Talim Isip
Karunungan at Diwa
29/04/2026
“Ano ba ang kontribusyon mo?”
Madalas itong tanong�kapag nauubusan na ng argumento.
Parang panapos.�Parang panumbat.
Pero kung iisipin mo,�madali lang sagutin.
Sumusunod ka sa batas.
�Ginagawa mo ang trabaho mo nang maayos.
�Tumutulong ka sa pamilya mo.
Hindi maliit ‘yan.
Araw-araw mong ginagawa, pinagsama-sama,�nagiging ambag sa mas malaking larawan.
Pero dito rin nagiging mahirap ang tanong.
Kapag puro reklamo ka,�sa totoong buhay�at sa social media-
ano nga ba ang ambag mo?
Hindi lahat ng opinyon, kontribusyon.
�Hindi lahat ng ingay, may saysay.
Kaya bago mo itanong sa iba:
�“Ano ba ang kontribusyon mo?”
Siguro itanong mo muna sa sarili mo:
May ginagawa ba ako, o puro sinasabi lang?
-JRJ
25/04/2026
“Forthwith.”
Biglang sumikat ang salitang ito.
Parang bago.
Parang malalim.
Parang pang-matalino.
Pero sa totoo lang,
isa lang ang ibig sabihin nito:
Agad.
Isang salitang madalas gamitin sa batas -
diretso, walang paligoy-ligoy.
Gawin mo.
Ngayon na.
Pero sa totoong buhay,
dito tayo nahihirapan.
Hindi dahil hindi natin alam ang dapat gawin,
kundi dahil hindi natin ginagawa.
Alam mo na ‘yan.
Matagal na.
Pinagpapaliban mo lang.
Hindi dahil mahirap,
kundi dahil mas komportable ang hindi kumilos.
Kaya ang tanong:
Ilang beses mo nang narinig ang “forthwith”
sa sarili mong isip -
pero pinili mong hindi sundin?
-JRJ
25/04/2026
“Trabaho lang, walang personalan.”
Una ko itong narinig kay Ted Failon sa “Hoy Gising”noong ’90s.
Mukhang tama.
Mukhang praktikal.
Pero habang tumatagal…
may mali.
Kung trabaho lang ‘yan,
bakit ka napapagod?
Kung trabaho lang ‘yan,
bakit mo inuuwi ang stress?
At kung trabaho lang ‘yan-
bakit ka naaapektuhan kapag pinupuna ang gawa mo?
Hindi mo puwedeng ihiwalay ang trabaho sa personal.
Dahil ikaw mismo ang gumagawa nito.
Nagtatrabaho ka hindi lang para kumita,
kundi para sa sarili mo,
para sa pamilya mo,
para sa mga dahilan na personal.
Kaya bawat desisyon mo sa trabaho,
hindi lang output ang nabubuo,
pagkatao mo rin.
Sabi nga ni Aristotle,
hindi lang natin ginagawa ang mga bagay-
unti-unti, tayo rin ang nagiging resulta nito.
Kaya kapag sinasabi mong:
“Trabaho lang naman”
para pagtakpan ang mali…
Hindi lang trabaho ang naaapektuhan.
Ikaw.
Sa huli, hindi ang tanong ay:
“Trabaho lang ba ito?”
Kundi:
Anong klaseng tao ang binubuo ng trabaho mo sa’yo?
- JRJ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Lapu-Lapu Street
Carcar
6000