PIA CALABARZON
Updates and stories from the different parts of Calabarzon.
Mas mabilis na koneksyon, mas malawak na oportunidad para sa kabataan.
Sa pamamagitan ng libreng Wi-Fi na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mas maraming paaralan—lalo na ang nasa malalayong lugar—ang nabibigyan ng akses sa makabagong kaalaman at teknolohiya.
Bawat koneksyon ay daan upang mas mapalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral at mas mailapit sila sa kanilang mga pangarap at tagumpay sa hinaharap.
08/06/2026
TINGNAN | Nasa kustodiya na ng Police Regional Office (PRO) Calabarzon ang suspek na sangkot sa kasong pagpatay sa kapwa niya pandesal vendor sa Pampanga na nagtago at natunton ng kapulisan sa rehiyon.
Ayon kay PRO CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Hansel Marantan, boluntaryong sumuko sa mga kapulisan sa lalawigan ng Quezon ang suspek na kinilalang si alyas “Ariel” na bumaril sa biktimang si alyas “Angelo” dahil sa mainit nilang pagtatalo na nauwi sa alitan at pisikal na komprontasyon.
Agad na naglunsad ng hot pursuit and tracking operation ang kapulisan ng San Fernando City Police Station upang matunton at madakip ang suspek at batay sa isinagawang beripikasyon at follow-up intelligence, nakumpirma na nagtatago ang suspek sa bayan ng San Antonio, Quezon. Agad na nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa Quezon Police Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director Police Colonel Romulo Albacea.
Mabilis na nakipag-ugnayan ang Quezon PPO sa pamunuan ng bayan ng San Antonio, Quezon sa pamumuno ni Mayor Erick Wagan kaya’t agad ring natunton at tuluyang sumuko ang suspek sa mga awtoridad. Sa kasakuluyan, nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kaso na isasampa sa korte laban dito.
Samantala, ayon kay Director Marantan ang matagumpay na pagsuko ng suspek ay isang patunay sa kahalagahan ng tiwala ng publiko at epektibong ugnayan ng komunidad sa kapulisan upang masigurong mapanatiling ligtas at napapanagot sa batas ang mga gumagawa ng krimen.
08/06/2026
Schoolchildren across CALABARZON benefited from the Department of Education’s (DepEd) Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Summer Program, a learning intervention designed to address academic gaps and strengthen literacy and numeracy skills ahead of the opening of classes.
The initiative complements DepEd’s broader learning recovery efforts in the region, where recent data show that 92.6 percent of residents aged five years and above are basically literate, while 77.3 percent are functionally literate.
08/06/2026
Ang naturang balita ay kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at ibinahagi ni Lipa Archbishop at CBCP President Gilbert Garcera sa misa ng pag-oorden ng bagong pari sa Simbahan ng Immaculada Conception sa Bauan, Batangas noong nakaraang linggo.
Ang dambana sa Lungsod ng Sto. Tomas ay kabilang na sa pandaigdigang dambana ng Simbahang Katolika ayon sa nakasaad sa dekreto na inilabas ng Vatican City noong Mayo 25,2026. Ito ang magiging ikalawang international shrine sa bansa matapos ideklara ang Antipolo Cathedral.
BASAHIN ANG BUONG DETALYE SA COMMENTS
08/06/2026
𝗡𝗢𝗡-𝗨𝗡𝗜𝗙𝗢𝗥𝗠𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗡𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗥𝗭𝗢𝗡, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗔𝗟𝗢 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗢𝗟𝗖 𝗙𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗖.
Bilang pagpapahalaga sa ginagampanang papel ng mga Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Police Regional Office (PRO) Calabarzon ay nagkaloob ang Philippine National Police Officers’ Ladies Club Foundation Inc. Calabarzon ng bigas at school supplies sa mga NUPs at kanilang dependents sa Camp BGen Vicente P. Lim, Mayapa, Calamba City, Laguna ngayong Lunes, Hunyo 8.
Nasa 20 mag-aaral na dependents ng mga NUP ang tumanggap ng libreng school supplies mula sa OLC Foundation na kanilang magagamit ngayong balik-eskwela. Inaasahang madadagdagan pa ang nasabing bilang ng mga benepisyaryo sa pag-ikot sa iba’t ibang police provincial offices sa rehiyon.
Bukod dito, tumanggap din ang tatlo sa pinaka-matandang NUPs ng dagdag na regalong pinansyal mula sa PNP Police Regional Office 4A at OLC Foundation, Inc. at nagkaloob rin si Boss A, isang sikat na vlogger ng mga laptop at cash para sa kanila.
Ayon kay OLCFI 4A President Venus Reglos, aabot sa 756 sako ng bigas ang kanilang ipagkakaloob sa NUPs sa buong Calabarzon. | via COP/PIA4A
08/06/2026
Karagdagang classroom ang bumungad sa 350 na mag-aaral ng Palawit Elementary School Annex sa Trece Martires City, Cavite sa unang araw ng pasukan ngayong araw, Hunyo 8.
Sa pagtutulungan ng mga residente ng barangay sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakumpleto ang one-storey four-classroom building noong ika-30 ng Disyembre 2025.
Ayon sa DSWD, ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng PhP9.33M.
Sa ilalim ng programa, natukoy ng mga residente ang pangangailangan ng mga kabataan sa barangay ng pagkakaroon ng isang paaralan na mas malapit sa kani-kanilang mga tahanan upang mabawasan ang gastusin sa transportasyon ng mga pamilya at maiwasan ang mga pagkakataon ng madalas na pagliban o maging pag-drop-out sa klase ng mga kabataan. | via DSWD Region IV-A
08/06/2026
The Department of Education and the provincial government of Laguna have formally signed a supplemental memorandum of agreement that commences the construction and refurbishment of classrooms across the province, in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to address the country’s classroom backlog.
The project, formalized through a contract signing on June 4 between Education Secretary Sonny Angara and Laguna Governor Sol Aragones, is expected to help address the persistent shortage of classrooms in several public schools throughout Laguna.
FULL STORY IN COMMENT SECTION.
LINDOL SA MINDANAO
An Integrated State Media (ISM) Special Coverage | June 8, 2026
08/06/2026
A collaborative effort among the city government of Calamba, the private sector, educational institutions, and the arts community provide a wider platform for creative expression through ‘ESPASYO: Kahit Sino P’wede’, a community performance arts event held on June 6 at the Jose Rizal Coliseum in Calamba City.
FULL STORY IN THE COMMENTS SECTION
LINDOL SA MINDANAO: An Integrated State Media (ISM) Special Coverage | 8 June 2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Telephone
Website
Address
Ground Floor, Grande Building, National Highway, Bucal
Calamba
4027