Pro-Motor

Pro-Motor

Share

I’m not chasing admiration, I’m planting inspiration.

Photos from AGV Helmets's post 11/09/2026

🙏🏻

05/09/2026

Simplicity and elegance! ✨👌🏻

04/09/2026

Kimi Antonelli will be wearing a Valentino Rossi inspired helmet in Monza this weekend. Bellissimo 🤌

01/09/2026

Raw and unfiltered reaction sa finish line ng 2026 SOUTH QUEST

30/08/2026

Hindi daw kaya ng 6 hrs hanggang Bicol kung galing ng Calamba, Laguna.

Sabagay, inabot ako ng 5 hrs 32 mins from Pasig to Sagñay, Camarines Sur via Pitogo. Hindi talaga kaya ng 6 hrs 😜😂

Departed in Ayala Feliz, Pasig: 10:00 PM
Arrived in Sagnay, Cam Sur: 3:32 AM

25/08/2026

Ang lalakas ng mga kasama ko dito, nalingat lang ako ng kunti pang 11 na agad ako 😜😂🤭

Photos from Pro-Motor's post 24/08/2026

2026 SOUTH QUEST Ride Report

Wala talaga sa plano kong sumali sa South Quest. Gusto ko lang sanang mag-ride sa Bicol. Since nakusubaybay ako sa endurance community, parang nabasa ni Meta ang isip ko—biglang dumaan sa feed ko ang mga posts tungkol sa South Quest. Kaya ayun, napasali.

Motorcycle preparation? Wala! Hindi pa nga nahugasan mula sa byahe namin noong February. Ang nadagdag lang ay isang super cheap na navigation worth ₱1,200. Pero bilang rider, lagi naman tayong handang bumiyahe.

Event proper: Dahil disciplined endurider tayo at nirerespeto natin ang oras ng mga kasama natin, 5:30 PM nasa starting grid na ako. Based sa instructions, 6 PM ang close grid at 8 PM ang last PRI.

Smooth ang takeoff. Maganda rin ang location dahil nasa bundok at walang public commuters na naabala. Simple lang ang plano: tapusin agad ang route at bumalik nang safe sa starting grid.

Pero hindi lahat ng plano nasusunod.

Pababa pa lang ng Famy, biglang nawala ang rear brake ko. Buong byahe, wala na akong rear brake. Hindi naman naging malaking problema dahil karamihan ng route ay puro kurbada, pero siyempre, extra ingat.

Pangalawa, nagloko ang navigation. Nagha-hang at sobrang nagpapainit ng cellphone, kaya kailangan kong huminto halos every hour para i-reset. Minsan, ayaw na talaga gumana.

Pangatlo, hindi ako familiar sa Bicol roads. Dahil palyado ang navigation, ilang beses akong naligaw—Bundok Peninsula papuntang Pitogo, Partido Riviera, Cagbulacao View Point at muntik pang makarating sa Misibis. Sa Legazpi, almost 20 minutes akong nag-ayos ng navigation pero ayaw na talaga. Nangapa rin ako papuntang Gayang Highlands—parang kalabaw lang ang dumadaan. 😂 Sa huli, instinct na lang ang pinagana ko papunta sa last photo ops mula San Narciso. (Kita dito kung saan ako naligaw - https://riserapp.com/t/YhUEr9JhYy5t/pro-motor/south-quest-2026)

Expected ko na rin namang hindi tatagal ang navigation dahil ito na nga ang pinakamura sa market.

Finish line: Kahit maraming aberya, maganda ang naging resulta. No complaints, no excuses. Ang pinakamahalaga, nakatapos ako nang ligtas.

Takeaway: Bawi ko ito kay Master Bestres II matapos ang DNF ko sa Endurizal Masterclass dahil sa aso. Very strategic ang mga ruta at talagang sinusubok ang determination ng bawat participant. Akala mo madali na ang last checkpoints dahil malapit ka nang matapos—yun pala, doon pa lang magsisimula ang pinakamahirap.

Overall, well-organized ang event, maganda ang location ng starting grid/finish line, at sulit ang registration fee. Parang mas mahal pa ang value ng kits at freebies kaysa sa binayad mo.

Last word: Gusto ko na sanang mag-retire sa endurance, pero minsan talaga hinahanap ng katawan ang feeling ng pagiging FINISHER.

As an old-school endurider, nasanay kami sa 1,200 km endurance, kaya sumasali lang ako kapag above 1,200 km ang buong route.

For now, waiting and watch mode muna.

Okay… saan ang next? 🏍️💨

Want your business to be the top-listed Media Company in Cainta?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Cainta