Mayor Allan "AR" Roldan
Municipal Mayor of Baco, Oriental Mindoro
14/06/2026
𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗔𝗘𝗦/𝗙𝗛𝗠𝗦 𝗔𝗧 𝟴𝟱: 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞-𝗧𝗔𝗡𝗔𝗪 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔
Aktibong nakiisa si Mayor Allan A. Roldan sa pagdiriwang ng "Balik AES/FHMS at 85 Years", isang makabuluhang pagtitipon na muling nagbuklod sa iba't ibang batch ng mga alumni ng Felix Hernandez Memorial School (dating Alag Elementary School), Hunyo 13, 2026.
Bilang alumnus ng Batch 1980 at bilang Punong Bayan ng Baco, kinilala ni Mayor Roldan ang tagumpay ng paaralan sa paghubog ng mga mamamayang naging matagumpay sa kani-kanilang larangan, kabilang ang marami na patuloy na naglilingkod sa Bayan ng Baco.
Sa pagtatapos ng kaniyang talumpati, iginawad naman sa kaniya ang Sertipiko ng Pasasalamat at Pagkilala ng paaralan bilang Gawad ALAGang AES/FHMS Lingkod-Bayan Awardee.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa lahat ng alumni na dumalo, at sa mga taong nasa likod ng matagumpay na pagdaraos ng programa na nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki bilang bahagi ng FHMS.
12/06/2026
"𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻" — 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗥𝗼𝗹𝗱𝗮𝗻 🇵🇭
Sa pagdiriwang ng Pamahalaang Lokal ng Baco sa ika-128 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas, naging sentro ng pagtitipon ang panawagan ni Mayor Allan Roldan tungkol sa paglaya patungong kaunlaran para sa bawat mamamayan at lalong higit para sa bayan, Hunyo 12, 2026.
Ayon sa alkalde, ang pinakamalaking laban ngayon ay ang tuluyang pagkalas sa tanikala ng stagnasyon at kahirapan upang ihatid ang Baco sa mas masiglang ekonomiya at mas matatag na serbisyo publiko.
Samantala, nag-iwan din ng isang makabuluhang mensahe si Vice Mayor Eric Castillo patungkol sa kalayaang tinatamasa ng bawat isa sa kasalukuyan.
Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga nasipagdalo gaya ng buong lakas ng Sangguniang Bayan, Department Heads, mga kawani, National Agencies, Knights of Columbus, at Reserve Army.
11/06/2026
𝗜𝗞𝗔-𝟭𝟮𝟴 𝗧𝗔𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗥𝗜𝗡𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 🇵🇭
Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.
Sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan, ating pahalagahan ang diwa ng kalayaan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy tayong magkaisa para sa pag-unlad ng ating bansa. Mabuhay ang Pilipinas!
11/06/2026
𝟯-𝗗𝗔𝗬 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗔𝗖𝗢, 𝗦𝗜𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦; 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗥𝗢𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚-𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 🩺
Pormal na nagsagawa ng courtesy call ang Lubbock Texas Medical Mission Team kay Mayor Allan A. Roldan bilang paghahanda sa kanilang ilulunsad na 3-Day Medical Mission na magsisimula bukas, Hunyo 12, 2026, na gaganapin sa Barangay Bayanan, Baco.
Layunin ng misyong ito na maghatid ng libreng serbisyong medikal at pangkalusugan para sa mga residente ng nasabing barangay at mga karatig-lugar.
Bilang paunanang pasasalamat, ginawaran ng foreign medical team ng isang 'Plaque of Recognition' si Mayor Roldan para sa buong Local Government Unit (LGU) ng Baco. Ito ay bilang pagkilala sa walang-sawang pagsuporta ng alkalde at ng lokal na pamahalaan sa mga ganitong uri ng makataong proyekto na direktang nagbibigay-pakinabang sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan.
Malugod namang tinanggap ng ating alkalde ang pagkilala at tiniyak ang buong suporta ng LGU Baco upang masiguro ang maayos, ligtas, at matagumpay na operasyon ng 3-day medical mission para sa ating mga kababayan.
11/06/2026
| 𝗕𝗔𝗖𝗢 𝗠𝗗𝗖, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗗𝗔𝗣𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟳 𝗔𝗧 𝗦𝗜𝗣 𝗡𝗢. 𝟬𝟭-𝟮𝟬𝟮𝟲
Nagtipon ang Municipal Development Council (MDC) ng Baco para sa isang mahalagang pagpupulong upang talakayin ang mga plano sa pag-unlad at badyet ng bayan sa direktiba at pakikiisa ni Municipal Mayor/ MDC Chairman Allan A. Roldan, ABC Building, Hunyo 9, 2026.
Ayon sa agenda ng kapulungan, inilatag ng mga lokal na opisyal ang Accomplishment Reports mula 2025 hanggang Mayo 2026, kasabay ng GAD Plan & Budget at MDRRM AIP para sa taong 2027.
Pangunahing naging paksa sa sesyon ang pagpapakita ng Municipal Annual Investment Program (MAIP) 2027 at Supplemental Investment Program (SIP) No. 01-2026.
Matapos ang isang open forum, naghain ng mosyon ang mga miyembro ng MDC upang pormal na i-endorso ang mga nasabing programa sa Sangguniang Bayan para sa huling pag-apruba.
10/06/2026
𝗦𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗟𝗠𝗣-𝗢𝗠𝗖 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗡𝗮𝘂𝗷𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗻 𝗔. 𝗥𝗼𝗹𝗱𝗮𝗻, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘂𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘂𝘀𝗮𝗽𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗟𝗧𝗢
Aktibong nakiisa at dumalo si Mayor Allan A. Roldan sa pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Oriental Mindoro Chapter na kung saan tinalakay ang iba't ibang usapin at katanungan kaugnay ng mga serbisyo at programa ng Land Transportation Office- MIMAROPA, kahapon.
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa publiko, layunin nitong higit pang palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya at lokal na pamahalaan upang matugunan ang mga umiiral na isyu at masiguro ang mas maayos, mabilis, at epektibong serbisyo para sa kapakinabangan ng mamamayan.
𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗢𝗨𝗥𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗢, 𝗨𝗡𝗧𝗜-𝗨𝗡𝗧𝗜 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡 💧
Kaninang umaga, bago magtungo sa tanggapan, muling personal na ininspeksyon ni Mayor Allan A. Roldan, kasama si Engr. Rienjell Magsino-Lontoc, ang isinasagawang pagsasaayos sa bagong natural water source na matatagpuan sa Barangay Bayanan, Baco.
Unti-unti nang naisasakatuparan ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng mga mamamayan at bilang isa sa mga pangmatagalang hakbang ng Lokal na Pamahalaan upang makatulong sa pagtugon sa kakulangan ng suplay ng tubig sa kabayanan.
08/06/2026
Isang karangalan po na ika’y aking makadaupang palad at makasama, Rev. Fr. Michael Sambrano Ilao! ⛪️
[ Ordination and Presbyters of Rev. Fr. Michael Sambrano Ilao at San Pedro Calungsod Mission Area, Katuwiran 2, Baco ]
08/06/2026
𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠 𝗔𝗜𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟳, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖 𝗕𝗔𝗖𝗢 🚨
Nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa Tanggapan ng Punong Bayan upang talakayin ang MDRRM Annual Investment Plan (AIP) 2027, na nakatutok sa pagpapatibay ng mga lokal na programa sa kahandaan at kaligtasan sa pamahon ng sakuna, Hunyo 08, 2026.
Sa direktiba ni Mayor Allan A. Roldan (MDRRMC Chairperson), pinangunahan ni MDRRMU-OIC Kristine Lile Escueta ang paglalahad ng mga proyekto at programang pangkaligtasan para sa susunod na taon.
Kaugnay nito, nakiisa sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya at kagawaran gayundin sina Committee Chairperson on Disaster Preparedness/ Konsehal Marciano Ical, at ilang miyembro ng Sangguniang Bayan tulad ni Konsehal Jay Lorence Najito sa pamumuno ni Vice Mayor Eric Castillo (MDRRMC Vice Chairperson).
Ang pagtitipon ay bahagi ng nagkakaisang hakbang ng lokal na pamahalaan upang patuloy na mapatibay ang mga programa para sa kapakanang pangkaligtasan ng ating mga kababayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Baco