CalHigh PTA

CalHigh PTA

Share

Calatagan National High School Parents-Teachers Association

04/02/2025

Muli po naming ipinagpapaumanhin na hindi na rin po matutuloy ang ating planong Parents, Teachers, at Students Fun Day na nakatakda sana sa Pebrero 6 bilang bahagi ng selebrasyon ng foundation day ng ating paaralan. Lubos po kaming humihingi ng inyong pang-unawa at suporta. Patuloy pa rin po tayong magtulungan para sa ikabubuti ng ating paaralan at ng ating mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at suporta!

24/01/2025

Minamahal naming mga magulang at mag-aaral, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong suporta at sigasig para sa nakatakdang JS Prom ng ating paaralan.

Gayunpaman, ikinalulungkot naming ipaalam na hindi na po ito matutuloy dahil sa desisyon ng ating bagong punong-g**o na hindi aprubahan ang naturang aktibidad.

Nauunawaan namin ang inyong nararamdamang pagkadismaya, ngunit hinihingi po namin ang inyong pang-unawa sa desisyong ito, na alinsunod sa mga patakaran at prayoridad ng paaralan.

Photos from DepEd Tayo Calatagan National High School Batangas's post 23/01/2025

πŸ“£ Be part of the Calhigh Family🌟

πŸ“š EARLY REGISTRATION IS NOW OPEN!
Para sa School Year 2025-2026, iniimbitahan namin ang mga incoming Grade 7 at iba pang grade levels na magparehistro nang maaga sa Calatagan National High School.

πŸ—“οΈ Kailan:
Enero 25, 2025 (Sabado) hanggang Pebrero 15, 2025
🏫 Saan:
Calatagan National High School Station 1 para sa mga naninirahan sa mga sumusunod na Barangay:
Brgy. 1(Ilaya)
Balitoc
Gulod
Quilitisan
Talisay
Balibago

Calatagan National High School Station 2 para sa mga naninirahan sa mga sumusunod na Barangay:
Brgy. 1 (Ibaba)
Brgy. 2
Brgy. 3
Brgy. 4
Tanagan
Sta. Ana
Bagong Silang

🎯 Sino ang maaaring magparehistro?
βœ”οΈ Mga batang papasok ng Grade 7
βœ”οΈ Mga transferees mula sa ibang paaralan
βœ”οΈ Mga gustong maging bahagi ng Calhigh Family
Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isang paaralang may malasakit at kalidad na edukasyon para sa bawat mag-aaral!
πŸ“Œ Magdala ng mga kinakailangang dokumento tulad ng Birth Certificate at Kopya ng SF9 (Report Card).
πŸ“² Para sa karagdagang impormasyon, tumawag o mag-message sa aming opisyal na page.
Tara na’t magparehistro! Sama-sama nating hubugin ang kinabukasan ng ating kabataan! 🩷🩢

01/12/2024

Inaanyayahan namin ang lahat na makilahok sa isang makulay na fun run para sa isang mabuting adhikain: ang Color Fun Run for a Cause!

πŸ—“οΈ Petsa: December 7, 2024
πŸ“ Lugar: Calatagan National High School
⏰ Oras ng Simula: 5:00 ng umaga

Ano ang naghihintay sa inyo?
🎨 Makulay na karanasan habang tumatakbo!
πŸ’ͺ Masiglang ehersisyo kasama ang pamilya at kaibigan!
πŸ’– Pagkakataong tumulong sa paaralan at mag-aaral ng CalHigh

Magrehistro na!
πŸ“‹ Rehistrasyon Fee: P 150.00

Para sa inyong rehistrasyon fee sa pamamagitan ng GCash:
πŸ“± GCash Number: 09178181787 (Rosebelle R.) or 09309244953 (Rosalie B.)

Siguraduhing i-send ang SCREENSHOT ng inyong payment confirmation kasama ng inyong personal details (Pangalan, Address, Age at Contact number) sa aming page CalHigh PTA para maitala ang inyong partisipasyon.

πŸ“ž Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa: 09926189137

Tara na’t tumakbo, tumulong, at magsaya! Sama-sama nating gawing makulay ang ating layunin. 🌟

Makita-kita tayo sa finish line! 🏁✨

16/11/2024

Maligayang Kaarawan sa ating masipag at napakagaling na SPTA President Sir Jeff dela Cruz! πŸŽ‚πŸŽ πŸŽ‰ Salamat po sa inyong walang sawang pagseserbisyo at pagmamalasakit para sa ikauunlad ng ating paaralan. Nawa'y pagpalain kayo ng mas marami pang tagumpay, kalusugan, at kasiyahan sa inyong espesyal na araw!

Photos from CalHigh PTA's post 08/11/2024

Pasasalamat at pagpupugay sa lahat ng HRPTA officers sa walang sawang tulong at suporta para sa ating mga atletang mag-aaral ng CNHS. Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon at malasakit, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay at mas pag-igihin ang kanilang talento. Tunay na inspirasyon ang inyong ipinamalas na pagkakaisa at pag-aalaga para sa kanilang tagumpay. Muli, maraming salamat sa inyong pagmamahal at walang kapagurang paglilingkod para sa kabutihan ng ating mga atleta at ng buong CNHS.

08/11/2024

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at mga HRPTA na nagbigay ng tulong pinansyal para sa ating mga atleta. Nakalikom tayo ng 13, 256 pesos na buong puso nating ibinigay sa paaralan para makatulong sa kanilang pangangailangan. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pag-aalaga at pagtutulungan para sa tagumpay ng ating mga atleta at paaralan.

02/11/2024

Maligayang kaarawan sa isang maliit man na babae ngunit may malaking puso, na tunay na kaibigan at nagbibigay ng malaking ambag sa ating paaralan. Salamat sa iyong walang sawang suporta at malasakit para sa lahat. Nawa'y mapuno ng kasiyahan at biyaya ang iyong espesyal na araw!

Happy birthday Ate Rea πŸŽ‚πŸŽ. Mahal ka ng SPTA πŸ’œπŸ’œπŸ’œ

11/10/2024

Isang mainit na pagbati sa aming napakasipag at napaka-sigasig na CNHS SPTA President at Calatagan MPTAF President Sir Jeff dela Cruz sa pagkakahalal bilang Pangulo ng Provincial Parents-Teachers Federation!

Kami'y naniniwala na ang iyong dedikasyon at tapat na pamumuno ay magbibigay daan para sa ikauunlad ng ating mga paaralan at kabataan.

Nawa'y magtagumpay kayo sa iyong layunin na maghatid ng pagbabago at magbibigay daan sa mas matibay na samahan ng mga magulang at g**o tungo sa mas mataas na kalidad ng edukasyon sa buong lalawigan.

Congratulations at Mabuhay!

Photos from CalHigh PTA's post 05/10/2024

Ang ginanap na Wellness Day para sa mga g**o, handog ng SPTA, ay tunay na naging masaya at makabuluhang pagdiriwang. Sa bawat aktibidad na inihanda, mula sa mga wellness sessions hanggang sa mga pampering services, kitang-kita ang mga ngiti sa mukha ng mga g**o at ramdam ang kanilang taos-pusong pasasalamat. Ang araw na ito ay hindi lamang naging pahinga mula sa kanilang masisipag na trabaho, kundi isang patunay ng pagpapahalaga ng SPTA sa kanilang dedikasyon at serbisyo. Tunay na isang matagumpay at makulay na selebrasyon na nagbigay saya at sigla sa ating mga mahal na g**o.

Maraming maraming salamat po sa mga tumulong po na maisakatuparan ang plano nameng SPTA. Kay Ate Haze Cuyugan sa libreng facial, kay Mia Shaira Cadano Custodio-Aytona sa libreng foot spa at gel manicure, kina Clifford Laude Jc Concepcion Enrique Alab Salanguit Dhianne Ashley Nichole Sanchez Candelaria Gen kay Mama Jess sa libreng haircut, kay ate Raquel Asahan Nadia Ordonia Pedraza kua julius at ate Madz sa libreng masahe, kay Ian Baral Delosreyes sa libreng footspa at manicure, kina ate liezel Lilyjane Hernandez Mulingbayan sa libreng manicure at pedicure, kay Ma’am Marimil Caunan sa libreng gel manicure, kina dra Siony Reyes Kristine Patanao Gem Sangalang-Llante sa libreng dental cleaning, kina Kap Frankie quintia at Tita Eygeem Mendoza sa mga libreng pafull tank sa motor at kay Aries Bahia Ramirez at CJ E. Taguibao sa libreng pag aayos ng kilay ng ating mga teachers 😊😊

05/10/2024

Big shout out to my newest top fans! πŸ’Ž

Marivel Sari Acebo, Aidhy Ora, Jelai Mulingbayan

Drop a comment to welcome them to our community,

Want your school to be the top-listed School/college in Calatagan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Barangay 01
Calatagan
4215