Sipi
Mga kaisipan na nagbibigay ng kahulugan upang tangkain na gisingin ang damdaming makabayan.
07/11/2022
S i p i
06/11/2022
Sinong mag-aakala na sa kanyang mababang edad ay itinalaga siya bilang Punong Heneral ng Republika ng Pilipinas. Matapang, malakas, matikas, at malapitin sa mga kababaehan. Ilan lamang sa mga katangian ng batang heneral na tampok sa pangalang “Goyo”.
Sa kanyang kabataan, ay hindi lamang siya nakipagsabayan sa pakikipagdigma laban sa katihan ng mga Amerikano, kundi hinimok niya maging ang puso ng mga kadalagahang Pilipina.
Totoong wala sa edad, katangian, kalagayan, o estado sa buhay ang katungkulan. Sapagkat puso ang sukatan upang ganap na makapaglingkod sa bayan.
05/11/2022
S I P I
04/11/2022
Sa puntong ito ay talos ng aking puso kung bakit inihandog ng ating magigiting na mga bayani ang kanilang buhay para sa inang bayan.
04/11/2022
Ganito ka parin ba?
Sa tuwing may problema alak ang parausan?
Ang paglalasing sa alak ay hindi solusyon, datapwa’t nagkapagpapababa pa yan ng dignidad ng tao, lalong malulugmok ka lang sa iyong pinagdaraanan.
03/11/2022
Namnamin natin ang sinipi mula sa kanyang akda na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Si Andres ay maituturing na nasa duyan ng mga magigiting na bayani. Napakadakila ng kanyang pagmamahal, sapagkat hindi lamang siya nagtiis ng hirap, panganib, alipusta, kundi higit sa lahat ay inialay nya ang kanyang buhay para sa bayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Iloilo
Banate
5011