IRM Ministries - Bulacan IV
A Church that exists to glorify God by obeying the Great Commandment and fulfilling the Great Commission.
29/05/2026
๐ฅ THE IRM BULACAN DISTRICT IV BASKETBALL FELLOWSHIP IS ON! ๐ฅ
Bragging rights? Healthy competition? Inspiring sportsmanship? Weโve got it all! The different local churches of Bulacan District IV are hitting the court to showcase not just athletic talent, but the love of Christ through sports.
Bring your banners, your loudest cheers, and your church family to support your home team! Who will take home the championship trophy this year? ๐
๐ Verse of the Day:
"And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him." โ Colossians 3:17
Distance is never a barrier when we are ON OUR KNEES. ๐
Magkakaibang dako man ang ating kinalalagyan , iisang Panginoon naman ang ating tinatawagan. Sama-sama tayong magpakumbaba, magkaisa sa panalangin, at manalig sa Kanyang kapangyarihan.
Makiisa sa ating oras ng pananalangin . Isang puso, isang tinig, kahit nasaan ka man.
Letโs bend our knees and lift our faith. ๐
IRM Bulacan District 4
Tagapanguna: IRM Ministries - Cupang
PAALALA!
Sa LAHAT ng mga kapatiran at mga manggagawa ng IRM Bulacan District IV.
Pagbati sa inyo sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Sa mga panahong ito na mainit at maselan ang usapin tungkol sa pulitika at ibaโt ibang kaganapan sa ating bansa, kami po ay magalang na namamanhik sa bawat isa na maging mahinahon, maingat, at mapanalanginin sa lahat ng ating ipopost, ikokomento, at magiging reaksyon lalo na sa social media at sa mga pampublikong pahayag.
Hindi po ipinagbabawal ng ating simbahan ang freedom of speech at malayang pagpapahayag ng damdamin at opinyon. Gayunman, bilang mga lingkod ng Panginoon, kaakibat ng kalayaang ito ang mataas na pananagutan na tayo ay maging responsable, may kabanalan, at nagbibigay luwalhati sa Diyos sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa.
Ipinaalala sa atin ng Salita ng Diyos:
โAng inyong pananalita ay laging may biyaya, na timplahan ng asin, upang inyong maalaman kung paano dapat sagutin ang bawat isa.โ (Colosas 4:6)
Bilang mga manggagawa ng Panginoon, tayo ay higit na inaasahang makikitaan ng bunga ng Banal na Espiritu sa ating buhay. Nawa ay manaig sa atin ang pag-ibig, kahinahunan, pagpipigil sa sarili, at kapayapaan kaysa galit, pagtatalo, at pagkakabaha-bahagi.
โDatapuwaโt ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat, kaamuan, pagpipigil.โ (Galacia 5:22-23)
Inaanyayahan din natin ang bawat isa na iwasan ang pakikipagtalo at mga sagutang nagdudulot lamang ng alitan at pagkasira ng patotoo ng isang mananampalataya.
โAt ang alipin ng Panginoon ay hindi dapat makipagtalo kundi maging maamo sa lahat.โ (2 Timoteo 2:24)
Tandaan natin na tayo ay tinawag ng Diyos upang maging tagapagtaguyod ng kapayapaan at hindi tagapagpasimula ng alitan.
โMapapalad ang mga mapagpayapa sapagkaโt silaโy tatawaging mga anak ng Diyos.โ(Mateo 5:9)
Sa lahat ng ating kinakaharap bilang mamamayan ng bansang ito, lagi nating tandaan na ang ating tanging pag-asa ay hindi nakasalalay sa mga pamunuan o sistema ng mundong ito kundi sa ating buhay na Diyos. Si Cristo ang ulo ng Iglesia at ang ating tunay na tahanan ay ang langit. Tayo ay mga manlalakbay at dayuhan lamang sa mundong ito.
โNguniโt ang ating pagkamamamayan ay nasa langit.โ (Filipos 3:20)
โHuwag kayong magsitiwala sa mga prinsipe, ni sa anak man ng tao, na hindi makapagliligtas.โ (Awit 146:3)
Kayaโt ilagak natin ang ating pag-asa kay Cristo at hindi sa tao. Patuloy tayong maging asin at ilaw sa sanlibutan sa pamamagitan ng ating mga salita, kilos, at patotoo.
Nawa ang Panginoon ang magbigay sa ating lahat ng karunungan, pag-iingat, at pusong puspos ng biyaya upang sa lahat ng bagay ay maitaas natin ang pangalan ni Cristo.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na paglilingkod sa gawain ng Panginoon. Patuloy po tayong magkaisa sa pag-ibig, katotohanan, at kabanalan.
Lubos na gumagalang,
Rev. Jerome Caparas - IRMEC Bulacan 4 DSDRB Chairman
Sa kabatiran:
Rev. Joemar Caparas - IRMEC Bulacan 4 District Superintendent
Walang hindi kayang gawin ang Diyos sa buhay mo. Magtiwala ka lang at ipaubaya ang lahat sa Kanya. Huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang ating Panginoon ang kasama natin sa lahat ng laban.
Magkaisa po tayo sa pananalangin at sama-samang magtiwala sa kayang gawin ng Panginoon sa ating mga buhay, sa ating pamilya, sa ating iglesya, bansa at mundo.
On Our Knees
IRM Bulacan District 4
Tagapanguna: IRM Ministries - Metro San Marcos
16/04/2026
IRM Bulacan IV
Workers and Family Team Building
April 9-10, 2026
Subic, Zambales
10/04/2026
IRM Ministries Bulacan IV
Workers and Family Team Building
April 9-10, 2026
Subic, Zambales
09/04/2026
The 7 Last Word
IRM Ministries - Bulacan IV
07/04/2026
Isama po natin sa panalangin. โฅ๏ธ
31/03/2026
Come and reflect on the cross, where Godโs holy justice and steadfast love meet, and where Christ willingly bore the penalty for sinners, accomplishing redemption in full.
๏ผด๏ผจ๏ผฅ ๏ผ ๏ผฌ๏ผก๏ผณ๏ผด ๏ผท๏ผฏ๏ผฒ๏ผค๏ผณ
๐
๐ซ๐ข๐๐๐ฒ, ๐๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐, ๐๐๐๐
๐๐ญ ๐๐จ๐ง ๐๐๐ฌ๐๐ซ๐ข๐จ ๐๐๐ง ๐๐ข๐๐ ๐จ ๐๐ฒ๐ฆ
๐๐ฅ๐๐ซ๐ข๐๐๐ฅ, ๐๐ฎ๐ฅ๐๐๐๐ง
๐๐ถ๐ต ๐๐ฐ๐ฅ ๐ด๐ฉ๐ฐ๐ธ๐ฆ๐ฅ ๐ฉ๐ช๐ด ๐จ๐ณ๐ฆ๐ข๐ต ๐ญ๐ฐ๐ท๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ถ๐ด ๐ฃ๐บ ๐ด๐ฆ๐ฏ๐ฅ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฉ๐ณ๐ช๐ด๐ต ๐ต๐ฐ ๐ฅ๐ช๐ฆ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐ถ๐ด ๐ธ๐ฉ๐ช๐ญ๐ฆ ๐ธ๐ฆ ๐ธ๐ฆ๐ณ๐ฆ ๐ด๐ต๐ช๐ญ๐ญ ๐ด๐ช๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด.
- ๐๐ค๐ข๐๐ฃ๐จ 5:8 (๐๐๐)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calumpit
3003