Amazing Grace
Amazing grace na todo embrace
06/03/2024
May nasira man, bumuhos ang napakaraming luha, may sugat ng nakaraan at napaka hirap man paniwalaan, tahimik mong naipanalo ang mga laban.
05/03/2024
God doesn’t remember your mistakes; why are you remembering them? Those are dark forces trying to get you down and discouraged so you don’t fulfill your purpose because the enemy doesn't want you to get motivated and do the things that can uplift your spirit.
Don't fall into that trap!!
Stop living in regrets, guilt & shame. Get back up again! Humble yourself to the Lord, ask for forgiveness, get healed and move forward!
17/11/2023
Mga Taga-Filipos 4:6
[6]Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
17/11/2023
Mga Awit 30:1-2
[1]Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas, mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.
[2]Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing, at ako nama'y iyong pinagaling.
08/05/2023
1 Mga Taga-Corinto 13:7,13
[7]Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
[13]Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
06/05/2023
Mga Taga-Efeso 4:30-32
[30]At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw.
[31]Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, p**t at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa.
[32]Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
04/05/2023
1 Pedro 3:3-4
[3]Ang inyong ganda ay huwag maging panlabas tulad ng pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga gintong alahas at mamahaling damit.
[4]Sa halip, pagyamanin ninyo ang kagandahang nakatago sa puso, ang kagandahang walang kupas na likha ng maamo at mapayapang diwa, na lubhang mahalaga sa mata ng Diyos.
03/05/2023
Pagnahanap mo na yung purpose mo at calling mo dun ka mag focus. Dapat alam mo at malinaw sayo kung saan ka dinadala ng Diyos mo.
03/05/2023
Ang pakikinig mo sa word ng Lord ay isa sa mga preparation mo.
Kasi ang word ng Lord ang magpapatibay sa puso at character mo.
03/05/2023
1 Pedro 3:10
[10]Ayon sa nasusulat, “Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila'y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.
02/05/2023
Juan 15:16-17
[16]Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili ko. Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga at manatili ang inyong bunga upang ang anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo.
[17]Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
01/05/2023
Ezekiel 36:26
[26]Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Caloocan
1400