The Forerunner - Student Publication
The Official Student Publication of Bulacan State University - Bustos Campus.
15/06/2026
๐ก๐๐ช๐ฆ | '๐ ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ด๐ฎ': ๐๐๐น๐ฆ๐จ ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐ด๐ฟ๐ฎ๐ฑ, ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐น๐ถ๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น
โโMabigat pala ang toga. Marahil dahil hindi lang ito tinatahi ng sinulid kundi ng panahon, tiyaga, at pananalig.โ Sa mga salitang ito inilarawan ni Clarence B. Sangcap, Summa Cum Laude ng Bachelor of Secondary Education (BSEd) major in Social Studies ng Bulacan State University (BulSU) Bustos Campus, ang toga bilang simbolo ng mga taon ng sakripisyo, pagsusumikap, at matatag na pananampalataya, habang inihahatid niya ang kolektibong pasasalamat ng mga nagsipagtapos.
โ
โKinatawan ni Sangcap ang kanyang mga kapwa nagtapos sa 2026 BulSU-Bustos Commencement Exercises na ginanap noong Hunyo 11 sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa ilalim ng temang โTAYOG: Pag-angat ng Kakayahan at Kaalaman Tungo sa Maunlad at Makabagong Pilipinas.โ Dinaluhan ito ng 1,113 graduates mula sa ibaโt ibang programang akademiko ng BulSU Bustos Campus, kasama ang 112 mula sa BulSU San Rafael Campus para sa Taong Panuruan 2025โ2026.
โ
โSa kanyang talumpati, binigyang-buhay ni Sangcap ang ibaโt ibang mukha ng buhay-kolehiyo.
Ayon sa kanya, bawat hibla ng toga ay may dalang kwento ng pagpupursige at sakripisyoโmula sa mga estudyanteng nagpupuyat, bumabyahe nang malayo, at nagtatrabaho upang makapag-aral, hanggang sa mga lider-estudyante at atletang natutong balansehin ang kanilang mga tungkulin. Higit sa lahat, nakaukit dito ang kwento ng mga magulang na walang sawang nagsakripisyo para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
โ
Kaugnay nito, โibinahagi rin ni Iรฑigo A. Villaruel, Cum Laude ng Bachelor of Science in Entrepreneurship (BSEntrep), na naging mabigat ang kaniyang paglalakbay dahil sa mga gabing walang tulog, matinding pressure, at personal na sakripisyo.
โ
โKatulad nila Sangcap at Villaruel, kinilala rin ni Ma. Kyla Conception A. Fernando, Magna Cum Laude ng Bachelor of Elementary Education (BEEd), ang mga pagsubok bilang mahalagang bahagi ng kaniyang tagumpay. "Yung struggles ko ginawa kong stepping stones. Patunay na worth it lahat ng luha, puyat, at dasal," saad niya.
โBinigyang-diin din ni Sangcap na ang diploma ay hindi lamang simbolo ng pagtatapos kundi ng mas malalim na tungkuling maglingkod sa kapwa at bayan.
โ
โ"Ang tunay na halaga ng edukasyon ay hindi lamang nasusukat sa ating nalalaman kundi sa kung paano natin ito ginagamit upang makapaglingkod sa kapwa at sa bayan. Nawa'y maging instrumento rin tayo ng pagbabago sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa mula sa kahirapan, kawalan ng oportunidad, disimpormasyon, hanggang sa patuloy na hamon ng katiwalian at pagkawatak-watak ng lipunan," pahayag niya.
โ
โHinamon din niya ang kaniyang mga kapwa nagtapos na maging katuwang sa positibong pagbabago at dalhin ang kanilang mga tagumpay nang may pagpapakumbaba, pananagutan, at layunin.
โ
โ"Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay hindi ang taas ng ating narating kundi ang dami ng buhay na ating natulungan at ang kabutihang ating iniwan. Kaya't isuot natin ang ating mga toga nang may pagpapakumbaba, tanggapin ang ating diploma nang may pananagutan, at harapin ang kinabukasan nang may tapang at pag-asa,โ dagdag niya.
โ
โBilang kinatawan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando, naghatid ng mensahe si Bise Gobernador Alex Castro, na humimok sa mga nagtapos na yakapin ang mga pananagutang kaakibat ng kanilang tagumpay at manatiling matatag sa harap ng mga hamon ng hinaharap.
โ
โ"Never stop learning. Hindi natatapos sa pagtanggap ng diploma ang pagkatuto. Kailangan nating sumabay sa hinihinging pagbabago at pag-unlad ng mundo. Kaya kunin ninyo ang bawat oportunidad para hasain at linangin ang inyong mga kakayahan at kaalaman upang makasabay kayo sa tuluy-tuloy na tumataas na demand at pamantayan ng inyong mga napiling industriya," aniya.
โ
โBinanggit naman ni BulSU President Teody C. San Andres ang ulat ng World Economic Forum Future of Jobs Report 2025, na nagsasabing may 170 milyong bagong trabaho ang malilikha habang 92 milyong trabaho naman ang mawawala pagsapit ng 2030, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto at etikal na pamumuno.
โ
โ"The lesson is not that AI will take people's jobs. The lesson is that the jobs of the future will look different from the jobs of the past. Therefore, you must become lifelong learners," aniya. | via Mark Andrei Rivera Anne Caryll Paloma, THE FORERUNNER
โ
โ
โ
โ
14/06/2026
๐๐๐ง๐๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ | ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐๐๐ถ๐ธ๐ฎ
โโisinulat ni: Aโbakas
โ
โTahimik ang dagat para sa mga hindi pa nalulunod.
โ
โMay mga taong kayang titigan ang alon na parang payapa ang lahatโdahil nasa pampang sila. Nakatapak sa pinong buhangin ang mga paa, ligtas, at hindi hinahagupit ng sunod-sunod na alon.
โ
โPara sa kanila, musika sa tainga ang marahang paghampas ng tubig sa baybayin. Hindi dinig ang sigaw ng mga unti-unting hinihila pababa; hindi ramdam ang bigat ng bawat paglubog; at hindi dama ang nipis ng hangin sa bawat paghingang pinipilit na lamang sumustento sa katawan.
โ
โKaya marahil ang iilang tao sa dalampasigan ay madaling manahimik at magsawalang-kibo, dahil hindi nila alam ang pakiramdam ng sinasakal ng lalim at panganib ng karagatan.
โ
โHangga't hindi pa nila nararanasan kung paano lamunin nang buhรกy ng dagat, para sa kanilaโy mananatili itong simbolo ng pagiging banayad.
โ
โKahit pa may mga taong matagal nang nakahimlay sa sahig-dagat.
โ
โSapagkat, ang asul ay hindi kailanman makikitaan ng bahid ng p**ang dugo ng hirap at pasakit; ang mga alon ay hindi magiging mapanganib ni mapanira; at ang tubig-alat ay mananatiling walang lasa sa mga matang nakatitig lamang sa dalampasigan at hindi kailanman nakipagsapalaran sa dagat.
--
Layout & Illustration by: Rexter Jassen Blas
12/06/2026
๐๐ข๐๐จ๐ | ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ป๐ด๐ต๐ฒ๐น ๐ป๐ถ ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป, ๐๐บ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป
isinulat ni: equinox
Sa asul, sa p**a. Pilipinas, tunay ka nga bang malaya?
Tuwing ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Isang ibinukod na araw upang gunitain ang paglaya natin mula sa pananakop ng mga banyaga. Kaugnay rin nito ang salitang kasarinlan, na sa malimit na pagkakataon ay halos napagpapalit o 'di kaya ay napagkakamalan na magkaparehas lamang ang kahulugan. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang kasarinlan ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na mamahala at magpasiya para sa 'sarili' nang hindi nakadepende sa ibang bansa. Samantala, ang kalayaan naman ay ang karapatan at kakayahan ng isang tao o mamamayan na kumilos, magpahayag, at mamili nang may 'laya' at walang pang-aapi o labis na paghihigpit.
Bagamat magkaiba ng kahulugan ang dalawang salita, higit na konektado ito sa isa't isa sapagkat ang isang bansang walang kalayaan mula sa pananakop ay hindi matatawag na may kasarinlan upang makakilos sa kaniyang sarili. Ilang dekada na rin ang nakalipas mula nang huling dumanak ang dugo mula sa pakikipaglaban ng mga bayani sa pag-asang matamo ang kalayaan at makawala mula sa mapaniil na dayuhang nagpahirap sa buhay ng mga tunay na may-ari ng bansang Pilipinas. May kasarinlan man tayo sa kasalukuyan na nagagamit sa pamamahala ng kapwa natin mamamayan, paano naman kung kababayang Pilipino na rin ang siyang nagpapasakit sa ating sariling bayan?
Kakatwa mang isipin pero tila nagdilang-anghel si dating Pangulo ng Commonwealth Manuel Quezon nang sambitin niya ang mga katagang "I would rather have a government run like hell by Filipinos than a government run like heaven by Americans." Matapos ang paglaya ng bansa mula sa mga mananakop na Amerikano, nakapagtatag ito ng sarili, o kung tutuusin ay hiram na estruktura ng gobyerno mula rito. Nananalaytay man sa atin ang pagkarelihiyosong namana mula sa Kristiyanismong dala ng mga Kastila, ugali naman ni Hudas ang sumapi sa ilang opisyales na nakaupo sa gobyerno ngayon. Silang mga tusong ganid na nagdala ng sinasabing impyerno ni Quezon sa kapwa nito Pilipino.
Tumingin tayo sa lipunan. Nariyan paglabas ng bahay ang mga tsuper na todo sa pagrereklamo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at maski ang mga magulang na iginagapang nalang ang pamilya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto habang patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, na wariโy lalong lumalayo sa abot ng kanilang mga kinikita. Sa kabilang banda ay ang mga senador na hasang-hasa sa Ingles, at ayun โ naglalaro ng drama sa kanilang trabaho imbis na unahin ang kapakanan ng mga nagluklok sa kanila. Iilan lamang iyan sa mga pangyayaring hindi na maituturing na bakas ng kolonyalismo, kundi tahasang kagagawan na ng kapwa natin Pilipino. Kung tutuusin, lahat ng mga Pilipinong naupong presidente matapos ang Commonwealth ay may kani-kaniyang baho. Pilipino rin ang nasa likod ng Martial Law na kumitil ng buhay ng maraming mamamayan nito at bumusal sa mga nasa hanay ng mga mamamahayag. Kumbaga, parang pwede nating sisihin si Quezon dahil sa sinabi niya noon at tayo ang naghihirap ngayon.
Sa sunod-sunod na pagdurusa sa bansang tinaguriang malaya, lumitaw rin kamakailan lamang ang post mula sa isang netizen. "Pakiusap po sa Spain, US at Japan. Kailan nyo po ulit sasakupin ang Pilipinas? Promise 'di na kami lalaban.โ Na para bang halos isuka na ang kinaumayan niyang bansa.
Hindi man natin sila masisisi sa kanilang reaksyon sa nangyayari sa bansa, nakalulungkot isipin na mayroong mga ganitong Pilipino na nawalan na ng pagkaalala sa kasaysayan. Mas gugustuhin pa nilang isuko ang ipinaglaban ng mga ninuno at talikuran ang bayan na ipinaglaban hanggang kamatayan. Silang mga bayani na ibinaon na lamang sa hukay imbis na maging huwaran ng mga lingkod-bayan. Malayong malayo mula sa mga politikong nililinlang lamang ang mga mamamayan sa matatamis na pangako at wala namang paggawa.
Marahil, malaya na nga tayo mula sa direktang pananakop ng ibang bansa. Ngunit kung susuriin, tila hilaw pa ang pagkaunawa ng Pilipinas sa kalayaan at kasarinlan sapagkat kung ating babalikan ang kasaysayan, pinangarap ng mga Pilipino noon na maging malaya upang makapagpasiya para sa sarili tungo sa kabutihan ng lahatโat hindi upang sarilihin ang ginhawa at iwan ang iba sa pagdurusa.
Kasarinlan man o kalayaan, mawawala lang din ang tunay na kahulugan nito kung hahayaan nating maging alipin tayo muli ng sinuman, maski ng sarili nating kababayan. Ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay isang paalala sa paghihirap ng mga Pilipino noon upang maitaas ang sariling bandera ng Pilipinas. Huwag natin itong sayangin, bagkus ay pangatawanan natin sa pamamagitan ng paggamit ng kalayaang ito upang gumawa ng mapanagutang pasiya para sa ikabubuti ng lipunan gaya ng tamang pagboto at pagpapahayag ng tinig laban sa katiwalian. Sa huli, nasa kamay pa rin natin ang kapangyarihan upang mapanatili at mapagyabong ang laya na mayroon tayo patungo sa pagpapalaganap ng tunay na pagbabago para sa mga susunod pang henerasyon.
May pag-asa pa ang Pilipinas. Tayo ay may kasarinlan, tayo ay malaya. Atin itong protektahan at ipaglaban hindi lamang laban sa mga dayuhan, kundi maging sa mga mapaniil nating kababayan. Sapagkat kung tayo mismo ang magpapabaya sa kalayaang tinatamasa natin ngayon, sino pa ang maninindigan upang ipaglaban ito para sa atin?
--
Illustration by: Rexter Jassen Blas
Layout by: Rose Ann Francisco
10/06/2026
๐ ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป!โ๏ธ๐ค
โAng bawat letra na kanilang ginamit ang siyang naglikha sa kani-kanilang simboloโsimbolo ng integridad, katapatan, at pananagutan. Hindi lamang isang simpleng papel ang kanilang pinunan, bagkus isang kabanata ng paghahayag sa katotohanan. Sapagkat, dumadaloy sa kanilang mga pluma ang determinasyon upang makapagpahayag.
โ
โKaalinsabay sa pagiging estudyante, sila rin ay gumampan bilang kampus mamamahayag na siyang kasama sa patuloy na pagtataguyod sa opisyal na publikasyon ng Bulacan State University (BulSU) Bustos Campus, ang The Forerunner, sa pamamagitan ng kanilang kahusayan at dedikasyon sa pamamahayag.
โ
โNgayong tapos na ang kanilang laban kasama ang publikasyon, hindi pa rin rito natatapos ang kanilang pagtatanggol sa katotohanan. Magpapaalam man sa huling kabanata ng kanilang libro sa kolehiyo, ngunit pagbubukas naman ito ng panibagong blangkong papel na kanilang pupunuin sa kanilang susunod na kwento.
โ
โMainit na pagbati para sa mga naging pundasyon ng publikasyon!
--
Caption by: Kristal Sta. Maria
Layout by: Juliane Maglanque
07/06/2026
๐ก๐๐ช๐ฆ | ๐ฐ ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐ ๐ป๐ด ๐๐๐น๐ฆ๐จ, ๐๐๐ถ๐น๐๐ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐๐ถ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐๐ฏ๐น๐ถ๐ฐ ๐๐ผ๐ฐ๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ธ๐ฎ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ผ๐ป
โ
โMatapos ang serye ng mga imbestigasyon, hinatulang 'guilty' ang apat na dating opisyal ng Student Government (SG) ng Bulacan State University (BulSU) na sina Senador Alyssa Joy Velez, Alvin Sagabean, Jay Chris Estrella at SG President at outgoing Student Regent (SR) Roshan Reyes sa salang "Falsification or forging of Academic Records and official documents and the use thereof" sa ilalim ng Rule IV(B)(14) ng Enhanced BulSU Guidelines, pawang sila sangkot sa budget insertion sa aktibidad na "SULONG".
โ
โBunga nito, hahatulan ng tatlong buwan na suspensyon ang mga sangkot na opisyal batay sa inilabas na Board of Student Discipline Decision No. 1, Series of 2026. Alinsunod dito, iniatas ang pag-aalis sa listahan ng mga magsisipagtapos sina Velez, Sagabean, at Estrella dahil hindi na maipapataw ang ordinaryong suspensyon sapagkat naghihintay na lamang sana ng araw ng pagmartsa ngayong Hunyo. Sa kabilang banda, magsisimula pa lamang ang suspensyon kay Reyes sa oras na siya ay muling mag-enroll sa pamantasan.
โ
โKabilang din sa mga parusang ipapataw sa mga opisyal ay ang 36-hour Transformational Experience, Parents/Guardians Dialogue with Dean, Guidance Intervention Program, at forefeiture of academic leadership, cultural, and academic awards and distinctions.
โ
โMatatandaan na sa kanilang huling General Assembly, pumutok ang balita sa insertion na ginawa sa budget ng naturang programa kung saan pinalitan nang lingid sa kaalaman ng mga personalidad na nakapirma sa dokumento ang unang pahina ng liquidation report nito upang maisama ang mga gastusing hindi naman kabilang sa aprubadong badyet.
โ
โSamantala, maaari lamang muling maisama sa pagtatapos ang tatlong dating SG Senators matapos ang nabanggit na panahon mula sa araw ng pagkapinal ng desisyong ito at maipataw ang lahat ng kaukulang parusa. | via Gio Justin De Guzman, THE FORERUNNER
--
05/06/2026
๐ข๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐๐ป๐ป๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐๐ถ๐ธ๐๐น๐ผ ๐ธ๐ฎ๐๐ด๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ ๐ป๐ถ ๐. ๐๐ฒ๐ป ๐ฅ๐ผ๐ฏ๐ถ๐ป ๐ง๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐น ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ด๐น๐ถ๐๐ต ๐บ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ
Bilang opisyal na publikasyong pang-mag-aaral, tungkulin namin na maghatid ng makatotohanan, balanse, at mapagkakatiwalaang impormasyon sa aming mga mambabasa, lalo na kung ito ay pumapatungkol sa danas ng mga estudyante. Kaakibat nito ang responsibilidad ng mga mamamahayag na siyasatin, unawain, at maipakita nang patas ang iba't ibang pananaw ng magkabilang panig na sangkot sa isang isyu o pangyayari.
Kaugnay nito, naglathala ang The Forerunner noong Hunyo 4 sa opisyal nitong page ng isang artikulo hinggil sa isyung kinasasangkutan ni G. Ken Robin Torres, isang instruktor ng BulSU-Bustos Campus, at ng ilang mag-aaral ng programang Bachelor of Secondary Education major in English sa nasabing pamantasan.
Bago mailathala ang balita, nagsagawa ang The Forerunner ng mga kinakailangang hakbang upang makuha ang mga pahayag ng bawat panig na sangkot sa isyu. Gayunpaman, sa kabila ng mga isinagawang pagsusuri sa mga dokumento at pahintulot na kaugnay ng publikasyon, nagkaroon ng hindi sinasadyang paglabag sa isa sa mga umiiral na patakaran bunga ng kakulangan sa masusing beripikasyon at pangangasiwa ng Editorial Board. Dahil dito, buong pananagutang inaako ng Editorial Board ang pagkukulang na nagresulta sa paglabag sa itinakdang patakaran kaugnay ng paggamit ng mga personal na larawan ni G. Ken Robin Torres. Sa aming pagkukulang sa masusing pagrepaso sa mga kaugnay na dokumento, nailathala ang mga larawan ng g**o nang walang malinaw na pahintulot para sa paggamit ng mga ito.
Matapos muling suriin ang nilalaman ng Letter of Consent na nilagdaan ni G. Torres, napag-alamang ang ibinigay na pahintulot ay para lamang sa paglalathala ng kanyang pangalan at mga pahayag kaugnay ng isyu, at hindi para sa paggamit ng kanyang mga personal na larawan. Dahil dito, naghain si G. Torres ng withdrawal of consent nitong umaga ng Hunyo 5. Agad naman itong kinilala at inaksyunan ng Editorial Board sa pamamagitan ng pag-aalis ng nasabing artikulo mula sa aming opisyal na page.
Bagama't inaako ng publikasyon ang naturang pagkukulang, hindi rin maikakaila na ang pagpapatanggal sa isang nailathalang artikulo ay nagbubukas ng usapin hinggil sa sensura at sa mga limitasyong maaaring humadlang sa malayang pamamahayag. Kapag ang mga balitang pumapatungkol sa pampublikong interes ay nawawala sa pampublikong espasyo, nalilimitahan din ang pagkakataon ng komunidad na maunawaan at masuri ang mga mahahalagang pangyayaring kaugnay nito. Dahil dito, patuloy na binibigyang-diin ng The Forerunner ang kahalagahan ng balanseng pagprotekta sa karapatan sa pribasiya at sa karapatan ng publiko na malaman ang impormasyon na nakaaapekto sa danas at kapakanan ng mga mag-aaral sa kampus.
Nais iparating ng The Forerunner na mas paiigtingin nito ang pagiging masusi sa pagsusuri ng anumang uri ng dokumento. Gayunpaman, hindi dito nagtatapos ang aming tungkulin sa paglilingkod sa mga mag-aaral at sa komunidad na aming kinakatawan. Hindi natitinag ang aming paninindigan ukol sa mga detalye na nakasaad sa naunang artikulo na nailabas sa kabila ng naging pagkukulang ukol sa kawalan ng malinaw na pahintulot sa paggamit ng personal na larawan ng instruktor na sangkot.
--
05/06/2026
| ๐ข๐๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ผ!๐
Illustration by Rexter Jassen Blas
Layout by Rose Ann Francisco
โ
22/05/2026
โ๐๐ข๐ข๐ | ๐๐๐น๐ฆ๐จ ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐โ ๐๐ฟ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐
๐ฐ๐ฒ๐น๐น๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ฒ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
โ
โWith grit etched behind every accolade, the BulSUans from Bulacan State University (BulSU) Bustos Campus marched across the stage to receive their medals and certificates during the celebration of the Gawad Gintong Granahe (GGA) 2026 held yesterday, May 21, at the Valencia Hall of the BulSU Malolos Campus.
โ
โCarrying the theme, "Kabanilya: Pagdiriwang ng Talino, Giting, at Ningning," the event marked the importance of knowledge, perseverance, and resilience as treasures that students continue to nurture throughout their academic journey. Inspired by the word โkabanilya,โ described as a chest that keeps valuable possessions, the celebration symbolized the aspirations, experiences, and lessons carried by every learner toward a brighter future.
โ
โDuring her opening message, Dr. Maricel Sierto, dean of BulSU Bustos Campus, reminded students that behind every recognition lies a story of countless struggles often unseen, concealed beneath the enduring strength of perseverance.
โ
โ"Sa likod ng bawat tagumpay ay may mga sakripisyong hindi nakikita ngunit kailanman ay hindi nasayang," Dr. Sierto stated.
โ
โShe also emphasized the real essence of success. "Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang makikita sa parangal, kundi sa pagkataong hinuhubog ng bawat pagsubok," encouraging learners to pursue their dreams with humility and stressing that true success is measured not only by awards, but by the character and purpose they cultivate along the way.
โ
โThe heart of the ceremony centers on how important education is and how the youth stands for a sole purpose not just inside the classrooms but also outside the community. "Ang kabataan ang tunay na puhunan ng bayan, mga kabataang may pangarap at pagmamahal sa bayan," remarked by Dr. Joseph V. Bartolome, Bachelor in Elementary Education (BEEd) program chair.
โThroughout the celebration, students were recognized for their academic excellence, leadership, and contributions beyond the classroom, reflecting the BulSUansโ pursuit of becoming catalysts for change within the community. | via Mark Andrei Rivera ๐ท Samantha Gedraga, Juliane Maglanque, and Kyla Fernando, THE FORERUNNER
15/05/2026
๐๐ข๐ข๐ | ๐ง๐ต๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐๐ป๐ป๐ฒ๐ฟ ๐ฐ๐น๐ถ๐ป๐ฐ๐ต๐ฒ๐ ๐ง๐ผ๐ฝ ๐ฏ ๐ณ๐ถ๐ป๐ถ๐๐ต ๐ถ๐ป ๐ด๐๐ต ๐๐๐ฃ
From fifth to third overall, The Forerunner (TFR), the official student publication of Bulacan State University (BulSU) - Bustos Campus, emerged as the overall Top 3 Best Performing Student Publication among 18 competing publications during the 8th Gawad Galing Plaridel (GGP) awarding ceremony held yesterday, May 13, at the BulSU Malolos Amphitheater.
Held under the theme, "Defying Suppression: Campus Journalism as Fourth Estate in the Face of Distortion and Censorship," TFR rose to the Top 3 placement after emerging in both group and individual categories, marking another milestone following its return to the Top 5 Overall Best Performing Student Publications during the 6th Gawad Galing Plaridel 2024.
TFR's awards include the following:
๐๐ป๐ฑ๐ถ๐๐ถ๐ฑ๐๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ด๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐
Feature Writing (English)
5th place - Kristen Paula Burcio
Pagsulat ng Lathalain (Filipino)
3rd place - Kristal Sta. Maria
Literary Writing (English)
4th place - Anika France Bisco
Pagsulat ng Balita (Filipino)
6th place - Samantha Edlyn Gedgara
Pagsulat ng Opinyon (Filipino)
2nd place - Samantha Edlyn Gedraga
Larawang Pampahayagan (Filipino)
4th place - Mark Albert Mendoza
Infographics
4th place - Juliane Maglanque
Traditional Literary Graphics Illustration (English)
4th place - Lady Anne Masangcay
Digital Comics Strip Drawing (English)
1st place - Lady Anne Masangcay
Digital Editorial Cartooning (Filipino)
1st place - John Louie Valmadrid
Traditional Editorial Cartooning (Filipino)
2nd place - Rexter Jassen Blas
Highest Individual Pointer
4th place - Lady Anne Masangcay
Overall Highest Pointer in Individual Categories
8th place - The Forerunner Student Publication
๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฑ๐
TV Broadcast Production: Ulat on Track
โข 3rd Best News Story
โข 3rd Best News Ancho/s: Ma. Kyla Fernando and Mark Andrei Rivera
โข 3rd Best Technical Director: Earl Louise Villaseรฑor
โข 3rd Best Script
โข 3rd Best Overall TV Broadcast
Mobile Journalism (MoJo)
โข 3rd Best Mobile Journalism
โข 3rd Best Host: Ma. Kyla Fernando
๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐๐ฎ๐๐ฒ๐ด๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฒ๐
1.) Newsletter: Kronos
โข 3rd Best Feature/Literary Page
โข 6th Best Opinion/Editorial page
โข 4th Best Sports Page
โข 4th Best Page Design
โข 8th Overall Best Newsletter
2.) Magazine: Balintataw
โข 5th Best News Page
โข 4th Best Opinion/Editorial Page
โข 3rd Best Feature/Literary Page
โข 3rd Best DevCom Page
โข 3rd Best Sports Page
โข 2nd Best Page Design
โข 3rd Overall Best Magazine
3.) Literary Folio: Panata
โข 5th Best Literary Content
โข 5th Best Literary Concept
โข 2nd Best Visual Arts
โข 2nd Best Page Design
โข 3rd Overall Best Literary Folio
Best Performing Publication
3rd place - The Forerunner Student Publication
Meanwhile, the individual competitions for both writing and non-writing categories were held on May 7 and 8, while entries for the group categories had been submitted earlier on dates designated by the contest organizer, the Plaridel Guild (PG). | via Anika France Bisco Ivan Manalad, Rexter Jassen Blas, and Earl Louise Villaseรฑor, THE FORERUNNER
07/05/2026
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bustos