Ruan Writes

Ruan Writes

Share

Manunula(t)

WP: @Kimsoonnyang (Ruan Auguste)

29/11/2024

Youtiful (You're Beautiful)

“You are beautiful in your own way”

Maganda ka in your own way
so never doubt your self
Sapat ka so don't tell to your
self that your not enough
Kamahal-mahal ka so don't
let your self feel that you are loveless
Hindi ka nag-iisa so don't let
loneliness eat you
You have a kind heart, amazing
talents and perfect smile so
don't let anyone take that to you cause
you are beautiful in your own way

RUAN AUGUSTE

25/08/2024

LOVE YOU, FORBIDDEN

“Kung kailan mahal ko 'na saka ko pa nalamang hindi kami pwede.”

----

Angela POV

Kung kailan patapos na ang school year at graduating saka pa ako nagkaroon ng crush. Kainis talaga.

Si Cephas ang aking crush na mahal ko na ata. Alam niyo 'yung kahit pala gaano pa kataas ang standard mo basta napagtripan ka ni kupido e bigla mo nalang malilimutan ang standard mo.

TVL-ICT student si Cephas same kaming graduating na. Alam niyo iyon? Isang buwan nalang matatapos na ang school year at ga-graduate na kami saka ko pa siya naging crush.

Well matagal ko naman nang napapansin si Cephas dati pero nito lang ng dahil sa nagkasabay kaming bumili sa Canteen ng tubig at minsang nakatitigan kami sa harap ng faculty habang may hawak siya na mga notebook ay bigla nalang bumagal ang mundo ng makita ko siya.

Totoo pala iyon nah? Parang ang cringe pero totoong nangyari sakin ang ganoong bagay.

Mula ng magtitigan kami sa harap ng faculty ay hindi na siya nawala sa isip ko doon na ako nag imagine ng mga sweet scenario namin ehehehe.

Tipong kapag naging mag-jowa na kami ay gusto ko lagi kaming magka holding hands tapos gusto ko may good-bye kiss palagi. Kapag nagtatampo ako ay susuyuin niya ko tapos sasabihin niya na "Sorry na baby, Diko na uulitin nagbibiro lang naman e. I love you."

Shucks! Ang sweet naman!

Ilan kaya gusto niyang anak namin? Saan kaya kami titira? Teka kailan kaya siya mag propose sakin?

Ang sweet siguro namin kapag kami na ehehehe.

Well gaya ng palaging nangyayari ay hindi niya ko mapansin-pansin. Halos tambay na ako sa harap ng room nila wala rin parin.

Isa sa napapansin ko kay Cephas ay masyadong mahinhin, palatawa namin siya pero moderate alam niyo iyon? Parang lahat ata ng bahay ay limitado Basta parang ang tino-tino niya.

Gusto ko 'yung mga ganito e matino kunwari pero wild.

In-Add ko na siya sa Facebook pero tatlong araw na ay hindi niya parin ako in-accept kapag talaga inabot pa ito ng isang linggo ay uncrush na sakin itong si Cephas pero sempre joke lang iyon.

Palapit na ng palapit iyong graduation namin pero mukhang hangin parin ako sa kaniya...

Alam na niyang crush ko siya dahil sinabi ng friend ko pero wala parin ewan ko ba siguro ay hindi niya lang talaga ako ang type niya o baka hindi siya nag syo-syota.

Pero mali ako! Kaya pala hindi niya ako napapansin ay hindi dahil sa hindi niya ako tipo o dahil hindi siya nag syo-syota kundi dahil ay meron na pala siyang commitment.

Commitment sa Diyos.

Isa pala siyang Sakristan na nakatakda nang maging pari.

Nagulat talaga ko ng malaman ko iyon lahat ng mga delulunes ko ay parang bigla nalang nawasak.

Sino ba naman ako para makipag kompetensya sa impisa palang ay pinili na niya. Sino ba ako? Isa lang naman akong makasalanang tao.

Kahit na malungkot ako at sinusukang mag move on ay crush ko parin siya. Napapangiti parin ako kapag nakikita siya.

Graduation came at binalak kong umamin na mismo sa kaniya kahit na alam ko na wala namang patutunguhan lahat.

Naisip ko nalang na it's now or never kahit na hindi kami pwede atlis ni minsan sa buhay ko ay naging matapang ako. Na umamin ako sa crush kong mag pa-pari.

After program ay doon ko balak umamin pero sa kasamaang palad ay hindi ako binigyan ng pagkakataon. Siguro plano narin ito ng kalangitan. Ayaw siguro talaga ng langit sa plano ko kaya kahit na ganoon ay hindi niya ako binigyan ng tiyansa.

Pero kahit na ganoon ang nangyari ay magiging baon ko parin ang experience na ito na minsan sa buhay ko ay nagmahal ako ng alagad ng Diyos.

(8 years later)

I already graduated. BS Civil engineering ang tinapos ko. Sa awa ng langit ay nakapasa agad ako ng board sa unang subok lang. Everything is fine may sarili na akong bahay at may ipon sa bangko pero kahit na ganoon ay may isa pa akong problema.

Pano ba naman kase amo't-sari ang tanong na "Kailan ka mag-aasawa?" Kahit ako ay hindi ko alam. Sa nakalipas naman na walong taon ay may naka date naman ako pero wala akong naging boyfriend siguro dahil ay hindi ko lang mga tipo.

Pero napagisip-isip ko ay tama sila Mama. Tumatanda na ako kaya kailan ko nang maghanap ng makakapareha ko pero saan ko hahanapin?

Kaya naman ay pumunta ko sa simbahan para magdasal. Ipagdarasal ko na sana ay bigyan na niya ako ng boyfriend iyong matangkad, Pogi at mabango.

Maraming bakanteng upuan sa simbahan mayroon ding ilan-ilang tao na nagdarasal. Naupo ako sa gilid at doon taim-tim na nagdasal.

Nagpasalamat ako sa kaniya at sa lahat ng blessing niya sakin at humiling ako na sana bigyan na niya ako ng boyfriend dahil handa na ako.

Sinabi ko rin na sana ngayon ding araw 'yung parang sa mga pelikula at libro? 'Yung tipong kapag labas ng ko ng simbahan ay madadapa ako pero may sasalo sakin tapos magpapalitan kami ng number at magiging friend kami sa Facebook hanggang sa ligawan niya ako at sagutin ko siya and then happy ending.

Matapos kong magdasal ay patayo na sana ako ng may natanaw akong isang bulto. Na surprise ako ng makita ko siya... ulit. Si Cephas...

Makalipas ang walong taon ay muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Napangiti ako ng makita ko siya.

Siguro ay natupad niya narin ang pangarap niya at alam ko na masaya siya sa pinili niya.

He's wearing white.... Simple white shirt at pantalon. Maaliwalas ang mukha niya mukhang masaya at kontento sa buhay.

Nang mapansin niya ako ay kumunot ang noo niya mukha pang hindi ako nakilala well mas maganda na kase ako ngayon.

Kalaunan ay napangiti rin ito ng makilala ko. Nagkamustahan kami. Tinatong niya ko kung anong ginagawa ko sa simbahan at sinagot ko naman siya na nagdasal ako ng marinig niya iyon ay tinawanan niya ko. Alam niya kase na atheist ako noon.

Tinanong korin siya kung anong ginagawa niya sabihin. Hindi naman siya pari para palaging nandirito. Sinagot niya ko na.

"Nagpa-schedule lang ng date for christening."

Napangiti ako sa sinabi niya at inalala ang nangyari 8 years ago.

(Flashback)

Lalapitan ko na sana si Cephas ng mapatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kaklase kong si Jennifer na lumapit dito.

Abala ang mga tao sa loob ng gym kung saan ginanap ang graduation at tahimik ang lugar kung nasaan si Cephas at Jennifer.

Nagtago ako sa isang puno para marinig ang pagusapan nila. Curiosity is killing me right now. Kahit mali ang makinig sa usapan ng iba ay parang hindi ko kayang maiwasan ngayon.

"I love you, Jennifer."

Nang marinig ko iyon ay ramdam kong nawasak ako.

"Hindi na ko tutuloy ang pagpa-pari mas pinipili kita."

Everyone of us deserve to love and loved kaya alam ko na kung ano man ang pinili ni Cephas ay maintindihan siya ng Diyos.

(End of Flashback)

Nagkatuluyan pala talaga sila ni Jennifer at ngayon ay magpapabinyag pa sila sa pangalawa nilang anak.

Tinanaw ko nalang sila ni Jennifer habang palabas sila ng simbahan. Masaya ko para sa kanila masaya din palang maging masaya sa iba.

Umpisa palang ay ako lang naman ang umasa sa lahat. Umasa na sana isang araw ay mapansin niya ako na isang araw ay matupad lahat ng mga nai-imagine ko lang pero kahit na hindi na matutupad ang mga iyon ay masaya parin ako na naging parte siya ng buhay ko.

I loved him, even it's forbidden...

Write: 5/29/2024

Ruan Auguste

Photos from Ruan Writes's post 27/01/2024

You can read BEHIND OUR STORY in Wattpad in this link 👇

https://www.wattpad.com/story/345307812?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_reading

31/07/2023

PAALAM

Siya ang umpisa, ang kalangitnaan
pero hindi na naging wakas
Unang pag-ibig kaya ibinigay ang wagas

Libo-libo ang tanong kaya hindi na
umasa ng sagot
Bakit, saan ako nagkulang?
tanong na puno ng lungkot

Iniwan mo akong walang paalam
Tapos biglang bumalik at nagparamdam

Anong tingin mo sakin? laruan na
pwede mong balikan?
Salamat nalang hindi na kita kailangan

Ako'y masaya't natuto na kaya sayo
ay hindi na muling babalik pa.

Salamat, paalam isa kang malaking aral,
na minsan ay wagas akong nagmahal

Written by RUAN AUGUSTE

30/07/2023

YOU LIKE A RAIN


Look at the sky
Do you see the sun is bright in?
No, there's no sun
because the rain is pouring

The sky is very dark
just like what I'm feeling
My heart is sad asking what happening

I'm fee so alone need someone to talk by
Let's know each other hoping you and
me in end not good bye

I thought it's happy ending but you
leave me hanging
You like a rain not permanent because
you will leave after pouring

Just like a rain in the sky my heart
is not in dark now
So bright like a sun hoping the feeling
and weather will be same until tomorrow

Written by RUAN AUGUSTE

15/07/2023

PAHINGA

Sa mundong nakakapagod siya
ang aking naging lakas.
Hiling ko na sana sa dulo kami ang wakas.
Palagi kong pangako ako'y magpapalakas.
Upang di 'na siya umiyak pero sa
tadhana ako'y malas.

Pangako ako'y lalaban kaya natin
'to panghawakan.
Sakit lang 'to pero tayo ay nagmamahalan.
Ayokong bumitaw, ayoko pang lumiban.
Kaya ko 'to iyong paniwalaan.

Ako'y napapagod na. Mahal,
maari na ba akong magpahinga?
Patawad sa mga pangako na
hindi ko 'na matutupad pa.
Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga.
Dadalhin ko sa kabilang buhay
ang saya ng iyong alaala.

Written by RUAN AUGUSTE

Photo not mine Ctto.

13/07/2023

Uwu, I'm back! I'll post and update again. 😊

08/07/2023

Hiatus.

19/06/2023

I badly need some friends.

19/06/2023

UNWANTED DAUGHTER (Part 2)

"P-pansensya na kayo Mr. Cervantes itong kaseng babaeng 'to–"

"What about my wife?" Masungit ang boses ni Zayn. Nagkatinginan ang mag Ama.

"Let go of her Mr Lim."

"Hu?"

"You heard me." Binitawan ako ni Mr Lim.

Naramdaman kong pumulupot sa bewang ko ang braso ni Zayn at mas lalo akong nilapit sa kaniya.

"Wife? Zayn? Asawa mo yan si Janica?"

Takang-taka ang mata ni Cindy.

"Do I know you?"

"Nagkita tayo sa US remember sa isang Par–"

"Wala akong maalala."

Bumaling siya sakin bago ako sinuri ng makita niya ang namumula kong braso ay napaitim bagang siya.

"Oras na makita ko ulit ang ginawa mo sa asawa ko hindi lang kompaniya niyo ang magiging kabayaran 'nun." Makahulugan na sabi niya.

"T-teka lang naman Mr. Cervantes–"

"Nalulugi na kayo diba?" Tumaas ang tingin ko kay Zayn.

"Pwede naman sigurong I set aside natin ang personal na bagay sa trabaho diba?"

"Well I don't."

"Actually we here para pakiusap na bigyan pa kami ng palugit sa pagbabayad ng utang namin sa kompaniya."

Bumaling si Zayn sakin. "What do you think, babe?"

"Huh?" Taka akong tumingin kay Zayn.

"What do you want me to do about them?"

Hindi ako nakasagot. I don't know what to say.

"Hayaan mo sila." Humawak ako sa kamay ni Zayn saka siya hinila.

Paalis na sana kame kaso natigil kami ng hawakan ni Cindy ang braso ni Zayn.

"Please Zayn? Nakikiusap kami." Nakikiusap na sabi nito.

"Janica, please? We still sibling after all. We're family."

Parang nagpanting ang tenga ko. Family?

"We're not family, Kaya 'wag mong sabihin pamilya tayo dahil hindi!"

"Hayaan mo 'na Cindy, ganyan talaga ang tao kapag nakakaangat sa buhay hindi na alam ang utang na loob."

Mas lalo akong nagalit ng marinig ko 'yun mula kay Lim.

"Utang na loob?! Wala akong utak na loob sa inyo! Alam niyo 'yan! Ni piso hindi ako nakatikim sayo! Alam mo kung ilang beses kong sinabi sayo na kunin mo 'ko doon sa ampunan dahil inaaway nila ko kung ano-anong sinasabi nila sakin. Pero wala kang ginawa nagalit ka pa sakin! 'Yang nangyayaring 'yan sa inyo Karma niyo 'yan! Maybe Zayn is right hindi lang kompaniya niyo ang kukunin namin I want you all to pay for causing me a damage."

Mabilis akong naglakad palabas sa lugar na 'yun mabilis namang sumunod si Zayn sakin.

"Clam down, Janica. Dahan-dahan sa paglalakad baka madapa ka."

"Sila ba 'yung sinasabi 'mong special guest?" Huminto ako at hinarap siya.

"Hindi nakakatuwa, Zayn." Seryosong sabi ko.

"What? Of course not! Hindi ko nga alam na pumunta sila e hindi naman sila invited. Hindi sila 'yung special guest na sinasabi ko may dadating kase na singer 'yung idol mo."

"Si Natalya?"

"Oo." Kumamot siya sa ulo.

"Balik tayo basta paalisin mo sila."

"Sure." Umakbay siya sakin bago kami sabay na bumalik sa loob.

Mabuti ng makabalik kami ay wala na ang dalawa kasabay naman 'nun ang pagdating ng paborito kong singer na si Natalya. Ang ganda niya sa personal.

Days fast ang balita ko tuluyang nalugi ang kompaniya ni Mr Lim, hindi naman ako ganoon kasama kaya binigyan namin sila ng tatlong taon palugit para makabayad sa bangko ng asawa ko.

Kahit ganoon ang ginawa nila sakin ay naawa parin ako sa kanila kahit na ni isang beses ay hindi sila nagkaroon ng pake sakin.

"What do you want to eat later, babe?" Tanong ni Zayn.

Nasa grocery store kami hawak ko ang kamay ni Zion. Kanina ko pa nga pinipigilan ang bata na kumuha ng mga candy.

"Sinigang." Sagot ko kaya bumusangot ang mukha niya.

"Sinigang, Again?" Ngumuso pa siya saka lumapit sakin at akmang hahalik ng pigilan ko siya dahil magiging PDA kami. Landi niya talaga.

Hinaplos niya nalang ang limang buwan ko nang tiyan kaya napangiti ako. Ang sarap pala sa pakiramdam 'yung may buong pamilya.

"J-Janica?" Nabaling kami ni Zayn sa isang babae.

Tanda ko ng huli ko siyang nakita ay hindi pa siya ganito. Puno siya ng alahas, makinis ang balat at mukhang angat sa buhay hindi gaya ng babaeng nasa harap ko ngayon payat at luma ang suot na damit.

Siya ang babaeng nagsilang sakin. . .

"Ikaw ba 'yan Janica?" Tanong niya.

"May kailangan ho ba kayo? Mrs Castillo?"

"A-Ano wala." Ngumiti siya. Mapait na ngumiti. Bumaling ang tingin niya kay Zion at kay Zayn dumulas din ang tingin niya sa tiyan ko.

Look at me know, ito 'yung iniwan mo!

Kahit saan ko tignan hindi ko maisip kung paano niya ako nagawang iwanan. Hindi ko nga lang makita si Zion ng isang araw ay parang mamatay ako sa pag-aalala.

"Asawa mo?"

"Oho."

"Mabait sayo?"

"Opo."

"Anak niyo 'yan bata?"

Tumango ako.

"Gusto ko lang kitang kamustahin."

"Huli na po 'yung pangangamusta niyo."

Tumango-tango siya at ngumiti sakin.

"Masaya akong masaya ka." Mahinang sabi niya. Bigla tuloy parang may bumara sa lalamunan ko.

"Mauuna na po, kami." Hinila ko na sila Zayn para makaalis na doon dahil parang hindi siya kayang makita sa ganoong kalagayan.

Karma ba 'yung nangyayari sa kaniya o nakatakdang mangyari na sa kanila iyon? That's bad. Hindi dapat ganoon ang nangyari sa kanila dapat pinatunayan nila sakin na karapat-dapat akong iwanan dahil mas umasenso sila.

Pero kabaliktaran ang nangyari. Naghihirap sila habang ako maganda ang buhay ko at masaya. I deserve this sa lahat ng pasakit na daramdaman ko.

"Mahal kita, always remember that. Ikaw ang pinakamagandang natanggap ko sa buhay. I still can't believe na nabusan lang kita ng juice noon, Asawa na kita at Ina ng mga anak ko ngayon. I love you Janica. Palaging ikaw at ikaw lang ang paulit-ulit kong pipiliin. Hindi ako magsasawa."

"Thank you for saving me."

Life is not always full of rainbow sometimes life is like a rain ft. Thunder and lighting.

Pero diba may kasabihan 'There's a rainbow after the rain. kaya huwag tayong mapagod maghintay matapos ang pagulan dahil lahat ng ulam ay may takapusan.

I'm unwanted Child, never akong pinili. Kaya 'nung bumuhos ang ulam nabasa ako dahil wala akong masilungan, pero may isang taong dumating hindi niya ko hinayaang magisang mabasa kundi sinamahan niya ko.

May isang hindi ako hahayaang mabasa pa ng ulan masama 'man nanatili siyang nasa tabi ko at hindi ako iiwan.

"Til death to us part." Bulong niya bago ako mahigpit na niyakap.

Written by RUAN AUGUSTE

19/06/2023

UNWANTED DAUGHTER (Part 1)

"Hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral."

"Hindi ka aasenso sa buhay."

"Wala kang mararating."

Ilang lang 'yan sa paulit-ulit kong naririnig sa paligid ko.

"Kaya ganyan ka kase walang magulang na sumusubaybay sayo."

Kapag naririnig ko 'yun sinabi ko nalang sa sarili ko na 'Kalma self hindi totoo ang sinabi nila, patunayan mo na kaya mong ikaw lang.'

Pero kahit ganoon hindi ko maiwasang magtanim ng galit sa magulang ko, bakit pa kase nila ako binuo kung hindi pala nila ko kayang buhayin?

Kung sana may time machine ay pupunta talaga ko sa time na may mangyayari sa mga magulang ko at pipigilan ko silang gumawa ng kababalaghan.

Hindi ko kailangan danasin ang mga ganitong paghihirap kung inaalagaan lang nila ko.

Kahit pilit kong sabihin sa sarili ko 'na kaya kong mag-isa sempre naghahanap parin ako ng mga dadamay sakin 'yung mag-aaruga sakin.

Iniwan nila ko sa ampunan dahil ayaw nila ng responsibilidad. May kaniya-kaniya na silang pamilya. Masaya sila habang ako nagdurusa.

"Ni isang beses ba nagsisi kang iniwan mo 'ko?"

Walang emosyon ang mata niya.

"Napag-usapan na natin 'to Janica."

"Kahit saan ko pong tignan hindi ko maintindihan, pwede niyo kong dalin sa bahay niyo kung ayaw sakin ng Ina ko."

"Pero hindi ka gusto ng asawa ko–"

"Pero Papa–"

"Don't call like that." Pigil niya sa sasabihin ko.

Napayuko ako kahit sa pagtawag 'nun ayaw niya.

"Pasensya na po Mr. Lim."

"Nakipag kita ako dahil mag ma-migrate na kami ng pamilya ko sa Canada. I'll never contact you kapag nandoon na kami just live a happy life here."

Sabi niya na parang simple lang na gawain 'yun. Buhay ko palagi ko nang dala ang sama ng loob na 'to.

Akala ko sanay na 'ko, pero hindi parin pala. Masakit parin.

"And don't you dare to call Anna." Tukoy niya sa Ina ko. Tumango lang ako.

Tumayo na siya sa inuupuan niyang bangko. Nandito kami ngayon sa restaurant. Ni hindi niya 'man lang ako kinamusta o inalok 'man lang ng maiinom kahit bilang isang tao nalang at hindi bilang anak niya.

Pinaghandaan ko pa naman 'to. Unang sahod ko kaya bumili ako ng dress para sa pagkikita namin. Nag handa ako, pero wala nasayang lang.

Mapait akong napangiti. 'Okay lang 'yan Janica, wala ka kaseng kwenta 'yan tuloy iniwan ka.' Pigil ko ang luha ng tumayo ako sa upuan.

Nakayuko ako naglalakad kaya hindi ko napansin na may naglalakad para sa harapan ko kaya nabunggo ko siya at sa kasamaang palad ay natapon sakin ang juice ng dala ng nakabungguan ko.

"Pasensya na po. . ."

Parang may kung anong nakaharang sa lalamunan ko sa sobrang pagpipigil ng luha.

"No! It's okay. Ahm sorry!" Tarantang sabi ng lalaki.

Sinuri niya ang katawan ko at ng bumaba ang tingin niya dibdib ko na bumakat doon ang itim ko na bra kaya napaiwas siya ng tingin.

Hinubad niya ang kaniyang black coat at ipinasuot sakin. Nagkatitigan kami dahil doon. Maamo ang kaniyang mukha, maganda ang kaniyang brown na mata, matangos naman ang ilong niya na parang inukit ng isang magaling na pintor.

Iyon ang una naming pagkikita ni Zayn Cervantes ang gwapo at mapagmahal kong asawa. Yes, naging asawa ko siya sino ang mag-aakala na 'yung lalaking nakabungo ko lang noon ay asawa ko'na?

Sobra niya akong mahal hindi niya ipinaramdam sakin na wala akong kwenta o hindi ka mahal-mahal.

Mabait sakin ang buong pamilya niya kahit na mayaman sila ay hindi nila pinakita na mababa ako. Mahal nila ko doon ko naranasan ang pamilya na never kong naramdaman.

"Ako na ang bahala kay Zion, Magpahinga ka. I know pagod kana sa work pagod kapa sa bahay."

Tukoy niya sa anak namin. Masyado kaseng makulit ang batang iyon.

"I love you, babe." Lumapit siya sakin at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Mas mahal kita, Janica. You make my life complete." Bago pa lumapat ang labi niya sa labi ko ay may makulit nang bata ang nagpahiwalay samin.

"Mommy up! up!"

Napangiti ako at akmang bubuhatin ko ng pigilan ako ni Zayn.

"Zion, I already told you bawal ka nang magpabuhat kay Mommy dahil baka maipit ang baby Sister mo."

Ngumuso si Zion sa sinabi ng Ama. Two months na akong buntis sa pangalawa namin. Hindi pa naman alam ang gender pero nag assume na agad si Zayn na babae gusto niya daw ng mini Janica.

"Kailangan ko ba talagang kasama doon sa party?"

"Of course because we have a very special guest. Ready kana?"

"Kinakabahan ako hindi naman ako sanay sa party."

Tumayo ako sa kinauupuan ko humarap sa malaking salamin. Nakasuot ako ng isang magandang dress.

Yumakap si Zayn mula sa likod ko habang pareho kaming nakatingin sa repleksyon namin sa salamin.

"Ang ganda mo. . ."

"Alam ko–"

"At mahal na mahal kita."

Ngumiti ako sa kaniya. "Mahal na mahal din kita."

Hinarap niya ko sa kaniya at marahan akong hinalikan sa labi ng dumapo ang kamay niya sa hita ko pataas ay mahina ko siyang tinulak.

"Aalis pa tayo diba?" Natatawa na sabi ko. Tatlong beses niya pa akong hinalikan bago ako hinila palabas sa kwarto.

"Tara alis na tayo, baka saan pa 'to mapunta." Ngumisi siya.

"Gusto ko pa naman makita mo ang special guest natin."

Napailing-iling nalang ako at nagpahila sa kaniya.

"Mr and Mrs De Villa this is my beautiful wife Janica Cervantes." Pakilala sakin ni Zayn sa mga kakilala niya.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid maraming mga magagandang babae. Marami din ang nakatingin kay Zayn. Dati palang naman ay maraming nakakagusto sa kaniya, pero hindi ko akalaing sa akin babagsak.

Ngayon ko masasabi malas ako sa mga magulang, pero swerte ko sa asawa.

Nang makakita ako ng mga pagkain ay bigla akong nagutom kaya nagpaalam muna ko kay Zayn na kukuha ng makakain.

Hindi ko malaman kung ano ang una kong kukunin kaya ng magpasiya akong kumuha ng plato ay may isang taong mabilis akong inunahan.

"Ops, nauna ko." Napaangat ang tingin ko. Hindi ko akalain na makikita ko siya. Si Cindy.

"Oh, Hi my step sister." Nabaling ang tingin ng mga tao samin.

Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?

Pero mas hindi ko inaakala na makikita ko dito ang Ama ko. Kaagad itong lumapit samin ni Cindy.

"Anong ginagawa mo dito? Pumunta ka siguro dito para guluhin kami 'no? Kanino mo nalaman na umuwi kami sa pilipinas? Huwag kang maggulo dito Janica, makikita mo."

Nakatitig lang ako habang tuloy-tuloy sa pagsasalita si Mr. Lim.

"Tanga kaba? O nagbibingi-bingihan? Umalis ka dito!"

Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko kaya doon lang ako nakapag react. "Bitiwan mo 'ko. Aray! Masakit."

Mas lalong humigpit ang kapit niya sakin.

"Ano ba Janica, umalis ka nalang dito. Nakakahiya sa mga bisita di ka bagay dito." Sulsol ni Cindy.

"Guard! Guard! Palabasin niyo ang babaeng 't–"

"What's happening here?" Dumagundong ang boses na 'yun sa buong lugar.

(Part 2) 👇
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=575577828063483&id=100068338128774&mibextid=Nif5oz

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Bocaue
Bulacan