HOA VESTA PLAIN Update
HOA Updates
18/05/2026
Sa lahat ng taong nasa likod at naging dahilan upang matagumpay na maisagawa ang “Gandang Lola 2026"
Mula sa kaibuturan ng aming puso, taos-puso kaming nagpapasalamat. Hindi ito magiging posible at hindi magiging ganito katagumpay kung wala ang inyong walang sawang suporta, pagsisikap, at dedikasyon.
Sa lahat ng nagtrabaho sa likod ng entablado, sa mga nag-abot ng tulong, nagbahagi ng kakayahan at kagamitan, at naglaan ng oras at lakas—malaking bahagi kayo ng tagumpay na ito. Dahil sa inyo, naging ganap at hindi malilimutan ang pagdiriwang ng ganda, dunong, at gilas ng ating mga kalahok. Ang inyong mga sakripisyo ay nagdulot ng labis na kagalakan hindi lamang sa ating mga mahal na Lola, kundi pati na rin sa lahat ng nakasaksi ng gabiing ito.
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala, pakikipagtulungan, at kabutihang-loob. Ang tagumpay na ito ay tagumpay nating lahat. Maraming salamat sa inyong pakikibahagi sa makabuluhang gawaing ito.
God bless us all🥰❤❤❤
17/04/2026
Hello mga ka sitio,
Gusto lamang po namin ipabatid na ngkaroon po ng changes ang qualification sa age bracket for Gandang Lola 2026,We are accepting ages 55 above kung meron pa po gusto mag join.
Kindly coordinate with our event coordinators.
Thank you and God bless
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Calamba