Siphayo
Ang Pluma ay higit na makapangyarihan kaysa sa tabak
30/11/2025
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Tula ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbit taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
Pagpupuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbibigay init sa lunong katawan.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?
At ang balang kahoy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaka aliw sa pusong may lungkot.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap. O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ano ang bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?
Kung ang pagkabaon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ng pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.
Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyari ng buhay na nilanta't sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.
21/08/2025
Narito ang ilang mahahalagang trivia tungkol sa Filipino at mga katutubong wika.
Sanggunian
Komisyon sa Wikang Filipino. (n.d.). Mga katutubong wika ng Pilipinas. KWF. https://kwf.gov.ph/mga-katutubong-wika-ng-pilipinas/
Komisyon sa Wikang Filipino. (n.d.). Filipino. KWF. https://kwf.gov.ph/filipino/
Komisyon sa Wikang Filipino. (n.d.). Tagalog. KWF. https://kwf.gov.ph/tagalog/
Komisyon sa Wikang Filipino. (n.d.). Buwan ng Wikang Pambansa. KWF. https://kwf.gov.ph/buwan-ng-wikang-pambansa/
Cardenas, A., et al. (2014). Inklusibong wika. HASAAN: Humanitas Journal of the Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas, 1. https://hasaan.ust.edu.ph/volume-1-2014/
Bautista, J., et al. (2023). English in campus signage: A linguistic landscape of the University of Santo Tomas. Asian Journal of English Language Studies. University of Santo Tomas. https://ajels.ust.edu.ph/
15/08/2025
May kulang pa ba? Pakicomment na nga. BUKAS NA TO OH!
14/08/2025
🎭 SABAYANG PAGBIGKAS: Tinig ng Pagkakaisa at Sining 🎭
12/08/2025
B**gga!
11/08/2025
Mula sa pahinang isinilang noong pandemya—lunsaran ng mga siphayo at bubog ng puso—hanggang sa maging tahanan ng Wika, Kultura, at Panitikang Pilipino.
Patuloy tayong maglalakbay, mag-uugnay, at magmamahal sa sariling atin. 🇵🇭✨
Sampung libong Salamat!
09/08/2025
09/08/2025
𝙈𝙜𝙖 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙜 𝘼𝙙𝙡𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙃𝙞𝙡𝙞𝙜𝙖𝙮𝙣𝙤𝙣
Bago pa man dumating ang mga banyaga, may sarili na tayong sistema ng pagtukoy sa panahon. Makikita rito ang mga katutubong Hiligaynon na katawagan para sa mga buwan at araw.
Mula Ulalong hanggang Panglot Ngadaku, at mula Tagurkad hanggang Ligid — bawat pangalan ay sumasalamin sa ugnayan ng wika, kalikasan, at kultura ng ating mga ninuno.
Batay sa dokumento: El Calendario Filipino
Larawan mula sa: https://www.reddit.com/.../26_years_of_existence_and.../...
07/08/2025
Ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang katapatan ng mga senador at lahat ng lingkod-bayan ay dapat sa taumbayan — hindi sa partido, hindi sa kaalyado, at lalong hindi sa pansariling interes.
Labing-siyam (19) na senador ang bumoto para i-archive ang impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte — ibig sabihin, isinantabi ito habang kinikilala ang desisyon ng Korte Suprema na wala itong bisa mula sa simula.
Narito ang bumoto ng YES to archive:
✅ Alan Peter Cayetano
✅ Pia Cayetano
✅ Ronald “Bato” dela Rosa
✅ JV Ejercito
✅ Chiz Escudero
✅ Jinggoy Estrada
✅ Win Gatchalian
✅ B**g Go
✅ Lito Lapid
✅ Loren Legarda
✅ Imee Marcos
✅ Rodante Marcoleta
✅ Robin Padilla
✅ Erwin Tulfo
✅ Raffy Tulfo
✅ Joel Villanueva
✅ Camille Villar
✅ Mark Villar
✅ Migz Zubiri
❌ Bumoto ng HINDI:
Tito Sotto, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan
⚪ Nag-abstain:
Ping Lacson
“Ang mga lingkod-bayan ay mga katiwala ng taumbayan. Dapat silang managot sa kanila nang may katapatan at kahusayan.”
— Artikulo XI, Sek. 1 ng Saligang Batas
Ang kapangyarihan ay nagmumula sa taumbayan. At ang panig ng bawat senador ay dapat palaging para sa bayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Cavite
4106