Baras Rural Development High School
Official Page of Our Beloved Alma Mater
05/12/2025
BALITANG PAMPAARALAN | Baras RDHS Math-Dokyu Team, Top 5 sa Regional Math Fair 2025
Nasungkit ng Math-Dokyu team ng Baras RDHS ang ikalimang puwesto sa Math Dokyu (Video Production of Best Numeracy Intervention Program/Project – Secondary) sa Regional Math Fair Year 5 na ginanap sa Sorsogon City noong Disyembre 4-6, 2025.
Kinatawan ng Baras RDHS ang lalawigan sa pangunguna ng mga g**o sa Matematika na sina Zoren I. Anonuevo, Ma. Teresa Camacho, Domingo Tayam, at John Charles Sabiano. May temang “Bikolanong Mathinik: Angat ang Galing” ang patimpalak na idinaos sa Sorsogon State University Laboratory High School sa pakikipag-ugnayan ng Department of Education Sorsogon City.
Ginanap sa SorSU College of Business and Management Building noong Disyembre 5 ang mga patimpalak sa iba’t ibang kategorya gaya ng Math Quiz, Math Dokyu, E-Modulo, Art Design, Math Device, Math Puzzles, at Math Games. Samantala, idinaos ang awarding ceremony noong Disyembre 6 sa Sorsogon Provincial Gymnasium.
Tinatayang 800 kalahok mula sa 13 Schools Division Offices sa buong Bicol ang lumahok sa taunang patimpalak, na naglalayong palakasin ang numeracy programs, magbigay-daan sa benchmarking ng mga paaralan, at ipakita ang husay ng mga mag-aaral at g**o sa larangan ng Matematika.
Sa nakalipas na limang taon, malinaw na naipamalas ng Baras RDHS Math-Dokyu team ang kanilang patuloy na kahusayan at dedikasyon sa larangan ng numeracy intervention.
Noong 2021, nakamit nila ang unang puwesto, na nagbukas ng kanilang pintuan upang ipamalas ang kanilang kakayahan at inobasyon sa paggawa ng Math Dokyu. Sinundan ito ng ikaapat na puwesto noong 2023, bagama’t bumaba sa naunang ranggo ito ay nagpakita ng kanilang patuloy na kompetitibong presensya sa rehiyon. Samantala, hindi naman sila nakadalo sa sumunod na taon dahil sa matinding bagyo, na nagdulot ng pansamantalang pagkaantala sa kanilang partisipasyon. Sa kanilang pagbabalik nitong 2025, muling nakabalik sa Top 5 na pinakamahusay na kalahok sa rehiyon ang pangkat matapos makuha ang ikalimang puwesto.
Dahil sa magandang ipinapakita ng pangkat sa dibisyon at rehiyonal na patimpalak ay hinikayat ni Juan S. Torreja ang mga kalahok na ipagpatuloy pa ang tagumpay sa tulong at suporta ng paaralan.
Para kay Ma. Teresa Camacho/Guro III sa Matematika ng Baras RDHS, na unang beses na nagsilbing video presenter, isang mahalagang personal na tagumpay ang panalong ito.
“Sobrang ogma. Grateful ta dae kami maparibod na maeng award. Hesitant ako dati na maging presenter pero maulag mag-motivate si Sir Z, and thankfully nagbunga ning alog kaining success,” ani niya.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Zoren I. Anonuevo, team head, sa suporta ng paaralan. Binigyan-diin din niya ang kahalagahan ng kolaborasyon at kooperasyon ng bawat isa sa tagumpay ng isang gawain.
“Nakipagbanggaan po ang Baras RDHS sa mas malalaking Division at City Division. This only shows that with collaboration and cooperation, we can really put our school at the pinnacle of excellence! Salamat sa lahat ng sumuporta, lalo na sa mga guwardiya na kaiba-iba mi pirmi sa pag-oovertime.”
Labindalawang (12) dibisyon ang naging katunggali ng paaralan sa kompetisyon ng Math-Dokyu sa rehiyonal na patimpalak. Kaya naman para sa pangkat, hindi magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang matatag na suporta ng paaralan at pamunuan.
Artikulo ni Mia Samantha Tanael
Larawan ni John Charles Sabiano
21/11/2025
𝗠𝗔𝗧𝗛𝗶𝘁𝗶𝗻𝗶𝗸 𝗻𝗮 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻𝘀
𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗦 𝗥𝗗𝗛𝗦, 𝗥𝗨𝗠𝗔𝗧𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 2025 𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗛 𝗙𝗔𝗜𝗥
Hindi nagpahuli ang mga mag-aaral ng STEM ng Baras RDHS matapos makapag-uwi ng sertipiko at puwesto sa 2025 Division Math Fair na ginanap nitong Nobyembre 21 sa Virac Pilot Elementary School.
Pinakamatingkad ang porma ng 𝗠𝗮𝘁𝗵 𝗣𝘂𝘇𝘇𝗹𝗲 𝗧𝗲𝗮𝗺 na bumuo ng 𝗣𝗶𝗰𝘁𝗮𝗴𝗼𝗻𝗶𝘇𝗲, na sina Ronan Sean Credo, Colin Jon Abichuela, Andrea Joyce Taniegra, Stephanie Terrobias, Jannah Carranza, Jamyca Azhea Magno at Demitri Tresvalles, nang masikwat nila ang 3𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲. Ilang araw na preparasyon ang pinuhunan ng grupo, katuwang ang tagasanay nilang si Gng. Myda Tubice.
Hindi rin nagpahuli ang dalawang pangkat mula sa STEM matapos sumalo ng 4𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 sa 𝗠𝗮𝘁𝗵 𝗚𝗮𝗺𝗲 na UNIquest at 𝗠𝗮𝘁𝗵 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗰𝗲 na FracStep.
Sa Math Game, binuo ito at ipinresenta nina Myla G. Abad, Lester Tayam, Edrian Oliman, Janna Juanillo, Juliana Abejero, at Ivy Grace Chavez, sa gabay ni Gng. Maribel Manibale.
Para naman sa Math Device, pinangunahan nina Eje Boy Seno, Princess Shaine Tesorero, Shanna Abaya, Armen Torrente, John Rodel Santillan, at Rhean Lee Valenzuela ang pagbuo sa kanilang awtput, kasama ang coach na si G. Alfred Tresvalles.
Sa Quiz Bee, tumapos din sa 7𝘁𝗵 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 si 𝗝𝗲𝘀𝗰𝗮 𝗕𝗮𝗷𝗮𝗿𝗼 para sa Grade 12 na kategorya.
Panibagong panalo na naman para sa Mathitinik na Ruralians. Pagbati sa lahat!
Panulat: Gerry Kaye Carranza
Mga Larawan: Zoren Anonuevo
Lapat at Disenyo: Eje Boy Seno
21/11/2025
𝗠𝗔𝗧𝗛𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗢
𝗕𝗔𝗥𝗔𝗦 𝗥𝗗𝗛𝗦, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗪𝗔𝗚𝗜; 𝗜𝗞𝗔-4 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗛 𝗗𝗢𝗞𝗬𝗨𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗧𝗨𝗟𝗢, 𝗦𝗜𝗡𝗘𝗟𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡
Muling pinatunayan ng Baras Rural Development High School (BRDHS) ang kanilang dominasyon matapos sungkitin ang 𝗶𝗸𝗮-4 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗽𝗲𝗼𝗻𝗮𝘁𝗼 sa Math Dokyu sa Division Math Fair 2025, na nagbibigay daan sa upang muli silang makaakyat sa rehiyonal na lebel ng patimpalak ngayong Disyembre 5, 2025 sa Sorsogon City.
Nagwagi ang BRDHS Math Dokyu Team sa kabila ng magkasunod na taon na hinarap ng paaralan ang pananalasa ng bagyo. Noong nakaraang taon, bunga nga bagyong Pepito, pansamantalang natigil ang pagsali ng paaralan sa patimpalak. Subalit sa pagbabalik ngayong taon- sa kabila ng panibagong bagyon si UWan- muling umangat ang produksyon at inobasyon ng grupo sa larangang pangnumerasiya.
Pinangunahan ang team ng Master Teacher II na si 𝗭𝗼𝗿𝗲𝗻 𝗜. 𝗔𝗻𝗼𝗻𝗻𝘂𝗲𝘃𝗼, kasama sina 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗦𝗮𝗯𝗶𝗮𝗻𝗼 (Video Editor), 𝗗𝗼𝗺𝗶𝗻𝗴𝗼 𝗧𝗮𝘆𝗮𝗺 (Miyembro), at 𝗠𝗮. 𝗧𝗲𝗿𝗲𝘀𝗮 𝗚. 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗰𝗵𝗼 (Member/Video Presenter).
Hindi lamang kampeonato ang naiuwi dahil kinilala rin si 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗰𝗵𝗼 bilang 1𝘀𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 𝗩𝗶𝗱𝗲𝗼 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿/𝗡𝗮𝗿𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, sa kauna-unahang pagkakataon niyang gumanap sa papel na ito.
“Super saya. Worth it lahat ng overtime dahil kailangang isabay ang pagtuturo habang isinisingit ang pagvivideo at voice recording,” ani Camacho, na hindi maitago ang tuwa matapos masungkit ang panalo.
Para kay Anonuevo, ang panalong ito ay magsisilbing panibagong alab ng buong departamento upang patuloy na pag-ibayuhin ang pagpapalakas ng pagtuturo sa matematika at ang pagtatamo ng kasanayan ng mga mag-aaral sa Baras RDHS sa larangan ng Matematika.
“Nakakatuwa dahil nakabalik kami sa Math Dokyu,” aniya. “Panibagong alab ito para sa aming lahat.”
Nagpaabot din ng suporta ang punongg**o na si 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝗦. 𝗧𝗼𝗿𝗿𝗲𝗷𝗮, na nagbigay-diin sa patuloy na kontribusyon ng Math Dokyu Team sa pagpapalakas ng numerikal na kasanayan ng mga mag-aaral ng BRDHS.
Susunod na haharap ang grupo sa 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗮𝘁𝗵 𝗙𝗮𝗶𝗿 sa 𝗦𝗼𝗿𝘀𝗼𝗴𝗼𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 sa 𝗗𝗶𝘀𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 5, 2025, dala ang layuning maipamalas ang kanilang panibagong dokumentaryo sa rehiyon.
Panulat: Gerry Kaye Carranza
Mga Larawan: Zoren Anonuevo
Lapat at Disenyo: Eje Boy Seno
16/10/2025
🎙️✨ Let Words Work Their Magic! ✨📚
Unleash your voice, your vibe, your victory! 🏆
From speeches that soar to poems that roar, from quiz bees that buzz to songs that shine — it’s your time to express, impress, and inspire! 💫
📸 Check each photo for contest guidelines, mechanics, and criteria.
💥 Don’t just watch — join the fun and let your talent take the spotlight! 🌟
02/10/2025
𝙈𝙖𝙮 '𝙝𝙚𝙧𝙤𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙧𝙤’ 𝙠𝙖 𝙗𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙨 𝙍𝘿𝙃𝙎? 𝙎𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙜𝙪𝙧𝙤 𝙣𝙜 𝙍𝙪𝙧𝙖𝙡, 𝙨𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙢𝙪𝙗𝙤𝙜 𝙨𝙖 𝙞𝙮𝙤 𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙞𝙡𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙣𝙙𝙖𝙨?
Ngayong Teacher's Day, oras na para bigyan sila ng taos-pusong pasasalamat!
Hinihikayat ka naming ibahagi ang iyong mensahe sa comment section sa pamamagitan ng paglahad kung:
📌𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘬𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘶𝘭𝘮𝘢 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭?
📌 𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘮𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘣𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘥𝘪𝘣𝘪𝘥𝘸𝘢𝘭 𝘯𝘨𝘢𝘶𝘰𝘯?
Sa likod ng pagod at hirap na dala ng pagiging g**o, ang iyong simpleng repleksyon at taos-pusong feedback ang pinakamabigat na gantimpala at lakas na makukuha nila.
Salamat sa inyong pagbabahagi at pagpapadama ng pagmamahal sa ating mga g**o! ❤️
07/07/2025
07/07/2025
07/07/2025
𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 to our new principal! Sir 𝐉𝐮𝐚𝐧 𝐒. 𝐓𝐨𝐫𝐫𝐞𝐣𝐚.
He presented his goals for every student as 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐒 𝐑𝐃𝐇𝐒 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 under his leadership.
𝐁 – Brave & Bold
𝐀 – Active & Alert
𝐑 – Responsible & Reliable
𝐀 – Accepts & Accommodate
𝐒 – Safe & Secure
𝐑 – Reflects & Radiates
𝐃 – Diverse & Dependable
𝐇 – Holy & Helpful
𝐒 – Successful & Supportive
𝐏 – People
𝐑– Respectful & Resilient
𝐈 – Integrity
𝐃 – Dignity
𝐄 – Excellence
"A Grateful Farewell 💐👋"
Today, we bid a warm farewell and extend our deepest gratitude to our beloved Principal II Ma'am Lyra Tusi and Head Teacher I Sir Nicanor Buendia as they embark on a new chapter in their professional journey. Your leadership, guidance, and unwavering dedication have left a lasting impact on our school community.
Thank you for inspiring both teachers and students to strive for excellence. Your legacy will continue to live on in every lesson taught, every goal achieved, and every young mind you’ve helped shape.
Wishing you continued success, joy, and fulfillment in your new schools. You will always be a cherished part of our Baras RDHS family.
Padayon, Ma’am/Sir! 🫶✨
03/07/2025
🎉✨ Congratulations, Iskolar ng Agham! ✨🎉
We proudly celebrate our very own Jovelyn Lopez Tayam and Ma. Eloisa Mae Solo Tubice for qualifying as 2025–2026 DOST-SEI Undergraduate Scholars! 🧠🔬
Your hard work, dedication, and passion for science and technology have truly paid off. You are an inspiration to the entire Baras RDHS community! 💙💛
Continue to shine and reach greater heights in your journey as future scientists and innovators! 🚀👩🔬👩🎓
Paalala po bukas (June 13, 2025) para sa gagawing Parents' Orientation sa ganap na 8:00 ng Umaga sa Baras RDHS Multi- Purpose Hall ito'y paghahanda sa pagbubukas ng SY. 2025 - 2026 sa darating na June 16, 2025.
11/06/2025
Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon ng sambayanan sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.
Nawa'y mamayani sa puso’t isipan ng bawat isa ang halaga ng kalayaan at pagkakaisa para sa isang mas maunlad na bansa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Baras
4803
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |