon ng LRT-1 Cavite Extension Project. Ayon kay Ombudsman Boying Remulla, sinusuri ng mga graft investigator kung may kaugnayan ang dalawang mambabatas sa umano’y pagkaantala ng konstruksyon ng Niog Station sa Bacoor, Cavite.
Sinabi ni Remulla na may mga ulat na nais umanong baguhin ang railway alignment upang dumaan sa C-5 Road sa Las Piñas, kung saan may mga pag-aari umano ang pamilya Villar. Wala pa namang pahayag ang kampo ng mga Villar kaugnay sa mga alegasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
15/06/2026
Naging bahagi si Jordan Clarkson ng kasaysayan matapos mag champion ang New York Knicks sa NBA sa bisa ng 4-1 series victory laban sa San Antonio Spurs. Tinapos ng Knicks ang 53-taong title drought matapos ang 94-90 panalo sa Game 5 ng NBA Finals.
Sa tagumpay na ito, naging kauna-unahang manlalarong may dugong Pilipino na nakapag-uwi ng NBA championship si Clarkson bilang bahagi ng isang championship-winning team. Bagama’t limitado ang kanyang playing time sa deciding game, itinuturing ang kanyang tagumpay bilang isang makasaysayang milestone para sa Philippine basketball at inspirasyon sa mga Pilipinong nangangarap na makapaglaro sa pinakamalaking entablado ng sport.
15/06/2026
Arestado ang isang 39-anyos na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bacoor City noong Sabado ng umaga.
Nakumpiska mula sa suspek ang 109 na hinihinalang ecstasy tablets at tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P219,000.
Narekober din sa kanya ang isang cellphone, digital weighing scale, at buy-bust money na ginamit sa operasyon. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
14/06/2026
TINGNAN: Ipinakilala ng City Government of Cavite ang bagong electric vehicle street sweeper bilang bahagi ng pagpapalakas ng paglilinis at pangangalaga sa kapaligiran sa lungsod ng Cavite.
Gagamitin ng City Environment and Natural Resources Office ang makabagong kagamitan upang mapahusay ang paglilinis ng mga kalsada at pampublikong daanan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng kanilang pagtutok sa paggamit ng modernisadong kagamitan para sa mas episyente at mas malinis na kapaligiran para sa mga Caviteño.
Source: City Government of Cavite
14/06/2026
OIL PRICE UPDATE ⛽️
Inaasahang tataas ng ₱0.50 hanggang ₱1 kada litro ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, ayon sa paunang pagtataya ng industriya.
Samantala, posibleng bumaba ng ₱3.50 hanggang ₱4 kada litro ang diesel, bagama’t maaari pang magbago ang mga presyo dahil may natitira pang isang araw ng kalakalan.
Ayon kay Sec. Sharon Garin, posibleng maapektuhan pa ang presyo ng langis matapos ideklara ng Iran ang pagsasara ng Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang oil shipments.
14/06/2026
Itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) ang espesyal na halalan para sa bakanteng puwesto ng kinatawan ng Ika-4 na Distrito ng Cavite sa Agosto 29, 2026, matapos opisyal na mapatalsik noong Hunyo 2, 2026 si dating Cavite 4th District (Dasmariñas) Representative Francisco “Kiko” Barzaga.
Ayon kay George Garcia, ilalabas ng COMELEC ang kalendaryo ng mahahalagang aktibidad kabilang ang paghahain ng kandidatura, campaign period, election period, at gun ban.
Magsasagawa rin ang poll body ng koordinasyon sa mga ahensyang pangseguridad at lokal na pamahalaan upang matiyak ang maayos at ligtas na pagsasagawa ng espesyal na halalan.
13/06/2026
TINGNAN: Nagdaos ang Ateneo de Davao University ng banal na misa bilang pagpupugay sa student-athlete na si Rene 'Bobet' Baterbonia na nasawi matapos malunod sa isang team-building activity sa Aurora.
📷: Ateneo de Davao University/Facebook
13/06/2026
Makakaranas ang mga consumer ng mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong Hunyo matapos ipatupad ng Meralco ang panibagong pagtaas sa electricity rates.
Nadagdagan ng P0.1488 kada kilowatt-hour (kWh) ang singil para sa mga residential customer, kaya umakyat ito sa P14.4833 kada kWh mula sa P14.3345 kada kWh noong Mayo. Dahil dito, tinatayang madaragdagan ng halos P30 ang buwanang bayarin ng mga tahanang may konsumo na 200 kWh.
Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagtaas ng singil ay sanhi ng mas mataas na generation charge, na dulot ng pagmahal ng presyo ng kuryente sa spot market at iba pang gastusin sa suplay ng enerhiya.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Cavite
4100