IX FUNitikan

IX FUNitikan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IX FUNitikan, School, Cauayan.

14/11/2023

With Honors,
With High Honors,
With Highest Honors
Sarap pakinggan,
Kung tunay mong pinaghirapan!

Ang pag-aaral ay pinapagbuti,
Upang makamit ang anumang mithi.
Kabilang na dito ang mga pagkilalang kaliwa't kanan, tunay na sa pakiramdam ay nakakagaan.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon,
ang pangunguna sa klase ay sadyang panapanahon,
Ikaw man ang maituturing na pinakamagaling, darating ang oras mo at ikaw ay sasadsad din.

Nag-aral ka ng sobra ngunit hindi sumapat,
Kaya naman sa mababang grado ikaw ay namulat.
Pagtanggap ang dapat mong gawin,
Hindi ang paghingi ng isa pang pagkakataon upang dagdag puntos ay anihin.

Halos manikluhod ka sa iyong mga g**o,
Upang dagdagan ang iyong grado.
Nang sa gayon ay makamit mo ang pagkilala,
Bilang pinakamataas sa klase at siyang nanguna.

Ngunit lubos nga kayang ganap ang iyong kaligayahan?
Kung ang markang iyong natanggap ay di mo pinaghirapan.
Bagkus ito ay bunga ng iyong pagmamakaawa,
Sinamahan mo pa ng pagpapaagos ng iyong mga luha.

Ang tagumpay ay matamis kung ito ay hindi hinog sa pilit.
Ang pagkapanalo ay marapat ipagbunyi, kung malinis na kaparaanan ang nagsanhi.
Aanhin mo ang parangal at pagkilala,
Kung ito ay galing naman sa pandaraya.

May mga ilan na magbibigay sayu ng sobra, kahit pa ito ay hndi angkop sa iyong nagawa.
Sa kagustuhan nilang lumikom ng alyansa,
Kredibilidad ay kayang ipag-walang bahala.

Kaibigan hindi masamang magtagumpay, kilalanin at ipagmalaki.
Ngunit sana ito ay sa paraang malinis at walang bahid ng pagkukunwari.
Mabuti pang tanggapin ang pagkalugmok at bumawi sa huli,
Kaysa ang pagkilalalang galing sa hokus-pokus ang iyong ipanagbubunyi.....




Joone Ceazar

Sa mga tunay na naghirap upang mapabilang sa WITH HONORS, WITH HIGH HONORS at WITH HIGHEST HONORS, BINABATI KO KAYO! ♥️🍾💯

Photos from IX FUNitikan's post 07/11/2023

B U L A G A !

Photos from IX FUNitikan's post 05/11/2023

Pagbati sa mga mag-aaral ng Baitang 9 sa tagumpay na pagbibigay buhay o interpretatibong pagbasa sa tula ni Pat V. Villafuerte.

KULTURA: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan

♥️

Photos from IX FUNitikan's post 22/04/2022

ATM. Signage Making for CAVRAA 2022⬅️⤵️↘️↖️

Photos from IX FUNitikan's post 03/01/2022

Binabati po namin ang mga nagwagi sa paggawa ng POSTER. CONGRATULATIONS! 🎉🎈

P**i PM nalang po si Ma’am Yam Arconcel upang makuha ang inyong premyo. ♥️

Want your school to be the top-listed School/college in Cauayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cauayan
3305