SPCY LIBIS 2021

SPCY LIBIS 2021

Share

This is the official page of SPCY Libis

05/07/2023

Magandang araw sa lahat ng mga kabataan ng Barangay Libis!

Gusto naming ibahagi sa inyo ang isang kaganapan na siguradong magbibigay sa inyo ng pagkakataon na maging aktibo at makilahok sa mga gawain sa ating minamahal na Simbahan.

Ang TEAMBUILDING ay naglalayong palakasin ang ating samahan, palawakin ang ating kaalaman, at magbigay sa atin ng mga kasanayang kinakailangan upang maging epektibong lider kabataan ngayon at sa hinaharap. Tayo ay makapaglakbay ng sama-sama, magtulungan, at magkaroon ng malalim na ugnayan bilang mga kabataang Katoliko. Hindi lamang ito isang pagkakataon para sa atin na maging lider, kundi pati na rin upang maipakita natin ang ating dedikasyon at pagmamahal sa ating pananampalataya.

Ang gawaing ito ay bukas sa lahat ng kabataan mula edad 14 taong gulang pataas. Hindi kailangan ng anumang espesyal na karanasan o kakayahan para sumali. Ang importante ay ang inyong dedikasyon at kagustuhan na maging bahagi ng isang aktibong Komisyon na naglilingkod sa ating simbahan. Ito ay gaganapin sa paaralan ng Colegio de San Juan de Dios Inc., tapat ng ating Parokya.

Kaya't mga kabataan, Tara na at makilahok sa darating na ika-6 ng Agosto, sa ganap na ika-8 ng umaga, at maghanda para sa isang kahanga-hangang pagkakataon na maging aktibo at maging ganap na miyembro ng PCY.

Sa mga nais sumali, magsabi lamang po sa kahit na sinong miyembro ng SPCY Libis o mag message dito sa aming page. Ang inyong mensahe ay hihintayin lamang hanggang ika-21 ng Hulyo taong pangkasalukuyan.

"Halina at magsama-sama tayo upang magdala ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kapwa kabataan!"

Photos from SPCY LIBIS 2021's post 07/08/2022

"Block Rosary"

Taos pusong pasasalamat sa pamilya Valderama sa pagpapanatili ng Mahal na Birhen ng Fatima sa kanilang tahanan. Hanggang sa muling pagdalaw!✨

Photos from SPCY LIBIS 2021's post 06/08/2022

"BRIGADA ESKWELA 2022"

Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela ng SAN RAFAEL CENTRAL SCHOOL kasama ang mga kabataan ng Libis, Lico, at Poblacion!✨

Photos from SPCY LIBIS 2021's post 30/07/2022

"1st Block Rosary for the Year 2022"

Taos pusong pasasalamat sa pamilya Flores sa pagpapanatili ng Mahal na Birhen ng Fatima sa kanilang tahanan. Hanggang sa muling pagdalaw!✨

PS: Magbabalik na ang mga Kabataan ng Libis...

Photos from PCY San Rafael - Parokya ng San Juan de Dios's post 06/01/2022
16/12/2021

Misa de Gallo (2nd day)

12/17/2021 @ 4:30 am

Photos from SPCY LIBIS 2021's post 15/12/2021

☝️💛

Photos from SPCY LIBIS 2021's post 15/12/2021

Misa de Gallo

12/16/2021 @ 4:30 am

Photos from SPCY LIBIS 2021's post 15/12/2021

Simbang Gabi na!✨

12/15/2021 @ 7:00 pm

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Libis, San Rafael
Bulacan
3008