Kons Kiko Loria
Official page of Kons Al Francis "KIKO" Loria, RSW
08/05/2026
April 24, 2026
Bulwagang Manuel Luis Quezon
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony Districts 3,5 & 6
Sa aking kakayanan bilang Pangulo ng SB Committee on Women Family Children and Social Welfare, buong galak po tayong nakiisa sa munting tagumpay ng ating mga batang completers. Bilang isang lingkod bayan, ang mga batang ito ay mahalagang bahagi ng aking inspirasyon. Hangad natin na lubos na masubaybayan ng ating lokal na pamahalaan ang patuloy na paglago ng mga batang ito na magsisilbing sandigan ng ating kinabukasan.
08/05/2026
April 23, 2026
Bulwagang Manuel Luis Quezon
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony Districts 2,4 & 7
Bilang suporta sa mahalagang programa ng Lokal na Pamahalaan at pagkalinga sa pangarap ng ating mga bata sa ilalim ng ECCD, dumalo po at nagbigay inspirasyon ang inyong lingkod sa natatanging okasyon na ito. Pinatunayan natin minsan pa na sa pagtutulungan ay abot kamay lang ang tagumpay. Mabuhay po ang lahat ng batang completers mula sa Districts 2,4 at 7.
06/05/2026
April 30, 2026
Conference Room Municipal Hall
Ladderized Training Session on Workers Organization Development Program
Bilang pakikiisa sa pinagsanib na layunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Pamahalaang Bayan, dumalo po ang inyong lingkod sa pangalawang araw ng pagsasanay na dinaluhan ng iba't ibang rural workers associations and Civil Society Organizations o CSOs. Naniniwala po ako na ang aktibidad na ito ay malaki ang maiaambag sa patuloy na pagpapaunlad ng mga samahan sa ating bayan.Isang pagpupugay po sa lahat ng naging bahagi nito.
01/05/2026
April 23, 2026
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony Districts 8-9
Bilang pagpapahalaga sa mga batang completers mula sa 2 Distrito, dumalo po at nakiisa ang inyong lingkod sa pagtitipong nagtampok para sa kanilang panimulang tagumpay. Sa aking kakayahan bilang Pangulo ng Committee on Women Family Children and Social Welfare nagbahagi po ang inyong lingkod ng mensahe upabg bigyang inspirasyon ang mga batang ECCD ganoon din ang kanilang mga magulang. Salamat po sa lahat ng Sangguniang Barangay ng Districts 8 at 9 ganoon din sa Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng MSWDO sa patuloy na tuwangan para sa kagalingan ng mga bata sa ating pamayanan.
26/04/2026
April 22, 2026
Bulwagang Manuel Luis Quezon
Early Childhood Care and Development Moving Up Ceremony -District 1
Bilang Chairperson ng Committee on Women Family Children and Social Welfare, dumalo po at nakiisa ang inyong lingkod sa napakahalagang pagtitipon na ito para sa mga ECCD completers sa Poblacion Barangays. Nasaksihan natin ang nag uumapaw na kaligayan ng mga bata ng kanilang mga magulang at ng ating masisipag na ECCD workers dahil ang nasabing okasyon ay testamento ng tagumpay ng pagtutulungan para ating minamahal na mga ECCD children. Bilang isang dati ring "batang Day Care" lubos din ang aking kasiyahan na maging bahagi ng ganitong okasyon na nagbibigay pahalaga sa mga batang sumisimbolo sa kinabukasan ng ating bayan.
Congratulations po sa mga ECCD Children ng Distrito 1. 🩵🎉
25/04/2026
April 16, 2026
Sangguniang Bayan Session Hall
Public Hearing
Katuwang si Kons Marlon Noscal ng Committee on Laws Legal and Ordinances, pinaminuan po ng inyong lingkod bilang Pangulo ng Committee on Committee on Women, Family and Social Welfare ang pampublikong pagdinig para sa Panukalang Kautasang Bayang nagbibigay Insentibo sa mga establisyemento sa Calauag na mayroong kawani o manggagawa na PWD na inakda ni Kons Razel Barrera.
Kabilang sa ating nakalanayam ang ating MSWDO G. Jerwin T. Navarro, RSW at mga kinatawan ng sektor na itinatampok sa Panukalang Ordinansa. Sa deliberasyon masusi nating hinimay ang mga probisyon at mismong ang layunin ng Panukala. Tuloy tuloy po ang inyong lingkod sa masinop na pagganap sa tungkulin bilang isang lokal na mambabatas.
17/04/2026
April 7, 2026
Conference Room, New Municipal Hall
Bilang Pangulo ng Committee on Trade, Commerce, and Industry, pinangunahan ko po ang pulong ng MPCC upang talakayin ang ilang mahahalagang paksa kaugnay ng mandato ng Konseho at batay na rin sa kasalukuyang kalagayang kinakaharap ng ating bansa. Kabilang sa napag-usapan ang monitoring ng presyo ng mga bilihin at pagbuo ng team na magtitiyak ng gawaing ito sa layuning mapigilan ang pag-abuso at upang maibsan ang hirap na dinaranas ngayon ng ating ilang kababayan. Binigyang-pansin din ang pangangailangan sa mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya at tanggapang bahagi ng Konseho upang maipagtagumpay ang mga layunin nito. Sama-sama po tayo sa patuloy na pagsisikap upang lalo pang mapaglingkuran ang ating mga kababayan.
17/04/2026
April 8, 2026
Serenity View Cafe Calauag, Quezon
Coordinative Meeting
Sa ating pagsisikap na ilapit ang mga sektoral na samahan sa mga tanggapan na sa kanila'y maaaring makatulong, nakipagpulong po ang inyong lingkod kina PLB President at STAN Calauag District Officer Kons Apolonio Legion Jr. at Dir. Cenon Allan V. Loria ng QUEZELCO 1 at District Head din ng PACSEDU sa 4th District. Sa maikling panayam ay aming tinalakay ang mga hakbang sa posibleng pagtutulungan para sa kapakanan ng mga sektoral na samahan at mga pamayanan sa laylayan.
14/04/2026
March 30, 2026
Calauag East Central Elementary School (CECES) Covered Court
Recognition Day
Isang malaking karangalan at kagalakan para sa inyong lingkod ang muling makabalik sa aking paaralan bilang panauhing tagapagsalita sa isang napakahalagang okasyon. Lubos ang aking pasasalamat na ako'y nakapagbigay ng inspirasyon sa mga batang mag-aaral ng CECES na nagpakita ng husay sa akademiks at iba pang mahalagang larangan ng pagkatuto. Sa natatanging paglalataon ay sadyang bumukal sa aking alaala ang mga taong aking ginugol sa aking sintang paaralan. Salamat sa pangasiwaan at kaguruan sa pangunguna ni Ma'am Lorenza Hazel T. Ruiz, ang punong-guro ng paaralan.
08/04/2026
March 29, 2026
Binutas Elementary School Brgy. Binutas Calauag, Quezon
Commencement Exercise
Isang malaking karangalan para sa akin ang mahirang bilang Panauhing Tagapagsalita sa napakahalagang okasyon sa buhay ng mga batang mag aaral ng Binutas ES. Ang kasiyahan at kasiglahang nasalamin ko sa mukha ng mga batang nagsipagtapos ay silbing inspirasyon sa inyong abang lingkod. Hangad natin ang patuloy pa nilang tagumpay sa susunod na yugto ng kanilang pangangarap at aktwal na paglikha ng kanilang kinabukasan. Salamat sa pangasiwaan ng paaralan sa pamumuno ni Sir Manuel Leonor sa tiwala at pagpapahalaga.
08/04/2026
March 27, 2026
Kinalin Elementary School Brgy. Kinalin Ibaba Calauag, Quezon
Moving Up Ceremony
Kaysarap sabayan ng mga munting hakbang tungo sa pagsulong. Karangalan po ng inyong lingkod na magsilbing Panauhing Tagspagsalita sa isang pagkakataong silbing hudyat sa patuloy na pagyabong ng mga batang mag aaral. Naway magsilbing inspirasyon ang aking naging munting pagbabahagi. Salamat po sa paanyaya at pagtitiwala lalot higit sa Pangasiwaan at Kaguruan sa pamumuno ng School Head, Sir Arnelio Caparida ganoon din sa Pamunuang Pambarangay sa pangunguna ni PB Ruben Escobio at mga mamamayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
4318