Immaculate Conception Parish - Puerto Rivas
The Roman Catholic Diocese of Balanga
Immaculate Conception Parish
Pto. Rivas Ibaba, Balanga, Bataan
22/02/2026
๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐บ๐ฎ โ๏ธ
Isang taimtim at makabuluhang pagdiriwang ng Unang Linggo ng Kuwaresma. Maraming salamat kay ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ sa taos-pusong paglilingkod sa Misa na pinangunahan ni ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐ฟ. ๐ฆ๐๐น๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ฎ. ๐๐ฎ๐, ๐ ๐ ๐๐.
Hangad po namin ang patuloy ninyong paggabay at tapat na pagtugon sa tawag ng inyong bokasyon, nawaโy lalo pa kayong patatagin at pagpalain ng Panginoon sa inyong misyon at paglilingkod sa Kanyang Sambayanan. Kayo po ay patuloy naming ipinapanalangin dito sa Immaculate Conception Parish, Pto Rivas Ibaba.
22/02/2026
๐ง๐ผ๐ด๐ฒ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐ถ๐๐ต: ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฒ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฅ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ฎ๐น โ๏ธ
Noong ika-21 ng Pebrero 2026, matagumpay na idinaos ang ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ng ๐๐บ๐บ๐ฎ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐๐ผ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฝ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ต, na nilahukan ng ibaโt ibang ministeryo ng parokya. Ang recollection ay pinangunahan ni ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ, na nagbahagi ng makabuluhang pagninilay at paggabay para sa lahat ng dumalo.
Sa temang โ๐๐ค๐๐๐ฉ๐๐๐ง ๐๐ฃ ๐๐๐๐ฉ๐: ๐ผ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ ๐
๐ค๐ช๐ง๐ฃ๐๐ฎ ๐ค๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฌ๐๐ก" sama-sama tayong nagtipon upang magnilay, manalangin, at higit na mapalalim ang ating pananampalataya bilang isang nagkakaisang sambayanan ng Diyos.
Nawaโy magsilbi itong paanyaya sa patuloy na ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด-๐น๐ผ๐ผ๐ฏ at mas ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐ฑ sa Panginoon ngayong panahon ng Kuwaresma.
21/02/2026
๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ โ๏ธ
Come and join us as we gather this February 21, 2026 for our Lenten Recollection with the theme, โ๐ง๐ผ๐ด๐ฒ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐ถ๐๐ต: ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ป ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฒ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฅ๐ฒ๐ป๐ฒ๐๐ฎ๐น.โ
Let us take this sacred time to pause, reflect, and deepen our relationship with God as we journey together in faith and spiritual renewal. This meaningful recollection will be guided by ๐ฅ๐ฒ๐. ๐๐๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ, who will lead us in prayer, reflection, and inspiration as we prepare our hearts during this Lenten season.
5:30 pm - Holy Mass
6:30 pm - Lenten Recollection
21/02/2026
๐๐๐ต ๐ช๐ฒ๐ฑ๐ป๐ฒ๐๐ฑ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐๐ โ๏ธ
Isang taimtim at puspos ng biyayang pagdiriwang sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma. Isang paanyaya sa ating lahat na ๐ข๐๐๐จ๐๐จ๐, ๐ข๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฎ, at ๐ข๐๐ฃ๐ช๐ข๐๐๐ก๐๐ sa Panginoon nang may kababaang-loob at pananampalataya.
Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Raphael Babano, MMHC noong ika-18 ng Pebrero 2026.
17/02/2026
SUNOG SALA
Pagkatapos ng misa ay pinangunahan ni Reb. Pd. Sylvester ang pagsasaabo ng mga natuyong palaspas na ginamit noong nakaraang taon.
Simbulo ito ng pagsusunog at pagsisisi din ng ating mga kasalanan. Ang mga naisaabong palaspas ang siyang gagamitin bukas, para sa Miyerkules ng Abo, simula ng panahon ng Kuwaresma.
Ang ating pong Banal na Misa Bukas ay sa ganap na ika- 6 ng umaga at 6 ng Gabi
17/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
Sa pagpasok ng banal na panahon ng Kuwaresma, tayo ay inaanyayahang magnilay, magsisi, at magbalik-loob sa Panginoon. Sa darating na Miyerkules ng Abo, Pebrero 18, 2026, sama-sama nating gunitain ang simula ng apatnapung araw ng paghahanda sa Dakilang Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pag-aayuno, abstinensiya, at taimtim na pananalangin.
Nawaโy ang pagtanggap natin ng abo ay magsilbing paalala ng ating pagpapakumbaba at patuloy na pagbabalik sa Diyos na pinagmumulan ng awa at biyaya.
16/02/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Sa diwa ng taimtim na paghahanda para sa Panahon ng Kuwaresma, malugod naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang ng Sunog Sala o pagsusunog ng mga lumang palaspas.
Ito ay gaganapin sa ika-17 ng Pebrero 2026 (Martes) pagkatapos ng Banal na Misa na gaganapin ng alas-5:30 ng hapon. Ang pagsusunog ng mga palaspas ay isasagawa sa patyo ng simbahan bilang paghahanda sa paggunita ng Miyerkules ng Abo.
Nawaโy magsilbi itong paanyaya sa bawat isa na magnilay, magsisi, at higit na mapalalim ang ating pananampalataya.
02/02/2026
๐๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ต๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐ก๐๐ฒ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ฆ๐ฒรฑ๐ผ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ป๐บ๐ฎ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฝ๐ฐ๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ผ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ญ๐ฌ๐๐ต ๐ ๐ผ๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Parokya ng Nuestra Seรฑora de la Inmaculada Concepcion ng Puerto Rivas sa matagumpay na paglahok sa ๐ญ๐ฌ๐๐ต ๐ ๐ผ๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป, kasama ang ibaโt ibang titulo ng Mahal na Birhen Maria.
Lubos din ang aming pasasalamat sa mga ministeryong nakiisa at buong pusong naglingkod, lalo na ang ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐๐ฎ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ๐, ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ต ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐ ๐ถ๐ป๐ถ๐๐๐ฟ๐, ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐บ๐บ๐ฎ๐ฐ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ, at ang ๐ข๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ ๐ฑ๐ฒ ๐น๐ฎ ๐ฉ๐ถ๐ฟ๐ด๐ฒ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ. Ang inyong dedikasyon at pagkakaisa ay patunay ng ating buhay na pananampalataya at taos-pusong debosyon sa Mahal na Ina.
๐๐๐ฌ๐โ๐ฎ ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐ง๐๐๐ฃ ๐๐๐ง๐๐. ๐ค๐๐ป
30/01/2026
Malugod naming inaanyayahan ang lahat na maging saksi sa Pagdalaw at Paglibot ng ating Mahal na Patrona, Nuestra Seรฑora de la Inmaculada Concepciรณn, bilang pakikiisa sa banal na paglalakbay patungo sa Our Lady of the Pillar Parish, Morong, Bataan, upang ipagdiwang ang pananampalataya at maghatid ng masaganang biyaya sa sambayanan.
Isasagawa ang Banal na Misa sa Araw ng Linggo, ika-1 ng Pebrero, ganap na alas-2:00 ng hapon, na pangungunahan ng Lubhang Kagalang-galang na si Obispo Jun Sescon ng Diyosesis ng Balanga. Ito ay susundan ng Maringal na Prusisyon sa ganap na alas-4:00 ng hapon bilang bahagi ng pagdiriwang.
Inaanyayahan ang bawat isa na makibahagi sa banal na gawaing ito at samahan ang sagradong imahen ng ating Patrona sa 10th Morong Marian Procession, bilang pagpapahayag ng ating debosyon, pagkakaisa, at taos-pusong pananampalataya.
Viva la Virgen!
31/12/2025
December 31
๐ฏ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐
๐๐
Rev. Fr. Sylvester Robert James Ma. V. Bay, MMHC
MMHC- Bataan
30/12/2025
Sa diwa ng pananampalataya at pasasalamat, buong galak naming ipinagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng hinirang ng Poong Maykapal upang maging Ina ng ating Tagapagligtas. Sa pagtatapos ng lumang taon at pagsalubong sa bagong yugto ng biyaya, tayoโy nagtitipon upang ialay ang Banal na Misa sa Bisperas ng Bagong Taon at ang mga Misa sa araw ng kapistahan bilang pasasalamat at pagtitiwala sa patnubay ng Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Ina.
Nawaโy sa kanyang mapagkalingang pag-ibig at pananalangin, ang bawat pamilya at pamayanan ay patuloy na pagpalain ng kapayapaan, pag-asa, at wagas na pananampalataya sa darating na taon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Website
Address
J. P. Rizal Street Puerto Rivas Ibaba
Balanga
2100