Nemsi
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Nemsi, Writer, Bohol.
21/12/2025
CARULOS IIII Coin 1791-1808:
Ang Carulos IIII ay baryang yari sa pilak na inisyu ng Espanya noong 1791 hanggang 1808. Ito rin ang ginamit na barya sa mga kolonya ng Espanya at sa pakikipagkalakal sa buong mundo kabilang sa Estados Unidos.
Sa Asya, ito ang baryang most circulated lalo na sa pakikipagkalakal sa China kung saan tinatakan ng chopmark ng bawat negosyante na nakakahawak nito para mapruyba na ang nasabing barya ay hindi peke at talagang yari sa pilak.
Sa ngayon, meron pa rin nito sa Pilipinas at kadalasay mga coin collectors ang may hawah nito. Ang 8R na nakalagay sa reverse side ng barya ay ibig sabihin 8 reales ang halaga nito I katumbas sa 8 US dollars sa panahong iyon.
09/12/2025
USPI Coins 1903-1912
Kung meron ka nito, pm mo ako..š„°
24/10/2025
Wonderful VIGAN CITY, World Heritage Site of the New 7 Wonders Cities of the World.
Celebrating my 4th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. šš¤š
23/09/2025
Pres. Sergio OsmeƱa, Sr. Birthplace:
Sa isang sulok na ito sa Cebu City ay isinilang ang ika-4 na presidente ng Pilipinas na si Sergio OsmeƱa, Sr. mula Oktubre 1944 hanggang Mayo 1946.
12/09/2025
Antique Bell Wheel:
Ang antigong bell wheel na ito ay isa lamang sa nakamamanghang mga bagay na naka-display sa loob ng Archdiocesan Museum of Cebu.
10/09/2025
Ang white cassock na ito ay ang isinuot ni Pope John Paul II noong siyay nagmisa para sa Holy Mass for Families noong Pebrero 19, 1981 sa Old Lahug Airport na ngayoy isa nang Cebu I.T. Park.
Naka-display ito sa loob ng Cathedral Museum of Cebu o Archdiocesan Museum of Cebu.
08/09/2025
Papal Chair 1981:
Ang espesyal at eleganteng upuan na ito na gawa sa kahoyng Narra ay ang upuan na ginamit ni Pope John Paul II nung idinaos niya ang Holy Mass for Families noong Pebrero 19, 1981 sa Old Lahug Airport sa Cebu na ngayoy isa nang Cebu I.T. Park.
Sa ngayon, makikita ang Papal Chair na ito na naka-display sa loob ng Archdiocesan Museum of Cebu.
05/09/2025
Lumang Kumpisalan:
Ang lumang kumpisalan na ito na gawa lahat sa kahoy ay makikita sa loob ng Archdiocesan Museum of Cebu.
Tinatayang nasa 100yrs old na o mahigit ito at seguradong libo-libo kung hindi man milyon-milyong kasalanan ang naisumbong sa pari na nasa loob nito noong unang panahon.š
02/09/2025
1905:
Alam mo ba na noong 1905, may mga inteliktwal na grupo at politikal na lider na gustong ang Pilipinas ay masakop sa gobyerno ng British Commonwealth? Ito ang nakikitang paraan ng ating mga sinaunang lider upang makamtan ang mas malawak na kalayaan, ngunit itoy kaagad ibinasura ng Estados Unidos.
02/09/2025
Antigong Chinese Ashtray:
Ang Chinese Ashtray na ito ay gawa sa pilak o silver kung saan may naka-inlay din na Chinese dollar silver coin.
Ginagawa ito noong early 20th century, partikular mula 1912 hanggang 1949 at ang silver coins na naka-embed ay nagpapakita mula kay Yuan Shikari (1916-1928) at Sun Yat-sen (1920s-1930s). Magamdang pang-koleksyon at minsan makikita sa mga subasta at online platforms tulad ng eBay.
29/08/2025
115-year old CompaƱa Maritima Ruins:
Ang abandonandong gusali sa aking likod ay ang CompaƱa Maritima o tinatawag din na Maritima Ruins sa Cebu City.
Ang gusaling ito na neoclassical architecture ang desinyo ay itinayo sa tabi ng daungan ng mga barko noong 1910 at sa umpisa ay pinangalanang Fernandez Building hango sa unang may-ari nito na Fernandez Hermanos, Inc. Nagsilbi din ito noong opisina ng Manila Steamship Company at nagiging Shamrock Hotel.
Paglipas ng maraming dekada, naabandona ang gusali dahilan na hindi na ito naaalagaan at unti-unting nilimot ng panahon. Nagiging dahilan din ito sa legal na labanan sa korte ng lokal na pamahalaan ng Cebu City at Philippine Ports Authority kung sino talaga sa dalawang sangay ng gobyerno ang nagmamay-ari nito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Culinary Team
Attire
Website
Address
Bohol