Ms.Sylyn
Funny/Sad moment
Sabi nila pag lumabas na baby mo, Makaka raos kana.
“Hindi pala yun totoo!”
Kase nanjan payung recovery stage mo, yung tahi at likod mong kumikirot, yung dika maka lakad o makaupo ng maayos. Yung puyat at pagod kasi mas gising si baby sa gabi.
Yung unang linggo ni baby na hindi mo alam kung pano sya hahawakan lalo sa pag ligo kasi natatakot ka na baka mabitawan mo at dimo alam gagawin every time na ayaw nyang tumahan sa kaka iyak. Yung mayat mayang dika mapakali sa pag check sakanya kasi napapapraning ka sa pag hinga nya.
Lahat pala yun simula palang. Hindi pala totoo yung “Makakaraos kana”
Dadating yung time na maibabalik din yung dating ikaw, But for now, “IM A MOM”💜✨
Mahirap magbuntis.
Yung katawan mong halos hindi na sayo...
Yung sakit na hindi na mabilang...
Yung emosyon na rollercoaster araw-araw.
Mahirap manganak.
Yung buhay mong nakataya para sa buhay na nasa sinapupunan mo.
Yung kirot na hindi kayang ilarawan-- pero titiisin para lang may mayakap na munting anghel.
Mahirap maging ina.
Yung pagod na walang katapusan...
Yung kalat na hindi matapos-tapos...
Yung puyat na parang wala nang babawi...
Yung minsan... nakakalimutan mo na rin kung sino ka bago ka naging nanay.
Pero mas nagiging magaan...
kapag may asawa kang hindi lang "kasama" -- kundi kakampi.
Yung tumutulong, hindi lang nanonood.
Yung nakikinig, hindi lang nagmamasid.
Yung naglalambing, kahit gulo-gulo na ang buhok mo at may gatas pa sa damit.
Hindi namin hinihingi ang perpekto...
Ang hinihingi lang namin ay maramdaman na hindi kami nag-iisa.
Salamat sa mga asawang tumatayong sandalan.
Kasi ang pinakamalakas na ina...
May lalaking tahimik na sumusuporta sa likod niya. ❤️
Ms.Sylyn Funny/Sad moment
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Brindisi
Cavite
4100