Atbp
Let's travel the Philippines!
02/03/2025
Nagdiwang si Bianca Umali ng kanyang ika-25 na kaarawan, at hindi pinalampas ng matalik niyang kaibigan na si Barbie Forteza ang pagkakataon na batiin siya.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso Primetime Princess ang isang litrato nila ni Bianca at ipinahayag kung gaano niya hinahangaan ang Sang’gre star.
“I admire you as a person and you inspire me to be beautiful inside and out. Ang ganda mo teh at napakabuti mong tao,” ani Barbie.
Dagdag pa niya, “Always here cheering for you. I love you.”
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Bianca sa kanyang sagot sa post ni Barbie.
“MAHAL NA MAHAL KITA. [A]lam kong alam mo yun, neng,” tugon ni Bianca.
Kabilang ang pagkakaibigan nina Barbie at Bianca sa mga hinahangaan sa industriya.
Madalas ibahagi ng dalawang Sparkle stars ang kanilang bonding moments sa kani-kanilang social media accounts.
Noong Pebrero ngayong taon, nag-upload si Bianca ng isang artsy mirror selfie nila ni Barbie.
“[K]ami lang to,” caption ni Bianca sa kanyang Instagram post.
Sinagot naman ito ni Barbie ng, “Love you po!”
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Bacoor