LETRA
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LETRA, Writer, Makiling, Calamba.
Bakit ako nalulungkot, bakit ako nagdaramdam?
Sa Diyos ako'y may tiwala, siyang aking aasahan; magpupuri akong muli, pupurihing walang humpay, ang aking Tagapagligtas, ang Diyos na walang hanggan.
--Awit 42:11
14/09/2025
Masasabi mo lang na tama ang desisyon mo, hindi dahil masaya ka.
Kundi dahil, may peace of mind ka. ✨
--Letra
Nahihirapan ka bang sumunod sa kalooban. . .
Dahil may mga bagay na ayaw mo pang bitawan
Bagay na nakapagbibigay, ng saglit na kasiyahan
Pagtampisaw sa kasalanan, kamatayan ang kahihinatnan.
--Letra
Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama.
Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi.
Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.
Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.
Hindi gayon ang sinumang gumagawa ng masama,
ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay.
Sa araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan
siya'y ihihiwalay sa grupo ng mga banal.
Sa taong matuwid, si Yahweh ang pumapatnubay,
ngunit ang taong masama, kapahamakan ang hantungan.
-- Awit 1:1-6
Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
📖 Isaias 26:4
14/09/2023
Sa salita mo aking Ama, tunay na naging kontento✨
27/08/2023
Gabi na Naman
—
Gabi na...
Pwede mo nang tingalain ang mga tala.
Pwede mong tanungin,
sumbatan, o humiling kaya?
Pwede mo nang hayaang pumatak
ang mga luha—
ramdamin ang sakit
at maging malaya.
Gabi na naman...
Pwede nang kumubli
sa ilalim ng buwan,
o 'di kaya sa ilalim ng unan.
Hayaan mo na,
ngayon lang naman.
Bukas sasabayan mo
rin naman ang araw,
ngingiti at ikukubli
sa bawat sikat nito
ang sakit na nararamdaman.
Gabi na...
May permiso ka
nang maging mahina.
— Page 68 | ito ang ating simula, gitna, at dulo…
TO ORDER
Website: lavenderpenpoetry.com/sgd
PM/DM: Message us on our FB/IG
Shopee: https://shp.ee/fn2h5p7
—
Sa ating buhay, may desisyon tayong pinipili
Isang desisyon, inakala nati'y dun tayo mananatili
Nagkamali. . .
Pero mapalad ka't, dahil ang pagtatama ay maaari
Ang Diyo's Ama'y, nag-aanyaya sa'iyo palagi.
--Letra
Kapag tayo'y nasaktan, sino nga ba ang nilalapitan
Sino nga ba ang agaran, nating tinatakbuhan
Pagtakbo ng mabilis, na alam mo ang hihintuan
Sa Diyos Ama na sa atin, Siya ang lumalang.
--Letra
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Makiling
Calamba