LagueNews

LagueNews

Share

Connecting Lagueños Worldwide

Photos from LagueNews's post 26/09/2025

TINGNAN: ₱200M D**E SA CULASI, ANTIQUE, GUMUHO SA GITNA NG BAGYONG OMPONG

Gumuho ang bahagi ng ₱200-milyong d**e project sa bayan ng Culasi, Antique nitong Biyernes, Setyembre 26, kasabay ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Itinulak ang proyekto noong 2018 ni Sen. Loren Legarda upang solusyonan ang pagbaha sa bayan, at na-award sa IBC International Builders Corporation na pagmamay-ari ni Cong. James “Jojo” Ang Jr. ng Uswag Ilonggo Partylist. Kilala ring matagal nang magkaibigan sina Legarda at Ang, dahilan ng mga tanong sa social media hinggil sa integridad at kalidad ng proyekto.

Iniimbestigahan na ng DPWH at lokal na pamahalaan ang sanhi ng pagguho.

23/09/2025

MARCOS, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG BAGONG PABAHAY SA LAGUNA

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Lunes ang inagurasyon at turnover ceremony ng mahigit 1,000 housing units para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan bunsod ng pagpapatupad ng Philippine National Railways (PNR) South Long Haul Project-Segment 2-7.

Ayon sa Pangulo, ang mga benepisyaryo ng proyektong ito ay pawang mga informal settlers na dating naninirahan sa tabi ng riles ng tren. “Ngayon, masaya nating ipinagdiriwang na may mas ligtas at maayos na tahanan na mayroon kayong mauuwian,” pahayag ni Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo na hindi lamang pagpapaunlad ng imprastraktura ang layunin ng pamahalaan, kundi ang pagbibigay ng ligtas at disenteng tirahan para sa mga pamilyang naapektuhan ng malalaking proyekto.

Ang housing project ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Transportation (DOTr), National Housing Authority (NHA), at ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo City. Bahagi ito ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH), isa sa mga pangunahing programa ng administrasyon.

Bukod sa mga pabahay, inanunsyo ni Marcos na kasama rin sa proyekto ang pagtatayo ng mga pampublikong pasilidad gaya ng isang elementary school, multipurpose covered court, health center, daycare center, tricycle terminal, at lokal na palengke para sa komunidad.

23/09/2025

65-ANYOS NA MEKANIKO, KRITIKAL MATAPOS PAGBABARILIN SA LAGUNA

Isang 65-anyos na mekaniko ang nasa kritikal na kondisyon matapos pagbabarilin ng lalaking inakalang customer ng isang talyer sa San Pedro, Laguna, Biyernes ng gabi.

Kuwento ng kaanak ng biktima sa ulat ni Jhomer Apresto sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, apat na beses daw nagpabalik-balik sa talyer ang gunman na inakala nilang customer at hindi raw makausap nang maayos.

Nang tinawag nila ang kanilang tiyuhing may-ari ng talyer upang kausapin ang suspek, bigla raw itong naglabas ng baril.

“Tinanong po ng tito ko bakit may baril ka? Ang sagot niya po siyempre may pera ako kaya ko bumili ng baril… Nasa gilid na po kami noon, sir. Wala na po kaming magawa,” ani ng kaanak ng biktima.

Tinangka pa raw ng biktima magtungo sa barangay upang magreklamo, ngunit binaril ng suspek ang kotse ng biktima habang ito ay paatras. Doon na rin pinagbabaril ng suspek ang biktima.

Agad isinugod sa ospital ang biktima.

Nahuli rin ang suspek nang siya ay bumalik sa talyer matapos ang 30 minuto.

“Kasi buhay pa yung biktima, so most probably baka may ano pa siya eh, intention. So chine-check pa namin po yun, then chine-check din namin yung probability na may kasama pa siya during sa incident,” saad ni Police Colonel Jonar Yupio mula sa Laguna Police Provincial Office.

Nakuhanan ng isang customized caliber 45 na baril ang suspek, at nahaharap siya sa reklamong frustrated murder.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang biktima.

21/09/2025

CONG. JOJO ANG INIULAT NA NAG-UTOS NA KUMUHA NG “DONASYON” KAY ENGR. CALALO PARA KAY CONG. LEVISTE

Lumutang ang seryosong paratang laban kay Uswag Ilonggo Party-list Congressman James “Jojo” Ang Jr. matapos ilahad ni District Engineer Abelardo Calalo sa kanyang counter-affidavit na mismong siya ay inutusan ng kongresista na mangolekta ng “donasyon” mula sa mga kontratista sa Batangas para umano kay Batangas 1st District Congressman Leandro Leviste. Ayon kay Calalo, wala siyang nagawa kundi sumunod sa utos ni Rep. Ang dahil mismong si Senator Loren Legarda ay kaharap nila nang ipagawa ito sa kanya.

Dagdag pa ni Calalo, ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi suhol, taliwas sa mga naunang pinalabas, kundi bahagi ng sinasabing "donation scheme" na direktang iniutos ni Congressman Ang. Isiniwalat din niya na matapos ang kanilang pag-uusap, agad na binura ng kongresista ang kanilang palitan ng mensahe sa Viber, na lalo pang nagdulot ng pagdududa kung bakit kailangang itago ang naturang komunikasyon.

Kinumpirma rin ng mga kontratistang sina Sara at Curlee Discaya ang kanilang naging karanasan kay Congressman Ang, kung saan sinabi nilang obligado silang magbigay ng 10–25% ng halaga ng kanilang kontrata upang hindi maantala ang implementasyon ng mga proyekto. Sa kanilang 10-pahinang affidavit, malinaw nilang tinukoy si Ang bilang isa sa mga nakikinabang sa pondong kinukuha mula sa kanilang mga proyekto.

Matatandaan na si DE Calalo ang pinahuli umano ni Congressman. Leviste sa kapulisan dahil sa paratang na siya’y nagsuhol, subalit iginiit ng inhinyero na ang tunay na dahilan sa likod ng pinaiikot na kwento ay ang mismong donation scheme na may basbas pa umano ni Senator Legarda. Sa gitna ng magkakaugnay na testimonya ni Calalo at mag-asawang Discaya, nananawagan ang publiko ng masusing imbestigasyon upang mabunyag ang buong katotohanan sa anomalya.

21/09/2025

BAGONG HEPE NG PNP, NAKATUTOK SA MAKATAONG PAMUMUNO

Sa unang pagkakataon mula nang maupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), hinarap ni Police Lieutenant General Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. ang isang napakalaking hamon—ang malakihang kilos-protesta laban sa korapsyon ngayong araw.

Inaasahan ang libu-libong lalahok sa iba’t ibang pangunahing lungsod, dahilan upang tumutok ang lahat ng mata sa kung paano hahawakan ni Nartatez ang sitwasyon. Para sa marami, ito ay tinatawag na “baptism of fire” ng bagong PNP chief.

Tahimik ngunit matatag ang naging pag-angat ni Nartatez sa hanay ng kapulisan. Isang miyembro ng PMA “Tanglaw-Diwa” Class of 1992, bitbit niya ang mahigit tatlong dekadang karanasan mula sa intelligence, administrasyon, at operasyon. Kilala siya ng mga kasamahan bilang isang mahinahon at propesyunal na lider na inuuna ang serbisyo kaysa sa pagpapasikat.

Matapos ang kontrobersyal na pamumuno ni dating PNP Chief Nicolas Torre III, malinaw ang nais ipakita ni Nartatez: isang pamumuno na nakasentro sa hustisya at demokrasya. Kabilang dito ang mariing pagtutol niya sa mga tinatawag na “quota arrests,” isang patakarang nag-ugat sa madugong kampanya laban sa droga noong nakaraang administrasyon. Para kay Nartatez, ang tunay na sukatan ng epektibong kapulisan ay ang kalidad ng operasyon, hindi ang dami ng inaaresto.

Sa halip, ipinatuloy niya ang five-minute response policy—isang inisyatibong layong tiyakin ang mabilis na pagtugon ng mga pulis sa anumang tawag ng pangangailangan, bilang patunay na nakatuon siya sa kaligtasan at serbisyo publiko.

Habang umaandar ang protesta, malinaw ang naging direksyon ng pamumuno ni Nartatez: igalang ang karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng saloobin, habang sinisiguro ang kaayusan at kapayapaan. Para sa kanya, ang hamon na ito ay higit pa sa pagpapanatili ng seguridad; ito’y pagkakataon na ipakita na ang PNP ay maaaring maging huwaran ng isang demokratikong institusyon.

Sa kanyang mababang-profilo ngunit matatag na liderato, nakikita ng marami ang posibilidad na maging simula ito ng bagong yugto sa kasaysayan ng PNP—isang pamumunong makatao, makatarungan, at tunay na nakikinig sa tinig ng sambayanan.

Photos from LagueNews's post 10/09/2025

CONG. JAMES “JOJO” ANG JR., INIULAT NA UMANONG NAG-UTOS NG PAGHINGI NG “DONASYON” SA MGA KONTRATISTA SA BATANGAS

TINGNAN: Palitan ng mensahe ni Congressman James "Jojo" Ang, Jr at Batangas 1st District Engineer Calalo.

Sa counter-affidavit na inihain ni DPWH District Engineer Abelardo Calalo, lumabas ang mabigat na alegasyon na ang perang nasamsam sa kanyang pagkakaaresto ay hindi umano suhol para kay Congressman Leandro Leviste, kundi bahagi ng tinaguriang “donasyon” na ipinag-utos ni Congressman. James “Jojo” A. Ang Jr., kasalukuyang kinatawan ng USWAG ILONGGO Party-List. Ayon kay Calalo, malinaw na natalakay sa kanilang Viber group chat ang utos ng kongresista na mangalap ng kontribusyon mula sa mga kontratistang may proyekto sa distrito.

Subalit, lumalabas din sa kanyang salaysay na matapos ang nasabing usapan ay binura umano ni Cong. Jojo Ang ang kanyang mga mensahe kay Calalo. Ito ang nagdulot ng matinding pagdududa sa kampo ng district engineer, na nagsabing kung wala namang dapat ikatakot o itago, bakit kailangang burahin ang mga palitan ng mensahe? Giit pa ni Calalo, ang mismong pagbura ng mensahe ay indikasyon na may itinatagong katotohanan sa likod ng naturang transaksyon.

Binigyang-diin ni Calalo na siya ay nadawit lamang sa maling akusasyon at ginagamit na “scapegoat” sa isang mas malawak na sistema ng pangangalap ng donasyon mula sa mga contractor. Aniya, ang perang hawak niya nang siya ay mahuli ay hindi para sa kanyang personal na interes, kundi resulta ng pagtalima sa ipinag-utos ng isang kongresista.

Sa harap ng mga rebelasyong ito, nananawagan si Calalo ng masinsinang imbestigasyon sa umano’y “donation scheme” at hiling na isailalim sa forensic examination ang mga Viber messages upang mabawi ang mga nabura at mailantad ang buong konteksto ng usapan. Dagdag pa niya, dapat bigyang diin ang due process sa halip na itulak ang isang selective na kaso na tila ginagamit para sa political propaganda.

05/09/2025

ILLEGAL FISHING SA LAGUNA LAKE SA SAN PEDRO CITY, SINITA NG MGA AWTORIDAD

Sinita ng Bantay Lawa ng San Pedro LGU at Philippine Coast Guard - Substation San Pedro ang tatlong mangingisda na nahuling nagsasagawa ng illegal fishing activity sa Laguna de Bay sa bahagi ng Brgy. Cuyab ngayong umaga ng Huwebes, September 4.

Nilabag ng grupo ang Section 34 ng City Ordinance No. 2023-21, na mahigpit na nagbabawal sa anumang fishing activities nang walang fishing license at rehistradong bangka.

Dinala ang mga mangingisda sa barangay upang ipa-blotter.

Dahil ito ang unang paglabag ng mga sangkot base sa record ng City Fisheries Management Unit, binigyan lamang sila ng “warning” at hinikayat na i-renew ang kanilang fishing license at mga gamit sa pangingisda.

05/09/2025

2 GRUPO NG KALALAKIHAN, NAGKAINITAN DAHIL SA ICE CREAM; 1, PATAY SA PAMAMARIL!

Isa ang patay matapos mauwi sa pamamaril ang mainit na pagtatalo ng 2 grupo ng kalalakihan sa Sitio Pag-asa, Brgy. San Antonio, Los Baños, Laguna.

Nag-ugat umano ang away sa mainit na pagtatalo dahil sa ice cream.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya ang mga suspek sa pamamaril.

05/09/2025

LALAKING PUMATAY NG 2 KATAO, PATAY SA SHOOTOUT SA SANTA ROSA!

Patay sa naganap na shootout sa Santa Rosa City, Laguna nitong Linggo, August 31, ang isang lalaking suspek sa pamamaslang ng dalawang katao sa lungsod.

Kinilala ang suspek sa alyas na Nestor.

Ayon sa Santa Rosa Police, binaril hanggang sa mapatay ng suspek ang isang empleyado ng barangay at kaniyang pinsan.

Sinubukan pa umanong kausapin ng mga rumespondeng pulis si Nestor subalit pinaputukan sila nito. Dito na gumanti ng putok ang mga awtoridad hanggang sa mapatay ang suspek.

Samantala, ginawaran naman ng Medalya ng Kagalingan sina Sta. Rosa City police chief Lt. Col. Benson Pimentel at Cpl. Brly Verniz dahil sa ipinamalas na katapangan at mabilis na aksyon.

05/09/2025

TRUCK SA MABITAC, BUMANGGA SA MGA KABAHAYAN; ISA PATAY!

TINGNAN: Patay ang isang residente matapos bumangga ang isang dump truck sa kaniyang tindahan sa kahabaan ng highway sa Brgy. Paagahan, Mabitac, Laguna nitong Biyernes, August 29.

Kwento ng mga residente, nagbubukas umano noon ng tindahan ang biktima nang bigla itong salpukin ng truck na nawalan ng preno.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Chipeco Avenue
Calamba
4028