Read the Scriptures

Read the Scriptures

Share

Belief: Mateo 16:15-19 Efeso 3:6 Gawa 10:1-48 Juan 3:16-18 Santiago 1:26-27 Santiago 2:1-26

19/05/2026

1 Corinto 15, Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo

1 Mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay pinaninindigan ninyo.
2 Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi talaga tunay ang inyong pananampalataya.

3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Cristoʼy namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan.
4 Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.
5 Nagpakita siya kay Pedro, at sa iba pang 12 apostol.
6 Pagkatapos, nagpakita rin siya sa mahigit 500 na mga kapatid na nagkakatipon. Karamihan sa kanilaʼy buhay pa hanggang ngayon, ngunit ang ilan sa kanila ay patay na.
7 Nagpakita rin siya kay Santiago, at pagkatapos sa lahat ng apostol.

8 At sa kahuli-hulihan ay nagpakita rin siya sa akin. Ang katulad koʼy isang sanggol na ipinanganak nang wala sa panahon dahil biglaan ang aking pagkakilala sa kanya.
9 Ako ang pinakahamak sa mga apostol at hindi nga ako karapat-dapat tawaging apostol dahil inusig ko ang iglesya ng Dios.
10 Ngunit dahil sa awa ng Dios sa akin, naging apostol ako. At hindi nasayang ang biyayang ipinagkaloob niya sa akin, dahil higit akong nagpagal kung ihahambing sa ibang mga apostol, bagamaʼt itoʼy sa pamamagitan ng tulong ng Dios at hindi ng aking sarili lamang.
11 Kaya nga, walang pagkakaiba kung sila o ako ang nangangaral sa inyo. Ang mahalagaʼy iisa ang aming ipinangangaral at iyon din ang inyong pinananaligan.

Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay

12 Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Cristoʼy muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay?
13 Kung totoong walang muling pagkabuhay, nangangahulugan na maging si Cristo ay hindi rin muling nabuhay.
14 At kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya.
15 At hindi lang iyan, lalabas din na sinungaling kami tungkol sa Dios dahil ipinapahayag namin na binuhay niyang muli si Cristo.
16 Ngunit hindi siya muling nabuhay kung talagang walang muling pagkabuhay.
17 At kung si Cristoʼy hindi muling nabuhay, walang silbi ang inyong pananampalataya at hindi pa kayo napapatawad sa inyong mga kasalanan. 18 At nangangahulugan din na ang mga mananampalataya kay Cristo na namatay na ay hindi naligtas.
19 Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay na ito lamang, tayo ang pinakakawawa sa lahat ng tao.

20 Ngunit ang totoo, muling nabuhay si Cristo bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.
21 Dahil sa isang tao na si Adan, dumating ang kamatayan sa lahat ng tao. At dahil din sa isang tao na si Cristo, muling mabubuhay ang mga patay.
22 Sapagkat kung paanong tayong mga tao ay mamamatay dahil sa kaugnayan natin kay Adan, ganoon din naman, dahil sa ating kaugnayan kay Cristo, tayong lahat ay muling mabubuhay.
23 Ngunit may kanya-kanyang takdang panahon ang muling pagkabuhay. Unang nabuhay si Cristo; pagkatapos, ang mga nakay Cristo naman ang bubuhayin pagbalik niya rito sa mundo.
24 At pagkatapos nito, darating ang katapusan. Lulupigin niya ang lahat ng kaharian, pamahalaan at kapangyarihan, at ibibigay ang paghahari sa Dios Ama.
25 Sapagkat si Cristoʼy dapat maghari hanggang sa lubusan niyang malupig ang lahat ng kanyang mga kaaway.
26 At ang huling kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan.
27 Sinasabi sa Kasulatan na ang lahat ng bagay ay ipinasakop ng Dios kay Cristo.[a] Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” hindi nangangahulugan na kasama rito ang Dios na siyang nagpasakop ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.
28 At kung ang lahat ay naipasakop na sa kapangyarihan ni Cristo, maging si Cristo ay magpapasakop sa Dios na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Dios ang siyang maghari sa lahat.

29 May mga taong nagpapabautismo para sa mga namatay. Ano ang halaga ng ginagawa nila kung hindi naman muling mabubuhay ang mga patay?
30 At bakit pa namin inilalagay ang aming mga sarili sa panganib oras-oras?
31 Araw-araw akong nasa bingit ng kamatayan, mga kapatid! At kung paanong totoo na ipinagmamalaki ko kayo sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus na ating Panginoon, totoo rin ang sinasabi kong ito.
32 Nahihirapan ako dito sa Efeso, dahil ang mga kumakalaban sa akin ay tulad ng mababangis na hayop. Kung ang paghihirap kong itoʼy para lang sa kapakanan ng tao sa buhay na ito, ano ang kabuluhan nito? Kung totoong hindi na mabubuhay ang mga patay, mabuti pang sundin na lang natin ang kasabihang, “Kumain tayoʼt uminom, dahil baka bukas, mamamatay na tayo.”

33 Huwag kayong palilinlang sa kasabihang iyan. Sa halip, ito ang inyong paniwalaan: “Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali.” 34 Magpakatino kayo at talikuran nʼyo na ang kasalanan. Sinasabi ko ito upang mahiya kayo sa inyong sarili, dahil may ilan sa inyo na mali ang pagkakakilala sa Dios.

Ang Katawan sa Muling Pagkabuhay

35 Maaaring may magtanong, “Paano bubuhaying muli ang mga patay? Anong uri ng katawan ang matatanggap nila?”
36 Ito ang sagot ko sa taong iyan na walang nalalaman: Ang inihahasik na binhi ay hindi mabubuhay hanggaʼt hindi ito namamatay.
37 At kahit anong binhi ang itanim mo, trigo man o ibang binhi, magiging iba ang anyo nito kapag tumubo na.
38 Ang Dios ang nagbibigay anyo sa binhing iyon, ayon sa kanyang kalooban. At ang bawat binhi ay may kanya-kanyang anyo kapag tumubo na.

39 Ganoon din sa katawan; hindi lahat ng katawan ay pare-pareho. Iba ang katawan ng tao, ng hayop, ng ibon at ng isda.

40 May mga katawang panlupa at may mga katawang panlangit, at ang bawat isaʼy may kanya-kanyang kagandahan. Iba ang kagandahan ng katawan dito sa lupa, at iba rin naman ang kagandahan ng katawan doon sa langit.
41 Iba ang ningning ng araw sa ningning ng buwan, at iba rin naman ang ningning ng mga bituin. At kahit ang mga bituin ay may ibaʼt ibang ningning.

42 Ganyan din sa muling pagkabuhay ng mga patay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, hindi na ito mabubulok kailanman.
43 Ang katawang inilibing ay pangit at mahina, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy maganda na at malakas.
44 Ang katawang inilibing ay panlupa, ngunit kapag itoʼy muling binuhay, itoʼy panlangit na. Sapagkat kung mayroong katawang panlupa ay mayroon din namang katawang panlangit.
45 Sinasabi sa Kasulatan, “Ang unang tao na si Adan ay binigyan ng buhay.” Ngunit ang huling Adan na si Cristo ay espiritung nagbibigay-buhay.
46 Hindi ang panlangit na katawan ang nauna kundi ang panlupa, at pagkatapos noon ay ang panlangit naman.
47 Ang unang tao na si Adan ay mula sa lupa, ngunit ang pangalawang tao na si Cristo ay mula sa langit.
48 Ang katawang panlupa ay katulad ng katawan ng tao na gawa sa lupa, at ang katawang panlangit ay katulad ng katawan ng nagmula sa langit.
49 Kaya kung paanong ang katawan natin ngayon ay katulad ng kay Adan na nagmula sa lupa, darating ang araw na ang katawan natin ay magiging katulad ng kay Cristo na nagmula sa langit.

50 Mga kapatid, ito ang gusto kong sabihin: Ang ating katawan na binubuo ng laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa paghahari ng Dios. Ang katawang ito na nabubulok ay hindi maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan.

51 Ngunit makinig kayo dahil may sasabihin ako sa inyo na isang lihim: Hindi lahat sa atin ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay bibigyan ng bagong katawan
52 sa isang iglap, sa isang kisap-mata, kasabay ng pagtunog ng huling trumpeta. At sa pagtunog ng trumpetaʼy muling bubuhayin ang mga patay at bibigyan ng katawang hindi nabubulok. At tayong mga buhay pa ay bibigyan din ng bagong katawan.
53 Sapagkat itong katawan nating nabubulok at namamatay ay dapat mapalitan ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay.
54 At kapag ang katawang ito na nabubulok at namamatay ay napalitan na ng katawang hindi nabubulok at hindi namamatay, matutupad na ang sinasabi sa Kasulatan na,

“Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!”
55 “Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?
Nasaan na ang iyong kapangyarihan?”

56 May kapangyarihan lamang ang kamatayan sa atin dahil sa kasalanan, at may kapangyarihan ang kasalanan sa atin dahil mayroong Kautusan.
57 Ngunit salamat sa Dios dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
58 Kaya nga, mga minamahal na kapatid, magpakatatag kayo at huwag manghina sa inyong pananampalataya. Magpakasipag kayo sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, dahil alam ninyo na hindi masasayang ang mga paghihirap ninyo para sa kanya.
____________________________________

​​​
​​​
​​​
Highlight ⊕
Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3)

Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong
JesuCristo sa tulong ng Espiritu.
Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan.
____________________________________________________
Pahayag 22:18​​​-21
18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.”
21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus.
_______________________________________________

Disclaimer:
Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay AI na pagaari ng ilang App at pinagsamasama para maisadula ang ilang pangungusap para sa mga taong sumasampalataya sa Dios sa pamamagitan ng Panginong Jesucristo at sa mga banal na Kasulatan. Isinasadula po ito para sa lahat ng tao lalo na sa mga taong visual learners o mga taong masnakakaunawa kung may nababasa at nakikita.

Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo.

Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman Amen

Read the Scriptures 05192026

14/05/2026

Bilang 30, Ang Kautusan tungkol sa Panata

1 Sinabi ni Moises sa mga pinuno ng lahi ng Israel, “Ito ang mga utos ng Panginoon:
2 Kung ang isang lalaki ay gagawa ng panata o susumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niyang lahat ang kanyang sinabi.
3 Kung ang isang dalaga na naninirahan pa sa bahay ng kanyang ama ay gumawa ng panata o nanumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay,
4 at nalaman ito ng kanyang ama pero hindi naman ito tumutol, kailangang tuparin niya ito.
5 Pero kung tumutol ang kanyang ama nang malaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.

6 “Kung ang isang dalaga ay manumpa o gumawa ng panata na gagawin niya o hindi ang isang bagay, pagkatapos nag-asawa siya, kahit na pabigla-bigla man o hindi ang kanyang pangako,
7 at nalaman ito ng kanyang asawa pero hindi naman ito tumutol, kailangang gawin niya ang kanyang ipinangako.
8 Pero kung tumutol ang kanyang asawa nang malaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin, at wala na siyang pananagutan sa Panginoon.

9 “Pero kung ang isang biyuda o babaeng hiniwalayan ng asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay, kailangang tuparin niya ito.

10 “At kung ang isang babaeng may asawa ay gumawa ng panata o nanumpa na gagawin niya o hindi ang isang bagay,
11 at nalaman ito ng kanyang asawa pero tumahimik lang ito at hindi tumutol, kailangang tuparin niya ito.
12 Pero kung tumutol ang kanyang asawa nang malaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang asawa.
13 May karapatang pumayag o tumutol ang kanyang asawa sa kahit anong ginawa niyang sumpa o panata.
14 Pero kung hindi tumutol ang kanyang asawa sa mismong araw na nalaman niya ito, pumapayag ang kanyang asawa na tuparin niya ito.
15 Pero kung pinalipas pa ng kanyang asawa ang ilang araw bago pa tumutol, ang kanyang asawa ang parurusahan sa kanyang kasalanan.”

16 Iyon ang mga kautusan na ibinigay ng Panginoon kay Moises tungkol sa lalaki at sa kanyang asawa, at tungkol sa ama at sa kanyang anak na dalagitang nakatira sa kanyang bahay.
____________________________________

​​​
​​​
​​​
Highlight ⊕
Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3)

Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong
JesuCristo sa tulong ng Espiritu.
Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan.
____________________________________________________
Pahayag 22:18​​​-21
18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.”
21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus.
_______________________________________________

Disclaimer:
Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay may pahintulot ng mga tauhan sa nasabing video clip na pagaari ng isang App.

Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo.

Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman Amen

Read the Scriptures 05142026

12/05/2026

1 Corinto 14, Ang Pagsasalita ng Ibang Wika na Hindi Natutunan

Ang Pagsasalita ng Ibang Wika na Hindi Natutunan

1 Sikapin ninyong makamtan ang pag-ibig, ngunit sikapin din ninyong makamtan ang mga kaloob na espiritwal, lalo na ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios.
2 Ang taong nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay nakikipag-usap hindi sa tao kundi sa Dios, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Banal na Espiritu.
3 Ngunit ang taong nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay nagsasalita sa mga tao upang silaʼy matulungan, mapalago at mapalakas ang loob.
4 Ang nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay nagpapatibay sa iglesya.
5 Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsalita sa ibang wika na hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpahayag kayo ng mensahe ng Dios. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, maliban na lamang kung ipapaliwanag niya ang kahulugan ng kanyang sinasabi upang mapatibay ang iglesya.
6 Ano ba ang mapapala ninyo, mga kapatid, kung pumunta ako riyan at magsalita ng ibang wika na hindi ninyo naiintindihan? Wala! Maliban na lang kung magbigay ako sa inyo ng pahayag mula sa Dios, o kaalaman, mensahe, o aral.

7 Kahit na ang mga instrumentong walang buhay tulad ng plauta at alpa, kung hindi malinaw ang mga notang tinutugtog, paano malalaman ng nakakarinig kung anong awit ang tinutugtog?
8 At kung hindi malinaw ang tunog ng trumpeta sa mga sundalo, sinong maghahanda para sa labanan?
9 Ganito rin sa inyo. Paano makakaunawa ang isang mananampalataya sa sinasabi mo sa ibang wika kung hindi naman niya naiintindihan? Para ka na ring nakikipag-usap sa hangin.
10 Maraming wika sa buong mundo at ang bawat salita nito ay may kahulugan.
11 Ngunit kung hindi ko maintindihan ang sinasabi ng isang tao at hindi rin naman niya ako maintindihan, wala kaming mapapala sa isaʼt isa.
12 At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Banal na Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.

13 Kaya nga, ang taong nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay manalangin na bigyan din siya ng kakayahang maipaliwanag ito.
14 Kung nananalangin ako sa ibang wika na hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi naman naiintindihan ng aking isipan.
15 Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako at aawit sa pamamagitan ng aking espiritu kahit hindi ko ito naiintindihan, at mananalangin din ako at aawit sa paraang naiintindihan ng aking isipan.
16 Kung magpapasalamat ka sa Dios sa pamamagitan ng iyong espiritu lamang, at hindi ito maintindihan, paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang iyong sinasabi?
17 Kahit maayos ang pagpapasalamat mo sa Dios, kung hindi naman naiintindihan ng iba, hindi ka rin makakapagpatatag sa kanila.

18 Nagpapasalamat ako sa Dios na nakapagsasalita ako sa ibaʼt ibang wika na hindi natutunan ng higit pa sa inyong lahat.
19 Ngunit sa pagtitipon ng mga mananampalataya,[a] mas makakabuti pa ang magsalita ako ng limang kataga na naiintindihan upang maturuan ko sila, kaysa sa magsalita ako ng libu-libong kataga sa wikang wala namang nakakaintindi.

20 Mga kapatid, kung tungkol sa mga bagay na ito, huwag kayong mag-isip-bata. Kung sa masasamang bagay, maging tulad kayo ng mga batang walang malay sa kasamaan. Ngunit sa pang-unawa, mag-isip matanda kayo.
21 Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan,

“Magsasalita ako sa mga taong ito sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika at sa pamamagitan ng mga dayuhan,
ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”[b]

22 Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng mensahe ng Dios ay para sa mga mananampalataya, hindi sa mga di-mananampalataya.

23 Kung nagtitipon kayong mga mananampalataya at lahat kayoʼy nagsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi ninyo natutunan, at may dumating na mga di-mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, hindi ba nila aakalaing nasisiraan kayo ng bait?
24 Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng mensahe ng Dios at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan.
25 Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa sa pagsisisi at sasamba sa Dios, at masasabi niyang ang Dios ay talagang nasa piling ninyo.

Ang Maayos na Pagsamba

26 Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin sa inyong pagtitipon: ang ibaʼy aawit, ang ibaʼy magtuturo, ang ibaʼy magpapahayag ng mensahe ng Dios, at ang ibaʼy magsasalita sa ibaʼt ibang wika na hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy magpapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At ang lahat ng inyong gagawin sa inyong pagtitipon ay gawin ninyo sa ikatitibay ng iglesya.
27 Kung may magsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, kailangang dalawa lamang o tatlo, at huwag sabay-sabay, at dapat may magpapaliwanag sa kanilang sinasabi.
28 Ngunit kung walang magpapaliwanag, mas mabuti pang tumahimik na lamang sila sa loob ng iglesya at makipag-usap na lang sa Dios nang sarilinan.
29 Kung mayroon sa inyo ang pinagkalooban ng mensahe ng Dios, hayaang magsalita ang dalawa o tatlo sa kanila. Ang iba namaʼy dapat makinig at unawaing mabuti kung tama o mali ang kanilang sinasabi.
30 Ngayon, kung sa mga nakaupo ay may pinagkalooban ng mensahe ng Dios, dapat tumahimik na ang nagsasalita upang makapagsalita naman ang iba.
31 Sapagkat kayong lahat ay maaaring makapagpahayag ng mensahe ng Dios nang isa-isa, upang matuto ang lahat at mapalakas ang kanilang pananampalataya.
32 Ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios ay dapat may pagpipigil sa sarili.[c]
33 Sapagkat ang Dios ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan.

Tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga pinabanal[d] ng Dios,
34 ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon nʼyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan.
35 Kung may tanong sila, tanungin na lang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.

36 Inaakala ba ninyong nagmula sa inyo ang salita ng Dios, o di kayaʼy kayo lang ang nakatanggap nito?
37 Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng mensahe ng Dios o sumasakanya ang Banal na Espiritu, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon.
38 At kung mayroon mang hindi kumikilala sa aking mga sinasabi ay huwag din ninyong kilalanin.

39 Kaya mga kapatid, pakahangarin ninyong makapagpahayag kayo ng mensahe ng Dios, at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan.
40 Ngunit gawin ninyo ang lahat sa maayos at wastong paraan.
____________________________________

​​​
​​​
​​​
Highlight ⊕
Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3)

Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong
JesuCristo sa tulong ng Espiritu.
Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan.
____________________________________________________
Pahayag 22:18​​​-21
18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.”
21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus.
_______________________________________________

Disclaimer:
Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay AI na pagaari ng ilang App at pinagsamasama para maisadula ang ilang pangungusap para sa mga taong sumasampalataya sa Dios sa pamamagitan ng Panginong Jesucristo at sa mga banal na Kasulatan. Isinasadula po ito para sa lahat ng tao lalo na sa mga taong visual learners o mga taong masnakakaunawa kung may nababasa at nakikita.

Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo.

Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman Amen

Read the Scriptures 05122026

09/05/2026

Bilang 29, Ang mga Handog sa Pista ng Pagpapatunog ng mga Trumpeta

1 “Sa unang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Sa araw na iyon ay patunugin ninyo ang mga trumpeta.
2 Pagkatapos, mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
3 Sa paghahandog ninyo ng mga ito, samahan ninyo ito ng mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Magandang klaseng harina na hinaluan ng langis ang ihalo ninyo – anim na kilo sa bawat batang toro, apat na kilo para sa lalaking tupa
4 at dalawang kilo sa bawat batang tupa.
5 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis para mapatawad ang inyong mga kasalanan.
6 Ihandog ninyo ito bukod pa sa buwanan at pang-araw-araw na mga handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at mga handog na inumin. Mga handog ito na sinusunog, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

Mga Handog sa Araw ng Pagtubos

7 “Sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan, magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Kailangang mag-ayuno kayo at huwag na huwag kayong magtatrabaho.
8 Pagkatapos, mag-alay kayo ng handog na sinusunog, na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
9 Sa paghahandog ninyo, samahan ito ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ang isama ninyo ay magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – anim na kilo sa bawat batang toro, apat na kilo sa bawat lalaking tupa
10 at dalawang kilo sa bawat batang tupa.
11 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod sa isa pang handog sa paglilinis para sa kapatawaran ng inyong kasalanan at sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, at sa handog na inumin.

Ang mga Handog sa Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol

12 “Sa ika-15 araw ng buwan ding iyon, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw.
13 Mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon. Sa unang araw, ito ang inyong ihandog: 13 batang toro, dalawang lalaking tupa at
14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito. 14 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Haluan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – anim na kilo sa bawat batang toro, apat na kilo sa bawat lalaking tupa
15 at dalawang kilo sa bawat batang tupa.
16 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

17 “Sa ikalawang araw, ito ang inyong ihandog: 12 batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
18 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.
19 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

20 “Sa ikatlong araw, maghandog kayo ng 11 batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
21 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.
22 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

23 “Sa ikaapat na araw, ito ang inyong ihandog: sampung batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
24 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

25 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

26 “Sa ikalimang araw, ito ang inyong ihandog: siyam na batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
27 Sa paghahandog ninyo nito, samahan nʼyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.
28 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

29 “Sa ikaanim na araw, ito ang inyong ihandog: walong batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
30 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.
31 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

32 “Sa ikapitong araw, ito ang inyong ihandog: pitong batang toro, dalawang lalaking tupa at 14 na batang tupa na isang taong gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
33 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.
34 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

35 “Sa ikawalong araw, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sa pagsamba sa Panginoon.
36 Mag-alay kayo ng handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taong gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
37 Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.
38 Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog sa paglilinis, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog bilang pagpaparangal sa Panginoon at handog na inumin.

39 “Bukod pa sa mga handog para sa pagtupad ng inyong panata at mga handog na kusang-loob, maghandog din kayo sa Panginoon sa nakatakdang mga pista ng mga handog na ito, mga handog na sinusunog, mga handog bilang pagpaparangal sa Panginoon, mga handog na inumin at mga handog para sa mabuting relasyon.”

40 Sinabing lahat ito ni Moises sa mga Israelita ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.
____________________________________

​​​
​​​
​​​
Highlight ⊕
Basahin, panoorin at pakinggan po natin para mas maunawaan natin ang mga Aral, Utos ng Dios ayon sa mga Banal na Kasulatan. (Pahayag 1:3)

Paalaala po, ugaliin po nating magbasa ng mga Banal na Kasulatan para po alam po natin ang mga pangyayari noong mga nakaraang Panahon ang Kasalaukuyang Panahon at ang Panahong Darating. At pagsikapan po nating tuparin, ganapin ang mga aral at utos ng Dios at panginoong
JesuCristo sa tulong ng Espiritu.
Huwag din po nating Dagdagan at bawasan ang tekstong nakasulat sa nilalaman ng mga Banal na Kasulatan.
____________________________________________________
Pahayag 22:18​​​-21
18Ako, si Juan ay nagbibigay babala sa lahat ng nakakarinig sa mga pahayag ng Dios sa aklat na ito. Ang sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Dios sa kanyang parusa ang mga salot na nakasulat dito.
19At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Dios ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
20Si Jesus ang nagpapatunay sa lahat ng nakasulat dito. At sinabi pa niya, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Sana nga po! Pumarito na po kayo, Panginoong Jesus.”
21Pagpalain kayong lahat ng Panginoong Jesus.
_______________________________________________

Disclaimer:
Ang mga video clip po na ginagamit dito ay ginamit para isadula ang ilang pangungusap. Ito po ay may pahintulot ng mga tauhan sa nasabing video clip na pagaari ng isang App.

Sumaatin nawa po ang Kapayapaan, Pagibig at Pagpapala ng Dios Ama at Panginoong JesuCristo.

Sa Dios Mananatili ang lahat ng Karangalan, kapurihan, Kaluwalhatian at Kapangyarihan Magpakailanman Amen

Read the Scriptures 05092026

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cainta Rizal?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


Cainta Rizal