DepEd Tayo -Ulango Elementary School -Calamba City
It is the official page of Ulango Elem. School-Calamba City. Where you can see the latest activities, programs and other related activities of the school.
With this fb page, you are updated. #Unity towards Excellence at Service #AbanteUlango
Mga makabuluhang sandali mula sa Paghahayag sa Bantayog at Paggunita sa Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal.
Isang pagdiriwang ng pagkakaisa, paggalang, at pagpupugay sa buhay at mga aral ng ating pambansang bayani. Mabuhay ang diwa ni Rizal!
19/06/2026
PAGHAHAYAG SA BANTAYOG AT PAGGUNITA SA IKA-165 KAARAWAN NI DR. JOSE P. RIZAL
Matagumpay na naisakatuparan ang Paghahayag sa Bantayog at Paggunita sa Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal, isang makasaysayang pagdiriwang na nagbigay-pugay sa buhay, mga adhikain, at kabayanihan ng ating pambansang bayani.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok at nakiisa upang maging matagumpay ang programang ito. Lubos naming kinikilala ang suporta at pakikipagtulungan ng mga g**o ng Ulango Elementary School sa pangunguna ng aming Punong G**o, Jose Leo P. Pamplona; ng Pamahalaang Barangay Ulango sa pangunguna ni Kapitan Andro Evangelista kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay; at ng ating mga panauhing pandangal mula sa Kababaihang Rizalista, Inc. sa pangunguna ni Dr. Imelda De La Cruz at ng Knights of Rizal sa pangunguna ni Sir Christopher R. Sanji.
Kami rin ay nagpapasalamat sa SELG at Yes- O sa pangunguna ni Shane Lopez, Kay Bro. Apolonio Torres sa pag babasbas ng bantayog ni Rizal, gayundin sa masigla at mahusay na pagdaloy ng programa sa pangunguna ng ating Taga Pagdaloy ng Palatuntunan, Ma'am Kristal Mhay P. Panganiban.
Hindi rin magiging ganap ang tagumpay ng gawaing ito kung wala ang pakikiisa at suporta ng iba't ibang samahan at organisasyon sa Barangay Ulango: Barangay Public Safety Officers (BPSO), Samahan ng STK Upland, Barangay Quick Response Team (BQRT), ADHIKA, Kasandigan ng Masa – Ulango Chapter, General Parents-Teachers Association (GPTA), Kasandigan ng Kabataan – Ulango Chapter, Barangay Health Workers (BHW), Lupon Tagapamayapa, at BAWC.
Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at iisang adhikain na mapanatiling buhay ang mga aral at pagpapahalagang iniwan ni Dr. Jose P. Rizal para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Muli, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta at pakikibahagi. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at paglilingkod na ipinamalas ng ating pambansang bayani.
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."
18/06/2026
"Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas."
Nakiisa ang Ulango Elementary School sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) – 2nd Quarter bilang bahagi ng pagpapaigting ng kahandaan ng paaralan sa panahon ng sakuna.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, natutuhan at naipamalas ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ang wastong mga hakbang na dapat gawin kapag may lindol, kabilang ang "Duck, Cover, and Hold" at ang maayos na paglikas patungo sa mga ligtas na lugar.
Mahalagang maging handa sa lahat ng oras sapagkat hindi natin alam kung kailan at saan tatama ang lindol. Ang kaalaman, disiplina, at tamang paghahanda ay makatutulong upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa oras ng sakuna.
Patuloy nating isabuhay ang kahandaan at pagtutulungan upang maging mas ligtas ang ating paaralan at komunidad.
18/06/2026
Ulango Elementary School was honored to welcome Ma'am Andrea C. Señadoza, Education Program Supervisor (EPS) in English, during her monitoring visit to the school.
Her valuable observations, recommendations, and guidance will greatly contribute to the school's ongoing efforts toward excellence and improvement.
We sincerely thank Ma'am Andrea C. Señadoza for her time, support, and commitment to strengthening educational programs and promoting quality learning experiences for every learner.
Together, we continue to strive for educational excellence and learner success.
17/06/2026
MALUGOD NA INAANYAYAHAN ANG LAHAT!
Makibahagi sa Pagkilala sa Bagong Bantayog at Komemorasyon ng Ika-165 Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal sa darating na Hunyo 19, 2026 (Biyernes), ganap na ika-7:00 ng umaga sa Ulango Elementary School.
Sama-sama nating gunitain ang buhay, mga adhikain, at pagmamahal sa bayan ng ating pambansang bayani sa pamamagitan ng pormal na pagkilala sa bagong tayong bantayog na magsisilbing inspirasyon sa kasalukuyan at susunod pang henerasyon.
📅 Hunyo 19, 2026
🕖 7:00 ng umaga
📍 Ulango Elementary School, Calamba City
Ang inyong presensya at pakikibahagi ay lubos naming ikararangal.
Tara at sabay-sabay nating parangalan ang dakilang anak ng Calamba at ng sambayanang Pilipino, si Dr. Jose P. Rizal!
09/06/2026
As part of ensuring a smooth and orderly start of the academic year, PSDS Romeo D.C. Ramos visited Ulango Elementary School to monitor the opening of classes for School Year 2026–2027.
During the visit, classroom conditions, learner attendance, school facilities, and the overall implementation of school opening activities were observed. The monitoring activity reflects the Department of Education's commitment to providing a safe, conducive, and learner-centered environment for all.
Ulango Elementary School expresses its sincere appreciation for the guidance, support, and encouragement extended by PSDS Ramos as the school community embarks on another year of learning, growth, and excellence.
Together, we continue to work towards delivering quality education for every learner.
08/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club of Calamba sa kanilang makabuluhang pagbisita sa Ulango Elementary School. Bukod sa pamamahagi ng handwashing soap at meryenda, nagbahagi rin sila ng mahalagang kaalaman at nagpakita ng wastong paraan ng paghuhugas ng kamay upang mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng ating mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, natuto ang mga bata ng mga simpleng hakbang na makatutulong sa pag-iwas sa sakit at pagpapanatili ng mabuting kalinisan sa araw-araw.
Maraming salamat sa inyong oras, malasakit, at dedikasyon sa kapakanan ng aming mga mag-aaral. Ang inyong kabutihang-loob ay nagdulot hindi lamang ng saya kundi pati ng mahahalagang aral na kanilang dadalhin sa araw-araw.
08/06/2026
Puno ng ngiti at saya ang unang araw ng School Year 2026-2027 ng Ulango Elementary School. Nagpapasalamat kami sa Toyota Tsusho sa kanilang suporta at malasakit sa ating mga mag-aaral.
Ang bawat munting handog ay malaking tulong sa kalusugan at pagkatuto ng ating mga bata. Maraming salamat sa pakikiisa sa adhikaing magkaroon ng mas malusog at mas masiglang mga mag-aaral.
08/06/2026
Maligayang pagbabalik sa paaralan, UES learners! Isang panibagong taon na naman ng pag-aaral, pagkakaibigan, at mga pagkakataong matuto at magtagumpay.
Nawa'y maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang ating School Year 2026–2027.
Welcome back, learners! 💚
07/06/2026
Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mayor Ross Rizal sa learners’ kits na ipinamahagi para sa mga mag-aaral ng Ulango Elementary School.
Ang inyong suporta ay malaking tulong upang mas maging handa ang ating mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa kaalaman. Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit sa edukasyon at sa kabataang Calambeño.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Calamba City
Calamba