Mayor Luz Ricasio - Capalonga 2025

Mayor Luz Ricasio - Capalonga 2025

Share

Narito ang mga serbisyong handog ni Mayor Luz Ricasio para sa kaunlaran at pag-unlad ng ating minamahal na bayan ng Capalonga.

Photos from Mayor Luz Ricasio - Capalonga 2025's post 13/05/2025

Sa bawat isa sa 22 Barangay ng Capalonga, kami po ay taus-pusong nagpapasalamat sa inyong tiwala at suporta.
Ang inyong boto ay patunay ng inyong pagmamahal at tiwala sa aming layunin na ipagpatuloy ang pagsibol, pag-unlad, at patuloy na pag-sigla ng ating mahal na bayan.

Ang inyong muling pagpili sa amin ay isang paalala na ang tunay na lakas ng pamahalaan ay nagmumula sa mga taong kanyang pinaglilingkuran. Kayo ang aming inspirasyon upang lalo naming pagbutihin ang aming trabaho at higit pang pagtibayin ang kaunlaran sa bawat barangay.

Asahan po ninyo na kami ay mananatiling tapat sa aming tungkulin, at bawat hakbang at desisyon ay laging para sa kapakanan ng nakararami.

Mabuhay ang 22 Barangay ng Capalonga!
Mabuhay ang bawat Capalongueño!

— Mayor Luz E. Ricasio

Photos from Mayor Luz Ricasio - Capalonga 2025's post 12/05/2025

Matapos bumoto, binigyang-diin ni Mayor Luz E. Ricasio na ang pagboto ay hindi lamang isang karapatan kundi isang mahalagang tungkulin ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng simpleng balota, naipapahayag ng bawat isa ang kanilang boses at pananaw para sa kinabukasan ng bayan. Hinikayat din niya ang mga kababayan na huwag palampasin ang pagkakataong makibahagi sa pagpili ng mga lider na tunay na maglilingkod sa sambayanan.

12/05/2025

💙❤️💙

11/05/2025

Tuloy-tuloy ang Serbisyong Ramdam!

✅️LUZ RICASIO para sa Mayor at

✅️BINSOY RICASIO para sa Konsehal!





❤️‍🔥 Vote wisely! ❤️‍🔥

10/05/2025

Ipagpatuloy ang Serbisyong Ramdam!
Suportahan natin si Luz Ricasio bilang
Mayor ng Capalonga.

Subok na, Maaasahan, at may malasakit sa bawat Capalongueño.

Bilang #2 sa balota, siya ang karapat-dapat mamuno sa bayan!

10/05/2025

Buong puso po akong nagpapahayag ng pasasalamat sa buong pamilya ng Love of Christ Christian Family Church para sa ipinapakita nilang tiwala at suporta sa akin, sa aking pamilya, at sa aming grupo.

Ang inyong pag-endorso at pagsuporta ay nagsisilbing dagdag na lakas at inspirasyon upang ipagpatuloy ko nang may buong dedikasyon, kasipagan, at katapatan ang paglilingkod para sa Bayan ng Capalonga.

Pangako ko po na hindi ko bibiguin ang inyong tiwala at pananampalataya. Muli, maraming salamat po sa inyong kabutihan at suporta!

09/05/2025

Capalonga, ngayong darating na eleksyon, tuluyan na nating wakasan ang pananakot, panggigipit, at panggugulo gamit ang dahas. Hindi natin kailangang sumagot ng karahasan sa karahasan. Ang boto natin ang tunay na lakas. Sama-sama, tulungan nyo po akong tapusin ang kanilang pagiging desperado.

Photos from Mayor Luz Ricasio - Capalonga 2025's post 08/05/2025

Team Gawa Grand Rally Ginanap sa Poblacion

Isinagawa ang matagumpay na grand rally ng Team Gawa kahapon sa Brgy. Poblacion, kung saan dumagsa ang mga tagasuporta upang makiisa at marinig ang mga plataporma ng kanilang mga kandidato. Tampok sa programa ang mga talumpati ng mga tumatakbong opisyal, mensahe ng pasasalamat sa mga tagasuporta, at mga sing and dance performances na lalong nagpasigla sa pagtitipon. Layunin ng rally na ipakita ang pagkakaisa at determinasyon ng grupo para sa nalalapit na halalan.

Isang 'Straight Vote' para sa isang mas maunlad na Capalonga — iboto natin ang buong Team Gawa!

𝗥𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 – 𝗘𝘀𝘁𝘂𝗿𝗮𝘀' 𝗦𝗹𝗮𝘁𝗲

⬬Mayor Luz E. Ricasio
⬬Vice Mayor Atty. Marsha B. Esturas
⬬Councilor Caroline "AA Liit" Portugal
⬬Councilor Mariano "Naning" Arguelles
⬬Councilor Jumaro Parale
⬬Councilor Elmer Malaluan
⬬Councilor Abel "Bobong" Malaluan
⬬Councilor Arlene Vigonte
⬬Councilor Binsoy Ricasio
⬬Councilor Rex "Jappy" Labor

𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗹𝗮𝘁𝗲 (𝟭𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁)

⬬Governor Egay Tallado
⬬Vice Governor Bihug Serdon
⬬Congresswoman Josie Tallado
⬬Board Member Aida Dasco
⬬Board Member Mike Dolera
⬬Board Member B**g Quibral
⬬Board Member Jun Enova
⬬Board Member Muriel Pandi

Tuloy ang laban, Capalonga! Sama-sama sa tagumpay, kasama ang Team Gawa!

08/05/2025

Tayo po ay lubos na nagpapasalamat sa buong kapatiran ng Iglesia ni Cristo, sa pamumuno ng Tagapamahalang Pangkalahatan, Ka Eduardo V. Manalo, sa tiwalang ipinagkakaloob nila sa akin, sa aking pamilya, at sa aming mga kasamahan.

Ang kanilang endorso at suporta ay nagsisilbing karagdagang inspirasyon upang ipagpatuloy ko nang buong husay, sipag, at katapatan ang paglilingkod para sa Bayan ng Capalonga.

Asahan po ninyo na hindi ko sasayangin ang inyong tiwala at paniniwala. MARAMING SALAMAT PO!

08/05/2025

"Alam mo ang batas, pero bulag ka sa pang-aapi at kaharasan. Ano’ng silbi ng kaalaman kung hindi ginagamit sa tama?"

Photos from Mayor Luz Ricasio - Capalonga 2025's post 07/05/2025

Mainit ang pagtanggap ng Barangay Calabaca sa Team Gawa na pinamumunuan nina Mayor Luz E. Ricasio at Vice Mayor Atty. Marsha B. Esturas kasama ang mga Konsehal. Maraming salamat Barangay Calabaca sa pagpapakita na Team Gawa ang nasa puso ng mga taga-Calabaca at patunay ng inyong tiwala at suporta.

𝗥𝗶𝗰𝗮𝘀𝗶𝗼 – 𝗘𝘀𝘁𝘂𝗿𝗮𝘀' 𝗦𝗹𝗮𝘁𝗲
⬬Mayor Luz E. Ricasio
⬬Vice Mayor Atty. Marsha B. Esturas
⬬Councilor Caroline "AA Liit" Portugal
⬬Councilor Mariano "Naning" Arguelles
⬬Councilor Jumaro Parale
⬬Councilor Elmer Malaluan
⬬Councilor Abel "Bobong" Malaluan
⬬Councilor Arlene Vigonte
⬬Councilor Binsoy Ricasio
⬬Councilor Rex "Jappy" Labor

𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝗹𝗮𝘁𝗲 (𝟭𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁)
⬬Governor Egay Tallado
⬬Vice Governor Bihug Serdon
⬬Congresswoman Josie Tallado
⬬Board Member Aida Dasco
⬬Board Member Mike Dolera
⬬Board Member B**g Quibral
⬬Board Member Jun Enova
⬬Board Member Muriel Pandi

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Capalonga?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Capalonga