Ran Ochavo
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ran Ochavo, Digital creator, Butuan City.
07/03/2026
Nakakita na ba kayo ng orchid na ayaw tumira sa puno?
Ito ang Philippine Ground Orchid (Spathoglottis plicata), isang halamang native dito sa ating bansa. Alam niyo ba na karamihan sa mga orchid ay "epiphytes" o 'yung mga nakakapit sa puno? Pero ang isang ito ay terrestrial. Ibig sabihin, direktang tumutubo ang kanyang mga ugat sa lupa gaya ng mga karaniwang halaman sa ating garden!
Bukod sa ganda nito, ang Philippine Ground Orchid ay may mahabang kasaysayan din sa tradisyunal na gamot. Ayon sa mga historical record ni I.H. Burkill (1935), sa mga rehiyon gaya ng Moluccas, ang mga dahon nito ay tradisyunal na dinidikdik at ginagawang pampanasa o warm poultice. Itinatapal ito sa mga sumasakit na kasukasuan (joints) upang makatulong sa pagbabawas ng pamamaga o swelling.
May ganito rin ba kayo sa inyong garden? I-share ang inyong mga photos sa comments! ๐
Paalala: Ang impormasyong ito ay para sa educational purposes lamang. Palaging kumunsulta sa eksperto bago gumamit ng anumang halaman bilang gamot.
06/03/2026
Para bang may mini-fireworks sa loob ng garden! ๐โจ
Ito ang bulaklak ng Water Apple o mas kilala nating 'Tambis' (Syzygium aqueum).
Alam niyo ba na ang bulaklak ng Tambis ay tinatawag na "Complete and Perfect" flower sa botany? Bakit nga ba?
โ
"Complete" โ Dahil nandito na lahat ng 4 main parts: Sepals, Petals, Stamens (male), at Pistil (female).
โ
"Perfect" โ Kasi sa loob ng iisang bulaklak, nandoon na ang parehong male at female reproductive organs.
Akala ng marami, "balahibo" lang 'yung puti, pero ang totoo, 'yan ang Stamensโang male parts ng flower. Sila ang nag-aalok ng pollen sa mga bubuyog at pollinators.๐ Sa madaling salita, ang bawat isang "balahibo" na 'yan ay kailangan para maging isang matamis at makatas na Tambis ang bawat bulaklak. ๐
Kailan ba ang season nito? ๐ค
Karaniwang nagsisimula ang flowering stage๐ธ nito mula Pebrero hanggang Marso. Mahilig ang Tambis sa mainit at tuyong panahon (dry season) para ma-trigger ang paglabas ng mga bulaklak. Ang fruiting stage๐ naman, o panahon ng pagbubunga, ay karaniwang pumapatak ng Mayo hanggang Hunyo.
Kayo, may namumukadkad na bang Tambis sa garden niyo? Post niyo naman sa comments! ๐
๐โ
It's the first Sunday of 2026. Wishing you all a blessed Sunday! ๐
Last year was a very challenging journey, yet by the grace of the Lord, He gave me the strength and courage to face it all! To everyone Iโve worked with, my friends and family, ug labaw sa tanan, sa Ginoo nga MakagagahumโDaghang Salamat!๐๐
31/12/2025
Happiest New Year!!๐๐๐
Welcome 2026! ๐โจ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Butuan City
8600