QvantCorp
DMSTMS Facebook Official Page
11/06/2024
Ang Paaralang Pang-alaala kay Dr. Manuel S. Tansinsin ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-126 taong Kalayaan ng Pilipinas na may temang:
"Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan".
11/06/2024
Ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino! ๐ต๐ญ
Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng sambayanan sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas ngayong araw, Hunyo 12.
Sa ilalim ng temang โKalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,โ nawa'y manatili sa ating mga puso at isipan ang kahalagahan ng kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipinong bayani mula sa kasaysayan, para sa mas maunlad at nagkakaisang bansa para sa lahat ng mga Pilipino.
28/05/2024
Rehabilitation of Water System
26/05/2024
๐ก๐ฒ๐๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ถ๐ป๐๐ฒ๐ฑ ๐๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐ฒ๐ป๐ฑ-๐ผ๐ณ-๐๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐
20/05/2024
Monday flag raising ceremony
18/05/2024
MEMORANDUM: ACC-05182024-245
PAGPAPATUPAD NG FACE -TO-FACE LEARNING MODALITY SA LAHAT NG ANTAS NG MGA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN
Ito ay patungkol sa patuloy na pagsubaybay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa kalalagayan ng heat index na nararanasan sa ating lalawigan. Ito ay bumaba na sa 36 hanggang 40 degrees Celsius, subalit nananatili pa rin sa kategoryang "Extreme Caution
Sa pagbaba ng temperatura ng heat index, binibigyan ng pangunahing importansya ng Pamahalaang Panlalawigan ang kalusugan at kaligtasan ng mga Bulakenyo, ngunit mahalaga rin ang pagsasagawa na ng mahahalagang gawain at gampanin ng mga g**o at mag-aaral sa loob mismo ng paaralan.
Dahil dito at ayon sa napagpasyahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), itinatagubilin ang pagpapatupad ng Face-to-Face Learning Modality sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan mula sa ika-20 ng Mayo 2024 hanggang sa maglabas ng panibagong direktiba patungkol sa ipatutupad na learning modality.
Kaugnay ng pagpapatupad nito at sa pagpapatuloy ng mga gawain ng mga paaralan, mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na tiyaking nasusunod ang mga preventive measures upang maiwasan ang pagkakaroon ng suliranin sa kalusugan ng ating mga mag-aaral. Tiyakin din na may sapat na pahinga ang mga mag-aaral at probisyon ng pamatid-uhaw.
Mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Lalawigan o sa PDRRMC kung sakaling may malalaman na nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan. Itinatagubilin ang pagiging alerto at pag-iingat ng bawat isa.
Para sa inyong mahigpit na pagtalima.
ALEXIS C. CASTRO
Nanunumparang Punong Lalawigan
13/05/2024
A heartfelt congratulations to the Newly Elected SELG Officers of Dr.Manuel S. Tansinsin Memorial School for the School Year 2024-2025.
May your term be filled with growth, success and memorable experiences.
11/05/2024
PAGPAPATUPAD NG ASYNCHRONOUS CLASSES/ DISTANCE LEARNING MODALITY SA
LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKONG PAARALAN AT DISCRETIONARY PARA SA MGA UNIBERSIDAD/ KOLEHIYO AT MGA PRIBADONG PAARALAN
Sa pagsubaybay ng Pamahalaang Panlalawigan sa kalalagayan ng Heat Index, ito ay bumaba kumpara noong mga nakaraang araw na nasa danger status. Sa ngayon at sa mga susunod na araw, ang Lalawigan ay inaasahan na makararanas ng nasa 37 hanggang 40 degrees Celsius o kategoryang nasa "Extreme Caution" na lang
Kaugnay nito, upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga Bulakenyo, batay rin sa napagkasunduan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinapabatid ang mga sumusunod:
1. Itinatagubilin na ibalik ang pagpapatupad ng Asynchronous Classes/Distance Learning
Modality sa mababa at mataas na antas ng pampublikong paaralan;
2. Hinihikayat man ang pagpapatupad ng nasabing learning modality sa mga unibersidad kolehiyo at sa lahat ng antas ng pribadong paaralan lalo na sa mga walang mga sapat na air-condition o hindi malamig na silid paaralan, bagama't ito ay discretionary o nasa pagpapasya na ng kanilang pamunuan.
Ang mga nabanggit na tagubilin ay ipatutupad mula Mayo 13, 2024 at ipagpapatuloy hanggang maglabas ng panibagong direktiba patungkol sa learning modality. Ito ay upang
maipagpagpatuloy ng mga paaralan ang kanilang mga nakatakdang gawain ngunit mahigpit na pinapaalalahanan na tiyakin at bigyang prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral.
Muli, pinapaalalahanan ang lahat na sundin ang mga preventive measures upang maiwasan ang pagkakaroon ng suliranin sa kalusugan.
Mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Lalawigan o sa PDRRMC kung sakaling may malalaman na nangangailangan ng tulong ng ating pamahalaan. Itinatagubilin ang pagiging alerto at pag-ungat ng bawat isa.
Para sa inyong mahigpit na pagtalima.
DANIEL R. FERNANDO
Punong Lalawigan / PDRRMC Chairman
07/05/2024
Happy birthday Sir Felizardo P. Capule Jr. May God bless you with lots of blessings and bring you good luck on your birthday and every day!
From your DMSTMS Family
05/05/2024
May this week be a fresh start filled with new opportunities. Have a blessed Monday, Ka-DepEd! ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bulacan